"GOOD MORNING my beautiful wife," isang malambing na bulong at matatamis na halik ang gumising kay Lexine. Pagdilat niya ng mata ang napakagwapong mukha ng kanyang asawa ang unang bumungad sa umaga niya.
"Good morning," bulong niya habang awtomatiko na napangiti ang mga labi.
"Breakfast is ready."
Bumangon si Lexine habang kinuha naman ni Night ang tray ng pagkain na nakapatong sa trolley sa gilid. Tumusok sa ilong niya ang mabangong amoy ng pagkain. Pinatong ni Night ang bed table sa gitna ng kama.
"Healthy breakfast for you and for baby, avocado toast, scramble egg, healthy fruits and fresh milk," todo asikaso sa kanya ang asawa habang ito pa ang naghihiwa ng pagkain niya.
Napangiti siya sa mga gestures nito, "Ang sweet naman ng husband ko. Gwapo na, maalaga pa. Ano pa ang hahanapin ko?"
Ngumisi si Night habang naghihiwa ng toast bread, hindi mapigilan ni Lexine na kiligin dahil kahit sa maliliit na kilos nito ay ang seksi pa din ng asawa niya, lalo na't topless pa ito. Titigan niya lang ito ay nabubusog na siya.
"Here," sinubo ni Night sa kanya ang piraso ng toast bread na may crushed avocado at egg, binuka niya ang bibig at nginuya ang pagkain pero biglang umikot ang sikmura niya at agad siyang tumayo saka kumaripas nang takbo papasok ng banyo.
Kahit wala pang laman ang tiyan niya ay napakarami niyang sinuka. Agad sumunod si Night upang himasin ang likod niya habang nakaluhod siya sa tapat ng inidoro at patuloy sa pagduwal.
Matapos mailabas lahat ay pinusan nito ng tissue ang bibig niya saka siya inalayayan palabas, pinaupo sa kama at agad inabutan ng tubig. Napabuntong hininga na lang si Lexine habang nakahawak sa tiyan.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Night.
Tumungo siya, "Yeah, morning sickness lang. Normal naman daw yung ganito sa first trimester."
Nung nakaraan ay nagpa-check up na sila ni Night sa OB at according sa kanyang doktora ay eight weeks pregnant na siya. Unti-unti nang nararamdaman ni Lexine ang mga pagbabago sa kanyang katawan. Madalas din siyang inaantok lalo na kapag nasa opisina. Nanakit ang mga balakan niya at nagiging mapili na din siya sa pagkain. Buti na lang at meron siyang napakamaasikasong asawa na umaalalay at nagbibigay ng mga pangangailangan niya.
Tapos na ang honeymoon nila at dinala siya ni Night sa Maldives. Nakapagbakasyon sila doon ng isang lingo. Ang mga sumunod na araw nila ay naging payapa at tahimik. Sa weekdays ay sa condo sila ni Night natutulog, sa weekends ay sa mansion nito.
Wala pa ulit balitang natangap si Lexine kay Miguel. Sa totoo lang ay hindi niya rin muna gustong makausap ang lalaki dahil sa mga ginawa nito, although hindi naman siya nagtanim ng galit. Hiling niya lang na sana'y tuluyan nang maging maayos si Miguel. Maiksi man ang pinagsamahan nila pero tinuring na niya itong mabuting kaibigan.
Habang abala siya sa pagpapatakbo ng Moonhunters ay bente kwatro oras naman na nakadikit sa kanya ang asawa. Literal. Ayaw ni Night na mawala siya sa paningin nito kahit isang segundo sa labis na pag-aalala na may mangyari na naman sa kanya. Pinagbawalan na din siya nito na sumama sa mga pisikal nilang misyon dahil buntis siya na sinang-ayunan naman ng mga kaibigan nila. Kung kaya madalas ay office works at mga meetings na lang ang ginagawa niya.
Ang pagsasasama nila ni Night bilang newly wed couple ang pinakamasayang panahon ng buhay ni Lexine. Mas dumoble ang sweetness at caring nito, malaki rin ang pinagbago ng asawa niya. Lagi itong nakangiti, mas thoughtful na rin ito sa mga tao sa paligid, ramdam iyon ni Johan at ng buong mansion. Nakikita ng lahat ang kasiyahan na nararamdaman ng prinsipe ng kadiliman. At bilang asawa, siya ang pinakamaligaya na makitang masaya ang lalaking pinakamamahal niya.
Ngunit katulad ng normal na relasyon, may maliliit pa rin silang mga pagtatalo na hindi maiiwasan. Isa sa madalas nilang pinagtatalunan ay ang pagpupuyat ni Lexine sa panunuod ng Disney movies.
"Cupcake, alas dos na ng madaling araw, matulog ka na, nagpupuyat ka na naman, diba sabi ni Doktora masama magpuyat," nilapitan ni Night sa Lexine na nakahiga sa kama habang hindi mabitawan ang mga mata sa TV.
"Mamaya na hubby, matatapos na ito," sagot nito na 'di man lang siya nilingon.
Napakamot siya sa ulo nang makita kung ano na naman ang pinapanood ng asawa niya na tila bumalik sa pagiging elementary student, "Elsa na naman? Pang one hundred times mo nang pinapanood si Elsa, baka paglabas ng anak natin puti ang buhok at malaki ang mata," umupo ito sa tabi ni Lexine.
Inirapan lang siya nito, "Maganda naman si Elsa, so okay lang."
Umismid siya, "No way, I don't want our baby to be an Ice queen," umusog siya upang yakapin ang asawa at naglalambing na hinalikan ito sa balikat at leeg, "Tulog na tayo."
Pero parang bato ang kinakausap niya at hindi kumikibo. Sobra itong occupied sa pinapanood. Kabisado na niya ang kantang "Let it go" at sa totoo lang ay ang naririndi na ang tenga niya.
Bumuntong hininga si Night at dinampot ang remote saka pinatay ang TV.
Napanganga si Lexine at 'di makapaniwalang tinignan siya, "What the hell… bakit mo pinatay nanonood pa ako!" sinubukan nitong agawin ang remote pero tinago niya ito sa likuran.
"Late na, matulog ka na at lagi ka na lang nagpupuyat kay Elsa. Malapit na kayong maging magkamukha."
Napa 'tsk' si Lexine at parang batang nagmamaktol, "Last na nga kase eh, bakit ba ang Kj-kj mo?!"
Siya naman ang napanganga, "Kj? Me? Gabi-gabi ko na ngang tinitiis ang boses at pagmumukha ni Elsa kabisado ko na nga ang lyrics ng Let it go… Let it go... " kinanta niya pa at ginaya ang paghumpas ng kamay ni Elsa na parang may lumabas na snow.
"I can't hold it back anymore, baby! Hindi na nga ako makapanuod ng NBA dahil gusto mo manuod ng Elsa. Ako pa ang KJ ngayon?"
Nalukot ang mukha ni Lexine at mas lalong humaba ang nguso saka humalukipkip, namumula na ang ilong nito na parang malapit nang umiyak, "Eh gusto nga ni baby naririnig kumakanta si Elsa eh," hinimas pa nito ang tiyan.
"Hindi niya gusto yun, ikaw ang may gusto."
Sa inis nito ay pinaghahampas siya nito braso, "Napakasalbahe mong asawa! Wala kang kwenta! I hate you! Baby hates you too! Maghiwalay na tayo!"
Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito, "What the fuck are you saying!? Hihiwalayan mo ako dahil kay Elsa?"
"Oo! Kasi you're a bad husband! You're so selfish!"
"Ako pa ang bad husband at selfish? I can't believe this! Tignan mo ang ginagawa ni Elsa sa'yo, kinakain na ng sistema ang utak mo. Masama si Elsa sa pagsasama natin kaya mula ngayon, hindi ka na manunuod ng punyetang Elsa na 'yan."
Lexine suddenly burst out crying like a little girl who got scolded by her father, "I hate you!!! Umalis ka dito!!! Ayaw kitang makita!!! Layas! Lumayas ka! Layas!!!" sa sobrang inis nito pinaghahampas siya nito ng unan.
Sinasanga niya ang mga hampas at tulak nito, "Baby, ano ba?! Tumigil ka nga!"
"Labas!!! Dun ka sa sala matulog! Ayaw kitang katabi! Labas! Lumayas ka, ayaw kong makita ang pagmumukha mo!" pinagpupukol siya nito ng unan at comforter. Lahat ng mahablot nito hinahagis sa kanya.
"Baby stop this! Ano ba! Naiinis na ako ah!"
"Mas nabu-bwiset ako sa pagmumukha mo. Ayaw kitang makita, iniistress mo ako, iniistress mo si baby! Layas! Lumayas ka sa harapan ko!"
Wala siyang nagawa nang pinagtulakan na siya nito hanggang sa labas ng kwarto at malakas na sa sinaraduhan ng pinto.
"Lexine! Lexine open this goddamn door!" kinatok niya ng malakas ang pinto at pinihit ang doorknob pero naka-lock na iyon.
"Lexine! Lexine!"
"Go away!"
Napamura siya ng malutong at naiinis na napakamot sa ulo. Kasalanan lahat ni Elsa ito. Na turn away at slam the door tuloy siya ng asawa niya. Wala siyang nagawa kundi mag let it go ng mabigat na hangin sa dibdib.