Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 170 - Feelings

Chapter 170 - Feelings

Aliyah's Point of View

" Sweetie gusto mo na ba sumama sa amin?" tanong ni daddy sa akin.

" Saan punta nyo dad?" matamlay na tanong ko.

" Uuwi na kami sa bahay natin. Kailangan na naming bumalik ni mommy sa trabaho namin. Naisip ko baka gusto mo ng sumama kasi ilang araw ka ng nagmumukmok dyan?"

" Dad?" bulalas ko. Ganon na ba ako ka-obvious?

" Akala mo hindi namin napupuna? Ilang araw ka ng malungkot simula nung hindi na pumupunta si Onemig dito. Nag-away na naman ba kayo?" hindi ako kumibo. Tatlong araw na kasing hindi pumupunta si Onemig dito sa bahay. Wala ring tawag o text gaya ng madalas nyang ginagawa. Akala ko nung una, hindi pumayag sila dad sa panliligaw nya pero according to my mom,pinayagan naman nila siya. Naisip ko, baka nagalit sya dahil dun sa natuklasan nya tungkol kay Harry.

" Aliyah Neslein, ano na?" pukaw ni dad sa akin.

" Dad hindi po kami nag-away."

" Ah siguro nabisto na nya ang topak mo kaya hayun nakapag-isip-isip na." asar ni dad na ngising-ngisi pa.

" Daddy naman eh!"

" O sya hindi na, mukhang beast mode kana dyan. Uuwi na kami bukas, yung kapatid mo ayaw ring sumama sa amin kaya dito na muna kayo. One week bago ang school opening susunduin namin kayo dito." sabi ni dad kaya tumango na lang ako. May one month pa naman na natitira sa bakasyon.

Nang akmang lalabas na sya sa room ko ng magsalita ako.

" Dad do you think nag-give up na si Onemig sa panliligaw nya sa akin?" nilingon nya ako at lumapit muli sa akin.Umupo sya sa kama ko at seryosong hinarap ako.

" Alam mo anak kung mahal ka ni Onemig hindi yun basta na lang susuko. Ang pagmamahal hindi yan basta nawawala overnight. Baka may importante lang na inaasikaso yung tao kaya hindi nakakapunta dito. O baka naman may nagawa ka na ikinatatampo nya.Meron nga ba anak?" napayuko ako sa tanong ni dad.

" Siguro nga po dad. Kasi hindi ko nasabi sa kanya na may communication pa kami ni Harry hanggang ngayon. Nakita nya nung kausap ko si Harry sa Skype nung gabing kausapin nya kayo ni mommy.Simula nga nun hindi na sya nagpunta dito."

" I think he is jealous. Hindi ganyan ang magiging reaksyon nya kung hindi. That boy is really in love with you Liyah. I can see it in his eyes. At sa nakikita kong lungkot sayo ngayon, nahihinuha ko na may espesyal na ring bahagi si Onemig dyan sa puso mo. Am I right sweetie?" napayuko ako dahil nahihiya akong umamin sa tatay ko ng feelings ko towards Onemig.

" Come on baby, I'm your dad. Gusto ko maging open ka sa amin ng mommy mo para kung may problema katuwang mo kami sa paghahanap ng solusyon. So be honest anak. Ayaw ko na naglilihim ka sa amin."

I heaved a heavy sigh. Tama sya kailangan maging honest ako sa kanila.

" Dad, I like Onemig a lot. Nasa kanya na lahat ng katangian na gusto ko sa isang guy. Yung katulad mo. And I realized dad, that I was already inescapably falling for him. Ayoko lang po kasing madaliin na sagutin sya kasi natatakot ako na baka hindi ko makaya kapag pumasok na ako sa relasyon. Takot po akong masaktan." pag-amin ko sa tatay ko. Hindi na sya nagulat sa sinabi ko,tila ba inaasahan na nya iyon. Marahil obvious nga na may pagtingin din ako kay Onemig.

" Anak hindi mo masasabing nagmahal ka kung hindi ka makakaranas ng sakit. Bahagi na ng buhay ang pain. Hindi ka magiging matatag kung hindi mo pagdadaanan ang lahat ng sakit na ibabato sayo ng tadhana. Hindi ko sinasabi sayo ito para ipagtulakan ka ng makipag-relasyon kundi ipinapaalam ko lang sayo na ang pag-ibig ay hindi puro saya at kilig lang may kaakibat itong sakit at lungkot. Hindi ka dapat matakot anak, you only love once at sa minsang iyon ay sundin mo ang gusto ng puso mo. Kapag nasaktan ka, doon mo pa lang masasabi na nagmahal ka nga ng totoo." nakakaunawang turan ni dad at ginulo ang buhok ko pagkatapos.

" Thanks dad for your words of wisdom. Tatandaan ko po lahat ng sinabi nyo." I sincerely said and kiss him on the cheek.

" Kayong mag-ama tapos na ba yang pag-uusap nyo? Sweety are you ok now?" bungad ni mommy na nasa bukana ng pinto.

" Yeah mom, daddy is a great adviser." nakangiti kong turan.

" Oo naman, he's really good at that. By the way, galing si Blessie dito kanina may dalang manggang hinog at papaya. Pinasasabi sayo na may sakit daw si Onemig kaya hindi nakakapunta dito." nagkatinginan kami ni dad nang marinig namin yung sinabi ni mommy.

" See sweetie, I told you. Go dalawin mo na yung kababata mo nang mabawasan yang lungkot mo."

" Aysus yun pala ang dahilan ng pagiging #lonely mo eh." si mommy na sinusundot pa ang tagiliran ko.

" Mommy?!!" maktol ko.

"Ang baby namin dalaga na talaga." si mommy ulit. Nakayakap na sa akin habang panay ang halik sa ulo ko.

" Hindi po ba nakakahiya na pumunta ako sa kanila?"

" What's wrong with that. Hindi mo naman sya dadalawin bilang si Onemig na manliligaw mo kundi bilang si Onemig na kababata at kaibigan mo di ba?" sambit ni dad.

" Oo nga naman anak. Sige na dalawin mo na at baka kapag nakita ka eh biglang gumaling." tudyo pa ni mommy.

Nang lumabas na ang mga magulang ko sa room ko ay sinimulan ko ng mag-ayos para dumalaw kay Uno.

Nang matapos akong magbihis ay tumungo ako sa kitchen para maghanap ng pwede kong dalhin sa pagdalaw ko sa kanya.

Namataan ko ang mga stock na pineapple juice na nasa cabinet at kumuha ako ng ilan dun sa cupcake at cookies na ginawa ko kagabi.

Inilagay ko sa paper bag ang mga dadalhin ko, pagkatapos nagpaalam na ako kila dad na pupunta na kila Onemig.

Tatlong bahay lang ang pagitan ng bahay nila sa amin kaya mabilis lang akong nakarating sa kanila.

Nanginginig ang kamay ko ng mag-doorbell ako sa may gate. Si tita Blessie ang nakita kong lumabas sa front door. Nang makita nya ako ay nagmamadaling lumapit at pinagbuksan ako ng gate. Nagmano ako ng makapasok ako.

" Good morning po tita. Nabanggit po ni mommy na nanggaling daw po kayo sa amin kanina. May sakit nga daw po si Onemig,pwede ko po ba syang dalawin?"

" Naku anak bakit naman hindi. Matutuwa nga yon pag nakita ka. Halika pasok ka." iginiya ako ni tita Blessie papasok ng bahay nila. Iginala ko ang tingin ko sa loob ng bahay nila ng makapasok. Malaki na ang pinagbago simula nung huli akong pumunta dito. Naging moderno na ang style ng bahay  pati na rin ang mga kasangkapan nila.

Dinala ako ni tita sa ikalawang palapag ng bahay nila. May apat na silid doon at huminto kami dun sa pangalawa sa may gawing kanan. Pinihit nya ang doorknob at tumambad sa amin ang nakahigang bulto ni Onemig na nakatalikod sa amin.

" Anak may bisita ka." hindi sya lumingon sa pagtawag ni tita, siguro natutulog sya.

Sumenyas sa akin si tita Blessie na lapitan ko na lang yung anak nya. Tumango ako at lumabas na sya ng room ng anak nya.

Nag-aatubili akong lumapit. Heto na naman kasi ang puso ko, walang tigil sa pagkalampag nung makita ang amo nya.

" Uno?" tawag ko. Walang sagot. Lumapit na ako at umupo sa kama sa tabi nya.

" Uno?" tawag ko uli but this time may kasama ng bahagyang pagtapik sa braso nya. Kumilos naman sya at humarap sa direksyon ko. Minulat nya ang isang mata nya at nang makita ako ay awtomatikong dumilat na may halong pagkagulat.

" W-what are you doing here?" medyo malat yung boses nya.

" Dinadalaw kita then I brought you this." turo ko sa paper bag na dala ko.

" Thank you. Sorry hindi kita napupuntahan sa inyo ilang araw na."

" Ito naman may sakit kana nga yun pa ang iniisip mo.Magpagaling ka muna."

" Magaling na ako kasi nakita na kita." awtomatikong bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi nya. Putspa! May sakit na nga dumidiga pa.

" Naku Juan Miguel tigilan mo muna ako. May sakit kana nga kung ano-ano pa sinasabi mo."

" Ayaw mong marinig ang sinasabi ko kasi hindi naman ako si Harry." nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nya. Hala! May hang over pa rin pala sya nung tungkol kay Harry.

"  Magkaibigan lang kami ni Harry.Sorry hindi ko nasabi sayo na nagkakausap kami. Sasabihin ko na sana sayo kaya lang nagdalawang isip ako lalo na nung sabihin mong nagseselos ka sa kanya.Ayoko namang magkasira tayo dahil dun."

" Alam mo nagtampo talaga ako sayo nung araw na yon dahil naglihim ka. Pero dahil mahal kita, naiintindihan ko."

" Asus hayan na naman sya. Pagaling kana, nami-miss kana ng mga halaman ni lola Paz." pag-iiba ko ng usapan.

" Yung mga halaman lang? Ikaw ba hindi mo ako nami-miss?"

Hindi ako sumagot. Inabala ko ang sarili ko dun sa mga dala ko para sa kanya. Inilabas ko ang mga ito sa paper bag. Malungkot nya akong tiningnan.

" O kitam hindi ka makasagot dahil balewala lang ako sayo. Kapag si Harry ang tumatawag, excited ka lagi sa pagsagot. Sabagay sino ba naman ako sayo, ako lang naman si Onemig na mapang-asar na laging nagpapaiyak sayo." malungkot nyang turan.

" Uno saan naman galing yan!" nabigla kong turan. Shocks! Kung alam lang nya.

" Alam ko naman Ali na kahit binigyan mo ako ng pag-asa sa panliligaw ko sayo, hindi ka pa rin talaga sigurado sa feelings mo o talagang wala kang feelings sa akin kundi pagkakaibigan lang. Pero naiintindihan ko kasi mahal kita. Kahit ganon lang basta't kasama kita,ayos na. Mahal kasi kita Ali. Mahal na mahal."

" Uno hindi ganon yon!" napasigaw na ako.

" Kung hindi ganon, ano?" pasigaw na rin ang tanong nya. Nalilito ako at kinakabahan kung bakit nauwi kami sa ganitong usapan. Nagsisigawan na kami halos at parang mag-aaway na naman yata.

" Basta hindi ganon yon! Wag ka nga dyang sumigaw baka mabinat ka."

" O ngayon may pakialam ka kung mabinat ako!"

" Syempre kasi mahal kita!"

" What? Ulitin mo nga!" nanlalaki ang mata nya,hindi makapaniwala sa narinig. Natampal ko naman ang noo ko sa hindi inaasahang tinuran ko dahil sa pagkabigla.

Shocks! Nasabi ko ba yun? OMG I'm so patay na talaga.