Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 152 - Her Downfall

Chapter 152 - Her Downfall

Nhel's Point of View

" Nakakaalala ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Marga sa akin.

" Bakit Marga,anong alam mo sa kundisyon ko? Mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin? Anong ibig mong sabihin na nakakaalala na ako?" balik tanong ko sa kanya.Sa dami ng tanong ko,ano kayang kasinungalingan ang hahabiin na naman nya para makalusot. Let's see and I'll show you what I've got.

" Ha? Ah eh hindi ba medyo nakalimot ka noong mauntog ka sa pinto? Ibig kong sabihin kung naaalala mo na ba yung ibang nakalimutan mo." palusot pa nya.

" Do you think I will buy your lies again? I know everything you did Marga. Mula sa pamimilit mong isama ako na idinahilan mo pa si Mark. Yung pagtira natin dito at pinalabas mo na mag-asawa tayo.Yung mga pagniniig natin na kahit hindi umabot dun sa tunay na pagtatalik, na sa tuwing naaalala ko ay nandidiri ako sa sarili ko dahil nagtaksil ako kay Laine ng hindi ko namamalayan. At higit sa lahat ang pagtatago mo ng tunay na kundisyon ko! " gulat na gulat sya ng marinig nya ang mga sinabi ko.

" Nhel?!" nahihintakutang sambit nya.

" Puro kasinungalingan ang lahat ng sinabi mo sa akin. Sinamantala mo ang pagkakaroon ko ng amnesia."

" Ha? Paano mong...." hindi nya naituloy yung sasabihin nya dahil ako na mismo ang nagtuloy.

" Paano kong nalaman? Simple lang naman Marga, dahil nahanap na ako ni Laine, ang babaing obsessed kamo sa akin? Kailan pa sya naging ganon? Hindi ba ikaw yon? Ikaw ang nang-aangkin ng hindi mo asawa. Kapag naaalala ko yung mga pangit na sinasabi mo sa akin patungkol sa kanya, gusto kitang saktan pero pinipigil ko ang sarili ko. Mula pagkabata walang pangit na ginawa si Laine sa akin o kahit kanino man. Malinis ang pagkatao nya na pilit mong sinisira dahil hindi mo sya kayang pantayan sa lahat ng bagay. Sana natuto kana doon sa unang pagkakasala mo sa amin, pinatawad ka ni Laine kaya hinayaan na kita dahil naaawa ako kay Mark. Pero heto kana naman Marga, gaano ka ba kasaya na paulit-ulit mong sinisira ang buhay ko?"

" Nhel hindi totoo yan. Mahal na mahal kita. Gusto lang naman kitang makasama. Mas higit ang pagmamahal na maibibigay ko kaysa sa ibinibigay ni Laine sayo."

" Huwag kang magpatawa Marga. Pagmamahal? Yan ang salitang kailanman ay hindi mo natutunan.Ang pagmamahal hindi sinasabi lang kundi ipinadadama. Limang taon tayong nagkasama pero wala akong naramdamang pagmamahal na sinasabi mo na higit sa pagmamahal ni Laine..Kung ganyang klase ng pagmamahal ang kaya mong ibigay sa akin, sad to say I won't accept it dahil hindi yan pagmamahal Marga kundi kasakiman. Ilang ulit ko ng sinabi yan sayo pero hindi mo tinatanggap.Ang pagmamahal lang ni Laine ang kailangan ko, ang kalakasan ko pero pilit mong inilalayo sa akin. Maari ba Marga,tama na? Pagod na pagod na ako. Ilang ulit mo na akong niloko. Sinisira mo ang buhay ko ng paulit-ulit. Hindi ka pa ba masaya?"

" Nhel I'm sorry. I'm so sorry.Give me another chance. Lalayo tayo dito,dun tayo sa lugar na tayo lang dalawa at walang nakakakilala sa atin.Sa lugar kung saan hindi ka na mahahanap ni Laine." umiiyak na turan nya habang nakakunyapit sa bewang ko mula sa likuran.

Pilit kong kinalas ang mga braso nya at marahas ko syang hinarap.

" Naririnig mo ba yang sarili mo Marga? O talagang manhid kana sa katotohanan. Sa tingin mo ba papayag akong makisama sayo ngayong bumalik na ang memorya ko? Kinasusuklaman kita Marga mula ulo hanggang paa. Sa tingin mo ba maatim kong makisama sayo sa kabila ng lahat ng kasamaang ginawa mo sa amin?Alam mo parang cycle na lang itong nangyayari. Parang routine. Paulit-ulit. Nakakasawa na kaya dapat pigilan na." matiim ko syang tinignan.Mababakas ko sa kanya ang takot at pagkabalisa.

" N-Nhel ano a-ang ibig mong s-sabihin?" hintakot na tanong nya.Nagkakandautal na sya sa kaba.

" Simple lang Marga, pananagutan mo sa batas ang ginawa mong ito.Hindi ko na hahayaang makalibre ka pa. Marami na akong naipong ebidensiya laban sayo. Bahala na ang batas kung ano ang nararapat na parusa ang ipapataw sayo."

" No! Hindi mo magagawa sa akin to Nielsen! Maawa ka kay Mark."

" Bakit? Iniisip mo ba si Mark nung ginawa mo ang kasalanang ito sa akin? Mas maayos ang kalagayan nya kasama ang mga magulang mo, hindi makabubuti kung ikaw ang kasama nya, sinasaktan mo lang sya."

" Kung inaakala mo Nhel na maipapakulong mo ako, pwes, nagkakamali ka. Boss ko ang mayor ng lugar na ito,tutulungan nya ako."

" Sige humayo ka! Wala ka ng mapupuntahan Marga." nakangisi kong turan. Kampante akong umupo sa sofa ng naka-dekwatro pa. Pinag-krus ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib at matiim na tumingin sa kanya. Nang akmang lalabas na sya ng bahay, nagbilang ako mula lima pababa.

Saktong natapos akong magbilang ng mabuksan na nya ang pinto. Nagulat pa sya ng mabilis na pumasok sina Dylan na may kasamang mga pulis.

" Margarette Quinto, inaaresto ka namin sa salang pangingidnap kay Mr.Nielsen Mercado at pagtatago ng tunay nyang kalagayan at katauhan.You have the right to remain silent.Anything you say can and will be used against you in a court of law." turan ng pulis na kasama nina Dylan habang pinoposasan sya at inilalahad ang warrant of arrest sa kanya.

" N-nhel a-anong ibig sabihin nito? Bakit nila ginagawa sa akin ito?" pilit syang nagpupumiglas sa pulis na humahawak sa kanya.

" Sa korte kana magpaliwanag Marga, alam ko na alam mo ang dahilan kung bakit. Sige po sir dalhin na ninyo sya." baling ko sa pulis na humahawak sa kanya.

Bago maisakay si Marga ng mga pulis sa kanilang sasakyan ay bigla ko nalang narinig na nagtutungayaw sya.

Nang sumulyap ako sa kinaroroonan nya ay nakita ko si Laine na nakatayo sa may tarangkahan katabi ni Frost.

" Hayup kang babae ka! Ikaw na naman ang dahilan ng lahat ng ito.Palagi ka na lang epal sa aming dalawa ni Nhel.Masaya na kami bakit sumulpot kana naman? Hindi mo ba talaga kami titigilan?" galit na galit na wika nya kay Laine.Gusto kong matawa sa mga binitawan nyang salita, puro sa kanya patama yung mga ibinabato nyang salita kay Laine.

Kampante lang na hinarap sya ni Laine, tila balewala na sa kanya yung mga salita ni Marga. Masyado na kasi syang sanay sa kagaspangan ng pananalita nito.

" Ganoon talaga Marga, epal nga di ba? Pero laging ako rin naman ang nagwawagi sa huli. Alam mo kung bakit? Kasi ang lumalakad sa kasamaan ay sa kapahamakan ang bagsak. At iyon ang ruta mo palagi  kaya nasasadlak ka sa malalim na hukay na ikaw rin mismo ang naghukay. Nakalimutan mo ang salitang respeto sa lahat ng tao o bagay man, sarili mo lang ang iniisip mo. You always get want you want, right? Pero gaano ito tatagal sayo makuha mo man ang gusto mo? Lahat ng ito ay hindi nagtatagal dahil sapilitan ang pagkuha mo. You reap what you sow Marga and this time you can't escape, you will pay for what you did."

" Ang dami mong satsat.Hindi mo ako matatalo basta-basta,may mga connections ako." buong pagmamalaki pa nyang turan.

" Talaga ba? Sige lang, pero pinapaalala ko lang sayo na hindi simple ang kaso mo ngayon, matindi ang galit ni Nhel sayo kaya mas gugustuhin nya na makita kang pagdusahan ang mga ginawa mo sa kanya. Sige po sir kayo na bahala sa kanya." pagtatapos ni Laine at tinalikuran na si Marga na isinasakay na ng mga police sa sasakyan nila.

" Mga walanghiya kayo, pagbabayaran nyo ito. Pag nakalaya ako sisiguraduhin kong magbabayad kayo. Hindi kayo magiging masaya hanggat naririto ako!" hindi man lang sya nilingon ni Laine, sa akin nakatuon ang paningin nya habang papalapit sya sa kinaroroonan ko.

" It's over now babe.Thanks to you." turan ko ng tuluyan na syang makalapit sa akin.Niyakap ko sya agad at mabilis na hinalikan sa labi.

" Beh I'm your wife. Katulad mo, lahat ay gagawin ko rin para sayo." she said and cupped my face.

I smiled at her. Naalala ko, na simula pagkabata namin kaming dalawa talaga ang lumalaban para sa relasyon namin. Hindi ako lang, hindi sya lang kundi kaming dalawa. There are times na nagkahiwalay kami pero at the end of the day, nagtatagumpay pa rin kami dahil sa malalim na pagmamahal na nakatatak sa mga puso namin.

Ang nangyari ngayon ay matinding hamon sa pag-iibigan namin. Nakalimot ako, nawalan ng memorya pero dahil si Laine lang ang nag-iisang babaeng nakatatak sa puso ko, nakilala sya nito kahit nakalimutan sya ng isip ko. At ang pag-ibig na ito rin ang dahilan kaya nasagip akong muli sa masamang hangarin ni Marga.

" Uwi na tayo babe? Miss ko na mga kapamilya natin lalo na ang anak nating si Aliyah." untag ko.

" Opo ready na nga ako. Naka-ayos na nga ang mga gamit ko kanina pa. Babalikan na lang nila Dylan yung kanila. How about you? Paano ang mga gamit nyo ni Marga?"

" Aayusin ko na nga. Halika samahan mo muna ako."

" Sige tara na."

" Babe!"

" Hmmm.?"

" Tayo lang dalawa dito." ngumisi ako ng pilyo.

" Hay nako Nielsen Emmanuel tigilan mo ako. Gagabihin na tayo sa byahe kapag inuna natin yang kaharutan mo." pinandilatan pa ako ng mata.haha.ang cute talaga ng asawa ko.

" Haha..high blood naman agad Mrs.Mercado? Pagdating sa bahay natin babawi ako,ihi lang ang pahinga mo."

" Tss. Ewan! "

" Hahaha."