Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 38 - First Love

Chapter 38 - First Love

Nhel's Point of View

BEING in love is really a wonderful feeling.Yun bang inspired ka sa lahat ng bagay.Bago ka matulog naiisip mo sya at paggising mo sya pa rin ang laman ng isip mo.Having Laine as my first real girlfriend is really a blessing.Bakit nga ba hindi eh lahat na yata ng hinahanap ko sa isang girl eh nasa kanya na.

Hindi ko makakalimutan yung araw na sinagot nya ako.Napaka memorable nun dahil sa simbahan nya talaga ginawa.And imagine, humingi pa pala sya ng sign kay God bago nya gawin yon.Talagang napabilib nya ako dun, who would have thought that at her age maiisip nya yun at yung mga rules na ginawa nya, wow amazing talaga! Kaya lalo akong na in love sa kanya.

Naalala ko pa nung kinabukasan na ipinaalam namin sa parents namin yung tungkol sa amin.We talked about it over dinner dahil nag invite si tita Paz na dun kami mag dinner.Si papa, si mama at ako.Kinakabahan kami pareho ni Laine nun pero kailangan naming maging honest sa kanila.

Flashback

" Tito Franz, Tita Paz, papa,mama may sasabihin po kami ni Laine sa inyo". kinakabahan kong bungad.

" What is it Nhel?" tanong ni tito.

" Ah eh huwag po sana kayong magagalit, alam po namin na bata pa po kami pero hindi po talaga namin naiwasan ang pana ni kupido." sabi ko.

" You mean, nagkakaunawaan na kayong dalawa? si papa yun.

" Opo.Gusto lang po namin na maging honest sa inyo at talagang mabuti po ang intensyon ko kay Laine."

" Tsaka dad may rules po kaming ginawa kaya po hindi po kami lalabag sa kagandahang asal..Here po oh."

si Laine habang inaabot sa kanila yung notebook na kinasusulatan ng mga rules namin.

Binasa nila at matagal bago sila nagsalita.Nagpalipat lipat ang tinginan nila sa isat-isa bago may nagsalita.

" Since nandyan na yan at maganda naman ang intentions mo Nhel, okey pumapayag kami but in some conditions,hindi kayo lalampas sa limitations nyo.At isa pa, tayo lang muna dito ang makakaalam ha para walang tsismis at sundin nyo yang mga rules nyo.Wala munang date-date at dito lang kayo sa bahay magkikita palagi..Maliwanag ba mga bata? si tito Franz yun.

" Opo." sabay naming sagot.

" At gawin ninyong inspirasyon ang isat-isa para makatapos kayo ng pag-aaral nyo.Nhel, ikaw ang lalaki kaya maging responsable ka at huwag maging mapusok.Ibibigay namin sa inyo ang tiwala namin at wag na wag nyo yung sisirain." paalala naman ni papa.

" Opo pa." sagot ko.

Natapos yung dinner na nakahinga na kami ng maluwag ni Laine.May blessings na kami ng mga parents namin.

Sinabi na rin namin sa apat na kaibigan namin at masaya sila para sa amin at nangako naman sila na hindi sasabihin sa iba.

Sa first two months ng relasyon namin ni Laine medyo naging mahirap para sa aming dalawa, paano ba naman parang laging nakabantay ang parents namin sa amin.Lagi silang nakamatyag.Pag pinupuntahan ko sya sa kanila hindi kami makapag-usap ng maayos dahil nasa likod lang namin si tito Franz, sa pagsisimba kasama rin namin sila, kapag hinahatiran ako ni Laine sa bahay namin ng mga niluto nya,andun naman si mama at papa na nakabantay.

Pero after that, pansin din namin na parang hinayaan na kami.Naisip namin na baka sinubukan lang nila kami.Hindi naman kami lumabag ni Laine sa lahat ng ipinangako namin sa kanila, at yun nga nakapasa naman siguro kaya hayun tinigil na yung pagmamatyag sa amin.

Wala naman silang dapat ipag-alala sa amin ni Laine dahil sinusunod talaga namin yung rules namin pati na rin yung mga bilin nila.Hindi kami lumalampas sa limitations namin.Alam naman naming dalawa yun.

Each passing day ay masasabi ko na talagang happiness para sa akin.Having Laine as my girlfriend, what more can I ask for? She's really amazing.She never failed to make me smile.Kahit lalaki ako kinikilig ako sa sobrang lambing at ka-sweetan nya.Wala kaming matinding act of intimacy..holding hands, yun lang ang madalas at hugs na pang special occasion.Everytime she holds my hand, wow kinikilig nako nun.

Memorable sa aming dalawa nung birthday nya.I gave her an I.D bracelet na nung makita nya ay parang maiiyak na talaga sya.Pinabili ko kasi yun kay ate nung nasa Singapore sya.Pina engraved ko yung I love You sa harap tapos yung pinagdugtong na pangalan namin sa likod.Hindi ko inaasahan yung reaction nya nung isuot ko sa kanya yung bracelet, niyakap nya ako tapos mabilis na hinalikan sa pisngi.

Shocks! Kung ganun ba naman lagi eh di sana madalas ko na lang syang regaluhan ng ganon.hehe.

Yung first Christmas namin together ay masasabi kong great talaga.Paano ba naman simbang gabi pa lang panalo na.Isang jacket lang ang gamit namin,magkasukob.Yung right hand akin,yung left hand kanya.Yun na yung pinaka intimate namin.O diba mainit ang pasko namin?

Yung first Valentine's day namin, okey na rin kahit sa bahay lang nila kaming dalawa.Pinagluto nya ako ng mga favorite kong pagkain, kahit bata pa yon ang sarap ng magluto at nag bake din sya ng chocolate cake.Dun kami nag dinner sa garden nila at tuwang-tuwa na sya sa isang bouquet na red roses at tatlong malaking Cadbury chocolate na binigay ko, favorite nya kasi yon at syempre may hug and kiss ako sa pisngi sa sobrang tuwa nya.Pang special occasion lang yon pero heaven na sa akin yon.

Nung graduation ko umattend sila ng barkada.Nakakuha din ako ng medals kaya lang hindi kasing dami nung sa kanya nung grumaduate sya nung grade school at nung manguna sya sa klase nila at sa buong freshman year.

Binigay ko rin sa kanya yung isa kong medal, sa parehong dahilan kung bakit binigay nya sa akin yung isang medal nya nun ng manalo sya sa ibat-ibang inter school quiz bee contest.Inspirasyon kasi namin ang isat-isa.

Inabot nya yung graduation gift nya sa akin nung ihatid ko sya sa kanila.Isang parker ballpen na naka engraved ang buo kong pangalan.

Ang ganda!

Kaya sa sobrang tuwa ko, ako naman ang yumakap sa kanya at pinayagan nya akong halikan sya.....sa noo.

Halik lola! pero yun ang halik na punong-puno ng pagmamahal at respeto.

SUMMER vacation na.Malapit na ang first anniversary namin ni Laine.Kailangan ko syang I-surprise at kailangang ako ang mag effort dahil first celebration namin yun.

Kailangan ko ng trabaho this summer para may magamit ako sa surprise ko sa kanya.Pwede naman akong humingi kay papa o kaya kay ate pero mas maganda kung pinaghirapan ko yung perang gagamitin ko sa anniversary namin.

Uumpisahan ko na ngang maghanap ng summer job nang makarami.