Aliyah's Point of View
" Sige na naman sweetie pumayag kana please!" pakiusap ni Onemig sa akin.Dito kaming dalawa ngayon sa malaking swing namin nag-uusap.
" Beb ayoko nga kasi.Masakit yun.Masasaktan lang ako at mahihirapan ka rin." tiningnan nya ako ng tinging nakikiusap.Naaawa naman ako sa mga tingin nya kaya konting push na lang nya baka bumigay rin ako.
Pero huwag kayong mag-isip ng kung ano sa pinag-uusapan namin ha? Gusto lang nyang sumama sa amin sa Manila kapag sinundo na kami ni dad bukas. Usapan kasi namin ni daddy na one week bago ang school opening,susunduin na nya kami ni Neiel.At tomorrow na nga yun.
Kaya heto ang bebeh ko, kinukulit ako na sasama sya sa amin. Ayoko dahil masakit para sa akin na makita syang uuwi na pagkahatid nya sa akin. Masasaktan lang ako pag ganon at mahihirapan din syang magpaalam sigurado. Napaka-clingy pa naman ng gwapong ito. Sa aming dalawa sya yata yung may lahing tarsier.
" Three days...three days lang para makasama ka then uuwi na ako pagkatapos." pakiusap nyang muli. Napakalungkot ng itsura nya, parang bata na nagmamakaawa sa isang piraso ng candy.
" Beb---"
" Sweetie naman!" nakanguso pa nyang sambit.
I heaved a sigh.Talo na naman ako.
" Okay sige na. Kahit alam kong mas mahihirapan tayo pareho kapag natapos na yung three days, titiisin ko basta huwag lang kitang makitang ganyan.Pero paano pag-uwi mo,magko-commute ka?" tanong ko.
" Oo baby, sanay naman ako mag-commute." malapad na ngiting turan nya. Naging excited na ang tono nya hindi katulad kanina na akala mo constipated ang itsura.
" Basta promise mo beb, pagdating ni tito Migs, lilipat kana sa Manila at dun kana mag-aaral?"
" Oo baby next sem dun na ako.Promise yan." turan nya at niyakap ako sabay halik sa noo ko.
Masaya ako nung sabihin nya sa akin na nag-usap sila ng daddy nya na next sem ay sa Manila na sya mag-aaral. Kaya pansamantala lang kaming maghihiwalay, mga five months lang.Kaya kong magtiis kaya nga tumatanggi akong sumama sya bukas kasi mas masasaktan akong makita syang tumalikod para umuwi na ng Sto.Cristo.Mas madali para sa akin yung ako yung tatalikod dahil hindi ko makikita yung itsura nya pagtalikod ko kaysa ako yung makakita nung pagtalikod nya. Magulo ba? Ako rin naguguluhan sa sinabi ko.
" Beb pag umuwi kana after nung three days na hinihingi mo, pwede bang huwag ka ng magpaalam sa akin? Ayoko kasing makita kang umalis." wika ko habang nakasubsob sa dibdib nya. Naramdaman ko naman na hinalikan nya ang ibabaw ng ulo ko.
" Sige sweetie. Mahihirapan din akong magpaalam sayo. Basta magtawagan na lang tayo or video call." tumango ako at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya na ginantihan nya naman ng mas mahigpit na yakap.
" I love you Juan Miguel Arceo." bulong ko.
" Mas mahal kita Aliyah Neslein Mercado."
***
" O ano,ayos na ba lahat ng gamit na dadalhin nyo?" tanong ni dad sa amin ni Neiel kinabukasan nang sunduin na nya kami.
" Opo dad,ayos na po lahat." sagot ko.
" Dad salamat po pala na pumayag kayo na sumama si Onemig sa atin." turan kong muli.
" Paanong hindi ko papayagan eh katakot-takot ang ginawang pakiusap sa akin nyang boyfriend mo.Eh alam mo naman ako, maawain. Parang nakikita ko rin kasi ang sarili ko noon kay Onemig, ganyang-ganyan ako kapag nakikiusap ako sa lolo Franz mo noon." saad ni dad na nangingiti pa, naaalala nya siguro si mommy.
" Haay daddy, obvious na obvious na hanggang ngayon in-love pa rin kayo kay mommy." asar ko sa tatay ko.
" Anak yan ang katotohanan na hindi na mababago kailanman." niyakap nya ako at hinalikan sa sentido ko.
" Ang swerte talaga ni mommy sayo dad."
" Swerte ka rin naman kay Onemig anak. Nakikita ko kung gaano ka nya kamahal, nakikita ko kung paano ka nya tingnan. Sana lang anak maging katulad namin kayo na hindi susukuan ang isat-isa sa panahon ng mga pagsubok na darating sa relasyon nyo."
Tumango ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi nya. Tama naman si daddy, giving up is not an option dapat lumaban at ipaglaban ang taong mahal mo. Katulad nila ni mommy, kung sinukuan nila ang isat-isa noon, wala sana kami sa kinalalagyan namin ngayon, isang kumpleto at masayang pamilya.
Matapos naming magpaalam sa mga lolo't lola namin pati na rin kay tita Blessie na katakot-takot ang bilin kay Onemig, sumakay na kami sa sasakyan namin at bumiyahe na pauwi ng Maynila.
Magkatabi kami ni Neiel sa likod samantalang si Onemig ang nasa drivers seat at si dad ang nasa shotgun. Usapan nila na si Onemig muna ang magmamaneho at kapag tumuntong na ng Maynila ay si daddy naman.
Halos tatlong oras ang itinagal ng byahe namin kaya naman magla-lunch na nung makarating kami sa bahay namin.
" Hi mommy!" magkapanabay na bati namin ni Neiel pagpasok namin ng bahay. Yumakap at humalik kaagad kami kay mommy.
" O nandito na pala kayo. Tamang-tama naghahain na ako." sagot ni mommy habang yakap kaming magkapatid.
" Good afternoon po tita Laine." bati naman ng kakapasok lang na si Onemig kasabay si dad na humalik naman kaagad kay mommy.
" Good afternoon din iho.Welcome to our humble abode." matamis ang ngiting bumati si mommy sa kanya.
" Heto nga po pala yung padala ni mommy para sa inyo." inabot naman nya yung isang malaking basket ng prutas na padala ni tita Blessie kay mommy.
" Naku talaga yang si Bless nag-abala pa. Actually kausap ko nga sya kanina, nasabi nga nya na sumama ka raw kila Liyah. Doon ka raw tutuloy sa condo unit ni Mark pero sabi ko huwag na at dito ka na lang tutal three days lang naman."
" Naku tita Laine nakakahiya naman po sa inyo ni tito Nhel kung dito pa po ako makikituloy. Malaking abala na po ako sa inyo." nahihiyang tugon nya at tumingin pa sa akin na parang humihingi ng saklolo.
" Walang kaso sa amin yun Onemig. Hindi kana iba sa amin. Bukod sa boyfriend ka ng dalaga namin eh kaibigan din namin ang mga magulang mo. May tiwala kami sayo iho at hindi naman namin hahayaang mag-isa ka dun sa unit ng kuya mo. Dumito kana para makapag-bonding pa kayo ng ilang araw ni Liyah bago ang pasukan sa isang linggo."pinal na saad ni dad.
" Salamat po tito Nhel. Umasa po kayo na hindi ko sisirain ang tiwala nyo sa akin." nakangiting turan nya at tinapik naman sya ni dad sa balikat.
Niyaya na kami ni mommy sa dining room at magana na naming pinagsaluhan ang mga masasarap na putaheng hinanda nya. Nagkwe-kwentuhan kami habang nasa hapag at nabanggit ni mommy na kailangan ko daw pumunta dun sa school na papasukan ko ngayong college dahil may ilang requirements pa raw ako na kailangang i-submit.
Matapos ang lunch ay napag-pasyahan naming magpunta ni Onemig sa mall para mamili ng mga gamit namin sa school. Napag-usapan na rin namin na sasamahan nya ako sa school bukas para i-submit yung ibang requirements na hinihingi ng school.
Napakaraming tao nung makarating kami sa mall. Linggo kasi kaya ang karamihan ay nagliliwaliw. Nang makarating naman kami sa bookstore ay siksikan din at puno lahat ang counter. Nagkatinginan kami ni Onemig at parehong nagkibit balikat.
" Tomorrow na lang siguro beb after natin sa school ko."
" So what are we gonna do now?" tanong nya.
" Go home?" patanong din ang sagot ko.
" Uhm....if you want mag-date na lang tayo." mungkahi nya.
" What? date?" nanlalaki ang mata sa gulat na tanong ko. Dyaske! Never pa kasi akong nakipag-date kaya naman ngayong minumungkahi nya ito hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Para akong naiihi na nae-excite na kinakabahan. Kasi naman yung mga classmates ko pag nagku-kwento, nakuha daw yung first kiss nila during their first date.Kaya naman kinakabahan ako ngayon.
Sus Aliyah malay mo naman yung date na sinasabi nya eh kakain lang kayo sa restaurant. Isa pa tanghaling tapat,walang pale moonlight at malaking puno.Assuming ka!
" I am planning to take you out on a date sa monthsary natin next week, since hindi tayo magkasama on that day dahil may pasok na, let's celebrate na lang today.I-advance na lang natin. Ok ba sweetie?" nakangiti sya sa akin na sobrang cute naman sa paningin ko dahil lumabas yung maliliit nyang dimples sa magkabilang pisngi.
" S-sige beb. Saan ba tayo p-pupunta?" takte bakit ba nauutal ako.
Mukhang naaaliw naman sya sa itsura ko na parang ewan kaya natatawang hinila na lang nya ako at nagpatianod naman ako sa kanya.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng huminto kami sa harap ng sinehan.
" Sweetie ikaw na ang mamili ng panonoorin natin." untag nya sa akin.
" Beb ikaw na basta't wag lang yung SPG."
" Haha.bakit naman kita hahayaang manood ng ganun? Tara dito na lang tayo sa Romantic comedy." hinila nya ako pero nagpabigat ako.
" Baby ayaw mo ba? Ang lamig ng kamay mo eh!"
" Gusto! Kaya lang beb, madilim dyan tapos malamig pa baka ano----"
" Hahaha." tuluyan na syang napahalakhak sa sinabi ko. Grabe pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao.
" Ano ba nakakatawa? Makatawa ka dyan,wagas!" singhal ko sa kanya.Niyakap nya ako at hinalikan sa ulo.
" Ikaw naman kasi sweetie,yung itsura mo para kang takot na takot tapos pulang-pula ka pa.Ano ba kasi ang tumatakbo dyan sa maganda mong utak huh?" sabay kurot sa ilong ko.
" Wala! Tara na nga para hindi tayo gabihin." kumalas ako sa bisig nya at hinila ko na sya dun sa ticket booth.
Bumili muna kami ng isang malaking bucket ng popcorn at isang biggie size na sofdrinks, share kami. Pumasok na kami sa loob. Dahil walang gaanong tao,doon kami pumwesto sa may dulo.
Nasa kalagitnaan na yung movie ng maubos ang pagkain namin. Medyo pinapakiramdaman ko sya. After a while kumilos sya. Napapitlag pa ako nung hilahin nya ako at kulungin ako sa isang mainit na yakap.
Halos magtayuan ang mga balahibo ko nung halik-halikan nya ako sa ulo pababa sa batok ko. Malakas kiliti ko dun.Dahil sa gulat, bigla akong napalingon sa kanya na naging dahilan ng pagtatama ng mga labi namin.
OMG!