Nakakalungkot man pero kailangan na natin silang bigyan ng ending.Salamat sa mga readers na sumubaybay sa story ni Nhel at Laine. Hinango ko po ang story na ito dun sa tula na nasa unang page nitong story. The poem was given to me by someone who was once special and close to my heart.
Pagpasensyahan nyo na ang nakayanan ko.Epilogue na po on Nhel's Point of View .Enjoy reading!
__________________
Nhel's Point of View
Hindi ako halos makapaniwala na finally nandito na kami ni Laine.
" Bro ano ba hindi ka mapakali dyan, darating yun maaga pa naman." si Wil yun kanina pa ako pinupuna sa pagiging balisa ko.Wala pa kasi ang bridal car na sinasakyan ni Laine pero tumawag na ako at ang sabi on the way na sila dito sa church kung saan gaganapin ang wedding namin.
Iginala ko ang tingin ko.Kumpleto na ang pamilya ko at pamilya nya,maging yung mga ate at kuya nya ay nandito rin para saksihan ang kasal na matagal na naudlot dahil sa mga pangyayari.
Nang marinig ko ang anasan nila ay awtomatikong napatingin ako sa pinto ng simbahan.Sa wakas narito na ang pinakamamahal ko. Nakita kong nilapitan na sya nina tito Franz at tita Paz hudyat para lumakad na sila papunta dito sa altar kung saan ako naghihintay kasama si Wil na syang Best Man ko.
Nagsimula ng maglakad ang buong entourage, nasa unahan ang anak namin na si Aliyah na syang flower girl at sumunod si Mark bilang ring bearer naman.Masaya ako na makita ang dalawang anak ko na magkasama. Kahit hindi sila tunay na magkapatid naging malapit sila sa isat-isa simula nung bumalik si Mark kasama ng mga magulang ni Marga mula sa Europe. Kahit na nakakulong si Marga,hindi nila inilayo sa akin si Mark. Natanggap na rin kasi nila ang katotohanan na kinasapitan ng anak nila. At hinayaan na rin muna nila na pagdusahan naman ni Marga ang mga masasamang nagawa nya.Inamin nila na nagkamali sila sa pagpapalaki sa anak nila kaya ganoon ang nangyari,lahat ng maibigan gusto nakukuha.
Sa ngayon maayos na ang tunguhan namin at may usapan na kami na kapag nagbago na si Marga at natuto sa mga pagkakamali nya, iuurong na namin ang kaso laban sa kanya at lalaya na sya.
Ang mag-asawang Pete at Rina naman ang sumunod na naglakad bilang mga abay namin, nakapanganak na si Rina sa pangalawa nila ni Pete nung isang taon ng isang malusog na batang lalaki. Ngayon ay may sarili na silang grocery store sa kabayanan na magkatulong nilang pinapatakbo.
Sumunod na naglakad si Candy, ang fiancee ng best man kong si Wil. Ilang buwan na lamang ay sila naman ang ikakasal.Nagta-trabaho silang dalawaย sa Montreal sa tulong ni Laine at Anton.And speaking of Anton, naroon sila ni Lianna sa likod ni Candy, sila na ang susunod na maglalakad. Mababakas ang kasiyahan sa kanila habang pinapanood ko silang maglakad sa aisle. Mas naging malapit pa kami nina Laine at Aliyah sa kanilang dalawa ngayon.
Next in line ay ang mga napili namin na ninong at ninang sa pangunguna ni Big boss Montreal.Nasa linya din ang aking mga magulang.
At ang panghuli sa naglakad syempre ay ang babaing pinaka-mamahal ko kasama si daddy Franz at mommy Paz.
Nagtama ang tingin namin at kumalabog na naman ang puso ko.Hanggang ngayon ay ganon pa rin ang epekto ni Laine sa akin kaparis pa rin nung una ko syang makita 15 years ago.
( flashback)
" Kung bakit ang dami- daming lugar dito ka pa sesemplang."
" Bakit may iba pa bang daanan papunta dun sa poultry nila Mang Ben, wala naman di ba?"
Nagbabangayan pa kami nun pero aminado ako sa sarili ko na iba ang naramdaman ng batang puso ko nun sa kanya, I already knew that she's the one.
Habang papalapit sya sa kinaroroonan ko ay sa akin lang nakatuon ang kanyang tingin.Para bang ayaw nya akong mawala sa paningin nya.At hindi ko na naman napigilan ang pagdaloy muli ng mga alaala.
" Mahal kita sobra pa sa sobra.Kung yan lang ang paraan para matahimik tayo, gagawin ko kahit ang kapalit nito ay kalungkutan para sa akin.Magtitiis ako sa ngayon,pero ipangako mo na babalikan mo ako at ipaglalaban."
" Oo beh,pangako basta tuparin mo lang yung hinihingi ko,wag mong ibibigay sa kanya ang puso at katawan mo,akin lang yan at ako lang ang may karapatan sayo."
" Pangako babe,sayo lang ang buong ako."
Yun ang mga pangako namin sa isat-isa nung maghiwalay kami at ipinakasal ako kay Marga.
Naghintay ako sa kanya kahit na halos mawalan na ako ng pag-asa.Awa naman ng Diyos ay nalampasan namin yun ni Laine.Ilang beses na kaming naghiwalay at sa bawat paghihiwalay namin ay mayroon kaming aral na natututunan na syang nagpatibay lalo sa aming pagmamahalan.At itong huling paghihiwalay namin ang pinaka-masakit sa lahat at dito sinubok kami ng matindi ng tadhana.Nawalan ako ng memorya pero nakilala pa rin sya ng puso ko.
Kapag matibay at matindi talaga ang pag-ibig na inalagaan sa puso, kahit anong unos pa yan ay tiyak na mapagtatagumpayan basta't magkasama kayong harapin ang bawat hamon at ang lakas nyo ay Diyos ang pinanggagalingan.
" Nhel anak pinagkakatiwala naming muli sayo si Laine.Alam namin kung gaano mo sya kamahal at hindi kami nagkamali sa pagpili sayo.Alam kong iingatan mo sya pati na ang inyong anak.Kaya salamat sayo at panatag kami na ipagkatiwala na sya sayo at alam kong hindi mo sila pababayaan." si daddy Franz iyon,inabot na nya ang mga kamay ni Laine sa akin.Hindi ko namalayan na nasa harap ko na sila dahil sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.
Tinapik ako ni daddy Franz sa balikat at nagpasalamat ako pagkatapos kong magmano sa kanila ni mommy Paz.
Iginiya ko ang aking asawa sa altar at inalalayan ko sya hanggang sa maayos na syang nakapwesto.Nagkatitigan kami saglit at sabay na napangiti.
Well, here we are again; ๐ถ
I guess it must be fate.
We've tried it on our own,
But deep inside we've known
We'd be back to set things straight.๐ถ
" This is it beh,wala ng atrasan to." bulong nya sa akin.
" Sino ba ang maysabing aatras tayo?Ang tagal kong pinangarap ito at kung balak mong umatras babe, hindi na maaari dahil matagal ka ng kasal sa akin ." biro ko sa kanya.
I still remember when ๐ถ
Your kiss was so brand new.
Every memory repeats,
Every step I take retreats,
Every journey always brings me back to you.๐ถ
" Ehem!" tikhim nung pari. " pwede na ba tayong mag-umpisa?"
" Sorry po father!" sabay naming turan at natatawang inumpisahan na ng pari ang seremonya.
After All the stops and starts, ๐ถ
We keep coming back to these two hearts,
Two angels who've been rescued from the fall.
After All that we've been through,
It all comes down to me and you.
I guess it's meant to be,
Forever you and me,
After All. ๐ถ
Matapos ang mga seremonya, ang pagsasabi ng I do, pagpapalitan ng vows,pagsuot ng mga singsing.Muli na naman nagsalita ang pari.
" And by the power vested in me, I now pronounced you husband and wife.You may now kiss the bride."
Dahan -dahan kong inilapit ang mukha ko kay Laine.Tinitigan ko muna sya ng buong pagmamahal bago ko sinakop ang kanyang mga labi.
Matagal at maalab ang halik na pinagsaluhan namin. Mistulang kaming dalawa lang ang tao sa loob ng simbahan.Sigawan ng mga tao sa paligid namin ang nagpabalik sa amin sa realidad.
_________________
" Sige na anak kami na ang bahala dito baka gabihin pa kayo sa byahe ninyo." si mommy Paz itinataboy na kami ni Laine papunta sa honeymoon namin.
" Okay mom kayo na po muna ang bahala kay Aliyah habang wala kami.Beh tara na, nasa kotse na lahat ng gamit na dadalhin natin." untag ni Laine sa akin.
" Sige paalam na tayo sa mga bisita."
Nang makapag-paalam na kami sa lahat ay agad ko ng hinila si Laine at nagmamadaling sumakay sa kotse namin.
" Beh ano ba! Nagmamadali eh.Excited much?" natatawa nyang turan.
" Syempre naman babe honeymoon toh...honeymoon! Kailangan makarating agad tayo para makarami." sambit ko sabay kindat sa kanya.
" Hay nako ikaw talaga pagdating sa ganyan buhay na buhay ang dugo mo." naiiling pa sya.
" Eh gusto ko ng magkaroon na ng kasunod si Aliyah. Imagine magsi-six na sya in a few months tapos wala pa syang baby brother."
" Grabe ka beh! Parang sigurado ka na baby boy talaga ang susunod natin ah."
" May technique dyan para maging baby boy."
" Sus tumigil ka nga may ganun ka pang nalalaman.Kung ano yung ibigay ni Lord yun na yun,wala sa technique yan."
" Hahaha..ito naman sineryoso na yung sinabi ko."
Napangiti lang sya at inabot ang aking kamay.
" Beh, thank you ha?"
" For what?"
" For loving me unconditionally.Hindi ko alam kung ano ba ang mabuting nagawa ko para biyayaan ako ng Diyos ng isang tulad mo." turan nya at hinalikan ang aking kamay.
" Aw babe,kinikilig naman ako sa sinabi mo.Kidding aside, you deserved it babe.Mahal kita hindi dahil mahal mo ako kundi mahal kita kasi mahal kita, period." at hinalikan ko rin ang kamay nya na nakahawak sa akin.
Matiim syang tumingin sa akin.
" I love you beh, mula pa nuong 13 years old ako hanggang ngayon at sa mga susunod pang panahon..Ikaw lang at wala ng iba."
" Mahal din kita.You're my everything, kayo ni Aliyah at hindi ako magsasawang ipadama yun sayo habang ako'y nabubuhay."
" Haha.kailan pa tayo naging cheesy beh? Bilis na malapit na tayo sa pupuntahan natin."
" Alright mahal kong reyna."
At mabilis na akong nagmaneho papunta sa kung saan kami lang dalawa ang magpapakasawa sa ligaya na dulot ng aming pag-ibig sa isat-isa.
Marami kaming masasayang alaala ni Laine mula pa sa aming pagkabata.We both fell in love at a very young age.Pero hindi naging hadlang yon upang mapatakbo namin ng maayos ang aming relasyon.Ngunit sadyang sa larangan ng pag-ibig walang hindi nakakaranas ng sakit, lahat dumadaan dito.Nagkakamali tayo pero sa bawat pagkakamali ay natututo tayo at bumabangon sa bawat pagkakamali.Our greatest glory is not in never failing but in rising everytime we fall.
Ilang beses sinubok ng tadhana ang relasyon namin pero dahil matindi talaga ang pag-ibig namin sa isat-isa, napagtatagumpayan namin ang ano mang pagsubok na dumaan sa buhay namin.Siguro kung hindi rin kami kumapit sa Diyos na syang ginawa naming sentro ng relasyon namin baka hindi rin kami umabot sa ganito.
Sinulyapan ko ang aking natutulog na asawa.Ang babaeng pinag-alayan ko ng lahat sa akin.Ngayong magkasama na kami bilang isang pamilya,hindi ko na hahayaan pang mahiwalay syang muli sa akin.I can't go on living without Laine. Because my life is not complete without her.
She's my life....
My happiness....
And my everything...
My first and only love!
**THE END**
TO GOD ALONE BE THE GLORY!