Chapter 169 - Harry

Aliyah's Point of View

" Thank God you're both here safe and sound. Sobrang na-miss po namin kayo." masayang salubong ko kay mommy at daddy pagkalabas nila ng arrival area ng airport. Nakayakap agad ako kay mommy at si Neiel naman ay agad na lumambitin sa daddy namin.Sinundo namin sila kasama ang mga lolo't lola namin on both side.

" Sobrang miss din namin kayo ni daddy mga anak. Ayaw pa nga kaming pauwiin ng papa Anton nyo pero nag-drama lang ako para pumayag." masayang tugon ni mom.

" Alam nyo naman ang papa Anton nyo kapag nakita kami parang ayaw na kaming pakawalan, paano ayaw mag-isa. Kung hindi pa nag-drama rama tong mommy nyo ayaw pa kaming payagang umuwi dito. Buti na lang tumawag ang mama Lianna nyo na papunta na sya dun kaya hayun pumayag din ang mokong." singit naman ni dad. "Saan naka-park ang mga bagets, nagugutom na ako." tukoy ni daddy sa mga oldies na kasama namin.

" Hayun lang po daddy oh." turo ni Neiel sa sasakyan namin na nasa di kalayuan ng arrival area.Mabilis naman kaming tumungo sa kinaroroonan ng aming mga kasama.

Malugod silang sinalubong ng mga oldies. Makikita ang sobrang kasabikan at kasiyahan sa kanila pagkakita sa mga anak nila na dumating.

Nagkwe-kwento sila dad ng mga nangyari sa kanila sa Switzerland. Nasa gitnang upuan kaming mag-anak. Si lola Paz at lola Bining naman ay nasa likuran ng van nakaupo tapos si lolo Phil sa shotgun seat kung saan si lolo Franz naman ang nasa drivers seat na syang driver of the day namin dahil naka-bakasyon si Mang Gusting.

" Kumusta naman ang bakasyon nyo ni ate Liyah ha bunso? Hindi ka ba pasaway sa mga lolo't lola mo?" tanong ni daddy kay Neiel.

" Masaya po ako kalaro mga pinsan ko daddy. Si ate kasi hindi ako nisasama sa gala nya eh." tugon ni Neiel na nakanguso pa.

" Bunso iba na syempre ang mga lakad ni ate. Dalaga na sya kaya yung mga lakad nila ng mga kaibigan nya ay pang-dalaga na. Maiintindihan mo rin yun kapag umabot kana dun sa age ni ate ngayon." paliwanag ni mommy sa kapatid ko na napangiti na paglaon.

" Kumusta naman sweetie ang panliligaw nung manok ko sayo?" baling naman sa akin ni dad. Awtomatikong namula naman ako sa tanong ng tatay ko.

" Daddy sabi na pong hindi manok yung nagliligaw kay ate, si kuya Onemig po yun." natawa naman silang lahat sa sinabi ni Neiel, mabuti sa kanya sila nakatingin kundi nakita nila ang pamumula ko.

Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga nagdaang araw na nagpapatunay ng sinseridad ni Onemig sa panliligaw sa akin.

Simula nung umagang nagpaalam siya kina lolo Franz na manliligaw sa akin, kinabukasan ng umaga ay nag-umpisa na nga sya.

Nagulat na lang kami ng gumising kami na may gatas ng kalabaw, itlog na maalat at manggang hinog sa dining table namin. Ayon kay lola Baby ay maaga daw itong dinala ni Onemig.

Ganon ang ginagawa nya araw-araw. Isang linggo na ngayon ang nakakalipas simula ng umpisahan nya yon. Siya rin ang nagdidilig ng mga halaman ni lola Paz tuwing umaga at hapon. At kahapon ng umaga, dahil linggo, sinamahan nya akong magsimba at kinagabihan ay pormal naman syang umakyat ng ligaw, may dalang flowers at chocolates.

Lihim akong natutuwa sa ginagawa nya, dahil sa panahon ngayon bihira na ang ganung style ng panliligaw pero sa totoo lang, gusto ko yung ginagawa nya dahil yun ang tama at nararapat kahit nasa computer age na tayo.

At kanina bago kami umalis ng bahay para sunduin nga ang mga magulang ko sa airport , nagdidilig sya ng halaman ni lola Paz.

" Bakit ang ganda ng ngiti mo? Mukhang papasa yata ang manok ko ah." puna ni dad.Hindi ako makakibo.Kasi naman maalala ko lang si Onemig para na akong maiihi sa kilig.

" Naku Nhel, siguradong pasado rin sa inyo yung si Onemig. Sobra kung manuyo. Hindi lang dyan kay Liyah kundi pati sa amin. Tuwing umaga pagkagising namin, may nakahanda na kaming almusal  tapos hindi na nagdidilig ng halaman yang si Liyah dahil si Onemig na rin ang gumagawa." pagbibida pa ni lola Paz.

" Parang ako lang po pala nun ha mommy?" nakangising tanong naman ni dad kay lola Paz.

" Sus beh hindi rin." singit ni mommy. Napakamot naman si dad sa ulo nya.

" Naku Alyanna paanong hindi eh sa amin nanilbihan ng husto yang asawa mo. Hindi mo alam kasi lagi kang naglalayas kapag nag-aaway kayo." birada naman ni lolo Franz bilang pagtatanggol kay dad.

" Hay dad hayan na naman kayo, ako ang anak nyo hindi itong si Nhel." kunwaring nagtatampo si mommy sa sinabi ni lolo Franz.

" Di bale anak kami naman ng papa Phil mo ang kakampi mo." sabi naman ni lola Bining.

Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni lola Bining.

Pagdating namin sa bahay ay nakahanda na ang lunch sa dining table. Maraming niluto si lola Baby,karamihan ay mga paborito ni mommy at daddy. Sinabi pa na nanggaling daw si Onemig dun at ito ang nagdala ng saging at mangga na nasa table.

Lihim akong kinilig sa ginawa nya. Talagang todo kung manilbihan sya sa akin at sa pamilya ko. Parang ayaw ko na tuloy patagalin pa ang panunuyo nya at sagutin na sya tutal mahal ko rin naman sya. Pero ayoko namang isipin nya na easy to get ako. Siguro mga ilang weeks pa, maghihintay naman daw sya sabi nya.

KINAGABIHAN matapos ang dinner ay nagyaya si dad na panoorin namin yung fashion show nila sa Switzerland na naka-record sa USB nya.

Kanya-kanya na kaming pwesto sa living room, pati ang mga oldies ay nanood na rin. Hindi muna umuwi sa kanila sina lolo Phil dahil gustong mapanood ang fashion show nila dad.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng marinig naming tumunog ang doorbell.

" I'll take care of it. Just go on watching." tumayo si daddy at lumabas.

Ilang sandali lang ang lumipas ay pumasok na syang muli pero hindi sya nag-iisa.

Awtomatikong kumalampag ang puso ko nung makita ko kung sino ang kasama ni dad na pumasok.

" Good evening po." bati nya sa lahat.

" Good evening din. Halika samahan mo kaming manood dito. Sweetie asikasuhin mo muna tong si Onemig." si mommy ang sumagot at nginitian naman sya ng lahat ng nasa sala.

" It's okay tita. I just came here to talk to you and tito Nhel."

" Oh I see. Come dito tayo sa library ni dad. Beh halika kakausapin daw tayo nitong bata." untag ni mommy kay dad.

Nagpatiuna na si mommy at sumunod naman si daddy sa kanya at nasa hulihan si Onemig. Bago makarating sa library ay lumingon pa sya sa akin at ngumiti. Sumenyas sya sa akin and mouthed ' I'm nervous'.

I just smiled and mouthed 'you can do it ' at him.With that tuluyan na syang tumalikod at pumasok ng library ni lolo.

Habang nasa library sila ay tinuloy ko na lang ang panonood ko.

" Talagang seryoso yang manliligaw mo ha apo? Nung nakaraang araw kasi ay nagpaalam din sya sa amin ng lola Bining mo. Bihira na sa mga kabataan ngayon ang ganyan. Maganda talaga ang pagpapalaki ni Miguel at Blessie sa mga anak nila." sabi ni lolo Phil. Naging proud naman ako para kay Onemig. Lahat ng miyembro ng pamilya ko ay tila bumilib sa kanya. Wala akong magiging problema sa kanila sakaling maging kami nga. Boto kasi silang lahat sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog naman ang cellphone ko. Notification mula sa messenger ko. Nang buksan ko ay nakita kong nag-message si Harry.

Harry Villegas :

Liyah Skype tayo.Now na.

Hala mukhang may urgency sa message nya.Anyare dun?

Gayun pa man kahit na nagtataka ako na ganun ang message nya, kinuha ko ang laptop ko at lumabas ako ng bahay. Dun ako sa garden pumwesto dahil maingay sa loob.

Dali-dali kong binuksan ang laptop ko at inopen ang Skype ko.

" Hey ano ba ang problema at mukhang urgent yung message mo?" bungad ko. Napangiti agad sya ng makita ako. Mukhang bagong gising lang sya dahil medyo magulo pa ang hair nya, hindi naka man bun.Halata naman kahit naka hoodie sya. Ang gwapo pa rin ng best friend ko kahit na bagong gising.

" I have good news kasi, that's why."

" What's your good news? Akala ko naman kung anong emergency na. Ninerbiyos pa ako sayo."

"Pumayag na si mommy na magbakasyon ako dyan when our school year ends in June."

" Really? I'm happy to hear that. Saan ka tutuloy pag nandito kana?" excited na tanong ko. May bahay kasi sila sa Manila at dito rin. Pero yung bahay nila kasi dito sa Sto.Cristo ay yung kapatid na ng daddy nya ang umookupa.

" Kung nasaan ang best friend ko syempre dun din ako." nakangiti nyang turan.

" June na yon eh di nasa Manila na ako nun." sagot ko.

" Oh eh di dun ako sa bahay namin sa Manila. Siguro dadalaw na lang ako dyan kila lolo pag nandyan na ako."

" Ali uuwi na ako. Sino yang kausap mo?" nagulat ako ng marinig ko si Onemig sa likuran ko. Biglang napuno ng pag-aalala ang puso ko. Baka hindi nya kasi magustuhan kapag nalaman nya na si Harry ang kausap ko. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya na may communication kami ni Harry hanggang ngayon.

" Ah eh si ano---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng sumingit si Harry.

"Hey Liyah who's with you?"

" Y-you know our friend when we we're kids, si Onemig? He's with me right now." bumakas ang tuwa sa mukha ni Harry habang ako naman ay kinakabahan. Si Onemig naman ay puno ng pagtataka ang mukha.

" Hey Onemig! How are you my friend?" hinila ko sya at pinaharap sa laptop.

" Sino ba tong kausap mo?" sa akin pa rin sya nakatingin. Biglang bumaling ang tingin nya sa laptop ng magsalita muli si Harry.

" This is Harry,your childhood friend. How are you bro?" bakas sa mukha nya ang gulat at pagtataka  na napatingin muli si Onemig sa akin. Hindi ako makaimik. Lalo akong kinabahan ng mapalitan ng madilim ang aura nya.

Jusko Lodi...I'm so dead na..huhuhu.