Aliyah's Point of View
" I love you Aliyah Neslein Mercado.Will you be my girlfriend?"
NAKATULALA lang ako sa kanya habang seryoso syang naglalahad ng feelings nya sa akin. Parang ayaw pang ma-proseso sa utak ko yung sinabi nya.
Ako? Girlfriend nya? Jusko lodi! Wala pa akong experience sa mga ganyang bagay at hindi ko alam kung paano ba sasagutin ang tanong nya. Kailangan ba sasagot agad? Pag sinabi ko bang oo, automatic na kami na? Hindi ba dapat aakyat muna ng ligaw ang lalaki sa girl? Kasi si dad ganun kay mommy noon, may mga rules pa nga silang pinagkasunduan bago sya sinagot ni mommy. Eh bakit ngayon nagtatanong na agad siya? Hay ang tanga ko naman pagdating sa ganito.
" Teka lang Juan Miguel, kapag ba sumagot ako ng oo sa tanong mo, magiging tayo na ba agad? Di ba dapat aakyat ka muna ng ligaw sa akin at magpapaalam sa parents ko?" naisatinig ko, napangiti sya ng malapad sa tanong ko. Puno ng amusement ang kanyang mga mata.
" I'm sorry Ali kung hindi ko na napigilang isiwalat ang feelings ko sayo. Masyado akong nadala ng damdamin ko kaya nawala sa isip ko yung tamang proseso. Hindi katulad nung pasts ko.Liligawan muna kita, aakyat ako ng ligaw sayo at magpapaalam sa parents mo. Old school yon pero yun ang tama at nararapat.Hindi dapat isinusunod sa uso ang pakikipag-relasyon, pagdating sayo, I'm willing to go back to the basics. Maghihintay ako kung kailan mo ako sasagutin gaya ng paghihintay ko sayo sa maraming taon, you are worth the wait Aliyah and I'm willing to risk everything just for you to be mine." madamdaming wika nya na lalong nagpalakas sa tibok ng puso ko.
" Pasensya na Uno, wala pa talaga akong alam sa pakikipag-relasyon. May mga nanliligaw din naman sa akin pero si daddy at mommy ang humaharap sa kanila dahil wala pa kasi sa isip ko yan. Pero pagdating sayo willing akong i-consider yang panliligaw mo, nakikita ko naman kasi yung sincerity mo."
" You mean may pag-asa ako sayo?"
" Depende. Not until you prove yourself to me."
" Hindi kita susukuan Ali kahit umabot pa yan ng ilang taon."
" Talaga lang ha? Sige sasagutin kita pag 40 na ako." natawa ako ng mapakamot sya ng ulo nya na tila nadismaya. Hay nako, kung alam lang ni Uno na kahit ngayon mismo maari na nyang makamit ang sagot ko kaya lang kailangan naming sumunod sa nararapat. Hindi kami dapat tumulad sa iba na nakikiuso sa takbo ng makabagong henerasyon. Gusto ko tumulad kami sa mga magulang ko na kahit bata pa sila nung nagmahalan sila, hindi sila lumabag sa kagandahang asal.
KINABUKASAN gumising ako na magaan ang pakiramdam ko. Kahit halos magdamag kong iniisip yung pagtatapat ni Onemig, excited pa rin akong gumising ng maaga.
Bumangon ako at naligo. Nagsuot lang ako ng pambahay na cotton shorts at shirt na kulay light yellow na may print na Winnie the Pooh sa harap. Matapos suklayin ang buhok ko ay lumabas na ako ng room ko at dumiretso sa dining room.
Hindi pa man ako nakakarating sa dining ay may naririnig na akong masayang nag-uusap. Nangingibabaw ang boses ni Neiel at ni lolo Franz na parang natatawa sa sinasabi ng kung sino man ang kausap nila. Hindi ko mabosesan dahil sa ingay nilang dalawa.
Halos manlaki ang mata ko ng mapagsino ko kung sino ang kasama nila sa hapag. Awtomatikong kumalampag na naman ang pasaway kong puso pagkakita sa kanya. Natulala ako at natulos sa kinatatayuan ko, na kung hindi pa nagsalita si lola Paz ay hindi ako matatauhan.
" O heto na pala si Liyah. Apo maupo kana dun sa tabi ni Onemig ng makapag-umpisa na tayong mag-breakfast." sumunod ako sa sinabi ni lola Paz. Ipinaghila pa ako ni Onemig ng upuan sa tabi nya. Nagkatinginan kami ng paupo na ako.
" Why are you here?" tanong ko na nagtataka pa rin.
" Nagdala sya ng gatas ng kalabaw at manggang hinog. Kakausapin nya rin daw kami kaya inanyayahan na namin syang sumalo sa almusal." si lolo Franz na ang sumagot sa tanong ko.
Ang aga naman nyang umpisahan ang panliligaw nya.
Hindi na ako kumibo pero grabe ang kilig na nararamdaman ko.
Nang matapos si Neiel mag-pray ng pasasalamat bago kumain, tahimik naming pinagsaluhan ang nakahain sa hapag.
" So ano ba ang gusto mong sabihin sa amin Onemig?" umpisa ni lolo Franz ng matapos ang agahan.
" Ah eh lolo, since wala po si tito Nhel at tita Laine, sa inyo po muna ako magpapaalam."
" Magpapaalam? Para saan?" takang tanong ni lolo sa kanya. Kinakabahan naman ako sa sasabihin nya. Alam ko na ang tinutumbok ng salita nya. Nag-aalala ako na baka magalit si lolo. Pero sa isang banda, natutuwa ako dahil seryoso talaga sya. Isang malaking check para sa akin yon.
" Lolo Franz, lola Paz, lola Baby, Neiel----" tiningnan nya isa-isa ang mga kasalo namin sa hapag. " magpapa-alam ako sa inyo na... manliligaw ako kay Aliyah. Kaya ako naririto ay upang pormal na hingin ang pahintulot nyo na umakyat ng ligaw sa kanya. Mahal ko po si Aliyah." buong tapang na turan nya sa harap ng kapamilya ko. Panay naman ang dagundong ng nagwawalang puso ko.
Napasinghap silang lahat ng marinig ang sinabi nya. Nakikita ko ang labis na paghanga nila sa kanya dahil sa lakas ng loob na ipinakita nya pati na ang pagrespeto sa kanila.
" Alam mo Onemig, bata pa lang kayo noon ni Aliyah ay alam ko na ang kahihinatnan ng pagkakaibigan nyo. Hindi ko alam pero yun ang nararamdaman ko. Natutuwa ako na nirerespeto mo kami sa paglalahad mo ng intensyon mo sa aming apo. Kahit na iba na ang kalakaran ng makabagong henerasyon sa pakikipag-relasyon, pero naririto ka ngayon at hinihingi ang pahintulot namin na ligawan si Liyah. Mabuti ang ganyan Onemig at dahil dyan pumapayag kami sa pahintulot na hinihingi mo." turan ni lolo.
" Maraming salamat po lolo Franz. Makakaasa po kayo na irerespeto ko po ang apo nyo. Magpapaalam din po ako kay tito Nhel at tita Laine pagdating nila." tumango-tango si lolo, halatang natutuwa sa sinabi ni Onemig.
Kinilig naman ako sa sinabi nya. Mas lalo akong humanga sa kanya sa ginawa nyang pagkausap sa mga kapamilya ko.
Nung gabi na ay nag Skype kami ng mga magulang ko. Kinumusta ko sila at sinabi nilang maayos na yung company expansion ni papa Anton kaya maaari na silang umuwi anytime.
" Mommy, daddy si kuya Onemig nandito po kanina.Nagpaalam po sya kina lolo na magliligaw kay ate." singit ni Neiel. Tinakpan ko ang bibig nya. Napaka-daldal naman kasi.
" Talaga? Nagliligaw na yung manok ko kay ate? " pagpatol naman ni dad, ginaya pati pagsasalita ni Neiel. Hinayaan naman namin sila ni mommy na mag-usap.
" Hindi manok daddy ang nagliligaw kay ate, si kuya Onemig po, tao yun." napahagalpak na si daddy sa kainosentihan ni Neiel. Pati kami ni mommy ay natatawa na rin.
" Ano naman ang sabi ng mga lolo mo kay Onemig sweetie?" baling sa akin ni daddy.
" Hayun po dad, dahil maayos po syang nagpaalam kila lolo at natuwa sila sa respetong ibinigay nya sa kanila, pinayagan sya na umakyat ng ligaw.Kakausapin din daw nya po kayo ni mommy pag-uwi nyo."
" Mabuti naman at hindi sya katulad ng mga kabataan ngayon na wala ng ligaw-ligaw, girlfriend na agad. Ibig sabihin seryoso talaga sya sayo sweetie." turan naman ni mommy.
" Oo nga anak. Ganyan din ako nun sa mommy mo. Matapang kong hinarap ang lolo Franz mo, mas bata pa nga kami nun sa inyo. Seryoso ako sa mommy mo eh, kita mo naman patay na patay pa rin sa akin to hanggang ngayon." napangiwi pa si daddy ng kurutin sya ni mommy sa tagiliran.
" Puro ka kasi kalokohan beh. Alam naman ng mga anak mo kung gaano ka ka-inlove sa akin hanggang ngayon." natatawa si daddy na inakbayan si mommy at hinalikan sa ulo. Hanggang ngayon makikitang in-love pa rin sila sa isat-isa. Sila ang tinitingnan ko pagdating sa pakikipag-relasyon. Yung pag-iibigan nila ang gusto kong maging basehan kapag nagkaroon na ako ng karelasyon.
" Okay lang po ba sa inyo, daddy, mommy na manligaw sa akin si Onemig?" tanong ko sa kanila.
" Hindi ba sabi ko sayo sweetie na wala naman akong magagawa kung may manligaw sayo? Ang sa amin lang ng mommy mo, yung nasa ayos lang at irerespeto ka. Hindi ka namin hihigpitan dahil may tiwala kami sayo anak. Pinagdaanan na namin yan. Sinuportahan kami ng mga magulang namin sa relasyon namin. Kasama namin sila sa lahat ng naging laban namin. Kaya kung handa ka sa pakikipag-relasyon anak dapat matatag ka. It's not always about rainbows and unicorns, mas lamang ang heartaches and pain. Pero kung tunay ang pagmamahal nyo sa isat-isa, mapagtatagumpayan nyo ano man ang pagdaanan nyo." mahabang turan ni daddy, tumatango naman si mommy bilang pag-sang ayon.
" Salamat po dad, mom pero iniisip ko pa po kung handa na ba ako sa pakikipag-relasyon but honestly, I like him.I like him a lot."
" Oh sweetie,you have all the time in the world to think things better. Hindi mo kailangang magmadali, kailangang handa ka talaga." payo ni mommy.
" Oh ano Aliyah Neslein, di ba tama ako sa hinala ko na kaya ka laging inaasar ni Onemig eh may gusto sayo yun? Alam na alam ko ang mga da moves na ganyan dahil gawain ko sa mommy mo yan." sabi ni daddy na bigla namang napabaling kay mommy dahil kinurot na naman sya ni mommy sa tagiliran. Hinuli ni dad yung kamay ni mommy at hinalikan. Mabilis naman kaming nagpaalam ni Neiel dahil nagmo-moment na naman sila.
Nahiga ako sa kama ko ng gabing yon ng may ngiti sa labi. Wala na akong dapat ipag-alala sa mga kapamilya ko tungkol sa panliligaw ni Onemig. Lahat sila pumapayag na manligaw sya sa akin dahil sa nakita nilang sinseridad sa kanya.
Alam ko na mahal nya ako at ganon din naman ang nararamdaman ko towards him but the question is, ready na ba ako sa pakikipag-relasyon? Sabi nga ni dad, love is not always rainbows and unicorns at yun ang ikinatatakot ko---
ang masaktan....