Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 313 - The best husband award

Chapter 313 - The best husband award

KINABUKASAN hanggang sa makapasok ng opisina si Lexine ay hindi pa rin niya kinikibo ang asawa. Nabu-bwiset talaga siya kay Night, pati ba naman ang panunuod niya ng Elsa ay pinapakelaman na nito? Eh sa gusto niya si Elsa ano ba'ng masama na manuod ng Frozen? Urgh! She really hate him.

"Oh, ang aga-aga nakabusangot yang mukha mo?" lumapit sa kanya si Miyu at inabot ang file ng monthly report ng mga new trainees ng ahensya.

Tinangap naman niya iyon at mabilisang ini-scan, "Si Night kasi, nag-away kami."

"Nag-away o inaway mo na naman?"

Nag-angat siya ng tingin, "Siya may kasalanan, pinapakelaman niya ako sa panunuod ng Frozen. Sa inis ko pinatulog ko siya sa labas ng kwarto."

Natawa si Miyu sa narinig. Alam na niya ang tungkol sa kaadikan nito sa panunuod ng Disney movies. At ang movie ni Elsa ang higit na pinaglilihian nito. Madalas niyang marinig na nagrereklamo si Night kay Elijah.

"Ikaw naman kase, pinupuyat mo yung sarili mo kakanood ng disney movies, hindi maganda sa baby mo yan, ikaw din, baka mag-suffer ng sakit ang baby niyo, I'm sure concern lang si Night sa health mo at ng anak niyo."

Natigilan si Lexine sa sinabi ng kaibigan at napaisip. Tama naman si Miyu dahil guilty siya na napupuyat siya kakanood ng mga disney movies. Napabuntong hininga siya nang marealized na masyado atang malupit ang ginawa niya kay Night.

Apologetic na tumingala siya kay Miyu, "Ang harsh ko ba?"

Umikot ang mga mata ni Miyu, "Buti na lang baliw sa'yo ang prinsipe ng dilim," umalis na ito at naglakad palabas ng office.

Naiwan siyang nilalamon ng guilt.

After office hours ay naabutan niya si Night na nakatayo at nag-aabang sa labas ng main entrance ng agency habang nakasandal sa kotse nito. Naglakad siya palapit sa asawa at nahihiyang hinarap ito.

"I'm sorry kung inaway kita kagabi," ngumuso siya.

Bumuntong hininga si Night at hinagkan siya ng buong higpit, "Sorry din kung napagtaasan kita ng boses at inaway ko si Elsa. I should be more understanding as a husband. I'm sorry."

Tumingala siya dito habang hindi bumibitaw sa yakap nila, "You've been a very understanding and a thoughtful husband, ako dapat ang hindi umaaktong spoiled wife."

"It's okay, I like to spoiled my beautiful wife. Kahit masakit sa akin na mas mahal mo na si Elsa. Titiisin ko, lulunukin ko ang pride ko at magpapaka-martyr ako."

Natatawang pinalo niya ito sa dibdib, "Loko-loko!"

He chuckled, "I have a surprise for you, open the trunk."

Na-excite na bumitaw si Lexine sa asawa at naglakad patungo sa compartment sa likuran ng kotse. Pagbukas niya nito, hindi niya inaasahan ang nakita. Sa loob may malaking stuff toy ni Elsa. Ang laki ng ngiti niya na umabot hanggang tenga nang kunin ang stuff toy at hinagkan ng buong higpit. Parang bata at nagtatalon siya na lumapit sa asawa.

"I love it! Thank you hubby!" kiniss niya ito sa labi.

"Basta, sa pagtulog ako dapat ang kayakap mo at hindi si Elsa."

"Oo naman! Mas love pa din kita. You're the best husband in the world!"

Napailing na lang si Night sa ka-cute-an ng asawa niya. Sana lang talaga hindi maging kamukha ni Elsa ang anak nila.

***

LUMIPAS pa ang ilang buwan at third trimester na ni Lexine. Malaki na ang baby bump niya at sobrang excited na ang lahat sa nalalapit niyang panganganak. Higit ang asawa niya.

"Oh careful, this way, go to your left, move forward," walang makita si Lexine dahil tinatakpan ng kamay ni Night ang mga mata niya. Sumusunod lang siya sa instructions nito at dahan-dahang naglalakad.

"Okay. Stay here."

Huminto siya, "Okay na ba? Pwede na ba akong dumilat?"

"At the count of three, one, two, three! Open your eyes!" tinangal ni Night ang kamay at sabay siyang dumilat. Nanlaki ang mata ni Lexine at napatakip sa bibig nang masilayan ang mga bagay na nasa harapan.

Ang buong kwarto ay punong-puno ng mga kagamitan para sa baby. Mint green at yellow ang pintura sa dingding. Big stripes ang design at may mga nakadikit na cute animals stickers. May puting crib sa gitna na may white canopy sa itaas at nakasabit na mobile crib toys na iba't ibang animals. May couch sa gilid at maliit na kama. Kumpleto na rin ng mga baby clothes ang drawer sa gilid. May mga nakadisplay na baby toys, anima stuff toys, may stroller sa gilid at kung ano-ano pa.

"I asked Miyu and Devorah to help me with the design of our baby room. Sinamahan din nila akong mag-shopping, do you like it?" niyakap siya ni Night mula sa likuran.

Humarap siya sa asawa na may naluluhang mga mata, wala na talaga siyang hihilingin pa dahil malapit nang mabigyan ng best husband of the year award ang asawa niya. Malambing na hinaplos niya ang pisngi nito.

"I love it, ang ganda-ganda. Thank you so much."

Hinalikan siya nito sa labi at lumuhod para pumantay sa tiyan niya. Dinikit ni Night ang pisngi habang hinihimas ito, "Your room is ready my little angel, ikaw na lang ang inaantay. Mommy and daddy are so excited to see you."

Tumingala si Night sa kanya at tumayo ulit, "I'm sure excited na din siyang lumabas," aniya.

Nababasa niya sa mata ng asawa ang nag-uumapaw na kaligayahan. Ang mga dumaan na buwan ay naging payapa at tahimik para sa kanilang dalawa. Minsan, hindi niya mapigilan na mag-isip dahil pakiramdam ni Lexine masyado silang masaya at natatakot siya na baka panandalian lang ang mga kaligayahan na ito. Nasa paligid lang ang mga kalaban at marami pa silang digmaan na kailangan harapin.

Hinihiling niya lang sa Panginoon na sana'y gabayan ang pamilya nila at walang mangyaring hindi maganda lalo na sa anak nila.