"TO OUR BRIDE TO BE!!!" malakas na tili ni Miyu pagkatapos paputukin ang cork ng champagne.
Naghiyawan ang mga babae sa loob ng Presidential Suite ng Okada Manila. Kung may stag party ang mga boys, syempre hindi papatalo ang mga girls kaya naman nag-organize din si Miyu at Devorah ng bridal shower para kay Lexine. Imbitado ang mga babaeng empleyado ng Moonhunters, nangunguna sila Camille, Emily at Katya.
"Congratulations Ms. Lexine!!!" sabay-sabay na bati ng tatlo at niyakap ang ang kanilang butihing boss.
Pinagsuot nila si Lexine ng maliit na wedding veil sa ulo habang all pink na silk bathrobe naman ang outfit ng bawat isa. Nakaburda sa likuran ng suot niya ang word na "BRIDE." Pajama party ang themed ng kanilang bridal shower. Hindi rin nila nakalimutan imbitahan si Madame Winona at Olive.
"Congratulations Lexine!" masiglang nakipagbeso si Olive. May inabot itong regalo sa kanya.
"Salamat."
"Excited na ako para sa inyo ni Night."
"Ako din," sagot niya na nasundan ng maliit na tawa.
"By the way, pupunta rin ba si Ansell sa wedding? Uuwi ba siya from New York?"
Natahimik si Lexine sa tanong nito sabay bumagsak ang kanyang balikat. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Ansell. Nag-iwan na rin siya ng message tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Night. Alam niyang lalong masasaktan ang binata sa balita pero hindi naman niya maatim na hindi ito imbitahan. Umaasa pa rin siya na magkakaayos sila ni Ansell at kung papalarin ay magpakita ito sa araw ng kasal niya.
"Hindi pa kasi siya nagrereply sa invitation ko. Hindi ba kayo nakakapag-usap?"
Kumibit balikat si Olive at bumuntong hininga, "Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag at chat ko."
Tuluyang nalungkot si Lexine. Sana ay maayos lang ang kalagayan ni Ansell kung nasaan man ito.
"Ang asawa ko, nung magboyfriend-girlfriend lang kami sweet. Pero nung nagpakasal na kami wala na… nganga! Sa asukal na lang ako natatamisan," maingay na kwento ni Emily na lasing na.
"Araw-araw nag-aaway kami. Napakalat kasi sa bahay! Isipin mo, pag-shoot na lang ng medyas niya sa marumihan hindi pa magawa nang maayos. Palibhasa ang alam lang i-shoot yung t*t* niya sa butas ko!"
Nagkatawanan ang lahat sa pagku-kwento nito na wala ng filter ang lumalabas sa bibig. Halos maiyak na si Lexine sa kakatawa. Nagpulong-pulong sila sa sala habang napaparami na ng naubos na bote ng wine at champagne.
Nag-share din ang isa pang empleyado from research department, "Ang mga magagaling na punyetang mga lalaki na yan! Ang alam lang magpasarap sa sex! Pero kapag nagbuntis ka na at manganganak ka?! Ay naku! Isusumpa mo na ang asawa mo sa sobrang sakit! Dose oras akong nag-labor sa panganay namin. Minura ko talaga si Jason pati hanggang ninuno niya minura ko na! Para akong umiiri ng pakwan sa sakit!"
Napatakip ng bibig si Lexine at parang kinabahan siya sa narinig.
"Oh my Gosh!" aniya na namumula na ang mukha sa pagkatipsy.
"Ganyan talaga ang pag-aasawa iha. Hindi araw-araw ay masaya. Mas marami pa kayong pagdadaanan na paghihirap at hindi pagkakasunduan. Pero as long na may pagkakaunawaan at magandang komunikasyon sa isa't isa, siguradong walang problema na hindi malulutas," pagpapayo ni Madame Winona.
"Kayo naman masyado niyong tinatakot si Ms. Lexine," sabat ni Camille,
"Ilang anak ba ang gusto niyo ni Night?"
Napaisip si Lexine, "Siguro dalawa or tatlo. Gusto ko din sana babae ang una naming anak."
"Naku ang lalaki naman gusto nila boy," sagot ni Katya.
Matamis siyang ngumiti sa bawat isa at napahawak sa kanyang tiyan. Na-excite siyang isipin na someday ay magbubunga ang pagmamahalan nila ni Night at pagkakalooban sila ng Diyos ng mga munting anghel.
***
ISANG malaking boquet ng bulaklak ang dumating sa loob ng hotel room. Nagtataka si Lexine kung kanino iyon nangaling dahil wala naman itong card.
"Baka kay Night?" sabi ni Miyu.
"Grabe, ang sweet naman, kahit nasa stag party ikaw pa rin ang iniisip," tukso ni Devorah.
Napangiti si Lexine sa naisip. Wala naman sa kanya kung nais magparty ng mga boys dahil mayroon din naman sila. Isa pa, malaki ang tiwala niya sa nobyo na hindi ito gagawa ng kalokohan. Dahil wag lang itong magkakamali at talagang makakatikim ito sa kanya ng round house kick sa mukha.
Inamoy-amoy ni Lexine ang bango ng bulaklak na halo-halong roses, lily at freesia nang tumunog ang cellphone niya. Sa sobrang excited na baka si Night iyon ay hindi na niya tinignan kung sino at inislide agad ang screen.
"Hello?" masigla niyang sagot.
"Do you like the flowers?"
Natigilan si Lexine nang makilala ang boses sa kabilang linya, "Miguel?" ang tagal nitong hindi nagparamdama sa kanya kaya sobrang unexpected na bigla itong tumawag pero masaya si Lexine na marinig ulit ang boses nito.
"I received your invitation. Congratulations."
Malungkot siyang ngumiti. Nahihimigan niya kasi sa boses ng lalaki ang lungkot, "Thank you Miguel. Sana makapunta ka sa wedding."
She deeply wished na magkaayos si Night at Miguel. Hindi na niya sinabi sa nobyo na inimbitahan niya si Miguel dahil siguradong mag-a-alburoto iyon. Nagpadala din siya ng imbitasyon kay General Benjamin sa katunayan ay isa ito sa mga ninong niya sa kasal.
Matagal bago hindi nakasagot si Miguel sa kabilang linya kaya nag-alala si Lexine, "G-galit ka pa rin ba kay Night?"
Mahinang tumawa ito, "No, don't worry. I'll come to your wedding."
Sumigla ang puso niya sa narinig, "Talaga? Thank you Miguel. Asahan kita ha. See you!"
"See you Lexine."
Binaba na ni Miguel ang cellphone at sumimsim ng whisky sa baso habang tahimik na nakatayo sa tapat ng malaking bintana na tanaw ang makulay na evening city lights.
Tinignan niya ang hawak na puting invitations.
Together with their families
You are invited to celebrate the Marriage of
Samantha and Night
On the XX of XXX
at Six in the evening, XXXXXXX
Humigpit ang kapit niya sa invitation hanggang sa malukot ito sa kanyang mga palad. Mas madilim pa sa gabi ang mga mata niya habang nanginginig ang mga panga.
He can't wait for the day of the wedding.
+++
Anj Gee Note: Check out my newest "short" novel: DIARY NG BIRHENG MARIA
It's the story of Apple, Erin's bestfriend in Strawberry Bite.
Isang kwentong para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Hehehe...