Laine's Point of View
IT'S been a month, and two days from now I'll be back in Manila, hindi ko alam kung ready na ba akong makita si Nhel.Alam ko nasaktan ko sya dahil umalis ako ng walang paalam.Pero hindi ko lang kasi kaya na makita sya ng hindi ko maaalala yung nangyari.
Sa loob ng isang buwan ko dito sa America, pinilit kong kalimutan yung nangyari, naglibang ako sa pamamagitan ng pamamasyal at pag- shopping.Sumasama ako sa mga ate ko kung saan-saan at tumutulong rin ako kila mommy sa pag-aasikaso nung business namin na Filipino restaurant na nasa New Jersey at San Diego.Kaya pala business administration ang course na pinakuha ni mommy sa akin dahil kailangan ako dito.
MABILIS lang na lumipas ang araw.Umuwi na ako ng Pilipinas at sa Dasma ako tumuloy.Pagtungtong ko palang ng airport ay parang kinurot na naman ang puso ko.
Ah, hindi pa yata ako ready.I still need more time.
Bukas may pasok na, nandun na kaya si Rina at Candy sa apartment na kinuha ni mommy para sa aming tatlo?Yun kasi ang usapan nun at inasikaso na yun ni mommy bago kami umalis, bayad na yun for one year at siguro nandun na sila kahit wala ako.Uuwi rin ako dun pag ready na ako.
Naging maayos naman ang first day of school ko.Medyo mahirap lang kasi lahat kami stranger sa isat-isa.But there is this one girl na super cool ang personality nya.She's kind at sya yung unang bumati sa akin.Her name is Sheena Gonzales at anak sya ng Tourism secretary ng bansa.Sa tingin ko siya ang magiging kaibigan ko dito.
College life is not easy as high school.Tama nga ang sinasabi ng matatanda na kailangan mong magsunog ng kilay.Tinuon ko na lang muna sa pag-aaral ko ang atensyon ko.Gusto kong kalimutan muna yung nangyari sa nakaraan at sa tingin ko malapit na itong tanggapin ng sistema ko.Sobrang miss ko na sya at siguro isang araw sisilipin ko sya sa school nya para subukan kung kaya ko na nga bang makita sya ng hindi na maaalala at maramdaman yung pain.
Hatid sundo ako ng isa sa mga driver ni kuya na si Mang Berto, bahay-school lang ako,wala akong social life puro aral lang talaga at sa sobrang busy ko hindi ko namamalayan na malapit na pala ang birthday ko.
Gusto nila kuya na magpa-party kami pero tumanggi ako, isang simpleng dinner na lang dito sa bahay, wala sila daddy at wala rin si Nhel, hindi rin ako magiging masaya.Next year na lang siguro pag debut ko na.
Paano kaya nag-celebrate si Nhel ng anniversary namin o baka hindi na nga yun nag abala pa.Ako kasi nagsimba lang ako, nasa States pa ako nun.I bought a couple's shirt para sana sa anniv.namin yun.Pag okey na kami, ibibigay ko yun sa kanya.
Days passed and it's my birthday na.Gumising ako ng maaga dahil may mass sa chapel ng village namin.Binati ako nila kuya and gave me their gifts.They even reminded me of our dinner tonight, nag invite lang sila ng ilang relatives and friends.
Pag-uwi ko galing chapel I received an overseas call from mom and dad,they greeted me at kinumusta na rin yung studies ko.Masaya na rin ako but I felt a bit of loneliness because I'm longing for someone at ngayon ang plano kong pumunta sa school nya para silipin sya kahit sa malayo lang muna.
Maagang natapos ang class ko, nagpaalam na lang ako sa bahay na wag na lang akong sunduin at magta-taxi na lang ako pauwi.
Sumakay na ako ng jeep sa may harap ng school namin, I'm praying na sana ganun pa rin ang schedule nya.Next sem pa naman ang OJT nya, nalaman ko yun kay dad dahil nagpadala pala sya ng recommendation letter kay Nhel para dun sa company na pagpa-praktisan nya.Kaibigan at kumpare ni dad yung boss, ninong ko sa binyag.
Habang papalapit ako sa school nila ay hindi maalis ang kaba sa dibdib ko.Hindi naman ako magpapakita, sisilipin ko lang sya.Nung finally ay nandito na ako, nagtago ako sa isang naka park na SUV na nakaharap sa gate, kitang-kita yung mga lalabas.
After 10 minutes nakita kong lumabas yung dalawang babae, Mel and Isa kasunod si Paul then si Dennis at sya.Kinapa ko ang sarili ko, parang wala na yung sakit ng nakaraan pagkakita ko sa kanya.Ang nararamdaman ko ngayon ay pagkasabik na mayakap sya.Huminto sila saglit na parang may hinihintay, dun ko napagmasdan na medyo pumayat sya pero hindi naman nabawasan yung kagwapuhan nya.Three months of not being with him, it's surely hard as hell.
Gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko para yakapin sya, birthday gift ko na sa sarili ko pero nung napag-desisyunan ko ng lumabas, may isang tao na lumapit sa kanya at hinila sya palayo sa lugar na yon.
Natigagal ako, parang kinurot na naman ang puso ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Ang ganda namang birthday gift ito.Bumalik ulit yung sakit na nararamdaman ko nun na akala ko wala na kanina nung makita ko sya.
Hindi pa pala, bumangon muli yung sakit ng makita ko sya, si Peachy.
Hindi ba na-realize ni Nhel yung pagkakamali na nagawa nya?Bakit imbes na iwasan nya ito dahil sa nangyari pero ngayon magkasama pa rin sila? Hindi ba nya naintindihan kung bakit ako lumayo na lang ng basta-basta?Nagalit ba sya sa akin dahil iniwan ko sya kaya heto na, sila na ang magkasama?
Ang dami kong tanong pero wala akong mahanap na sagot.At ito lang ang conclusion ko sa nakita ko ngayon, wala na pala akong babalikan, naagaw na sa akin ng tuluyan.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay namin.Parang naging blangko sa akin ang lahat.Pinilit kong takpan ng ngiti ang sakit na nararamdaman ko sa harap ng mga bisita.At ayokong malaman nila kuya na may pinagdadaanan ako.
" Hey couz, are you alright?" tanong ng pinsan kong si Elize, kaedad ito ni ate Neris pero close kami dahil madalas ako nun sa bahay nila na katabi lang ng bahay namin.
I just nodded at ngumiti ng pilit.
" No you're not.I knew you Laine since you were a kid.May problema ka ano?Is it about Nhel? Come on tell me baka makatulong ako." untag nya pa.Kilala na rin nya kasi si Nhel,pinakilala ko sa kanya nung sinamahan ako ni Nhel sa photoshoot ko nun.
I sighed." Ok lang ako ate Elize,wag ka ng ma-stress,may baby ka dyan sa tummy mo." napatingin syang bigla sa tiyan nya at ngumiti sa akin ng malapad.May ningning ang kanyang mga mata.Napakaganda ni ate Elize talaga,beauty queen nga sya nun kaya lang maaga syang nag-asawa,itinanan ni kuya Adrian.May isa na nga silang anak, ang cute na si Andrew Elijah na 5 years old na,at heto buntis na naman sya ulit.
" Ok baby if you need me, I'm just a few steps away." turan nyang hindi nawawala ang ngiti sa labi lalo na ng lapitan sya ni kuya Adrian at halikan sa noo.Binati ako ni kuya at pagkatapos ay iginiya na nya si ate sa buffet table.
Nang matapos ang dinner at umalis na ang mga bisita ay nagpaalam na akong aakyat na sa kwarto ko.
Pagdating ko dun ay binuhos kong lahat ang sakit na nararamdaman ko.Patuloy lang akong umiyak ng umiyak, paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung tagpong pilit kong kinakalimutan.
Nakakandong si Peachy kay Nhel. They are torridly kissing and touching each other.Yes, touching, yun ang isa pang nakita ko na hindi ko sinabi kay tita Bining dahil hindi ko talaga kinaya at dine-deny ko sa isip ko.Kaya nga nagalit ako sa sinabi ni Peachy na nag-enjoy sya sa touch ni Nhel and she's half naked that time.They are making out at idinuduldol na nya yung malaking dibdib nya sa lasing na si Nhel.
Napaka-halay na tagpo.
Sa pagbuhos ng alaala ay kasabay ng pagbuhos ng masaganang luha mula sa aking mga mata.Uubusin ko na lahat ngayong gabing ito hanggang sa kusa na lang tumigil.Makakalimutan ko rin siguro ang lahat, wala namang permanente at ako lang din ang makakagamot sa sarili ko.After all, hindi ka naman makakasumpong ng tunay na kaligayan kung hindi mo pagdadaanan ang masasakit na karanasan.Bahagi yun ng buhay kapag nagmahal ka.
Hinayaan ko lang ang luha ko sa pagtulo hanggang sa mapagod na ako.
Bumangon ako at inayos ko na ang sarili ko.Nagdasal ako at hiniling ko na mawala na ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.
Bago ako matulog ay pinagmasdan ko muna ang picture ni Nhel na nasa bedside table ko.Wala akong makapang galit o hinanakit man lang dahil hindi ko yun binibigyan ng puwang kundi ang nag-uumapaw na pag-ibig pa rin sa kanya ang naririto sa puso ko.Hindi man maganda ang nangyayari sa relasyon namin ngayon, alam ko na hindi naman basta-basta mawawala yung pag-ibig namin sa isat-isa na binuo namin simula pa sa pagkabata.
Gaya nga ng madalas nyang sabihin sa akin noon, anuman ang mangyari kami pa rin sa huli.
Love takes time and time heals all wounds.
With that thought, I drifted to sleep.