Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 110 - My Heart Will Go On

Chapter 110 - My Heart Will Go On

Laine's Point of View

ISANG linggo ang matuling lumipas matapos ang matagumpay na fashion show namin sa Montreal. At yun na rin yung huling araw na nakausap ko si Nhel at hanggang ngayon hindi pa sya nagpaparamdam. Hindi nya sinasagot ang mga text at tawag ko at kapag tumatawag ako sa opisina nya, ang laging sinasagot sa akin ng secretary nyang si Belle ay nasa planta daw.

Alam ko iniiwasan nya ako. Ang sabi kasi nya nung huling makausap ko sya sa parking lot matapos ang fashion show ay hindi na raw nya ako gagambalain at hindi na sya aasa na babalik pa ako sa kanya.

Kung sana hinayaan nya lang ako na magkausap kami. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa pagkalimot ko ng anniversary namin at ipapaliwanag ko sa kanya ang ilang bagay na hindi nya naiintindihan sa pagitan namin ni Anton. Pero umalis sya, hindi nya ako binigyan ng chance at hindi nga rin sya sumama sa blow out na binigay ni lolo bigboss.

Mabigat sa loob ko ang kaalamang sumusuko na sya sa paghihintay sa akin. Kung kailan nandito na ako at gumagawa ng paraan para sa aming dalawa ay saka naman nya ako susukuan.

Nasasaktan ako.Sobra.Siya lang ang nag-iisang tao na minahal ko ng higit pa sa buhay ko.Sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko nung umalis ako dahil kay Marga, hindi pa rin sumusuko ang puso ko na magmahal sa kanya.Kinuha nya ang puso ko,hawak nya at walang makakakuha nun mula sa kanya.

Sometimes you can love someone more than you love yourself. You allow that person to consume your whole heart.And when he leaves, it feels like he took a piece of your heart with him.

" Hey, are you alright?" napalingon ako sa may pinto ng marinig ko si Anton.

Lumapit ako sa kanya at yumakap.Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya, pakiramdam ko kasi napapagod ako.

He kissed the top of my head.I sighed.

" He still ignored my calls.He didn't reply to my texts.He is avoiding me big time." malungkot na turan ko kasabay ng pagpatak ng luha.

" Shhh.hush baby.Baka nag-iisip-isip lang yon.Nagseselos lang kaya nasabi nya sayo yung mga sinabi nya.Hindi naman yun susuko ng basta-basta lang.Maaaring nagtatampo lang yun kaya ka iniiwasan.Binibigyan ka ng space para maging handa ka, na sabihin na sa kanya yung mga bagay na hindi nya maintindihan."

" Sana nga hubby ganon nga.Hindi ko kakayanin na ngayon pa sya susuko, ngayong nag-uumpisa na tayong ayusin ang sa atin."

" Believe me, nagtatampo lang yon.Kahit paano naman kilala ko si Nhel.Masyadong seloso at may pagka-territorial. Nagseselos kapag nakikita nya tayong magkasama. Ikaw ba naman, makita mo ang asawa mo, maganda at sexy, tapos iba ang may hawak.Eh ako man yon,magwawala ako sa selos."

Natawa na ako sa sinabi nya at kumalma na.Mabuti na lang mayroon akong Anton sa buhay ko na tumutulong sa akin na maging magaan ang lahat.

" Ano okay ka na ba? Kanina pa tayo hinihintay ni lolo, may meeting tayo sa MI baka nakalimutan mo.Malay mo nandun si Nhel, so pwede na kayong mag-usap."

" Sana nga nandun sya at kausapin nya ako.Baka beast mode pa rin."

" Sus hindi ka matitiis nun.Pag nag-inarte, ipakita mo yang cleavage mo tignan natin kung hindi yun magkandarapang makipag-usap sayo."

" Sira puro ka kalokohan.Tara na nga baka naghihintay na si lolo sa atin." untag ko sa kanya.Tawa lang ng tawa ang bugok sa kalokohan nya.

_____________

Nhel's Point of View

" Sir tama na po yan. Di ba may meeting pa po kayo sa Montreal mamaya? awat ng assistant kong si Bryan sa akin. Nandito kami ngayon sa isang bar malapit sa office namin.Isang linggo na namin itong ginagawa. Gusto ko kasi pag uwi ko ng bahay matutulog na lang ako,nang hindi ko na iisipin ang mahal kong asawa na kasama ng iba.

" Hayaan mo yung meeting na yon.Hindi ako pupunta. Siguradong iinit lang ang ulo ko kapag nakita ko ang pinakamamahal kong asawa kasama ng mokong na yun." naiinis kong turan.

" Eh boss hindi mo naman forever na maiiwasan si Ms. Laine, asawa mo yun at ikaw pa ba eh baliw na baliw ka nga dun. Tignan mo nga yang ginagawa mo boss, isang linggo na tayong ganito. The last time na nagpakalunod ka sa alak eh nung umalis sya pero tinigil mo rin naman dahil umasa ka na babalik sya.O di ba, ayan na nga bumalik na.Kaya tama na yan boss, panindigan mo na yang umasa at maghintay.Feeling ko boss this time, uwian na dahil mananalo ka na." kahit kailan talaga tong isang to,seryosong usapan biglang bibirahan ng kalokohan.

" Sira kung ano-ano sinasabi mo.Pero tama ka, sinabi ko lang naman sa kanya na hindi na ako aasa pero ang totoo nun hindi ko talaga kaya. Iniiwasan ko sya kasi nagseselos ako sa kanila ni Anton at gusto ko rin naman na maramdaman uli nya na mahalaga ako sa kanya."

" Yun tayo boss eh..pero mali yan hindi nakakatulong yang puro ka selos.Tama si Ms.Laine boss, intindihin mo lang muna yung sitwasyon nya.Malay mo naghihintay lang yan ng tamang pagkakataon para sabihin nya sayo yung mga bagay na hindi mo naiintindihan sa ngayon.Kung ikaw nga inunawa nya yung sitwasyon mo kay Marga na may anak kayo dapat boss ganun ka din, unawain mo rin yung sitwasyon nya kay Anton dahil may anak sila." turan nya.Kahit puro kalokohan to may sense din naman kausap.

" Alam mo Bryan, naiintindihan ko naman sya kaya lang hindi ko maiwasan ang hindi magselos sa tuwing nakikita ko sila.Kaya ako umiiwas ng konti kasi binibigyan ko lang sya ng space para maging handa sya na sabihin nya sa akin ang lahat."

" Eh kung ganon naman pala boss, bakit isang linggo na tayo dito? "

" Nagseselos at naiinis nga ako! Gusto ko pagdating ko sa bahay matutulog na lang ako at hindi ko na sya iisipin."

" Yung ganda at sexy na yon ni Ms.Laine hindi mo iisipin? Hindi ako maniniwala dyan sayo sir.Wag ako sir. Don't me!" asar na naman nya.

" Oo na, tama ka dahil paggising ko naiisip ko na naman sya."

" O di ba sir? Kaya last mo na to. Nagsasawa na rin ako sa katatalak ni Mildred tuwing umaga dahil pinapagod ko raw sya gabi-gabi."

" Huh! Saan naman sya napapagod?" nagtatakang tanong ko.

" Alam mo na yun sir! Pag nakainom ako masyado akong mainit sa...alam mo na.Sumusuko sya dahil daig ko pa raw ang torong sumisingasing."

" Hahaha...ikaw pala naman eh. Pero sige last na natin to, wala rin naman nangyayari,hindi effective.Epic failed.Ayaw pa rin talaga sumuko ng puso ko kay Laine, gusto pa ring magpatuloy umasa."

" Kaya nga sir mahirap kalaban ang true love."

" Yeah right. True love never gets tired or surrender,because true love would never complain about. True love would always find a way to understand the pain."

" Naknang teteng sir,lasing na nga tayo napapa-ingles kana."

" Sira! Ubusin na nga natin ito para makauwi na." sabay tungga sa alak na nasa harapan ko.

" Hindi kana aatend ng meeting sa MI boss?"

" Hindi na, tatawagan ko na lang yung assistant ni bigboss para sa detalye."

" Sus! Ayaw mo lang kasi magseselos kana naman pag nakita mo sila. Minsan sir uso rin yung magbawas ng pagiging territorial.Ang tindi mo rin kase!" natumbok na naman nya ako dun.

" Oo na nga lang!" pagsuko ko sa sinabi nya.Hindi ko kasi maiwasan lalo na pag si Laine ang usapan.Sobrang inlove lang talaga ako sa kanya hanggang ngayon.

Pag-uwi ko ng bahay tinawagan ko kaagad yung assistant ni bigboss na eksaktong katatapos lang daw ng meeting.Tinanong ako kung bakit hindi ako dumating.Nagdahilan na lang ako na hindi ako makaalis dahil sa trabaho.Sinabi nya na may photo shoot daw kami sa susunod na buwan para sa bagong mga produkto,yung bare essentials na inirampa namin sa runway.

I heave a sigh. Hindi ko na talaga maiiwasan ang magkita uli kami ni Laine. Tama si Bryan, hindi ko sya forever na maiiwasan.

Talo na naman ako.Hindi ko talaga kaya.Para syang drugs na dumadaloy sa sistema ko na kapag itinigil ko ay ikamamatay ko.

Alyanna Maine Guererro Mercado, I fell in love with you by chance and stay in love with you by choice.You're like a virus that infected my whole being that I don't wanna even find a cure.