Chapter 182 - Bitter

Aliyah's Point of View

" So how's your Christmas vacation in Boracay Liyah?" tanong ni Savannah sa akin habang naglalakad papasok sa front door ng mansion nila. Naiwan na kaming dalawa dahil  yung apat na kaibigan namin nauna ng pumasok sa loob ng bahay . She invited us in their mansion for lunch dahil nagpaluto daw sya ng favorite naming lahat kaya naman yung apat nauna pang pumasok ng bahay kaysa sa may-ari.

" Sobrang saya Sav. And I have some pasalubong nga pala here in my bag for all of you." sagot ko sa kanya nung nasa loob na kami.

" Galing ka rin ng Boracay, Aliyah?" napabaling kami pareho ni Sav sa nagsalita. And there we saw Greta sitting on the couch.

Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para sagutin ang tanong nya ng maunahan ako ni Sav.

" Oh hi there ate Greta! Yeah she's with her super hot and super handsome boyfriend." she's giggling like a kid. Kilala na kasi nila si Onemig, pinakilala ko sya sa kanila nung isang weekend na lumuwas sya. Lumabas kaming lahat na magbabarkada non kasama siya at si Harry. Yun na rin yung time na nagkausap si Onemig at si Harry para magkaliwanagan.

" Oh really Aliyah? That's nice. I've been there too with my family. Sayang hindi tayo nagkita. " wika ni Greta.

Sasagot na sana ako nang magpaalam si Sav na pupunta na ng dining room, sinabihan akong sumunod na dahil naghihintay na roon sina Geneva. Hinarap ko muna si Greta.

" Talaga? Ilang araw lang din kami kasi bago ang New Years eve kailangan nasa bahay na ako."

" I see.Buti pinayagan ka ng parents mo na boyfriend mo lang ang kasama mo?" tanong pa ni Greta.

" No, don't get me wrong. We were with his parents kaya pumayag ang daddy ko. And besides, they trust Onemig so much." sagot ko na parang nagpagulat pa sa kanya.

" Onemig? You mean, Juan Miguel Arceo?" naniniguradong tanong nya.

" Yeah, I thought you're friends with him kasi kaibigan mo rin sila Jake at Gilbert,right?"

" Ah,o-oo, w-we're friends but I never thought na sya yung b-boyfriend m-mo. Hindi kasi si Onemig  yung tipo ng guy na--uhmm---- no offense kay Onemig, he's always into a no label relationship kasi kaya medyo nagulat lang ako na he is someone's boyfriend now. " medyo nag-stutter pa sya habang nagsasalita at medyo garalgal yung tinig nya.

" Yeah, nasabi na nga nya sa akin yan. I'm his first official girlfriend, ang kauna-unahang niligawan nya pero kahit ganon alam ko namang hindi ako ang first nya sa ibang bagay. Naintindihan ko naman yon, ang importante lang ay yung kung ano ang meron kami ngayon." tumango lang sya at napansin ko na parang may galit na mabilis na dumaan sa mga mata nya na agad napalitan ng lungkot kahit nung ngitian nya ako.

At heto na naman yung kakaibang feeling na naramdaman ko nung una ko syang makilala. Yung may konting kaba akong nararamdaman kapag kausap ko sya. At para saan yung nabasa kong galit sa mga mata nya kanina? Hindi ko alam kung saan galing yon pero ini-ignore ko na lang.

" Niligawan ka nya? Wow! That's new." bulalas nya. Medyo na-offend naman ako. Mukha bang hindi ako yung tipong liligawan? Ipinagkibit-balikat ko na lamang yon. Siguro talagang hindi lang sya maka-paniwala na ganun si Onemig, out of character, kumbaga. Kahit na-offend ako ng very,very light eh proud naman ako na niligawan ako ni Onemig.

Naisip ko na baka isa itong si Greta na umasa kay Onemig kaya medyo uma-ampalaya sya sa nalaman nya ngayon sa akin.Tss. Bahala nga sya. It's none of my business.

" Liyah, come on, lunch is ready." pagtawag ni Sav sa akin mula sa kusina.

" Sige Greta, maiwan na muna kita. Pababa na siguro si ate Sabina." paalam ko sa kanya. Tumango lang sya at hindi nakaligtas sa akin yung bahagyang pag-ismid nya na agad din naman nyang binawi at pinalitan ng ngiti na alam kong kulang sa sinseridad. Ipinag-walang bahala ko na lang yun at nag-martsa na papunta sa dining room sa mga naghihintay kong kaibigan.

Kung ano man ang saloobin ni Greta sa akin sa nalaman nya tungkol sa amin ni Onemig, it's really none of my business. Siguro magandang tanungin ko na lang si Onemig, baka isa nga itong si Greta na humo-hopia sa kanya.

Haay Aliyah, nag-boyfriend ka kasi ng sobrang gwapo at hot hayan tuloy---

Iwinaksi ko na lang sa isipan ko si Greta at itinuon ko na lang ang buong pansin ko sa pagkain at sa mga kaibigan ko. Hindi ko na siguro problema kung sakali ngang medyo uma-ampalaya sya sa nalaman nya. It's not my intention if she's hurting.Loving Onemig---even when it's scary or even when there are consequences---is never the wrong thing to do. Gayunpaman, hindi ko na kasalanan kung sakaling nasaktan si Greta kung ano man ang naging connection nya kay Onemig noon, o kung meron man. Nagmamahal lang din ako at walang mali dun.

DAYS passed at sa mga araw na yun na lumipas, napansin ko na naging iba na nga ang trato ni Greta sa akin. Kung dati matamis ang ngiti nya sa akin kapag nagkikita kami kila ate Sabina or kahit dito sa school, ngayon iba na yung klase ng ngiti nya. Yung parang sa mga telenovela na tipong ngingitian ka pero may hindi magandang binabalak. Ngiting kontrabida ba. Kaya lalong nakumpirma ang hinala ko na may naging something sila ni Onemig noon. Hindi ko naman natatanong pa kay Onemig, feeling ko kasi wala namang kinalaman na yung mga past na yan sa kung ano ang meron kami ngayon.

Hindi rin magandang pag-usapan pa. Baka nga wala naman talaga kay Onemig at itong si Greta lang ang nagmamapait. And besides, wala pa namang ginagawang kakaiba sa akin si Greta bukod dun sa ngiting plastic nya.

Haay ewan. Bakit ko ba iniintindi yung babaeng yun? Kung gusto nyang ngumiti ng plastic eh di hayaan ko sya, hindi ko naman ikaka-pangit kung hindi nya ako ngitian ng tunay.

" Hey Liyah, what's with you and ate Greta?" tanong ni Sav sa akin minsang vacant period namin. Nasa gym kaming tatlo nila Gen at nanonood ng basketball practice nung tatlong boys.

Nangunot ang noo kong napatingin sa kanya.

" What do you mean sis?" nagtatakang tanong ko. Napatingin na rin si Gen sa amin.

" Wala napansin ko lang nung  nakasalubong natin sya sa corridor kanina, iba yung ngiti nya sayo kaysa sa amin, parang napansin kong umismid sya sayo. Hindi ko alam kung ako lang ba o ano." turan ni Sav.

So, napansin din pala nya.

" Yeah, I noticed that also.Kaya nga medyo nagtaka ako kasi di ba close ka naman sa kanya sis dahil magkababayan kayo?" wika naman ni Gen.

Tumingin ako sa kanilang dalawa and heaved a very deep sigh.

" Mga sis hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa inyo ito. This past few days napansin ko rin na indiffent si Greta sa akin. Not the usual Greta I've met months ago.It all started nung malaman nyang si Onemig ang boyfriend ko."

" What?!" sabay pa nilang bulalas.

" Remember nung nag-lunch tayo sa inyo Sav nung Monday tapos nandun sya? Nag-usap kami tungkol dun sa vacation namin sa Boracay. Then dun nya nalaman na boyfriend ko si Onemig. Biglang nag-iba yung timpla nya nun pero hindi ko pinansin then after that pag nagkikita kami iba na yung ngiti nya parang plastic na. Kahapon nung nandun tayo sa inyo  tapos nasalubong natin sila, ni-deadma nya ako and then kanina nga nung nasalubong natin sya napansin ko rin yung napansin nyo sa kanya."

" Hindi kaya may past sila ni Onemig kaya ganon sya sayo?" tanong ni Gen.

" So what naman kung meron? Passes na ba yun para ganunin nya si Liyah? Hindi kasalanan ni Liyah na naging girlfriend sya ni Onemig." naiinis na turan naman ni Sav.

" I don't know kung may past sila. Ang alam ko walang label ang lahat ng napaugnay kay Onemig. I'm his first and official girlfriend na kilala sa bahay nila. And my point is, bakit kailangan kong pagtiisan ang pagiging indifferent ni Greta sa akin ngayon? Kung sakali mang isa sya dun sa mga naging babae ni Onemig noon, kasalanan ko ba kung ako ang pinili ni Onemig ngayon? "

" Tama ka dyan sis. Pero nasabi mo na ba kay Onemig yan? Tanungin mo kaya sya kung may past nga ba sila nyang si Greta." suhestiyon ni Gen.

" Alam nyo mga sis, simula nung maging kami ni Onemig, hindi kami nag-uusap tungkol sa mga past nya. Feeling ko kasi hindi magandang topic yon. Oo, nasabi nya na may mga babaeng na-ugnay sa kanya pero walang naging seryoso dun. Hanggang dun lang ang alam ko kasi tingin ko hindi naman magandang ungkatin ko pa sa kanya kung sino-sino yun at kung ano-ano yung mga pinaggagawa nila."

" Yeah right. Birthday mo na bukas at darating na mamaya si Onemig kaya huwag mo ng intindihin yang si ate Greta. Malay mo baka malaki lang talaga ang pagkakagusto nya dyan sa boyfriend mo at nai-insecure sya sayo. Cheer ka lang sis." si Sav na panay ang tapik sa balikat ko.

" Oo nga sis..deadmatology ka na lang. Hayaan mo lang yang mga nag-aampalaya at humo-hopia dyan sa boyfriend mong super gwapo. Magalak ka na lang dahil ikaw ang may hawak ng puso nya. Ganda eh." si Gen naman na panay ang paglalaro sa dulo ng buhok ko.

Ngumiti na lang ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa. Tapos sabay-sabay na kaming nagseryoso sa panonood ng practice nila Yuan, Derrick at Prince. Start na kasi ng labanan sa basketball ng mga Universities.

Nung nasa bahay na ako at naghihintay sa pagdating ni Onemig, napapaisip ako habang nakaupo ako sa couch.Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba kay Onemig yung tungkol kay Greta o huwag na. Pero sa huli, napagdesisyunan ko na huwag na lang, baka kasi kung sabihin ko kay Onemig at kumprontahin nya pa si Greta, baka mas lalong lumala pa yung pakikitungo ni Greta sa akin.

Related Books

Popular novel hashtag