Aliyah's Point of View
" Paki-explain mga bata, bakit magkasama kayong natulog dyan?" si lolo Franz na may pagka-strict ang tono ng tanong at seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Onemig.
Nagkatinginan kami ni Onemig, ngumiti ako sa kanya ng alanganin, medyo tabingi pa nga yata. Nung bata kasi ako medyo takot ako kay lolo Franz kapag seryoso na sya kaya ngayong seryoso syang nagtatanong, kinakabahan ako, walang tigil ang puso ko sa mabilis na pagtibok. Baka kasi bigla syang maghigpit sa amin ni Onemig eh mahirap na.
Nagulat ako ng biglang tumikhim si Onemig at sinalubong ang tingin ni lolo Franz.
" Lolo Franz pasensya na po hindi namin sinasadyang makatulog dito. Nagkwentuhan po kami ni Aliyah kagabi, hindi namin namalayan na nakatulog po kami pareho. Pasensya na po lolo hindi na po mauulit ito." magalang na hinging paumanhin nya kay lolo.
Tiningnan sya ni lolo ng matiim, hindi ito kumikibo. Ako naman hindi matigil sa sobrang pagkalabog ng puso ko. Maya-maya nagsalita na si lolo Franz.
" Bweno, nagtatanong lang naman ako. Mabuti na lang napalagyan ko ng electric insect repeller ang apat na sulok nyang swing kundi hinakot na kayo ng mga lamok dyan." tila nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni lolo.Haay akala ko kung ano na. Ang lakas din nya maka-kontrabida feels, parang si daddy lang. Ang hilig kasing manood ng drama rama sa hapon eh.
" O paano, aalis na kami baka kami abutan ng traffic sa daan." singit ni daddy na naglalagay na sa likod ng kotse ng mga ipapasalubong nila ni mom sa mga tito ko at ka-trabaho nila sa Manila.
" Mag-iingat kayo mga anak sa byahe nyo. Nasabi mo na ba Nhel kila pareng Phil na luluwas na kayo ngayon?" tanong ni lolo sa dad ko.
" Yes po dad. Dumaan na po kami ni Laine dun kagabi." sagot ng tatay ko.
" Sige po aalis na po kami. Sweetie ang kapatid mo ha? Ikaw na bahala." bilin naman ni mommy.
" Okay po mom.Ingat po kayo." sagot ko.
" Onemig!" tawag ni dad sa katabi ko."Yung usapan natin ha?" itinuro pa nya yung dalawang daliri nya sa mga mata nya tapos tinuro naman kay Onemig.Si daddy talaga!
" Yes po tito Nhel. Tatandaan ko po." sagot naman ni Onemig.
Matapos ang katakot-takot na bilin ng mga magulang ko ay tumuloy na sila sa pag-alis.
" O kayong dalawa mag-breakfast na kayo dun. Onemig samahan mo na si Liyah sa pagkain." untag ni lola Paz sa amin.
Tumango lang kaming dalawa at sumunod na sa kanila sa loob ng bahay.
.
.
.
.
***
" Kumusta naman kayong dalawa besh? Akala ko ba bakasyon ngayon eh hindi ko naman kayo mahagilap pareho? Halos two weeks na tayong walang bonding ah." turan ko kay Anne at Richelle. Ilang araw na kasi silang missing in action pareho, wala tuloy silang kaalam-alam sa mga nagaganap sa aming dalawa ni Onemig ngayon.
" Eh kasi naman besh, si mama maaga pa lang sinasama na kami sa grocery para tumulong, kulang na kasi sila sa staff pati si kuya Gilbert nga tumutulong na kay papa dun sa isang grocery store namin. Pasensya kana. Andito na kami oh back to normal na." paliwanag ni Richelle. Nandito kami ngayon sa kitchen namin, nagbe-bake ako ng chocolate cake.Gusto kong i-surprise si Onemig mamaya dahil one week na kami ngayon.
" Ah ganon ba? Kaya pala hindi rin nakikita ni Onemig si Gilbert."
" Oh kayo naman ni Onemig,kumusta na? Kumusta na yung panliligaw nya sayo,may pag-asa ba?" tanong naman ni Anne.Nasabi ko na kasi sa kanila bago sila mag missing in action yung tungkol sa panliligaw ni Onemig sa akin, panay pa nga ang tukso at binubuyo pa ako na wag na raw akong magpabebe pa.
" Si Onemig, uhm---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may biglang pumasok sa kusina na ikinagulat naming tatlo.
" Si Onemig na pogi ay nandito na!"
" Hala! Bumusina ka naman Arceo bago ka pumasok, nakakagulat ka ah!" palatak ni Richelle.
" Aba! Malay ko bang nandyan ka Santiago eh si sweetie lang ang alam kong nandito sa kitchen."
" Hoy sinong Santiago eh dalawa kami dito?" singit ni Anne.
" Ah oo nga pala. Sweetie ano yang ginagawa mo?" baling nya sa akin.
" Magbe-bake ako ng chocolate cake beb." sagot ko. Nang lingunin ko ang mga kaibigan ko ay nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin ni Onemig.
" Teka nga, ano yung narinig namin? sweetie? At beb? Hmm...may ganap na ba dito na hindi namin alam ha?" si Richelle na nakataas pa ang isang kilay.
Nagkatinginan kami ni Onemig at sabay na napangiti.
" Ay ano yang mga ngitiang yan? Parang may something." si Anne naman ang nagtanong.
" Hulaan nyo!" si Onemig in a singsong voice.
" Naku! Arceo kami nga'y tigilan mo. Maanong sagutin na lang ang tanong, papahulaan pa. Ano ko si Madam Auring?" mataray na turan ni Richelle.
" Haha..ang high blood mo Richie kahit kailan. Sweetie sagutin mo na nga yang babaeng yan, mamaya bugahan na tayo ng apoy nyan." pang-aasar pang muli ni Onemig.
" Hudas ka talaga Juan Miguel kahit kailan, mapang-asar!" nanggagalaiting saad ni Richelle.
" Hahaha." tawa lang ang isinagot ni Onemig sa kanya.
" Tumigil na nga kayong dalawa dyan." awat ko. " Mga besh, kaya ganon ang tawagan namin ni Onemig kasi----"
" Kami na!" tuloy ni Onemig sa sasabihin ko.
" Talaga!" sigaw ni Anne, bakas ang saya sa mukha.
" OMG! OMG! Yes! Yes! May ganap na ang AliOne ko!" histerikal na sambit ni Richelle habang tumatalon talon pa.Hala naloka na yata.
Nagkatinginan kaming muli ni Onemig. Sabay pa kaming napailing at natatawa sa dalawa naming kaibigan.
" Kailan pa?" tanong ni Richelle nang mahimasmasan na.
" One week na kami ngayon." si Onemig ang sumagot.
" Ah kaya pala may pa-cake si mayora." wika naman ni Anne.
" Shhhh." saway ko pero tiningnan ako ni Onemig na ngiting-ngiti pa.Buking na ang surprise ko.
" So that cake's suppose to be a surprise for the weeksary huh?" si Onemig na nakataas pa ang kilay.
" Sana... kaya lang nabuking mo na. Kainin na lang natin sa meryenda mamaya." malungkot kong tugon.
" Aww, don't worry sweetie punta na lang tayo sa plaza mamayang gabi, isama natin tong dalawang ito pati sila Gilbert. Okay na?" malambing nyang turan.
" Talaga? Thank you beb." tuwang-tuwa ako kaya nayakap ko sya.Gumanti rin naman sya ng yakap at hinalikan pa ako sa sentido.Nagulat pa kaming pareho ng may sabay na tumikhim.
" Ehem! Tabi-tabi po,may tao po sa harap nyo." awtomatikong naghiwalay kami nang marinig namin si Richelle. Si Anne naman ay ngising-ngisi pa na nakatingin sa amin ni Onemig.
" Oo na, bagay na bagay nga kayong dalawa. Wag na lang mang-inggit.Respeto naman sa mga single pa oh."si Anne na panay ang ngisi sa amin.
" Tumigil na nga kayo dyan! Buti pa tulungan nyo na lang ako dito sa cake, luto na oh, lalagyan na lang ng icing." untag ko sa kanila.
Tinulungan nga nila ako at nang matapos ay masaya naming pinagsaluhan ang cake na ginawa ko. Ang gulo nila habang kumakain kami, nagsama-sama ba naman ang makukulit na gaya ko.
KINAGABIHAN sinundo ako ni Onemig sa bahay para sa pamamasyal namin sa plaza. Kasama nya si Gilbert at Jake na sinundo naman si Richelle at Anne.Naipagpaalam na nya ako kila lolo Franz bago sila umuwi nila Richelle kanina kaya ready na ako nung dumating sya.Mabuti na lang nakila Lolo Phil si Neiel kaya walang nangungulit na sasama. Pinayagan naman ako ni lolo Franz kaya lang dapat bago mag 10pm nasa bahay na ako. Nangako naman si Onemig na ihahatid nya ako bago ang nasabing oras.
Medyo maraming tao sa plaza nung dumating kami. As usual dun kami dinala ni Onemig sa maliit na pizza house na nasa tabi ng plaza. Masarap kasi ang pagkain dun at may bottom less ice tea sila na sine-serve.
Nang matapos kumain, niyaya ni Gilbert si Jake na may bibilhin sa grocery, sumama naman yung dalawang babae kaya kami na lang ni Onemig ang naiwan dun sa table sa labas ng pizza house.
" Tara sweetie dun muna tayo sa park." untag nya sa akin.
" Baka hanapin tayo nung mga yun pagbalik nila?"
" Hindi yan. Mag-gagala pa yung mga yun. May cellphone naman, magte-text naman yan sila."
" Okay sige tara na." pagpayag ko. Tumayo na kami at magka-hawak kamay pa kami papuntang park.
Umupo kami sa isa sa mga concrete bench na naroon. Kinabig nya ako papunta sa kanya at niyakap nya ako mula sa likuran. Bigay na bigay ko namang isinandal ang likod ko sa malapad na dibdib nya.
" Happy weeksary sweetie. I love you."
" I love you too beb. Happy weeksary too." naramdaman kong hinalikan nya ang ulo ko. Maya-maya may naramdaman akong malamig sa palapulsuhan ko. Nagulat ako ng pagmasdan ko yung bagay na mabilis nyang nailagay sa kamay ko ng hindi ko namamalayan.
Isang silver pandora bracelet ang nasa pala-pulsuhan ko. Flower ang tanging charm na nakalagay. Simple lang sya pero gusto ko sya.Gustong-gusto.
Humarap ako sa kanya na medyo misty eyed na.
" Beb ang ganda nito! Baka naman mahal to, nakakahiya naman sa mommy mo baka naubos ang allowance mo dahil dito."
" Shh...anything for my sweet baby. And don't worry alam ni mommy yan, sya ang kasama kong pumili nyan. Sa monthsary natin ko pa sana ibibigay yan sayo kaya lang baka hindi tayo magkasama nun, pasukan na sa school." may lungkot sa mga mata nya habang sinasabi nya sa akin yun.
" Beb you mean, malabo talagang sa Manila ka mag-aaral ngayong pasukan?"
" Oo sweetie, tumawag si daddy kagabi hindi pa sya makakauwi ngayong June dahil na extend yung project nila." tuluyan na akong naluha sa sinabi nya. Paano na kami kapag hindi kami magkikitang madalas. Mahirap pa naman ang LDR. Yung ilang araw nga lang na hindi kami nagkikita, nakakabaliw na paano pa kaya yung ilang buwan?
" Don't worry sweetie, gagawan ko yan ng paraan.Magtiwala ka lang. Hindi ko rin naman kakayanin na hindi ka makita ng matagal. Stop crying baby, ayokong nakikita kang umiiyak at malungkot. You know that your smile is my strength."
Tumango ako at muling yumakap sa kanya.
I love this man. I really love him.Pero kailangan kong magtiis para sa kanya.Tama si dad, love is not always about rainbows and unicorns, may kasama ring sacrifice...