Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 58 - So Much In Love

Chapter 58 - So Much In Love

Nhel's Point of View

NAKATINGIN kaming pareho ni Laine sa nanggagalaiting si tito Franz.

Hindi kami makagalaw sa kinatatayuan namin para lapitan sya.

Nadako ang tingin ko kay tita Paz na sumesenyas na huwag muna kaming lumapit sa kanila.Mabuti na lang nilapitan ni kapitan si tito Franz at nagyayang magdaos ng victory party para kay Laine sa baranggay hall.

Pumunta kaming lahat at nagsaya para sa tagumpay ng buong baranggay.Hindi kami masyadong nakisali ni Laine dahil nag-aalangan kami dahil sa nangyari kanina.Pinag-usapan na lang namin yung mga ginawa nya sa pageant at kung gaano ako humanga sa talent nya.Sinabi ko rin na sobrang proud ako sa kanya.Sinuklian naman nya yun ng matamis na ngiti at sinabing share daw kami sa tagumpay nya.

Tumagal ng ilang oras ang kasiyahan hanggang sa magyaya na ang mga matatanda na umuwi na.

Habang pauwi na sakay ng kotse nila ay hindi kumikibo si tito Franz, nasa likuran lang kaming dalawa ni Laine at nakikiramdam.Nang tumapat na sa bahay namin ang kotse para bumaba na kami nila mama at papa ay nagsalita na si tito Franz.

" Pare, mare salamat ha? Pwede bang isama muna namin si Nhel sa amin, may pag-uusapan lang kami."

tanong ni tito Franz sa mga magulang ko.

" Mabuti pa nga pare at kastiguhin mo ang mga yan.Sige salamat at ingat kayo." pagpayag ni papa at bumaba na sila.

Nang umandar na uli ang sasakyan ay

pasimpleng hinawakan ni Laine ang kamay ko at pinisil ng marahan.Ramdam ko na kinakabahan din sya.Hindi namin alam kung anong parusa ang gagawin sa amin ni tito Franz.

Huwag naman sana kaming parusahan na maghiwalay muna,dahil hindi namin pareho kakayanin yun.Kung bakit naman kasi nakalimot kami kanina, ayan tuloy galit sa amin si tito.At para tuloy tabak ni Damocles na nakaamba sa ulunan namin kung kailan babagsak ang parusa nya.

Nung makarating na kami sa kanila, tinulungan ko pang bumaba si tito at isakay sa kanyang wheelchair.Hindi naman sya tumanggi pero hindi pa rin sya kumikibo.Nang nasa loob na kami ay sinabihan nya si tita Paz.

" Mommy tell the two of them to proceed to the study room, I'll talk to them."

" O narinig nyo naman siguro yung sinabi ni daddy, sige punta na dun sa study room." utos ni tita Paz.

Nang nasa loob na kami ng study room, tahimik lang kami ni Laine na parehong nakatungo.Magkalayo kami sa mahabang sofa, nasa magkabilang dulo kami.Nagulat kami nung biglang magsalita si tito na nasa harap lang namin.

" What have you done earlier young people? Why did you do that in public? What happened to both of you ha? My God! of all the places bakit dun pa?tuloy-tuloy na tanong ni tito.

" Sorry po." sabay pa kami ni Laine.

" Sorry? Ngayon pa na pinag-fiestahan na kayo ng mga nakakita sa inyo kanina.My God,para kaming nakapanuod ng libreng pelikula na may kissing scene.Alam ko ginagawa nyo na yan bilang magkarelasyon at natural lang yon pero sana naman do it in private, aba ako ang nahiya kanina sa inyo ah, hindi kayo nakapaghintay man lang na makauwi tayo.Anong nangyari sayo dun Nhel ha? Parang nakalimutan mong kasama mo ako.At ikaw naman Laine, imbes na pigilan mo sya sa pagkalimot nya eh gumanti ka pa ng bigay na bigay.I don't know anymore what to do with you young lovers.You disappointed us.You're so much in love with each other at umabot na kayo dun sa point na nakakalimot na kayo.Ano dapat naming gawin sa inyo nyan? natatakot kami na baka hindi kayo makatapos ng pag-aaral nyo. "mahabang litanya ni tito Franz.

" Eh tito, sorry po talaga,masyado lang po akong nadala ng sobrang emosyon ko kanina sa pagkapanalo po ni Laine.Ako rin naman po nabigla kanina sa ginawa ko pero patawarin nyo na po kami at hindi na mauulit yun.Huwag po kayong mag-alala hindi naman po kami umaabot dun sa puntong nakakalimot na kami, palagi po kaming alert kapag po may intimate moments kami.Nirerespeto ko po si Laine at may pangako po kami sa isat-isa na hindi po kami mae-engage sa pre-marital sex.Wala po talagang ganon sa amin dahil pangarap po namin makatapos sa pag-aaral.Sana po patawarin nyo na kami tito." paghingi ko ng tawad kay tito.

" Oo nga po dad nadala lang kami ng sobrang emosyon tsaka sorry po hindi ko po napigilan eh." si Laine parang gusto pang magpatawa.

" Ano namang hindi mo napigilan ha Alyanna? Seryosong usapan namimilya kana naman! " pigil na ngiting sabi ni tito.

" Wala po dad, baka mapatayo pa kita dyan sa galit pag sinagot ko yang tanong mo.Sorry na dad, don't be mad na.I promise I won't do it again.No more PDA na.Swear!"si Laine nakataas pa ang kanang kamay.

" Alright, alright! Apology accepted.Ipangako nyo lang sa akin na hindi nyo na uulitin yon at please lang huwag kayong lalampas sa limitations nyo dahil hindi namin kayo hinihigpitan.May tiwala kami sa inyo,tandaan nyo yan." sabi ni tito Franz na nakangiti na.

Nilapitan na namin sya at nagmano kaming pareho sa kanya.

" Thanks po tito hindi na po mauulit." pangako ko.

" I love you dad, you're the best!" si Laine sabay yakap pa kay tito.

" Heh!Bolera..sayo ako mas natatakot kasi pilya ka masyado. "asar ni tito kay Laine.

" Hay naku! Sanay na yang si Nhel sa akin kaya don't worry dad." natatawang sabi ni Laine.

At sabay-sabay na kaming lumabas ng study room ng nagtatawanan pa.

" Goodnight babe! Sunduin kita bukas, sa bahay ka magla-lunch." paalam ko kay Laine.

Nandito kami sa may gate nila,nagpaalam na rin akong uuwi na pagkatapos ng sermon ni tito sa amin.

" Yeah sure, buti na lang hindi tayo pinarusahan ni dad sa kalokohan natin kanina kundi baka pati paghatid ko sayo dito sa gate eh bawal na.Kaya sa susunod beh ingat na tayo baka hindi na tayo makalusot.Haha.kinabahan ako dun ah!" sabi nya.

" Oo nga ako din kinabahan baka kasi ang parusa ni tito eh wag muna tayong magkita, naku hindi ko kakayanin yun alam mo naman." sabi ko naman.

" O sige na uwi ka na para makapag-pahinga kana rin.Sunduin mo na lang ako bukas, hindi ako kakain hanggat wala ka ha?" sabi nya.

" Oo naman.O siya dali na!" may pilyong ngiti na sabi ko.

"Hoy Nielsen, kilala ko yang ngiti mong yan, mamaya makita pa tayo ni dad nyan matuluyan na yang parusa nya." natatawang sabi nya.

"Hmm.syempre magpapakita ba tayo? Tsaka bitin yung kanina hindi ko masyadong na-enjoy." I said then winked at her.

" May ganun ka pang nalalaman, wala na...uhm.. hindi na nya natuloy yung sinasabi nya dahil hinila ko na sya at mabilis na hinalikan sa labi.

Nabigla sya sa ginawa ko pero gumanti naman sya ng halik habang kinukurot ako sa tagiliran.Hindi ko sya pinansin hanggang sa magsawa na sya sa pangungurot nya at tinuon na lang yung pansin nya sa ginagawa namin.Hanggang sa lumalim na yung halik at kusa na kaming tumigil pareho.Pinagdikit ko yung noo namin at tinitigan ko sya habang pareho kaming humihingal pa.

" I love you babe.Goodnight!" sambit ko ng mawala ang hingal ko.

"Sira ka talaga binigla mo ako dun ah buti na lang medyo madilim dito at walang audience.Ok goodnight na rin.I love you too." paalam nya ng nangingiti na.

Tumalikod na ako at lumakad na pauwi.Nakakailang hakbang na ako ng magsalita sya uli.

" Beh!" tawag nya at lumingon agad ako.

" What?"tanong ko ng nakangiti.

" Ingat ka!"she said and wink at me.

I smiled and waved at her.Pilya talaga..

At tumuloy na ako sa paglakad pauwi na nangingiti pa.