Laine's Point of View
" Uy, Nhel saan mo ba ako dadalhin ha? Bakit ba kasi kailangan naka blind fold pa?" reklamo ko kay Nhel habang inaalalayan nya ako papunta sa kung saan.
" Surprise nga eh.Wait lang malapit na tayo prinsesa ko." sagot nya.
Another surprise? Akala ko tapos na kaninang umaga yung surprise nya, meron pa pala.
Kanina paggising ko nagulat ako dahil nandun sya sa couch sa kwarto ko may dalang dalawang teddy bear, anak daw ni Lainel,yung unang stuff toy na regalo nya sa akin nun.May naka ready na breakfast na may kasamang isang stem ng rose.Akala ko yun na yung anniversary surprise nya, meron pa pala.
" Ano na naman ba tong naisip mo? Kung hindi lang si Mang Gusting naghatid sa atin dito, iisipin ko kinikidnap mo ako." sabi ko.
" Hindi na kailangang kidnapin kita Laine,alam kong kusa ka namang sasama di ba?" asar nya.
" Heh! Yabang neto! Matagal pa ba napapagod nako eh?"
" Heto na tayo, dahan -dahan lang."
sabi nya habang inaalalayan nya ako para umupo.
Inalis nya na yung pagka- blindfold ko at marahang kinusot ko ang mga mata ko.
" Nasan ba tayo? Wow!" bulalas ko,
wala na akong ibang masabi dahil sa ganda ng paligid..isa itong garden restaurant.
" You like it Laine?" tanong nyang nakangiti.
" Oo naman! Paano mo nahanap ito, I mean bakit mo naisipan to?" tanong ko.
" Gusto ko kasi memorable ang first anniversary natin at gusto kong I- surprise ka.Kaya nagtanong ako kay papa at sa daddy mo kung ano ang magandang pang surprise.Idea nila to at pumayag sila na mag celebrate tayo dito basta susunduin din tayo ni Mang Gusting mamaya." paliwanag nya.
" Na surprised nga ako at sobrang thankful ako sa effort mo.Saan ka kumuha ng pinambayad mo dito?I'm sure mahal dito."
" Okey since tinanong mo na kailangan ko na ring sabihin sayo kung bakit lagi akong wala sa bahay at gabi lang kita pinupuntahan."
" You mean eto yung inaasikaso mo nun.?"
" Yeah, nag summer job ako para hindi ko na kailangang humingi kila papa ng panggastos."
" Nhel, ano ka ba naman! Hindi naman kailangang mag celebrate ng ganito kung wala naman tayong panggastos.So, that explains kung bakit parang umitim ka at laging pawisan?"
" Oo, nagtrabaho kasi ako sa construction ng one week.Nag couch din ako ng volleyball sa isang school ngayong summer.Tapos may nakuha akong itu-tutor sa Math, sayang din kasi yung ibabayad sa akin kahit 2 hours per day lang.
Laine gusto ko kasi mag celebrate ng anniversary natin.Para sa akin ito ang pinaka importanteng araw ng taon.Ito kasi yung araw na naging tayo.Na naging akin yung pangarap ko."
Na touched naman ako ng sobra sa sinabi nya.Kinilig naman ako pero medyo nag- alala rin ako.
" Nhel, hindi naman sa ayaw kong mag celebrate tayo, ang gusto ko lang naman yung hindi mo na pahirapan pa yang sarili mo para lang sa ganito.
Hindi mo tuloy na enjoy ang summer.
Hindi kita nakasama masyado.Next time don't do anything without telling me, okey? Wala ng surprise-surprise.Dalawa tayo sa relasyong ito kaya tayong dalawa ang magpa-plano.Maliwanag ba Nielsen?"
" Sige, let's talk about it over dinner, next time tayong dalawa na ang magpa-plano.Don't get mad at me,okey?"
" I'm not mad, I'm just worried!"
" Sige kain muna tayo, usap tayo mamaya."
The dinner was served at masasabi kong sulit talaga ang binayad ni Nhel dahil super sarap ng mga pagkain nila.Nung matapos kaming kumain may binigay sya sa aking naka box na maliit.
" Ano na naman to? " tanong ko.
" Binili ko para sa ating dalawa.Open it." sagot nya.
Binuksan ko yung box na nakabalot ng silver gift wrapper na may ribbon pa na kulay gold.
" Wow! Ang ganda naman."
isa syang gold key chain na hinating heart.Yung isang half ay may naka-engraved sa harap na letter N and the other half is letter L. May pangalan namin na naka-engraved sa likod nung half heart.
" Akin yung L at sayo yung N." sabi nya.
Parang gusto kong maiyak sa sobrang effort nya.Lahat ginawa nya kahit mahirap at hindi naman sya sanay magtrabaho.Tiniis nyang hindi kami magkasama just to give me this, to surprise me, to make me happy.
" Nhel, halika nga dito!" sabi ko.
Lumapit naman sya at nung nasa tabi ko na sya ay niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak sa balikat nya.
" Hey! Bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako Laine?" worried na tanong nya.
" Nothing! It's just that..I'm so lucky to have you Nhel." sabi ko in between sobs.
" Hush! Stop it.Ako ang mas lucky kasi ako yung minahal mo.Sabi ko naman di ba kaya kong gawin lahat para sayo.Promise sa susunod tayong dalawa na ang magpa-plano ng ganito.Sige pag usapan na natin ngayon kung ano pa ang gusto mong mangyari." sabi nya habang pinupunasan nya ang luha ko.
" Siguro mas maganda kung mag- iipon tayo.Magtabi tayo from our allowance then every Sunday ihuhulog natin yun sa piggy bank.Kahit magkano lang or kung gusto mo pantay tayo ng hulog.Then bago ang anniversary natin bubuksan na natin yung piggy bank at yun ang gagamitin natin pang celebrate..Okey ba sayo yon? sabi ko.
" Ang brilliant mo talaga mag-isip.Approve sa akin yon.So, starting next week maghuhulog na tayo sa piggy bank.What else?" tanong pa nya.
" Wag mo na ako bibilhan ng gift pag anniversary natin.Let's buy na lang something na paghahatian natin like this key chain.Okey ba yon?
" Yeah, okey yun prinsesa ko."
" Yan! Yan pa ang isa na kailangan nating baguhin." sabi ko.
" Alin yung okey?" biro nya.
" Hindi, yung tawag mo sa akin.Hindi naman tayo royal blood eh." natatawa kong sabi.
" Matagal ko ng term of endearment sayo yun ah.Pero sige palitan natin, gusto ko ako rin meron ka ha?" siya.
" Ikaw ano ba gusto mo? " tanong ko.
" Sweetheart? Honey?Darling?Cupcake?...ano ba?" suggestion nya.
" Ayoko naman lahat yun parang hindi bagay." tanggi ko.
Nag-isip kami hanggang sa dumating na si Mang Gusting, sinusundo na kami.
" Tara na mamaya na lang. Kailangang pag-isipan nating mabuti dahil yan na ang tawagan natin until forever." sabi nya.
Nakarating na kami sa bahay ng magsalita sya.
" Laine alam ko na! Di ba tawag nila sayo dito sa bahay eh ' baby '?
" And so? nakangiti kong tanong.
" What if kung babe na lang ang term of endearment ko sayo..what do you think? tanong nya.
" Yeah, I like it sanay na ako kasi close sya sa baby..ikaw gusto mo bang bebeh or beh na lang? closer sya sa babe di ba? What do you think?
" Okey basta ikaw ang tumatawag sa akin nun, sweet yun." sang -ayon nya.
" O hayan beh, sarado na usapan natin ha, everything's clear?
" Okey babe! Hahaha.ang cute pala pakinggan."
Nagpaalam na sya kila daddy na uuwi na at hinatid ko na sya sa may gate.
" Beh thanks for your effort.I really did enjoy our celebration.I love you so much."
" I love you more babe, and I will do everything just to make you happy.You are worth it." sabi nya sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.
OMG!Ang lapit na at naaamoy ko na ang mabango nyang hininga na amoy mint.Gosh! Ngayon na ba nya kukunin ang first kiss ko?
5
4
3
2
1
" Laine!" may tumawag ng malakas.
"Huh!"
Shocks naman!