Laine's Point of View
NAGISING ako na may mabigat pa rin na pakiramdam sa aking dibdib.Awtomatikong kinapa ko ang aking tiyan. Napaluha ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Alam ko na wala na ang baby namin ni Nhel sa aking sinapupunan. Halos gising ang diwa ko nung ginagawa ng doktor ang procedure sa isang nakunan na gaya ko. Ang sakit lang na isipin na wala na sya sa akin. Kahit dalawang buwan ko pa lang syang dinadala, mahal na mahal ko na sya at may nabuo na agad akong mga pangarap para sa kanya. Pero ngayong wala na sya, halos hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.
Panghihinayang dahil hindi ko na sya mararamdaman sa akin.Hindi ko na makikita ang saya ni Aliyah tuwing umaga kapag kinakausap nya ang tiyan ko.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko sya naprotektahan nung sinasaktan ako ni Marga. At ang matinding galit na nararamdaman ko ngayon kay Marga ay tila sagad na.Hindi ko alam kung kaya ko pang tanggapin at patawarin sya sa sobrang kasamaan nya sa akin. Sobra na.Sagad na.At hindi ko rin alam kung ano ang magagawa ko sakaling makaharap ko sya. Patawarin ako ng Diyos pero dapat na syang pigilan sa kasamaan nya.
Babawiin ko si Nhel sa kanya. Babawiin ko ang kaligayahang ilang taon nyang ipinagkait sa akin at kay Aliyah. At sa puntong ito, lalabanan ko sya saan man kami makarating. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Pagbabayaran ni Marga ang lahat ng kasamaang ginawa nya sa buhay namin ni Nhel.
Lalo akong napaiyak ng maalala ko si Nhel. Ang dami na nyang pinagdaanang hirap at pagtitiis sa piling ni Marga. Ngayong wala na ang anak namin hindi ko alam kung paano nya tatanggapin iyon. Napakasaya pa naman nya nung malaman nya na buntis ako.
" Babe?" nagulat ako ng malingunan ko ang kababangon lang na si Nhel mula sa coach na naka pwesto sa kabilang side. Nagising ko yata sya sa biglang paghagulgol ko. Akala ko kasi mag-isa lang ako dito sa room na ito.
" Beh sorry nagising yata kita." humihikbi ko pang turan. Lumapit agad sya sa akin, hinagod-hagod nya ang ulo ko.
" Shhh..don't cry, makakasama sayo."
" I'm sorry I lost our baby."
" It's not your fault. Don't blame it on yourself.Stop crying,okay ?" turan nya habang pinupunasan ang luha ko.
I just nodded. At sinenyasan ko sya na tulungan akong bumangon at umupo sa kama.
Nang maiayos na nya ako ay tinabihan nya ako sa pagkakaupo.
" Gusto mo bang kumain? Tell me what you want." masuyong tanong nya habang hinahagod ang buhok ko.
Umiling lang ako. Iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang nya at isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya.
Nakaramdam ako ng ginhawa at kapanatagan ng maramdaman ko ang init nya.This felt like home.
" Kumusta na ang pakiramdam mo?" buong pagsuyong tanong nya habang manaka-nakang dinadampian ng halik ang gilid ng ulo ko.
" Ayos naman ang pakiramdam ko beh pero ang kalooban ko,naghihimagsik pa rin kay Marga.Hindi ko alam kung kaya ko pa syang tignan man lang. Sobra na itong ginawa nyang ito sa akin, kung noong una nakaya ko pa na palampasin na lang but this time I've had enough, hindi ko alam kung kaya ko pa bang magpatawad."
" Babe ano man ang maging desisyon mo ngayon, kasama mo ako. Iiwanan ko na si Marga,itutuloy na natin yung pag-uwi natin dun sa bahay natin. Doon na kita dadalhin paglabas mo dito. Wala na akong pakialam kung ano man ang gawin ni Marga, handa na ako kung ano man yon.Matindi rin ang nararamdaman kong galit sa kanya ngayon dahil sa nangyari sa ating anak. Huwag kang mag-alala, po-protektahan kita, kayo ni Aliyah laban sa kanya."
" Paano yung anak mo sa kanya?Sabi nila mama sinasaktan nya daw yun kapag galit sya." tanong ko. He heaved a very deep sigh. Ramdam ko na mabigat sa kalooban nya na iwanan ang anak nya kay Marga.
" Napag-usapan na namin nila papa ang tungkol dun. Hindi rin naman pababayaan ng mga magulang ni Marga ang apo nila. Iisip rin ako ng paraan kung paano ko makakasama ang bata. Huwag mo ng isipin ang tungkol dun, magpalakas ka para maharap natin ang kung ano man ang hamon ang naghihintay sa atin."
Nakaramdam ako ng konting relief sa mga sinabi nya. Alam ko hindi magiging madali ang haharapin naming laban kay Marga. Pero handa na ako. Hindi na ako papayag na saktan nya akong muli at maging ang mga mahal ko sa buhay.
PAGKALIPAS ng tatlong araw ay lumabas na nga ako ng ospital. Sa bahay namin ni Nhel kami tutuloy.Gabi na kami lumabas para makaiwas sa mga makakakita. Sumama sa amin sila mommy at daddy pati ang mga brothers ko, gayun din si mama Bining at papa Phil.
Nalaman ko na isang linggo palang on leave si Nhel sa trabaho para maalagaan nya ako. Ipinagtapat na rin nya ang lahat kay ninong Cesar kaya pumayag rin ito na i-assign sya sa isa sa mga planta nila. Kaya pagpasok nya sa isang linggo, dun na sya tutuloy. Kaya puntahan man sya ni Marga sa opisina nila, wala na itong madadatnang Nhel doon. Tanging si ninong Cesar lang ang nakakaalam kung saan sya naka-destino.
Kinabukasan ng gabi rin ng magpasyang bumalik na ng Sto.Cristo ang mga kapamilya namin. Mas mabilis ang byahe kung gabi at makakaiwas din sila sa mga magtatanong. Tanging kami lang ang naiwan sa bahay namin ngayon kasama na ang yaya ni Aliyah na si Melba. Ito ang yaya na galing sa mommy ni Anton.Medyo may edad na at dati syang yaya ng pamangkin ni Anton.
" Nakakapanibago ang sobrang katahimikan ngayong umuwi na sila." turan ni Nhel. Katatapos lang nyang maligo at naghahanda na para matulog. Si Aliyah ay tulog na kanina pa sa kwarto nya pagkaalis nila dad. Yung isang kwarto na ginagamit para sa mga guest ang pinaayos ni Nhel para maging room nya kasama si Melba.
" Oo nga, nami-miss ko na nga agad sila. Pagpasok mo next week, kami na lang dito sa bahay."
" Everyday naman ako uuwi gaya noon. Dati nga mag-isa ka lang dito na naghihintay sa pag-uwi ko,ngayon may kasama ka na." nakangiti syang lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likuran. Nakahiga na kasi ako para matulog, binawal kasi ng doktor sa akin ang magpuyat dahil mahina pa ang katawan ko.
" Beh akala ko hindi na mangyayari ulit ito. Buo na tayo ngayon bilang isang pamilya. Masaya na rin ako kahit na may malaking problema tayong kinakaharap sa ngayon.Ang importante sa akin, kasama kana namin ngayon."
" Ako rin babe, masaya. Masayang-masaya. Kaya lang naiisip ko ang nawala nating anak, kinailangan pa na mawala sya sa atin para tayo maging buo. Mas masaya sana tayo lalo na si Aliyah kung hindi sya nawala sa atin."
" Akala ko nga hindi na tatahan si Aliyah sa kakaiyak nung malaman nya na wala na ang baby. Buti beh napatahan mo sya."
" Oo,sinabi ko kasi na gagawa na lang ako ng bago." turan nya habang panay ang halik sa batok ko. Kinikilabutan nga ako.
" Sira ka talaga, kung ano-ano sinasabi mo sa anak mo. Tantanan mo ako bawal pa ngayon, hindi pa pwede."
" O bakit? Wala naman akong ginagawa ah." wala raw eh panay ang pasimpleng haplos nya sa dibdib ko.
" Anong wala eh hayan at nagmamasipag na naman yang mga kamay mo. Kung saan-saan dumadapo." sabay hampas ko sa mga kamay nya.
" Sige na nga matulog na tayo. Kapag pwede ka na, tandaan mo ihi lang ang pahinga mo."
" Heh! Puro ka kalokohan.Halika nga mag-pray muna tayo." untag ko sa kanya.Bumangon na muna kami then he lead the prayer.
" Goodnight babe, i love you!" sambit nya nung humiga na ulit kami.
" Goodnight beh....i love you too!"
" Babe!"
" Hmm?"
" I miss this.Ganito tayo dati bago matulog. Akala ko hindi na ulit mangyayari ito. Muntik na nga akong bumitaw sa natitirang pag-asa na mayroon ako noon. Pero nanangan pa rin ako kahit gahibla na lang ang chance ko. Naghintay at umasa muli.Yung pag-ibig sa puso natin ang nagdala sa atin pabalik sa isat-isa. At pag-ibig din ang gagamitin nating sandata sa pagharap natin sa ano mang hamon sa buhay. Makakaya natin ang lahat babe dahil buo na ulit tayo."
" Tama ka, pag-ibig ang naging gabay natin para makita ang daan pabalik sa isat-isa.But fate had its own way of intervening.Maaaring ginamit ang anak natin para mapunta tayo muli dito, I'm sure may malaking rason ang Diyos at makikita natin yon sa pagdaan ng panahon.I'm here now beh and I'm not going anywhere. And no matter how hard things get, I want us to stick together.I love you Nielsen Emmanuel, with every inch of my body and every ounce of my soul."
He smiled at me then pulled me into a passionate kiss. We kissed like there was nothing important in the world.
" You were my first and my last Laine. There shall never be another you.You are a lifetime and you are my life." he gave me a quick kiss then hug me tight.
Maaaring dumadaan kami ngayon sa matinding kapighatian dahil sa pagkawala ng aming anak,may mga pagsubok na pinagdadaanan, ngunit ang mahalaga magkasama na kaming haharap ngayon sa ano mang pagsubok ang ibato sa amin ng tadhana.
Magtatagumpay kami, sigurado yan dahil ang pinagsamang lakas namin ni Nhel ay sa Diyos magmumula, ang may hawak at kumokontrol ng aming buhay.