Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 176 - First Kiss

Chapter 176 - First Kiss

Aliyah's Point of View

PAREHO kaming nagulat sa di sinasadyang pagkakadikit ng aming mga labi. Tila napapasong mabilis kaming naghiwalay.

"Fck!" narinig ko ang mahinang pag-cuss nya kaya hinampas ko sya ng marahan sa braso nya.

" What?! I'm sorry sweetie."

" It's okay beb." sagot ko kahit hindi ko alam kung ano ang inihihingi nya ng sorry. Kung yung narinig kong pag-cuss nya ba o yung muntikan nyang paghalik sa akin?

Matapos yon ay hindi na muli kaming nag-usap.Awkward kasi. Tinuon na lang namin ang atensyon namin sa pinanunuod na movie. Nakayakap lang sya sa akin at nakasubsob naman ang ulo ko sa dibdib nya.Manaka-nakang hinahaplos nya ang braso ko dahil nararamdaman nyang nilalamig ako sa lakas ng buga ng aircon sa loob ng sinehan.

Nang matapos ang movie ay lumabas na agad kami ng sinehan.Medyo mataas pa ang sikat ng araw sa labas kaya niyaya nya akong kumain muna kami sa favorite naming pizza house.

Ito na yung paraan namin ng pagse-celebrate ng first monthsary namin, simple man pero masaya kami pareho dahil magkasama kami.

Medyo maliwanag pa nung makauwi kami ng bahay. Dinatnan naming nagkakasiyahan ang pamilya ko sa aming living room.

" Mabuti't nandyan na kayo, tumawag ang tito Frank mo, nagyayaya na doon na daw tayo mag-dinner sa Dasma." turan ni mommy ng makapag-mano na kami ni Onemig sa kanila ni daddy.

" Aalis na po ba?" tanong ko.

" Mamayang konti, magpahinga muna kayo ni Onemig." si dad ang sumagot dahil pumunta na si mommy sa kusina para ayusin yung mga dadalhin naming pagkain sa Dasma.Kahit sila tito Frank ang nagyayayang mag-dinner, nagdadala pa rin si mommy ng specialty nyang kare-kare at desserts dahil paborito ng lahat ang luto nya.

Nagpaalam muna akong maliligo at magpapalit ng damit dahil parang ang lagkit ng pakiramdam ko galing sa labas. Gayun din si Onemig gusto rin daw nyang maligo muna kaya naman iginiya ko na sya papunta sa guest room kung saan sya pansamantalang tutuloy, mayroon namang bathroom doon at naroon na rin ang gamit nya.

***

" Ang laki pala ng bahay nila tita Laine dito sweetie, mansyon na nga yata to eh." namamangha pa si Onemig habang iginagala ang tingin sa buong bakuran, hindi sya makapaniwala sa nakikita. Naiwan na nga kami dito sa labas,nauna ng pumasok sila mommy sa loob.

" Hindi naman beb. Pero alam mo ba, nung bata ako, gustong-gusto ko dito dahil feeling ko nasa castle ako.Ang laki-laki kasi tsaka ang lawak ng bakuran." kwento ko sa kanya.

Nakangiti naman syang nakikinig sa akin.

" Halika na pasok na tayo sa loob." untag ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya para makapasok na kami sa loob.

Nakatingin silang lahat ng makapasok na kami ni Onemig sa loob. Napako ang tingin nila kay Onemig. Nakikita ko sa mukha nila ang labis na paghanga .Ganyan naman palagi kahit saan kami pumunta. Tila ba isang magandang sumpa ang kanyang kagwapuhan.

Nakaupo ang dalawang tito ko sa couch kasama ang mga pamilya nila.Naroon sila tito Fred kasama ang asawa nyang si tita Maia at ang dalawa nilang anak na si ate Frida at ate Francine.Both are married with kids. Ang mga asawa nilang si kuya Christian at kuya Henry ay nandun sa may kabilang side ng sala kasama nila dad at ng mga bata. Along with them are kuya Freego and his wife ate Micha with their kids Ynno and Yanna.Kuya Freego is tito Frank's eldest at siya ang panganay na apo.Her sister ate Fatima is in the US with her husband kuya Brandon and their son Brenan. Tito Frank is with tita Angel next to tito Fred on the seat.

Lumapit kami ni Onemig  sa kanila at nagmano sa mga tito at tita ko. Buong pagmamalaki ko syang ipinakilala sa kanila.

" Si Onemig po, boyfriend ko.Taga Sto.Cristo po sya at kaibigan nila dad at mom ang parents nya."

" Ikinagagalak ko po kayong lahat na makilala." turan ni Onemig sa kanila.He flashed his killer smile na lalong nagpasinghap sa kanila.

" If I'm not mistaken, sya yung kalaro mo nung bata ka, anak ni Engr.Miguel Arceo ng Global Land.Am I right hijo?" tanong ni tito Frank.

" Yes po tito." sagot ni Onemig.

" Akalain mong mai-involve pala kayong dalawa romantically gayong palagi kayong nagbabangayan noong mga bata pa kayo. Paano mo niligawan ang topaking ito,ha Onemig?" si tito Fred na halatang ako ang pinasasaringan.

" Yung old school na panliligaw po tito. Kila lolo Franz po ako nanuyo ng husto." sagot ni Onemig na malapad ang ngiti sa kanila.

" Whoa! Kaya naman pala pasado ka kay Nhel eh style nya yung ginawa mong panliligaw kay Liyah. Alam mo bang si dad at tita mommy ang niligawan nyang si Nhel bago si Laine noon?" si tito Frank na ngising-ngisi pang nilingon si daddy sa kabilang side ng sala.

" Oy narinig ko pangalan ko ah! Mukhang pinagtsi-tsismisan nyo ako dyan." sambit ni daddy,bigla syang tumayo at lumapit sa amin.

" Wala bro. Sabi ko, ka-style mo pala itong si Onemig sa panliligaw. Old school daw at sila dad ang sinuyo." sagot ni tito Frank kay daddy na ngayon ay nakaupo na sa gitna namin ni Onemig.

" Ah syempre naman kuys, batang Sto.Cristo yata ito, maginoo." sabay tapik pa sa balikat ni Onemig.

" Oo nga. Anyway, welcome to the family Onemig. Huwag mo lang sasaktan at paiiyakin ang muse ng pamilya namin. Ang pangit kasi nyan umiyak at kahit topakin yan, mahal na mahal namin yan." si tito Frank na nakipagkamay pa kay Onemig.

" Opo tito. Mahal na mahal ko po si Aliyah at umasa po kayong irerespeto ko sya at hindi sasaktan." awtomatikong namula ang mukha ko ng marinig ang sagot nya.Gosh! Hindi sya nahihiyang sabihin yun sa harap ng buong pamilya ko, nasa tabi pa namin si dad. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ako, parang ako ang nahihiya lalo na nung tumutok ang tingin nila sa akin.Ngising-ngisi pa si dad sa akin.

" Hala! Nhel na Nhel nga ang datingan nya dad." natutuwang wika ni tita Angel kay tito Frank.

" Hahaha!" humagalpak na ng tawa si dad." Wish ko lang hindi ito matulad sa akin sa ibang aspeto, kawawa naman itong sweetie ko baka matulad sa babe ko."

" Naku oo nga. Wala rin sanang ma-obsessed sa kanya." makahulugang wika ni tita Angel na napatingin pa sa akin.

Alam ko naman yung kwento na yun tungkol kila dad at mom. Hindi rin biro yung pinagdaanan nilang yon. Kahit bata pa ako nun, alam kong naging mahirap ang naranasan ni mommy sa pagkakahiwalay nya kay daddy. Mabuti na lang naging mabuting ama sa akin si papa Anton at hindi ko naramdamang sira ang pamilya ko nun at biktima si dad ng obsession ng isang tao. Magpa-five years old na ako ng malaman ko ang katotohanan.

" Tara na kayo, dinner is ready!" untag ni mommy na nanggaling sa dining room. Kanya-kanya ng pulasan ang mga pinsan ko at mga bata sa dining. Doon kami sa mahabang table pumwesto dahil marami kami. Ginagamit kasi yon kapag may handaan dito at family get together.Sayang nga lang wala si lola Paz at lolo Franz.

Matapos ang dinner ay pumunta muna sila daddy sa library ni lolo.Magme-meeting sila tungkol sa pagpapalago ng mga kumpanya na nakapaloob sa FCG Group of Companies na pinamamahalaan ng magkakapatid kasama na si daddy at ang mga nakakatanda kong pinsan.

Habang naghihintay kami sa kanila ay niyaya ko muna si Onemig na maglakad-lakad sa aming bakuran. Ang mga bata naman ay nasa entertainment room, nanonood ng cartoons sa cable.

Dinala ko sya sa likurang bahagi ng bakuran. May dalawang malaking puno ng mangga dun sa pinakadulo. Sa kabilang panig naman ay ang oval shape na swimming pool. Mas malaki ang pool na ito kaysa dun sa swimming pool sa Sto.Cristo.

Niyaya nya akong umupo dun sa pahabang upuan na gawa sa kawayan dun sa ilalim ng puno ng mangga.

Inalalayan nya akong umupo at nang makaupo na kami pareho ay kinuha nya ang isang kamay ko at pinagsalikop nya ang mga kamay namin.

" Sweetie, I will surely miss this." malungkot nyang turan.

" Me too beb. Nasanay na ako na paggising ko pa lang sa umaga nakikita na kita tapos sabay tayong kakain ng breakfast. Then inseparable na tayo nun sa buong maghapon. Bago matulog sa gabi, bumabalik ka ulit sa bahay para lang mag-goodnight.Beb paano ulit ako mag-aadjust dun sa mga bagay na nakasanayan ko na?" sumubsob ako sa dibdib nya, binitawan nya ang kamay ko at niyakap nya ako ng mahigpit. Panay ang buntong hininga nya at manaka-nakang hinahalikan ako sa ulo. Ramdam ko ang malungkot na athmosphere sa pagitan namin.

Kumalas sya sa akin at hinarap ako. Nagkatitigan kami.Parang hindi sapat ang titigan namin para maibsan ang lungkot na bumabalot sa aming dalawa. Itinaas nya ang kamay nya at hinaplos ang aking pisngi.

" I love you so much sweetie. I'm so in love with you." hinawakan ko ang kamay nya na nasa pisngi ko at dinampian ko ng magaang na halik. Kinabig nya ako palapit sa kanya at pinagdikit nya ang aming noo.

Titig na titig sya sa akin. Nagulat ako ng bigla nyang kulungin ng dalawang palad nya ang magkabila kong pisngi.Napapikit ako ng  inilapit nya ang labi nya sa labi ko at dampian ako ng magaang na halik.Ang init ng labi nya at ang lambot. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko. Nanginginig ako at parang hinahalukay ang sikmura ko. Maya-maya lumalim ang halik nya at hindi ko alam kung paano ba mag-response. Siya ang first kiss ko at natural lang na parang tuod ako habang hinahalikan nya. Pero hindi ko maikakaila na para akong nakalutang. Hindi ko rin maipagkakaila na masarap syang humalik, parang nakaka-engganyo.

Huminto sya pagkaraan ng ilang sandali. Hinahabol ko naman ang aking hininga. Ang mga kamay ko ay nakakapit ng mahigpit sa kanyang t-shirt.Like I was holding on to my dear life.

" I love you too beb." he smiled at me and played my lower lip with his thumb. Then claimed my lips again for a deep long kiss.

Napangiti ako ng matapos ang halik. Dahil pagtingala ko sa langit ay nakita ko ang buwan.

Onemig just gave me my idea of a perfect first kiss.

Under the tree beneath the pale moonlight.

Related Books

Popular novel hashtag