Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 268 - Grim reaper vs Captain [2]

Chapter 268 - Grim reaper vs Captain [2]

LUMABAS ang invisible na kuryente sa dalawang mata ng binata. Sabay silang naghulog ng coins at sinimulan pumili ng character. Pinili ni Miguel ang martial artist na si Hwoa-rang at pinili ni Night ang devil prince na si Jin Kazama.

Nagsimulang magbakbakan ang dalawang binata sa laban. Sa sobrang init ng laro nila nakuha nila ang atensyon ng mga bata sa paligid at di nagtagal ay pinagkaguluhan sila.

Halos masira na ang controller sa Arcade machine sa bilis ng pindot ni Night at Miguel para manalo. Nakalamang si Miguel sa 1st round at natalo niya si Night. Nagpalakpakan ang mga bata. Pero sa second round ay bumawi si Night at siya naman ang nanalo.

Nagpalakpakan ang mga babae higit ang pabebe girls.

"Go kuya Pogi ang galing mo!!!" tili ng mga ito.

Napansin ni Lexine ang kaguluhan at napanganga nang makita na naglalaro na si Miguel at Night, "What the…." napailing siya sa dalawang isip bata.

Final round na kaya mas nag-init ang dalawang binata. Mas gigil na pinagpipindot ni Night ang control buttons at ganoon din si Miguel. Literal na umuusok na ang machine sa tindi ng laban. Parehong ¼ na lang life bar ni Hwoa-rang at Jin Kazama. Isang combo lang ang tumama at may mananalo na.

Abang na abang ang mga manonood higit ang pabebe girls na nagchi-cheer.

"Kuya Pogi! Kuya Pogi! L. O. V. E, kuya Pogi!!!"

"Kyaaaaaaaaaaaah!"

Sunod-sunod na combo ang binigay ni Jin Kazama kay Hwoa-rang at isang sipa na lang at malapit na itong mag K-O nang biglang namatay ang screen at lumabas ang makapal na usok.

Nasira ang machine.

"What the fuck?" badtrip si Night dahil malapit na siyang manalo.

Nalungkot ang mga manonood higit ang Pabebe girls. Pero malaki naman ang ngisi ni Miguel dahil nakaligtas siya.

"Di pa tayo tapos, dun tayo!" tinuro ni Night ang basketball.

"Game!"

Tumayo ang dalawa at nagtungo sa basketball. Sumunod ang mga manonood sa kanila na abang na abang kung sino ang mananalo.

Muling lumabas ang kuryente sa mga mata ni Miguel at Night nang magsimula ang timer. Kasing bilis ng hangin na gumalaw ang mga kamay nila para i-shoot ang bola. Nagtilian ulit ang mga fan girls at boys na tila nanonood ng totoong basketball.

Nangunguna pa rin ang Pabebe Girls, "Kuya Pogi! Kuya Pogi! L.O.V.E, Kuya Pogi!"

Shoot! Shoot! Shoot!

45 seconds left.

Shoot! Shoot! Shoot!

100 pts kay Miguel at 100 pts kay Night.

25 seconds left.

Shoot! Shoot! Shoot!

150 pts kay Miguel at 150 pts kay Night.

10 seconds left.

Nagtinginan ang dalawang binata at muling lumabas ang mga kuryente sa kanilang mata. Tumaas ang tensyon at lalong nagwala ang mga manonood. Halos lahat ng nasa loob ng Timezone ay sa kanila na ang atensyon.

Shoot! Shoot! Shoot!

5 seconds left.

180 pts kay Miguel at 180 pts kay Night.

3…. 2…. 1….

Times up!

Hingal na hingal ang dalawang binata. Pagtingin nila sa scoreboard.

200 pts kay Miguel at 200 pts kay Night. Tie ang laban.

"Kung kinakailangan ubusin lahat ng laro dito, uubusin natin hangga't walang nanalo," determinadong sabi ni Miguel.

Umismid si Night, "Choose anything you want."

Gumala ang mata ni Miguel at may nakita siya sa kabilang panig. Malaki ang kanyang ngiti, "Dun tayo!" turo niya.

Sinundan ni Night ang tingin ang tinuro nito. Iyon ang Dance-Dance Revolution.

"Game!"

Mas dumoble ang mga taong nanonood sa kanila. Maging iyong ibang tao sa mall na napapadaan sa Timezone ay pumasok na rin para maki-usosyo. Biglang nagkaroon ng kaguluhan at ang akala ng lahat ay may artista dahil sa lakas ng tilian ng mga tao higit ang kababaihan.

Pinili ni Miguel ang kantang "Stomp to my beat" sa playlist at ang level ay "Extreme."

Kampante si Miguel dahil hilig niyang laruin ang dance dance revolution noong bata pa siya. Isa ito sa mga na-master niyang kanta at kahit nakapapikit ay kabisado niya ang combination na lalabas.

Muling lumabas ang kuryente sa mata ng dalawang binata na handang-handa na magtuos.

"Go kuya Pogi! Kyaaaaaaaah!" sigaw ng pabebe girls.

"Ay kay kuya Soldier ako! Go kuya Soldier! Kyaaaaaaaaah!" sigaw naman ng kabilang grupo dahil hanggang ngayon ay suot pa ni Miguel ang kanyang Army uniform. Siguradong malilintikan siya sa lolo niya dahil bawal silang lumabas ng naka-uniform sa pampublikong lugar pero wala na siyang choice.

Di nagtagal at nagsimula na ang laro. Walang magpapatalo sa dalawang binata at tila mga hangin ang paa sa bilis sa dance pad. Nahi-hit lahat nila pareho ang lumalabas na mga arrow combinations sa screen. Parehong perfect score ang nakukuha nila. Kung titignan ay para silang sumasayaw ng hiphop. Halos magiba na ang buong Timezone sa lakas ng tilian ng mga babae.

"Kuya pogi! Kyaaaaaaah!"

"Kuya Soldier! Kyaaaaaaah!"

"Kuya naka leather jacket! I love you!!!"

"Kuya Soldier! Anakan mo na ako!!!"

Nagalit ang mga Pabebe girls, "Excuse me! Kami lang pwede mag I love you kay kuya Pogi!" mataray na sabi ng leader.

"At bakit naman? Sa'yo ba si Kuya leather jacket? Pagmamay-ari niyo ba siya?" sagot pabalik ng kabilang grupo.

"Oo! Kaya wala kayong pake kung gusto namin na kami lang ang pwedeng mag I love you kasi kami ang Pabebe girls!"sabi ng leader.

"Tama, kaya wag kayong mangingielam dahil kahit sino pa kayo walang makakapagil samin!" sabi ng pabebe na walang kilay.

"Tama na yan! Tigilan niyo na yan!" sabi ng isa pang pabebe.

"Manahimik ka!"

Samantala, focused pa rin si Night at Miguel sa mainit na laban sa dance dance at sa gulat ng dalawang binata ay may nag-hagis sa kanila ng bra at panty.

"What the fuck!" pinukol ni Night kay Miguel ang bra at pinukol naman ni Miguel kay Night ang panty

Nagpatuloy pa rin sila sa matinding laban sa kabila ng kaguluhan.

***

HINDI MAKAPANIWALA si Lexine sa nakikita niya. Una, first time niyang nalaman na marunong palang sumayaw si Night. Pangalawa, nakakatawa ang itsura ng dalawang lalaki dahil seryosong seryoso ang mga mukha na para bang nakasasalalay ang buhay nila sa larong dance-dance.

Hindi niya napigilan ang malakas na halakhak dahil sobrang nakakatawa ang nasa harapan niya.

Napalingon pareho si Night at Miguel nang marinig ang malakas na halakhak ni Lexine. Halos humawak na ito sa tiyan sa kakatawa at kulang na lang ay magpagulong-gulong sa sahig.

"HAHAHAHAHA!" wala ng mata si Lexine.

Pakiramdam ni Night nag-slow motion ang paligid nang muli niyang makita at marinig ang tawa ni Lexine. Iyong klase ng tawa na totoo, the way she laugh and smile like she used to be. The adorable and lively Lexine.

The same laugh he always hear everytime they teased each other, sa mga araw na kinikiliti niya ito sa kama, kapag naghahabulan sila sa mansion, kapag nagjo-joke siya at kahit korny ay tumatawa ng malakas si Lexine. Nang minsan nautot siya habang nagsi-sexy time sila at ang lakas ng tawa ni Lexine na halos kabagan na ito at kinailangan pa nilang magpabili ng gamot kay Johan dahil sumakit ang tyan nito.

It brings him good memories. It strucked his heart, it melts his whole being. If only he could stop the time and cherished this moment. Gagawin niya. Only to see her happy again like this.

Maging si Miguel ay tuluyan na rin na-distract nang makita sa kauna-unahang pagkakataon na tumawa ng ganito kalakas si Lexine. Maganda at masarap iyon sa kanyang pandinig.

Dahil parehong natulala ang dalawang binata. Nakalimutan na nila ang nilalaro at natapos ang buong kanta. Ang ending pareho sila ng score kaya wala pa rin nanalo.

Nang mapansin ni Lexine na nakatingin sa kanya ang lahat dahil siya na lang ang tumatawa ay agad siyang umayos at nahiya. Tumikhim siya at mabilis na umalis para hanapin ang binatilyo at bumalik sa mission mode.

Pero sa kasamaang palad ay nawawala na ito.

"Shit!" nilabas ni Lexine ang tracker at nakalayo na ang demon. Maaaring may nakuha na itong biktima, "Night, Miguel, nakatakas ang target!"

Nagmadaling lumabas ang tatlo sa Timezone at sinundan ang tracker. Inikot nila ang buong mall at dinala sila ng tracker sa parking lot. Doon naabutan nila ang binatilyo sa loob ng kotse kasama ang isang highschool student. Kitang-kita sa front mirror, na habang hinahalikan ng binatilyo ang biktima ay hinihigop nito ang white energy force ng babae. Mabilis na pumapayat ang mukha ng babae.

Di na nagpatumpik-tumpik pa si Lexine at sinugod ang demon. Pero na-sense agad nito na papalapit sila kaya agad itong lumabas sa katawan ng binatilyo at naging usok. Lumipad ito sa hangin at tumakas.

Sinundan nila ang usok. Nilabas ni Lexine ang golden bow, at tinira ng arrow ang usok.

Tinamaan ang demon at sumubsob ito sa sahig. Agad itong pinalibutan ng tatlo, "Wala ka ng kawala!" sigaw ni Lexine.

Galit na tumayo ang demon sa totoo nitong anyo, na di nalalayo sa Ravenium Demon.

Binuka nito ang malaking pangil at sumugod kay Lexine. Pero mabilis na humarang si Night at isang humpas lang ng espada nito at nahiwa sa dalawa ang katawan ng demon. Agad itong tinupok ng apoy at naging abo.

Humarap siya kay Lexine, "Are you okay? Nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Bakit mo hinarang, kaya kong patayin ang demon na yan," galit na sabi ni Lexine.

"I just saved you pero ikaw pa ang galit?" di makapaniwala si Night.

Lexine scoffed, "You don't need to save me. I can protect myself. I'm not the old Lexine na nagtatago lang sa anino mo. I don't need you."

Nanigas ang bagang ni Night sa mga narinig pero parang naurong naman ang dila niya nang makitang nag-aapoy na naman ang mata ng babae. Nasaan na ang lively at adorable na Lexine na tumatawa lang kanina? Napalitan na naman ito ng dragon na version ng babae.

Bakit ba lahat na lang ng gawin niya ay masama sa mata nito?

Katakot takot na irap ang bingay sa kaniya ni Lexine at nagdadabog na naglakad palayo. Sinundan naman ito ni Miguel, "Lexine, wait!"

Naiwan si Night na sobrang badtrip at naiinis. Gusto niyang manapak o kaya sumigaw pero pinigilan niya ang sarili.

Napamewang siya sabay ginulo ang buhok, "Stubborn girl," he hissed and cursed under his breath.

Related Books

Popular novel hashtag