Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 283 - Confession [1]

Chapter 283 - Confession [1]

KINABUKASAN ay maganda na ang panahon at nakabalik na agad si Lexine at Night sa resthouse. Dahil nabigo silang mahanap ang Devils heart kaya napagpasyahan na nilang umuwi. Nagpaiwan si Lexine dahil plano niyang puntahan at surpresahin si Ansell sa Manhattan, New York. Sumama si Night sa kanya samantalang nauna nang umuwi si Eros at Devorah pabalik ng Manila sakay ng private jet ni Elijah.

Pagdating ni Lexine sa Manhattan ay agad niyang tinawagan si Ansell at sinabing nasa New York siya. Labis ang tuwa ng binata sa nalaman at nagmadali itong makipagkita sa kaniya.

Naisipan nilang magtagpo sa 'Fore five coffee roaster' na matatagpuan sa Theater District. Umiinom ng 'gotham mocha' si Lexine habang inaantay ang bestfriend. 'Di nagtagal at pumasok si Ansell sa loob ng coffee shop, agad nitong nakita ang dalaga habang nakaupo sa couch at abala sa pagbabasa ng magazine.

Excited na humalik si Ansell sa pisngi ni Lexine. Nagulat si Lexine pero pagtingala niya ay agad siyang napatili at tinalon nang yakap si Ansell.

"Ansell! I missed you so much!"

"Baby! I missed you!"

Sa sobrang higpit ng yakap sa kanya ni Ansell ay halos buhatin na siya nito at kulang na lang ay iikot-ikot siya. Binitawan siya nito at sabay silang umupo.

"Walang Java Chip dito pero alam kong Capuccino ang next option mo," inabot ni Lexine ang kape kay Ansell.

Napangisi ng malaki si Ansell, alam na alam talaga nito kung ano ang mga bagay na gusto niya. Maagap niyang hinawakan ang dalawang kamay ni Lexine at hinaplos ito, "I've missed you so much Lexi. Kailan ka pa nandito sa New York? What are you doing here?" hindi matatago sa boses niya ang labis na tuwa.

"Two days ago. Long story, ikaw muna ang dapat mag-kwento. Kamusta ka naman dito? Ano, marami ka na bang nabingwit na white chiks?"

Tumawa si Ansell sabay kumibit balikat, "Well, I've met some hot girls in the city."

Kinurot ni Lexine ang binata sa tagiliran, "Ikaw talaga, napakawomanizer mo! Ilan na naman ang nabiktima mo?"

"Hey! Sila ang lumalapit sa akin! Masisisi ko ba sila if they find me hot and attractive?"

Umikot ang mata ni Lexine, "Whatever, Mr. Whore! Kailan ka ba magseseryoso sa babae ha? O tatanda ka nang mag-isa?"

Bahagyang sumeryoso si Ansell at pinagmasdan mabuti ang magandang mukha ng kaibigan. Pansin niya ang pamumula ng ilong at pisngi nito dahil sa lamig ng klima but it made her looked more beautiful. She was indeed glowing like a flower blooming. Inipon ni Ansell ang lahat ng lakas ng loob sa dibdib. Ngayon nandito na si Lexine, hindi na siya dapat mag-aksaya pa ng panahon. Hindi nga lang sa ganito niya sana planong mag-confess pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay nandito ang babae at masasabi na niya ang totoong nararamdaman.

"There's actually this one woman that I love."

Nagulat si Lexine sa narinig at nanlaki ang mga mata, "Oh my God!" napatakip siya sa bibig sa labis na excitement, "Finally! You met someone?"

Tipid na ngumisi si Ansell while flashing his perfect set of white teeth, "Well…" napakamot siya sa likod ng ulo, "I've known her since we're kids."

Parang batang nakikinig sa story telling ang mukha ni Lexine habang pumalumbaba pa ito at inaabangan ang susunod na kwento ni Ansell, "Does she lives here?"

"No, she's based in the Philippines."

"Oh… and then? Had you confessed to her?"

"Actually… magco-confessed pa lang ako sa kanya. Tonight."

Mas lalong bumilog ang mga mata ni Lexine, "Oh my God! I'm so excited for you! Good luck! Galingan mo and make sure na mapapa-oo mo siya!"

Natawa si Ansell, if she only knew na ito ang tinutukoy niya.

"I want you to be there. Meet me at Eleven Madison Park tonight at 7pm. Wear something fantastic."

Napakunot ang noo ni Lexine, "Why should I be there? Baka makaistorbo lang ako sa date niyo."

Hinawakan ni Ansell ang dalawa niyang kamay, "No baby, I need you to be there. Ipapakilala kita sa kanya."

Tinignan ni Lexine ang wrist watch. Four PM na ng hapon. They only have three hours to prepare, "Okay, promise I'll be there."

***

LEXINE WORE a black bodycon dress na mahapit sa kanyang maliit na bewang, pinatungan niya ito ng black winter trench coat, paid up with ankled boots. Nilugay niya lang ang buhok at naglagay ng kaunting make up. Exactly seven in the evening nang makarating siya sa restaurant na sinabi sa kanya ni Ansell.

Agad siyang sinalubong ng binatang waiter, "Table reservation under Ansell Castanieda please," aniya.

Tila ineexpect na siya nito at malaking ngumiti sa kanya, "This way Madam Alonzano, Mr. Castanieda is waiting for you."

Sinamahan siya nitong makarating hanggang sa pinakalooban. Low dim ang light sa buong establishment, mataas ang ceiling at puti ang walls habang earth color naman ang mga sofa at lamesa. Napakaromantic ng ambience nakadagdag pa ang Jazz music na pumapainlanglang mula sa speakers.

Inabutan niya si Ansell na nakatayo sa pinakadulong gitna na table habang bakante naman ang mga lamesa sa paligid. Maganda ang pagkakangiti nito habang nakagwapo sa suot na dark blue polo at black slacks.

"You're so beautiful Lexi," nakipagbeso sa kanya si Ansell.

"Napaaga ata ako, akala ko late na ako. Wala pa ba siya?" inalalayan siya ni Ansell na makaupo sa silya.

"No, you're just in time. But let's eat first," umupo si Ansell sa katapat na upuan. Inutusan nito ang waiter na mag-serve na ng pagkain.

Inisip ni Lexine na baka late ang date ni Ansell at baka gutom na ang binata kaya nag-aya nang kumain. Nagkwentuhan muna sila ni Ansell nang iba pang mga bagay at 'di na nila namalayan ang oras. Lalo na at napapasarap ang kwentuhan nila sa iniinom na red wine.

Nasa kalagitnaan sila nang pagtatawanan ni Ansell nang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya sa screen pangalan ni Night ang tumatawag. Sinabi kasi niya na makikipagkita siya kay Ansell habang may mineet naman na kaibigan si Night sa city. Siguradong hinahanap na siya nito.

Imbis na sagutin ay binaliktad niya ang cellphone. Naisip niya na kailangan niya munang bangitin kay Ansell na nagkabalikan na sila ni Night.

"Oh, bakit hindi mo sinagot? Baka importante," tanong ni Ansell.

"Ahh… wala yun."

Tumungo si Ansell at muli silang nagpatuloy sa pagkain. Pareho silang natahimik at tila nagkikibuan. Sa isip ni Lexine ay sasabihin na niya kay Ansell ang tungkol sa kanila ni Night. Sa isip naman ni Ansell ay magtatapat na siya kay Lexine.

Sabay silang nagsalita, "May sasabihin pala ako."

Natigilan sila ng tatlong segundo tapos sabay na tumawa, "Ikaw muna," sabi ni Ansell.

"Hindi ikaw muna," turan ni Lexine.

Huminga nang malalim si Ansell. Ito na ang pagkakataon na pinakahihintay niya. Pinasok niya ang kamay sa bulsa ng slacks at kinuha ang maliit na kahon. Ito ang binili niyang earrings sa Tifanny and Co. Kumakabog nang malakas ang dibdib niya sa labis na kaba.

Taimtim niyang pinagmasdan si Lexine na nag-aabang sa sasabihin niya. Napakaganda talaga nito, mula noon hanggang ngayon. Katulad ng nararamdaman niyang pagtingin para dito, na hindi nagbabago mula noong mga bata pa sila.

All his life, wala siyang ibang minahal kung 'di si Lexine lang. Ang mga pambabae niya ay pangtakip lang sa totoong nararamdaman. Panglibang, pampalipas oras, pangkama. Wala nang humihigit pa doon. Dahil sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya wala ni isa sa kanila ang nakahigit sa nararamdaman niya para sa kanyang bestfriend. Ito ang bagay na matagal na sana niyang pinagtapat pero naduwag lang siya.

Ngunit ngayon, hindi na siya matatakot. Ngayon, ipagtatapat na niya kay Lexine kung ano talaga ang totoong nasa puso niya.

"Lexi…" hinawakan niya ang nakapatong na kamay ni Lexine sa lamesa at pinakatitigan ito sa mga mata, "Matagal ko na sana itong gustong sabihin sa'yo pero pinanghihinaan lang ako ng loob."

Nagtaka si Lexine sa naririnig mula kanya. Nasa mukha nito ang pagkalito.

Humugot nang malalim na hangin sa dibdib si Ansell, "Lexi… I… I love—"

"Lexine!"

Related Books

Popular novel hashtag