NAPUTOL ang sasabihin ni Ansell dahil sa malalim na boses. Sabay silang napalingon sa pinangalingan niyon. Mabilis na nagdilim ang mukha ni Ansell habang nagulat naman si Lexine at agad napatayo.
"Night… "
Naglakad palapit si Night sa kanila. Hindi maganda ang timpla ng mukha nito dahil nakita niya kung paano hinawakan ni Ansell ang kamay ni Lexine at nababasa niya sa expression nang mukha nito ang isang bagay na hindi maganda sa kanyang pakiramdam.
Lumabas ang pagiging possessive niya at hinapit sa bewang ang nobya palapit sa katawan niya. Nanigas ang bagang ni Ansell sa nakikita.
"I'm calling but you're not answering my phone. I'm worried," sabi ni Night kay Lexine sa mababang boses.
"Sorry, nag-uusap kasi kami ni Ansell," sagot ni Lexine.
"Lexi? What is this? Why is he here?" medyo hysterical na ang boses ni Ansell.
Madilim ang mukha niya lalo na't nasaksihan niya kung paano nito pinatay si Alejandro at matindi ang galit na nararamdaman niya dahil nandoon siya nung mga panahon na depressed si Lexine at tinangka nitong mag-suicide. Agad siyang lumapit kay Lexine at hinila ang braso nito palayo kay Night.
"Don't touch her."
Nagdilim ang mukha ni Night pero agad pumagitna si Lexine sa dalawa, "Wait, Ansell please calm down. I'll explain…"
Lalong nalukot ang mukha ni Ansell, "What do you mean? Lexine? Nakakalilimutan mo na ba kung ano ang ginawa ng taratado 'to sa'yo!?"nangigigil na dinuro niya si Night.
"I know but please… calm down."
"How can I calm down?"
"Ansell…"
Nagpabalik-balik ang tingin ni Ansell sa dalawa nang mapagtanto niya kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng nakita niya. Napabuga siya nang mabigat na hangin at nanlamig ang buong pakiramdam. Hindi siya makapaniwala nang harapin si Lexine.
"Lexi… don't tell me that…" nanginginig ang mukha niya sa labis na inis na nararamdaman.
Napapikit si Lexine at bumuntonghininga. Matapos ang ilang sandali bago siya sumagot at tumingin kay Ansell, "Yes Ansell, nagkabalikan na kami ni Night."
"What?!" napasigaw na si Ansell, "Are you out of your mind Lexine? He killed your grandfather!"
Sinubukan ni Lexine na pakalmahin ang kaibigan, "I know Ansell but… nag-usap na kami ni Night and… and…" hindi mahugot ni Lexine kung paano nga ba niya ipapaliwanag kay Ansell ang lahat.
Sobrang dinidikdik ang puso ni Ansell sa nakikita. Panay ang pag-iling nito, "Lexine… bakit ka nagpapauto na naman sa gagong 'to? Sasaktan ka lang niya ulit katulad ng ginawa niya sa'yo?! You don't deserve this fucking asshole! Wake up!" niyugyog niya si Lexine sa balikat.
"Ansell… hindi mo lang kasi naiintindihan…"
"Talagang hindi ko naiintindihan bakit ka nagpapakatanga sa lalaking yan!" dinuro niya si Night na nanatiling walang kibo at halatang nagpipigil lang, "Lexi… gumising ka na sa kahibangan mo sa lalaking to."
"Mahal ko siya Ansell…" halos bulong na lang ang boses ni Lexine.
Tila may malaking bagay na bumara sa lalamunan ni Ansell. Na para bang may matulis na bagay ang tumusok sa dibdib niya at 'di na niya napigilan ang namumuong luha sa mga mata. Ilang ulit siyang humugot nang hangin sa dibdib dahil pakiramdam niya 'di na siya makahinga sa paninikip ng baga niya.
Tinignan niya si Lexine gamit ang mga matang punong-puno ng sakit.
"Yung babaeng sinasabi ko sa'yo… Mula bata pa lang kami hanggang sa pagtanda. Lagi siyang nasa tabi ko, at lagi akong nasa tabi niya. Palagi ko siyang binubully noong grade school kami kasi ang cute cute niya pag naiinis siya."
Natahimik lang si Lexine.
"Noong nahulog siya sa bangin nung grade two kami at nakita ko siyang umiiyak. Nakaramdam ako ng takot. Since that day, I swore to myself that I will always take care of her. Kahit alas tres ng madaling araw at tatawagan niya ako para lang magpadrive sa Tagaytay kasi gusto niyang kumain ng bulalo. Kahit palagi niya akong tinatawag na monkey, kahit nagkakabukol na ako kakabatok niya sa akin…"
"Kahit naririndi na yung tenga ko kakasermon niya sa pambabae ko… Dahil kahit anong gawin niya... sigawan man niya ako, o gawing punching bag, gawing tissue kapag umiiyak siya. Okay lang sakin… dahil masaya ako sa tuwing kasama ko siya. I lived my entire life loving her unconditionally," tuluyan nang pumatak ang luha sa kanyang mata.
Napipi naman si Lexine sa kinatatayuan at hindi makapaniwala sa mga narinig. Wala siyang maisagot dahil pakiramdam niya na-blangko ang utak niya.
Dahan-dahan lumapit si Ansell sa dalaga, kinuha ang kahon sa bulsa at nilagay sa palad nito.
Nahigit ni Lexine ang hininga nang makita ang kahon sa kanyang kamay. Napailing siya, "Ansell…"
"I love you Lexine…. I'd love you all these years…"
Natigilan si Lexine pakiramdam niya tumigil ang pagtibok ng kanyang puso sa narinig.
Lumuluha ang mga mata na tinignan siya ni Ansell at sinambit ang mga salita nang buong hinanakit, "But I'm just your bestfriend…"
Nagsimula nang tumulo ang luha sa mata ni Lexine. Malungkot na yumuko si Ansell at naglakad palabas. Tila napako naman ang mga paa ni Lexine habang pinagmamasdan ang kahon sa kanyang palad. She never knew about his feelings at ang pinakamasakit sa lahat dahil all these time sinasaktan niya pala ang bestfriend niya nang hindi niya namamalayan.
"Ansell… Ansell wait…" agad siyang tumakbo palabas upang habulin ito.
"Lexine!" humabol sa kanya si Night.
Nagpatuloy sa pagtakbo si Lexine hanggang palabas ng restaurant pero nawala na si Ansell.
"Ansell! Ansell! Ansell!" panay ang ikot niya pero nawala na si Ansell sa mga tao na naglalakad at dumadaan sa paligid.
Umiiyak na sinubsob niya ang mukha sa dalawang palad. Hinding hindi niya makakalimutan ang nakitang sakit sa mukha ni Ansell. Nag-iwan ito ng matinding bigat sa kanyang dibdib. Mahal niya si Ansell ngunit hindi sa paraan na katulad ng nararamdaman nito sa kanya. At mas higit na masakit dahil hindi niya ito kailanman matutugunan.
Lumapit sa kanya si Night at hinawakan siya sa balikat. Malungkot na tumingala si Lexine sa nobyo at umiyak sa mga bisig nito.
'I'm sorry Ansell… I'm so sorry…'