Hayan, salamat sa mga sumubaybay hanggang dito.Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa pagsuporta nyo kay Nhel at Laine. Salamat sa mga nagbasa at nagpupuyat para makarating dito. Ang katagumpayan ng isang may akda ay nasa mga mambabasa. Mahal ko kayo at sana suportahan nyo rin yung mga susunod kong gawa.Maraming salamat guys.God bless everyone.
To God be all the glory!🙏
_________________
Laine's Point of View
WHEN a deep injury is done us, we never recover until we forgive.
Hindi madali ang magpatawad. May mga pagkakataon na parang mas masakit pa ito kaysa sa sugat na ating iniinda, ang magpatawad sa taong gumawa sa atin nito. And yet, there is no peace without forgiveness.
Kailangan nating payabungin at panatilihin ang kakayahan nating magpatawad.He who is devoid of the power to forgive is devoid of the power to love.
Subalit sa kaso ni Marga, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang patawarin sa mga ginawa niya sa amin ni Nhel. Hindi ko kayang kalimutan ang lahat ng mga ginawa niya. Paulit-ulit nya akong sinasaktan at sa tuwing naaalala ko lahat yon, parang nawawala ang kakayahan kong magpatawad. Siguro mapapatawad ko rin sya pero hindi pa sa ngayon. Saka na. Bahala na.
" Hey! What are you thinking? Parang kasing lalim naman ng Pacific Ocean yang iniisip mo.Kanina pa ako nagsasalita dito,hindi ka naman sumasagot."
" Huh!" napukaw ni Nhel ang diwa ko ng marinig ko syang magsalita.
" Tinatanong kita kung papayag ka bang makipagkita sa mga magulang ni Marga? Gusto nilang makipag-usap sa atin para sa kaso ng anak nila."
" Sorry beh, naiisip ko lang si Marga."
" Oh huwag mong sabihin sa akin na patatawarin mo na naman sya at iuurong mo na naman yung kaso laban sa kanya? Babe, sa pagkakataong ito ipaubaya mo na sa akin ang pagdedesisyon. This time, ako naman.Hinayaan kita nung una dahil naaawa din ako kay Mark, pero ngayon hayaan natin sya na pagbayaran naman nya ang mga kasalanang ginawa nya. Hanggat nalalaman nya na pinapatawad mo sya, hindi rin sya titigil sa paggawa ng masama sa atin. Hindi uso ang salitang konsensya sa isang yon." nayayamot nyang turan.Kapag si Marga talaga ang topic para syang torong umuusok ang ilong sa galit.
" Tapos kana po ba?"natatawa kong turan. Ang dami na kasing sinabi, wala pa naman akong sinabing desisyon kung ano ang gagawin ko kay Marga.
Umingos sya at prenteng sumandal sa couch na inuupuan namin.Mataman syang nakatingin sa akin habang magka-krus pa ang mga braso nya sa tapat ng kanyang dibdib.Beast mode.
" Beh, iniisip ko nga na makipagkita kila tito Victor hindi para makipagkasundo na patawarin ko yung anak nila kundi ang ipaintindi sa kanila na kailangang pagbayaran ni Marga ang mga kasalanan nya. Hindi ito matututo ng leksyon kung palagi na lang nating hahayaan na makalibre sya sa mga masamang ginawa nya. At dapat din nilang malaman na bilang magulang hindi nila dapat kinukunsinti ang gawaing masama ng anak nila. Hindi nila ako makukuha sa pakiusap ngayon beh at matatagalan pa siguro bago ako makapagpatawad. Kaya kalma ka lang dyan, wag kang beast mode." malumanay kong turan. Nakita kong unti-unti na syang napangiti sa mga sinabi ko.Relief was written on his face.
" Halika nga dito babe." lumapit ako sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit nang magkalapit kami.
" Sorry kung medyo beast mode ako kanina. Sobrang bait mo naman kasi kaya nag-aalala ako na baka iurong mo na naman ang kaso laban kay Marga dahil maaawa kana naman sa kanya. Hayaan na muna natin sya na maranasan at matikman ang bunga ng mga kasalanan nya."
Umangat ang tingin ko sa kanya.
" Muna? "
" For your peace of mind.Maaari. Until she realized her mistakes.Gusto ko na magbago na sya para kay Mark,kawawa naman yung bata."
Hindi na ako nagkomento, isiniksik ko na lang ang ulo ko sa dibdib nya. Dinama ko na lang ang tibok ng puso nya na kapareho ng sa akin. I felt peace and home. He's really a good man. Sa aming dalawa, sya talaga yung mas mabait.Ako kasi medyo bratinella ako.Pilya. Pero sya, kahit na sukdulan ang galit nya kay Marga, hindi rin nya ito hahayaang mabulok sa bilangguan.Gusto lang nyang ma-realized nito ang pagkakamali at magbago.
Ganoon din naman ang gusto ko na mangyari kay Marga,yung matuto sya sa mga pagkakamali nya. Ayaw ko rin na maranasan ni Mark ang kawalan ng presensya ng ina nya habang lumalaki sya.
______________
ISANG buwan ang matuling lumipas at nakakulong na si Marga ngayon. Napatunayan sa korte na nagkasala sya ng kasong kidnapping. Napatunayan na nilinlang nya si Nhel at sapilitang dinala sa isang lugar na malayo sa kabihasnan. Naging dahilan din ng pagkaka-aksidente nito at nawalan ng memorya pansamantala. Marami rin ang tumestigo, kasama na si Dr.Severo at ang may ari ng resort.Nahatulan sya ng 5-20 years na pagkakabilanggo na maaaring bumaba sa 2-20 years depende sa mga nagsakdal sa kanya at sa magiging behavior nya sa loob.
Hindi kami pumayag sa pakiusap ng mga magulang ni Marga na huwag na lang syang ipakulong. Ilalayo na lang daw nila para hindi na kami guluhin. Ang batas ay batas, hindi maaaring hindi mahatulan ang nagkasala. Dapat pagbayaran ng nagkasala ang krimeng ginawa nya. Ipinaunawa din namin sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan sila. Dapat din na matuto ng leksyon ang anak nila at hindi na gumawa ng kasamaan. Malakas kasi ang loob nito na gumawa ng ganon dahil na rin sa pangungunsinti nila.
Hindi muna pumasok si Nhel sa trabaho nya kay ninong Cesar. Pinayagan sya ni ninong na mag-leave muna sya hanggang sa maka-recover na sya ng husto.
Inaayos na rin namin ang tungkol sa church wedding namin na magaganap sa susunod na dalawang buwan. Maayos na ang buong entourage at ang simbahan, yung venue na lang ng reception at pagkain, mga bulaklak at invitations ang pinagkakaabalahan namin, hopefully matatapos namin ang mga ito in a month.
" Babe halika na! Ano pa ba ang ginagawa mo dyan? Sabi mo magpapalit ka lang ng pang ligo,natagalan ka na. What took you so long? Kanina pa kami naghihintay sa baba ni Aliyah." ang naiinip na mukha ni Nhel ang bumungad sa akin sa pinto ng inookupahan naming cottage. Nandito kami ngayon sa private resort kung saan ko sya natagpuan nung kinidnap sya ni Marga. Dito namin napagpasyahang pumunta dahil bukod sa maganda at tahimik ang lugar kilala na kami ng may-ari. Nagyaya kasi ang anak namin na mag-bonding kaming tatlo dahil unang araw ng summer vacation nila. Pumayag naman kami ni Nhel kahit tatlong araw lang, parang break na rin namin sa dami ng inaasikaso namin para sa wedding.
" Sorry beh,inayos ko pa kasi yung ilang gamit natin para hindi na nakakalat." tumayo na ako at sumunod sa kanya sa labas.Napasipol pa sya ng tanggalin ko ang aking roba na tumatakip sa suot kong two piece swimsuit.
" Makasipol ka naman dyan. Hindi nga ganun ka-sexy ang style nitong suot ko." turan ko habang minamasdan ang suot kong green na two piece.
" Babe,you're always beautiful and sexy in my eyes kahit ano pa ang suot mo. Lalo na kapag wala kang suot na kahit ano." pilyong ngisi nya sabay nag wink pa sa akin ang damuho.
" Tara na nga! Ang dami mong alam. Marinig ka ng anak mo, nakakahiya."
Humahalakhak na sumunod na lang sya sa akin.
Masayang naglalaro ng buhangin ang mag-ama sa tabing dagat habang minamasdan ko sila. Gumagawa sila ng sand castle.Nakaupo lang ako sa buhanginan sa di kalayuan at kinukuhanan ko sila ng picture sa dala naming camera. First time nilang gawin ito kaya hinayaan ko lang silang dalawa sa moment nila.
Maya-maya ay nakita kong patakbong lumalapit si Aliyah sa akin.
" Why sweetie?"
" I'm tired mommy. Ikaw naman po doon kay dad. I'll be the one to take your pictures." pagtataboy nya at kinuha ang camera kong hawak. At her age, she knows how to take pictures in right angles. Namana nya ang hilig ko sa photography.
Lumapit ako kay Nhel na panay naman ang pose dahil sinasabihan sya ng anak namin. Para tuloy may photo shoot kami dito sa tabing dagat. Nagulat na lang ako ng hilahin nya ako dahil kukuhanan kami ni Aliyah ng picture.
Pagkatapos kaming kuhanan ni Aliyah, napasigaw ako ng bigla nya akong buhatin at dalhin sa medyo malalim na parte ng dagat. Nang bitawan nya ako ay hanggang balikat ko ang tubig. Pihadong may naisip na naman itong kalokohan kaya nya ako dinala dito. Tinanaw ko si Aliyah, mukha namang wala syang pakialam sa amin at gumagawa na naman ng sand castle dun sa mismong kinauupuan nyang buhangin.
" I know what you're thinking. Siguradong momolestiyahin mo na naman ako kaya mo ako dinala dito noh?" paratang ko sa kanya.
" Hala grabe ka talaga sa akin. Gusto lang naman kitang mayakap ng ganito dito sa tubig." sus yakap nga ako pero ang isang kamay naman nya naglalakbay kung saan-saang parte ng katawan ko. Style nito bulok. And his noynoy? Gosh! Its poking my pempem.talaga naman!
" Huy beh ano ba yan? Parang nakarinig ng national anthem yang sayo." napahagalpak na sya ng tawa ng marinig nya ako.He kissed my temple.
" Alam mo ng yan ang epekto mo sa akin. Honestly walang ibang nakakapagpatikas dyan kundi ikaw lang babe." ngumisi pa sya ng pilyo.
" Talaga ba?"
" Oo naman!"
" Babe?"
"Hmm."
" Thank you!"
" Para saan?"
" For being my wife.For being my best friend.For being there when I need you most. Akala ko hindi na ako makakabalik sayo pero ang pag-iibigan natin ang naghatid sa akin pabalik sayo.Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan. Sa dami ng pinagdaanan natin, sana ito na talaga yung happy ending natin. Pero kung may mangyari man, na huwag naman sana ulit, alam ko na love will always lead me back to your arms,where I really belong.I love you babe now and forever. Maybe forever is a long period of time but I wouldn't mind spending it with you."
" Kainis ka!pinakilig mo na naman ako. Pero seryoso beh,everything in the past is not just nothing. All of them led to different lesson that we will bring as we continue to live.Always remember that, a person who truly loves you will never leave you no matter how hard the situation gets.Hindi kita sinukuan kasi mahal na mahal kita. And I don't mind too being with you till forever."