Aliyah's Point of View
SINCE that night of our weeksary, hindi na kami halos naghihiwalay ni Onemig. Naalala ko pa kinaumagahan nung magdala sya ng gatas ng kalabaw sa bahay, kinausap nya sila lolo Franz at nagpaalam na kung maaari daw na madalas na nya akong makasama dahil malapit na ang pasukan.Nakakamangha lang na pumayag si lolo sa pakiusap nya at naiintindahan sya sa gusto nyang mangyari. Ang tanging hiling lang ni lolo Franz sa kanya ay huwag lalampas sa boundary at baka daw mahalibas sya ng tungkod ni lolo.
Natatawa at natutuwa ako ng sabihin nya yon sa akin at yun nga simula nun para na kaming magnet na di mapaghiwalay.
Sa araw-araw na kasama ko sya, mas lalo ko syang nakilala ng husto.Mabait, maalalahanin at malambing. Gusto nya akong niyayakap palagi at hinahalikan sa ulo. Bukod dun wala na kaming anumang act of intimacy.
Naisip ko,kaya siguro hindi pa nya kinukuha ang first kiss ko kasi alam nya yung gusto kong maging senaryo kapag nangyari na yun.Napagkwentuhan na kasi namin yun nung hindi pa sya nanliligaw sa akin. Gusto ko kasi kapag nangyari yung first kiss ko eh yung memorable at romantic talaga. Sa isang espesyal na okasyon, beneath the pale moonlight at sa tabi ng isang malaking puno. Natatandaan siguro nya yung kaartehan kong yun kaya hanggang ngayon hindi pa sya gumagawa ng move.
Minsan ini-imagine ko kung paano kaya mahalikan ng isang Onemig Arceo? Is he a good kisser? Malamang dahil naka-apat na relasyon na sya. Kahit sabihin pang hindi official yung mga past relationships nya, that doesn't mean na hindi sya nakahalik man lang sa mga yun.
Masarap nga kaya syang humalik? Namula naman ako sa naisip ko. Bakit ba kung ano-ano pumapasok sa utak ko?
Erase,erase Aliyah,hindi magandang pinagpapantasyahan mo yang boyfriend mo.
Nagulat na lang ako ng may tumakip na palad sa mga mata ko.Sa amoy pa lang nya alam ko na kung sino ang pangahas.
" Beb alam kong ikaw yan, kabisado ko na yang amoy mo." malambing na turan ko habang pilit kong inaalis ang mga kamay nya na nakatakip sa mga mata ko.
" Hahaha.hindi na talaga ako makakapag-kaila sayo ngayon." sabi nya habang sumisiksik sa akin sa couch na inuupuan ko.Mag-isa lang kasi ako sa living room, as usual nakila lola Bining ang kapatid ko.
" Why are you here? Kaninang umaga lang tayo naghiwalay ah." tanong ko sa kanya.Magkasama kami kaninang nag-breakfast then umuwi sya agad dahil may pinapagawa sa kanya ang mommy nya.
" Wala na-miss lang kita.Hindi ako mapakali kasi tatlong oras na kitang hindi nakikita." humiga sya sa couch at ginawang unan ang lap ko.Hinagod-hagod ko naman ang buhok nya habang nag-uusap kami.
" Grabe ha, ang tagal na pala nating hindi nagkikita, tatlong oras na." natatawa kong turan. Tiningala nya ako at pinisil nya ang ilong ko.
" Sweetie sa akin matagal na yung tatlong oras.Kung pwede nga lang minu-minuto magkasama tayo.Bakit ikaw, ayaw mo ba yung ganon?" tila nagtatampo nyang turan.
" Haha.ikaw talaga beb, syempre gusto ko rin yung palagi kang kasama kaya lang hindi naman pwede yung ganon, may mga kanya-kanya din tayong ginagawa. Tulad mo kanina, umuwi ka dahil may gagawin ka."
" Hmm..sabagay tama ka. Sana tumanda na tayo." bigla nyang turan. Naguluhan naman ako sa sinabi nya.
" Bakit naman gusto mo ng tumanda tayo?"
" Para mapakasalan na kita.Hindi na tayo maghihiwalay, palagi na tayong magkasama. Bago matulog ikaw yung makikita ko tapos paggising ko ikaw agad yung masisilayan ko." awtomatikong namula ako sa sinabi nya.Yung puso ko ang bilis ng tibok.
Jusmiyo, future na agad yung sinasabi nya.Ilang taon pa ba bago mangyari yun? At parang sure na talaga sya na ako na yung ending nya.Gusto ko rin yun, syempre sya yung first love ko at gusto ko sya na rin yung last ko. Pero hindi ko pa iniisip ang future sa age naming ito, ang focus ko nasa relasyon namin ngayon.
" Beb ang tagal pa nun." sabi ko habang patuloy ako sa paghagod sa ulo nya.
" Baby yun ang nakita ko the moment I laid my eyes on you.Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang." ngumiti sya at hinalikan ang kamay ko na humahagod sa ulo nya.
" Huh ewan sayo, ang bata pa natin para pag-usapan yan.Mag-aral muna tayo at magtapos para maganda ang future natin." sabi ko.
" Haha.syempre naman sweetie para mabigyan kita ng magandang buhay, kayo ng magiging mga anak natin."
" Juan Miguel nga! Huwag mo nga akong pakiligin dyan, ang aga-aga eh."
" Hahaha.ang cute mo sweetie, para kang kamatis dyan.Tara na nga, sa amin ka daw mag-lunch sabi ni mommy." bumangon sya sa couch at hinila na rin nya ako patayo.
" Bakit dumating na ba ang lola Miguela mo?" si lola Miguela ang mama ng daddy nya na si tito Migs, nasabi nya kasi sa akin nung nakaraang araw na mag-sstay daw ng isang linggo ang lola nya dyan sa kanila.Sa kabilang bayan kasi ito nakatira dun sa isang kapatid ng daddy nya.
" Oo before lunch daw nandito na sya.Come!Ipagpapaalam na kita kila lolo Franz." magkahawak kamay naming tinungo sina lolo Franz sa room nila.
Pinayagan naman sya ni lolo Franz na isama ako.Dinala ko naman yung isa sa mga cake na ni-bake ko kagabi, yung lemon flavor.
Pagdating namin sa kanila eksaktong kakaalis lang ng kotseng sinakyan ni lola Miguela.Idinaan lang ito dito ng isang anak nito na papasok sa trabaho sa isang banko sa bayan.Nasa garden na ito at sinalubong ni tita Blessie.
" Lola!" masayang tawag ni Onemig. Niyakap nya ito at saka nagmano.Nakigaya na rin ako.
" Mano po lola." inabot ko rin ang kamay nya at nagbigay galang.
" Sino ba itong kasama mo Juan Miguel? Aba'y napaka-gandang dalaga nire."
" Ah mama, sya po yung anak nila Laine at Nhel." si tita Blessie ang sumagot.
Napangiti ng malapad si lola Miguela na tila may naalala.
" Ah ikaw yung batang kalaro nitong si Juan Miguel noon. Aliyah.Oo tama ikaw nga si Aliyah." napangiti na ako sa kaalamang hindi pala ako nakalimutan ni lola.
" Ako nga po lola Miguela.Kumusta po kayo?"
" Heto tumatanda na ako apo. Palipat-lipat na lang sa mga anak ko.Kumusta naman ang mga magulang mo apo?" tanong ni lola Guelay, yun ang tawag namin ni Onemig sa kanya noong bata kami.
" Mabuti naman po sila lola, nasa Maynila po sila ngayon, nagta-trabaho po."
" Ay mabuti naman. Kay Franz at Paz ka ngayon naiwan ano?"
" Opo lola kami po nung kapatid ko."
" Ah oo nga pala may ipinag-buntis nga pala ulit si Laine noon."
" Opo la, si Neiel po, nine years old na po sya ngayon."
" Mas maganda siguro kung sa loob na po kayo mag-usap ni Aliyah la." singit ni Onemig. Nagtawanan naman kami ni lola ng ma-realized namin na nasa garden pa rin pala kami at hinihintay kami ni Onemig na nasa front door na.
Inalalayan ko si lola Guelay at sumunod na kami sa loob.Inabutan namin si tita Blessie na naghahain na sa hapag. Tumulong kami ni Onemig sa paghahain, inilagay muna nya yung dala naming cake sa ref nila.
Masaya naming pinag-saluhan ang mga niluto ni tita Blessie na lahat pala ay paborito ni lola Guelay.Nagustuhan din nya yung cake na gawa ko.Namamangha pa sya na marunong na daw akong mag-bake sa age kong ito.
Nang makakain ay nag-prisinta kami ni Onemig na kami ang maghuhugas ng pinggan.Si tita naman ay hinatid na si lola sa tutuluyan nitong silid para makapag-pahinga.
Pagkatapos naming maghugas ng pinggan ay niyaya naman ako ni Onemig sa likod bahay nila.May malaking duyan don na kasya ang dalawang tao. Nakatali ang magkabilang dulo nito sa malaking puno ng mangga at santol na nakatanim doon sa likod bahay.
Inalalayan nya akong makaupo pagkatapos ay tumabi sya sa akin.Awtomatikong niyakap nya ako at hinalikan ang ulo ko ng makaupo sya.
Haay hobby na talaga nya yung yakapin ako at halikan sa ulo.
" Beb ang bilis talaga ng panahon noh? Ang tanda na ni lola Guelay,parang kailan lang nung tinitirintas nya pa yung buhok ko." bungad ko nung magkatabi na kaming nakahiga sa duyan.
" Oo nga, nasa late seventies na sya ngayon, but thank God malakas pa rin sya." sagot nya.
" Si tito Migs ba ang bunso nya? That's why he was named after lola Guelay?"
" Yeah, si dad nga ang bunso, malaki ang agwat nila nung ate nya na sinundan nya.Akala nga ni lola five na lang ang magiging anak nya, nagulat na lang sila nung mabuntis uli sya after so many years.So they named him Miguel." paliwanag nya.
" So you were named also after her and your dad?" tanong ko pa rin kahit obvious naman.
" Yeah, after her and her late husband lolo Juan."
" I see.Si kuya Mark kanino galing yung name nya na Jose Marco?" tanong ko na ang tinutukoy ay yung kuya nyang nurse na nasa France.
" Ah si kuya? He was named after my mom's parents.Her mother is Josefa and her father is Marcos.Kaya hayun Jose Marco."
" Ay ang galing naman, sa mga grandparents nyo galing ang name nyo.Kami kasi ni Neiel kay mommy at daddy galing yung name namin."
" Oo nga pala, yung second name mo na Neslein, binaligtad na Nielsen.Yung Aliyah, sinunod lang sa Alyanna. Yung kay Neiel ano ba ang history nun?"
" Uhm, yung Neiel, pinagsamang Nielsen Emmanuel then pag binaligtad mo ng basa Laine na ang tunog.Then yung second name nya na Allisen,obvious naman na pinagsamang Alyanna,Nielsen at Aliyah.See,yung mga pangalan namin sa amin lang talaga umiikot." napangiti pa sya sa tinuran ko.
After a while, umayos muli sya ng higa sa duyan.Humarap sya sa akin at dinala nya ang ulo ko sa dibdib nya.Niyakap nya ulit ako at idinantay pa ang mga binti nya sa akin.Grabe para na akong hindi makahinga sa sobrang higpit ng yakap nya.Natahimik na kami pareho na parang may kanya-kanyang iniisip.
He heaved a deep sigh bago sya muling nagsalita.
" Sweetie two weeks na lang tayong magkakasama ng ganito. Hindi ko alam kung paano ako magsu-survive ng hindi ka nakikita araw-araw." malungkot nyang turan.
" Ako nga rin beb, iniisip ko pa lang na uuwi na kami sa Manila para na akong hindi makahinga. Paano pa kaya kapag nandun na at hindi kita makakasama? napabuntung-hininga
ako.
Paano na nga kaya kami sa mga susunod na araw?