Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 155 - Special Chapter

Chapter 155 - Special Chapter

Laine's Point of View

" Anton gaano ba kayo ka-busy dyan sa photo shoot nyo at hindi ko ma-contact yang asawa ko?" nayayamot kong tanong kay Anton.Ako na mismo ang pumunta sa shoot nila dahil hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

" Easy lang baby! Si Nhel ang nakasalang ngayon kaya hindi nya masagot yung tawag mo. What's the problem? Pwede mo naman sa akin sabihin."

" Wala naman. Kanina kasing umalis sya hindi kami nag-uusap. Kaya siguro hindi nya sinasagot mga tawag ko kasi naiinis sya sa akin." nakanguso ko pang wika.

" Hayun! Sinumpong kana naman pala ng pagiging bratinella mo tapos ngayon susugod-sugod ka dito.Alam ko kapag ganyan ka,isa lang ang dahilan at walang sablay yon."

" Ano naman aber?"

" Ganyan ka lang naman kapag buntis ka. Ano tama ba ako baby?" may himig na pang-aasar pa.

" Hindi ah!" todo tanggi ko pa.

" Naku! Naku Alyanna ang tagal na nating magkasama at magkaibigan kaya kabisado na kita. Ano sasabihin ko na ba kay Nhel?"

" Huwag!" eksaherada kong sigaw.

" Hoy grabe ka muntik ng tumalsik tong tenga ko sa lakas ng sigaw mo! Bakit naman ayaw mo?" nagtatakang tanong nya.

" Basta! Hindi pa ako nagpapa-check up. Ako na lang ang magsasabi sa kanya para surprise." masaya ko ng turan.

" Grabe ang mood swings mo ah! Sige ikaw ang bahala. Bye na, maiwan muna kita dyan susunod nako sa shoot.Sabihin ko kay Nhel nandito ka." paalam nya at hinalikan ako sa ulo ko bago sya umalis.

" Bye Tonton,kumusta na lang kay Lianna." napalingon syang muli ng marinig nya ang sinabi ko. Kumunot ang noo ko ng parang may lungkot at kirot akong nakita sa mga mata nya.

" What happened Ton?" umiling lang sya.

" You mean hindi pa rin sya umuuwi sa inyo? Bakit hindi mo pa sunduin? Mas maganda kung pag-uusapan nyong dalawa yang problema."

" Siya ang umalis kaya bahala sya kung kailan nya gustong bumalik."

" Oh Tonton! What can I do to help you?"

" Don't worry about us. Don't stress yourself baka nga buntis ka hindi makakabuti sayo.Panoorin mo na si Nhel sa photo shoot nya, ayusin ko na yung mga isusuot ko sa shoot." tumalikod na ulit sya. Naiwan akong naguguluhan sa nangyayari sa kanila ni Lianna ngayon.Sana maayos na kaagad nila kung ano man yung gusot sa pagitan nila.At talagang nalulungkot ako para sa kanilang dalawa.

Pumunta na ako sa photo shoot ni Nhel. Inabutan ko syang nagpo-pose sa harap ng camera. All male models lang ang may photo shoot ngayon dahil sa bagong ilalabas na Montreal Casuals For Men.

Buong paghanga kong pinanuod ang asawa ko. Hindi sya mukhang may asawa at anak na sa itsura nya. Walang hindi napapalingon sa kanya kapag naglalakad sya sa mall o kahit saang lugar kami nagpupunta.

Napangiti sya ng mapansin nya ako sa gitna ng mga taong nanonood ng shoot.Bigla namang kumalampag ang puso ko pagkakita ko sa ngiti nya. Hanggang ngayon para pa rin akong teen ager na kinikilig sa simpleng ngiti lang ng crush nya.

Nang matapos ang shoot nya ay kaagad syang lumapit sa akin. Pinunasan ko ang pawis nya ng dala kong towel at inabutan ko sya ng bottled water na mabilis naman nyang ininom.

Yumakap sya sa akin matapos nyang uminom ng tubig at hinalikan ako sa sentido ko.

" Why are you here? I thought you don't want to see me?" namimilyo ang ngiti nya habang tinatanong nya ako.

" Mag-isa lang kasi ako sa bahay tsaka gusto kong mag sorry sa pagiging maldita ko kanina sayo." napanguso ako habang isinusubsob ko yung mukha ko sa dibdib nya.

" Tsk! Hindi nga kita maintindihan this past few days, napaka sungit mo. Palagi mo na lang akong inaaway. Siguro hindi mo na ako love dahil nakuha mo na ang lahat sa akin." nakanguso pa sya habang sinasabi yon.Ang cute lang.

" Shh beh para kang sira dyan! Mamaya marinig ka nila isipin pa inaabuso ko ang gorgeous yummy hot sexy with six pack abs body mo." napahagalpak na sya ng tawa ng marinig ang sinabi ko. Tuloy napatingin sa amin ang mga taong nasa paligid namin.

" Ikaw talaga babe palagi mo akong napapatawa. Kaya kahit nakakapikon minsan yang pagiging makulit mo, ine-enjoy ko na lang. Mas malungkot naman kasi kapag tahimik ka. "

" Sorry beh.Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko this past days, ang dali kong mainis at mairita."

" Baka naman babe may kasunod na si Aliyah?"

" Yun nga rin ang sabi ni Anton kanina. Tingin ko nga rin kasi medyo delayed na ako ng ilang araw sa period ko."

" Yahoo! Magiging daddy na ulit ako!" bigla syang sumigaw at napapasuntok pa sa hangin kaya tuloy napatingin sa amin ang mga co-models namin.

" Beh ano ba! Nakakahiya." natatawa kong awat sa kanya.

" Tara babe magpa-check up kana para malaman natin kung nagbunga na yang gabi-gabing pangangalabit mo sa akin." nang-aasar nyang wika na may pilyong ngiti sa labi.

" Sira! Ako pa talaga ang nangangalabit ha? Ikaw nga dyan ang madalas mangulit kaya." napahalakhak na sya ng husto sa sinabi ko. Puro kalokohan eh.

NAGPUNTA na nga kami sa isang clinic malapit lang sa opisina ng Montreal, si Ms.Dang ang nag-recommend ng doctor dahil yun daw ang doktor ng company.

" Congratulations Mr.and Mrs.Mercado, you are now 4 weeks pregnant. Yan ang rason ng pagiging moody mo nitong mga nakakaraang araw Laine.Reresetahan kita ng vitamins at pampakapit then next month balik ka para sa check up ulit." wika ni Dra.Aguilar at inabot yung reseta at sonogram nung baby.

Maluha-luha naman si Nhel habang tinitignan nya yung sonogram. Ngayon lang daw kasi sya nakasama sa akin sa check-up ko. Nung kay Aliyah kasi, naghiwalay kami nun at hindi nya alam na nabuntis nya ako. Dun naman sa pangalawa namin hindi na namin nakuhang magpa-check up dahil nalaglag na ito nung saktan ako muli ni Marga.

" I'm so happy babe.Thank you." niyakap nya ako at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

" Halika na beh, uuwi pa tayo ng Sto.Cristo, hinihintay na tayo ni Aliyah dun." untag ko sa kanya.Nasa Sto.Cristo kasi ngayon si Aliyah kasama sila dad. Umuwi sila dun dahil fiesta at nami-miss na rin sila nila papa Phil. Hindi kami nakasabay sa kanila kahapon dahil nga sa photo shoot ni Nhel. Doon na kami didiretso ngayon.

Habang binabagtas namin ang daan pauwi ng Sto.Cristo ay pareho lang kaming busy sa kanya-kanyang iniisip. Mababakas ko sa mukha nya ang kasiyahan dahil sa blessing na dumating sa amin. Sumulyap sya sa akin then mouthed i love you na tinugon ko rin naman.Kinuha nya ang kamay ko then intertwined with his. Masaya lang kami pareho habang sinasabayan ang love song na pumapailanlang mula sa car stereo.

Naisip ko yung mga pinagdaanan namin ni Nhel. Tapos na talaga yung mga pagsubok na yon dahil napagtagumpayan na namin lahat sa tulong ng Panginoon at ng pag-ibig namin sa isat-isa. Wala na akong mahihiling pa. Kuntento na ako sa buhay ko, sa buhay namin.

Ang mga magulang ko ay dito na sa Pilipinas namalagi,twice a year na lang sila pumupunta ng US para sa mga business na inaasikaso naman ng mga ate ko na doon na nagkapamilya. Yung tatlong brothers ko ay mga tapos na sa pag-aaral at tumutulong na rin sa pagpapatakbo ng business namin dito sa Pilipinas na pinamamahalaan ng dalawang kuya ko.

Ang mga kaibigan naman namin ay happily married na rin.Si Wil at Candy ay parehong nasa Montreal at si Pete at Rina naman ay may dalawang branch na ng grocery sa kabayanan. So far masaya ako sa naging buhay ng mga kaibigan namin, si Anton at Lianna na lang ang iniisip ko ngayon dahil nagkaroon ng problema sa marriage nila.Sana lang maayos nila agad.

Si Mark naman ay sa Europe na nanirahan kasama ng mga magulang ni Marga. Pagkatapos ng kasal namin ay tumulak na sila doon at babalik na lang sila dito pag nakalaya na si Marga. And speaking of Marga, baka lumaya na rin sya soon. Dinalaw namin sya ni Nhel last month at malaki na ang ipinagbago nya. May Bible study kasi dun sa kulungan at nasumpungan nya ang Panginoon na tinanggap na nya sa buhay nya. Dahil sa pagbabago ni Marga ay nagkapatawaran na rin sila ni Wesley na halos araw-araw na dumadalaw sa kanya sa kulungan. Usapan na nila na kapag lumaya na si Marga ay magpapakasal na sila.

Tunay ngang maayos na ang buhay namin. Ang haharapin na lang namin ni Nhel ngayon ay ang pamilyang binuo naming dalawa kasama si Aliyah at ang nasa sinapupunan ko.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng makarating kami ni Nhel sa Sto.Cristo. Masaya kaming sinalubong ng mga kapamilya namin. Nasa sala si dad at papa Phil na naglalaro ng chess ng datnan namin. Si mommy naman at mama Bining ay magkatulong na nagpe-prepare ng hapunan. Nagmano kami ni Nhel sa kanila.

" O buti naman maaga kayo, makakasabay namin kayo sa hapunan." turan ni mommy.

" Medyo late na nga po kami mommy dahil dumaan pa po kami sa clinic." tugon ng asawa ko.

" Clinic? Bakit sino ang may sakit?" nag-aalalang tanong ni mama Bining.

" Wala po ma, nagpa-check lang po si Laine." kaswal na sagot ni Nhel.

" Bakit anak anong nangyari sa kanya?" si mama Bining at si mommy na lumapit na sa akin at ineksamin ang katawan ko.Tinitignan kung may mga kakaiba sa akin.

" Mama,mommy relax lang po kayo, buntis lang po ako." na-shock sila pareho sa sinabi ko at pagkatapos ay sabay pang tumili habang tuwang-tuwa pareho na niyakap ako.

" Hey anong nangyari sa inyo dyan?" si dad na napasugod na at nasa likod si papa Phil.

" Wala masaya lang kami ni balae dahil magkakaapo na naman tayo." sagot ni mama Bining.

" Talaga? Yahoo!" sabay pa si dad at si papa Phil na nagtatatalon sa tuwa.

" Siguradong matutuwa nyan si Aliyah." sabi ni dad.

" Nasaan nga po pala si Aliyah?" halos sabay pa kami ni Nhel na nagtanong.

" Hay nako hayun sa room nyo at nagmamaktol na naman." sagot ni mommy.

Sa narinig ay agad kaming pumunta ni Nhel sa room namin. Dinatnan namin ang anak namin sa ibabaw ng kama na umiiyak.

" Hey sweetie! Why are you crying?" tanong ni Nhel sa anak namin.

" Kasi po daddy ni-aaway po ako ni Onemig,hindi nya po ako bati."