ANG MGA sumunod na lingo ay sobrang busy para kay Lexine lalo na at kailangan niyang pagsasabayin ang mga trabaho at pag-hahanda para sa wedding. Nakapagpasukat na rin sila ng wedding dress at suit ni Night kasama ang mga grooms men at brides maid.
Si Miyu ang napili ni Lexine na maging maid of honor habang si Elijah naman ang best man ni Night. Laking pasasalamat na lang din ng dalawa na supportive ang mga kaibigan nila sa pag-a-asikaso kaya kahit papaano'y gumaan ang trabaho nila.
Para kay Lexine ay napakabilis nang pagtakbo ng mga araw habang naiinip naman si Night at palaging nakatingin sa calendar. Minamarkahan niya pa ng X ang bawat lumilipas na date.
Napabuntong hininga siya nang makitang may isang lingo pa sila.
"Please, please, make the day faster," aniya na kinakausap ang hawak na calendar.
***
"PAPATALI na ang prinsipe ng dilim!!!" malakas na sigaw ni Elijah habang nagpapaulan ng bula ng champagne.
Three day before the wedding ay nag-organize sila ni Eros ng stag party para kay Night. Imbitado ang buong kalalakihan sa Moonhunters including ang mga empleyado, agents at maging mga security team.
Pinasara ni Elijah ang buong Pink Ladies Nightclub para maging exlusive lang ito sa kanila. Nang mamatay si Mr. Kim Park ay binili ni Elijah ang nightclub sa mas mababang halaga kaya ngayon ay isa na rin ito sa mga pinapatakbo niyang negosyo.
"Buti at pinayagan ka ni Miyu na bilhin ito?" tanong ni Eros sa bampira.
"Shhh… Actually hindi niya alam kaya 'wag na 'wag kayong magkakamaling madulas kay Miyu."
"Patay kang bata ka!" natatawang komento ni Night.
Napakamot na lang sa ulo si Elijah, "Kilala niyo naman ang ugali nun. Sayang naman kasi itong nightclub kung ipapasara na lang. Magaganda pa naman ang mga babae dito. Lalo na yun!" tinuro ni Elijah si Bridget na sumasayaw sa pole at nakasuot ng napakanipis na string two piece.
Buong pang-a-akit naman na tumingin ang babae sa kanila habang gumigiling giling sa stage. Sa paligid naghihiyawan ang mga lalaki habang umuulan ng alak at babae. Kanya-kanyang GRO na ang mga nakaupo sa bawat couch. Maging si Eros at Elijah ay may katabi din at kaakba maliban kay Night na pinaninidigan ang pagiging "goodboy."
Inutusan ni Elijah ang manager na papuntahin si Bridget sa couch nila. Di nagtagal matapos ang performance nito ay lumapit na ang babae.
"This is Night, at ngayon ang mga huli niya gabi bilang isang bachelor. So make sure that you will give him the best evening of his life! Make him regret na magpapatali na siya!" nasundan ng nakakalokong tawa ni Elijah.
"Gago ka! Wag mo akong itulad sa'yo. Ready na akong magpatali at magsettle down," sagot ni Night.
"Wow! Pwede mo ba ulitin 'yan at ire-record ko lang," pang-a-alaska naman ni Eros na bumunot pa ng cellphone.
"After fifty years ipapadinig namin ulit sa'yo!" dugtong ni Elijah.
"Sa totoo lang, sa una lang masaya ang may asawa," biglang sumabat ang agent na nasa late forties ang edad. Napatingin ang lahat dito, partikular si Night.
"Alam niyo ba na every three years, nagfi-file ng annulment ang asawa ko? Thirty years na kaming kasal. Selosa kasi iyon. Makita niya lang na may nag chat sa aking magandang babae ay mag-a-alburoto na siya at sasabihin na gusto na niyang makipaghiwalay," napailing-iling ito.
"Lalo na kapag buntis ang babae. Ay naku! Pupuyatin niya kayo kakapahanap sa gusto niyang pagkain dahil sa paglilihi. Mag-request ba naman sa akin ng durian na hindi mabaho. Lintek yan! Saan naman ako hahanap ng durian na walang amoy?"
Nagkatawanan ang mga lalaki sa couch.
"Ako nga nung buntis ang misis ko iniiyakan ako dahil hindi niya gusto ang amoy ko," si Orgon naman ang nagkwento, "Ayaw niya akong lumalapit sa kanya. Tapos magagalit dahil bakit hindi ko daw siya dinidikitan may babae na daw ba ako?"
Muling nagkatawanan ang lahat.
"Kaya ikaw Tagasundo, ihanda mo na ang sarili mo. Magbiro ka na sa lasing at bagong gising 'wag lang sa misis mong naglilihi."
"Then I'll buy a whole supermarket. Para pag may hiningi si Lexine hindi ako mauubusan ng supplies," sagot ni Night.
"Boooom! Mic drop!" imbis na microphone ay bote ng beer ang hinulog ni Elijah sa sahig.
Napuno na naman ng kantyawan ang buong couch.
"Iba ka talaga Papi! Isa kang tunay na Lodiiiii!" sigaw ni Eros, "Cheers para sa kalbaryo ng buhay ni Night!" tinaas nito ang baso ng alak.
Sabay-sabay na nagtaasan ng kanya-kanyang baso ang bawat isa.
"Cheers!"
Samantala, nakagat ni Bridget ang ibabang labi habang pinagmamasdan ang makisig na binata. Ang akala niya noon si Miguel na ang pinaka-hot na lalaking nakita ng mga mata niya pero may hihigit pa pala. Excited siyang umupo sa tabi ng huli.
Sinalinan niya ng champagne ang baso ni Night at inabot ito sa lalaki gamit ang pumipilintik na mga daliri at nang-a-akit na mga mata. Walang nakakatanging kahit sinong lalaki sa alindog niya.
"For your last few nights as a single man."
Tinangap naman ito ni Night at tipid na ngumiti saka nakipag-cheers sa seksing dalaga. Siniguro niya na may sapat na distansya sa pagitan nila. Nang mapansin iyon ni Bridget ay mas lalo naman itong umusog at lumapit sa kanya.
"Ikaw naman, wala naman dito ang fiance mo, hindi naman siguro siya magagalit kung wala siyang nakikita."
Tumaas ang sulok ng bibig ni Night, "That's exactly the point. Kahit hindi siya nakatingin, I won't do anything that might upset her."
"Wooooooooh! Loyal na loyal parang aso lang!" kantyaw ni Elijah na nasundan na naman ng malakas na tawanan.
"Kaya nga ang lakas tumahol ni Night kapag nagseselos eh!" dagdag ni Eros, "Awooh! Awooh!" sigaw nito katulad sa spartan.
Sabay-sabay na naghiyawan ang lahat at nakigaya.
"Awoo! Awoo! Awoo! Awoo! Awoo!"
"Mga tarantado!" sigaw ni Night sabay pinukol ng french fries ang mga alaskador na kaibigan.
"Alam mo ba kung ano ang itsura mo kapag nagseselos ka? Daig mo pa si Toguro sa Ghost Fighter!" tumayo si Elijah at pumuwesto na parang magta-transform, "Ilalabas ko na ang isang daang porsyento ko para hindi ako matalo kay Miguel! Ahhhhhhhhhhh!"
Nagtawanan ulit ang lahat. Natuloy ang kasiyahan ng mga lalaki hanggang sa malunod silang lahat sa alak.