Nhel's Point of View
GALIT na galit pa rin si Marga hanggang sa makauwi kami ng bahay galing kila mama. Buti na lang wala si Mark dahil sinama ng mga magulang ni Marga sa pagsisimba kaya ang mga kasambahay lang ang makakasaksi ng pagwawala na naman nya.
Sabagay sanay na ang mga ito kapag galit ang kanilang amo. Dumidistansya na lang sila kundi tatamaan ang sino mang nasa malapit sa mga ibinabatong gamit nito pag galit.
" Siguro kaya ka biglang nawala kahapon dahil nakipagkita ka sa malanding haliparot na yon ano? " nanlilisik ang mga matang akusa nya sa akin.
" Marga watch your words. Walang masamang ginawa sayo yung tao para pagsalitaan mo ng ganyan and worst sinaktan mo pa sya. Sumosobra kana talaga pati mga magulang ko hindi mo na nirespeto!" pinipilit ko pa ring magpaka-hinahon,ayaw ko syang patulan dahil lalo lang syang magwawala.
" Hindi mo masagot ang tanong ko kasi totoo ang sinasabi ko. Subukan mo lang Nhel na lumapit pa sa babaeng yon,dahil hindi lang yon ang aabutin nya sa akin kapag nagtangka ka."
" Marga pwede ba manahimik kana! Hindi ka pa ba masaya na nasira mo na ang buhay ko at pati si Laine ay ayaw mo pa ring tantanan? Hanggang kailan Marga? Hanggang kailan ako magtitiis dyan sa ugali mo?Hanggang kailan ko pagtitiisan yang kalupitan mo sa akin,kay Mark? Kasi pagod na pagod na ako na intindihin ka!"
" Alam mo Nhel,kung minahal mo lang ako kahit konti hindi naman ako magkakaganito. Kung pinaramdam mo lang sa akin na mahalaga rin ako sayo katulad ng pagpapahalaga mo kay Laine hindi naman ako magiging malupit sa inyo ni Mark. Kasalanan mo Nhel kung bakit ako ganito, kasalanan mo!" galit na turan nya.
" Hindi Marga. Alam ng Diyos na sinubukan kong pakisamahan ka ng maayos, ginampanan ko ang tungkulin ko sayo at kay Mark. Huwag mong isisi sa akin kung bakit nagkaganyan ka. Dahil alam ko kahit na nung wala pa ako sa buhay mo ganyan ka na talaga!" maang na napatingin sya sa akin.
" Hindi ba totoo naman? You are suffering from an illness called PD since you were a kid.Personality Disorder.Nung malaman ko yun, hindi ba sinubukan ko naman na pakisamahan ka ng maayos baka sakaling makatulong ako sa kundisyon mo? Pero mas lalo ka lang lumalala na pati anak mo ay sinasaktan mo na.Kaya wag mong isisi sa akin ang nangyayari sayo dahil yang sakit mong yan ang dahilan kung bakit ako sapilitang ipinakasal sayo ng mga magulang mo!"
" Nhel hindi totoo yan. Mahal na mahal kita kaya ginusto ko na makasal sayo. At ngayong nandito na naman si Laine, hindi ako makakapayag na bawiin ka nya sa akin. Akin ka lang Nhel. Akin!"
" Ibang klase ka Marga.Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo sa akin kundi obsesyon. Dahil ang nagmamahal,hindi madamot bagkus nagbibigay, hindi sarado ang isip bagkus umuunawa lalong hindi nananakit at handang magtiis. Hindi mo ako talagang mahal Marga. Naiinggit ka lang kay Laine kaya gumawa ka ng paraan para makuha mo ako sa kanya. Tumigil ka na.Tigilan mo na si Laine. Kahit ano pa ang gawin mo, hindi rin non mababago na siya lang talaga ang minahal ko at mamahalin ko habang ako'y nabubuhay. At kapag sinaktan mo pa uli sya baka hindi na ako makapagtimpi sayo."
" Titigilan ko sya pero hindi ko na hahayaang makalapit ka pa sa kanya.Tandaan mo Nielsen,oras na malaman ko na nakikipagkita ka sa babaeng yon, pagsisisihan mo ang gagawin ko. Alam mong kapag ginusto ko, nakukuha ko!" galit na galit ang nagbabanta nyang tinig. Iniwan ko na sya at pumunta na lang ako sa kwarto namin ni Mark.Kung hindi lang ako nagpipigil baka nasaktan ko na sya kanina pa. Mula pa kaninang sinaktan nya si Laine.
Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko ng maalala ko si Laine. Ayon sa kanya buntis sya kay Aliyah nung una syang saktan ni Marga, ngayon sa pangalawang pagkakataon, sinaktan na naman sya ni Marga na ganon uli ang kalagayan nya.
Diyos ko wag naman po sana.
Pero iba talaga ang kaba ng dibdib ko.
Pinagpapawisan ako ng malamig kaya naisipan kong pumunta sa banyo at mabilis na naligo. Baka sakaling mawala ang kakaibang nararamdaman ko.
Eksaktong nakapagbihis na ako nang tumunog ang phone ko.Si papa ang tumatawag. Parang mas lalong naragdagan ang kaba na nararamdaman ko kanina pa.Nanginginig ang kamay ko nang pindutin ko ang answer button.
" Hello pa!"
" Nhel anak magagawan mo ba ng paraan na makaalis ka dyan sa inyo?"
" Po? Bakit po pa? May nangyari po ba?"
" Si Laine dinala namin dito sa St.Michael Hospital sa kabilang bayan pagkaalis nyo ni Marga kanina."
" Ano po ang nangyari kay Laine pa?" kinakabahan na tanong ko,walang tigil ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko.
" Basta pumunta kana lang dito,madali ka.Mag-iingat ka anak."
Hindi na ako nakapagpaalam kay papa,pinatay ko na agad ang tawag. Nag-aalala ako kay Laine at sa anak namin na nasa sinapupunan nya.
Mabilis akong nagpalit ng damit pagkatapos hinagilap ko ang susi ng sasakyan ko at patakbong pumunta sa garahe.Mabuti na lang at wala si Marga sa sala kundi hindi ako makakaalis.
Nagmamadali kong ini-start ang sasakyan at paharurot na umalis, bahala na yung kasambahay ang magsara ng gate.
Panay ang dasal ko habang bumibyahe ako papunta sa ospital. Nasa kalagitnaan ako ng byahe ko ng tumunog ang phone ko. Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino ang tumatawag,basta ko na lamang ito sinagot.
" Hello!"
" Where do you think you're going Nielsen?"
" The hell you care Marga!"
" Yeah, you can go to hell with all I care! Asshole!"
Nanggigigil na pinatay ko ang tawag. Ayaw kong marinig ang boses nya. Hanggang kailan ko ba pagtitiisan ang isang katulad ni Marga? Iniisip ko kung may nagawa ba akong masama sa nakaraang buhay ko at binigyan ako ng ganitong pasanin.If Laine is a breath of fresh air, then Marga is the exact opposite. She's the bad and polluted air that suffocates me.
Nakarating ako ng ospital in no time.Agad na hinanap ko sila papa at natagpuan ko naman agad sila na nakaupo sa labas ng OR kasama sila daddy Franz at mommy Paz.
Patakbo akong lumapit sa kanila at nagmano.
" Ano po ba ang nangyari?" kinakabahang tanong ko.
" Pagka-alis nyo ni Marga, medyo nanghina si Laine kaya nagpaalam na magpapahinga muna. Yung pagtayo nyang yun nang mapansin namin na puro dugo na ang damit nya kaya natataranta na kami ni papa mo na dalhin namin sya dito sa ospital. Tinawagan na lang namin sila balae para sumunod dito.Si Aliyah ibinilin ko na lang sa mga kuya mo,natutulog kasi dun sa kwarto ni Laine sa bahay." salaysay ni mama.
" Po? Nandoon po si Aliyah nung sumugod si Marga?"
" Oo anak, buti na lang natutulog sya nun kundi baka nakita sya ni Marga at nadamay pa." sagot ni papa.
" Bakit ba kasi nalaman nung babaeng yun na nandoon si Laine sa bahay nila pare ha Nhel?" singit ni daddy Franz.
" May kausap po si Marga sa phone nung umaga, siguro yun po ang nagbalita kasi pagkatapos nilang mag-usap, bigla na lang nya akong niyaya papunta kila mama. Nagulat na lang ako pagdating namin na nandun pala si Laine. Hindi ko po alam dad na nandun sila ni Aliyah."
" Alam mo ba na pangalawang beses na nyang ginawa kay Laine ito? At sa parehong kalagayan pa ni Laine. Kapag may hindi magandang nangyari sa mag-ina mo Nhel, makikipagtuos ako kay Victor sa ginawa ng anak nya." galit na turan ni daddy Franz.
" Hihiwalayan ko na po si Marga sa ayaw at sa gusto nya. Sobra na po itong ginawa nya. Wala na po akong ikokonsidera kahit pa si Mark. Titiisin ko na lang muna na mawalay sa akin ang bata. Hirap na hirap na po ako na makisama kay Marga.Kung ilalayo nya si Mark bahala sya pero gagawa ako ng paraan para makuha ko ang bata sa kanya."
Dumaan ang mahabang katahimikan sa aming lahat, tila pare-pareho kaming nananalangin para sa kaligtasan ni Laine at ng aming anak.
" Sino po ang asawa ng pasyente?" turan ng doktor na kalalabas lang ng OR ang pumukaw sa aming malalim na pag-iisip.
Kinakabahang lumapit ako at sinabing ako ang asawa.
" I'm sorry sir ginawa na po namin ang lahat. Dalawang buwan pa lang kasi ang bata kaya mahina ang kapit nya.Sobrang stressed ang dahilan kaya dinugo si misis at nalaglag ang bata. Ligtas na ang pasyente.Niraspa namin sya para maiwasan ang ano mang komplikasyon o infection sa kanya. I'm sorry hindi pa talaga siguro para sa inyo yung bata. Mauuna na po ako,mamaya lang ng konti pwede nyo ng ilipat si misis sa kwarto nya." turan ng doktor at matapos akong tapikin sa balikat ay umalis na rin.
Nanghihina akong napaupo sa silyang katabi ni mama. Hindi ko napigilan ang luhang mabilis na pumatak mula sa mga mata ko. Ang kawawa kong anak, siya ang naging biktima ng pagiging makasarili ni Marga. Napakasaya ko pa naman ng sabihin sa akin ni Laine na buntis sya. Ngayon wala akong nararamdaman kundi galit. Matinding galit kay Marga sa ginawa nyang ito.
" Anak huminahon ka lang. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon at gusto mong mangyari. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisihan mo sa huli, isipin mo ang mag-ina mo. Ipagpasa- Diyos na lang natin ang lahat." lumuluhang turan ni mama. Tila nabasa nya ang nais kong gawin. Ang gantihan si Marga. Pero dahil sa sinabi nya, naliwanagan ako.
Bahala na ang Diyos kay Marga.