"SIYA BA IYON? Ano'ng ginagawa niya dito?'
"Patay na siya."
"Imposible, hindi ba't immortal siya?"
"Totoo palang napakakisig ng kanyang mukha. Noong gabing sinundo niya ako nagtatago siya sa itim na balabal."
"Tumigil ka nga diyan Gloria, napakatanda mo na para kiligin."
Mabigat ang dibdib ni Night habang naririnig ang mga bulungan sa kanyang paligid, malamig, basa, hindi siya makahinga. Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata.
Iba't ibang mukha ng mga espirito ang nakatitig sa kanya habang pinalilibutan siya ng mga ito. Napabalikwas siya nang ma-realized na nasa ilalim siya ng tubig.
Nagmadali niyang pinadyak ang mga paa, hinawi ang mga kamay at lumangoy pataas. Ilang sandali pa nang maabot niya ang ibabaw ng tubig, halos habulin niya ang hangin.
Mabilis na inikot ni Night ang ulo, nasaan siya?
Lumulutang siya sa berdeng dagat, lumiliwanag ito na parang neon-color. Tumingala siya at madilim ang kalangitan. Napasigaw si Night nang biglang may humatak sa kanyang paa. Paglingon niya sa baba, sa ilalim lumalangoy ang mga espirito at nagmamakaawa.
"Tulungan mo kami Tagasundo."
"Nagsisisi na kami sa aming kasalanang pagpapakamatay."
"Maawa ka mahal na prinsipe ng kadiliman. I-ahon mo kami dito."
"Ayaw na namin dito. Parang awa mo na tulungan mo kami."
Sinimulan na siyang kuyugin ng mga kaluluwa sa Ocean of Souls. Bawat isa ay kumakapit sa kanya.
"Fuck! Let go of me!"
Isa-isa niyang hinawi ang mga kaluluwa at nagmadaling lumangoy palayo, natatanaw na niya ang pampang ilang metro ang layo. Mabilis niyang binaybay ang berdeng dagat habang winawasiwas at tinutulak ang sandamakmak na kaluluwang kumakapit at sumusunod sa kanya.
Di nagtagal at sa wakas narating niya ang pampang. Hingal na hingal na umahon si Night mula sa Ocean of Souls, hindi na nakasunod ang mga kaluluwa sa kanya nang sandaling mahawakan niya ang buhangin.
Mabilis niyang binuhat ang sarili at naglakad palayo sa mga espirito na umiiyak at patuloy na nagmamakaawa.
Ginala niya ang mata sa paligid, napatingala siya sa madilim na kalangitan nang sunod-sunod na kumidlat kasabay ng malakas na kulog. Bukod sa baybay dagat, mga buhangin, bato at halaman. Natanaw niya ang isang mataas at malaking kastilyo na nakatayo sa tuktok ng isang talampas.
Finally, nakarating na siya sa mundo ng mga kaluluwa.
"Just wait for me cupcake, I'll find you."
**
MAINGAT na dumikit na parang pusa ang paa ni Elijah sa lapag ng balcony ng condo unit. Dinikit niya ang likod sa dingding at paunti-unting sinilip ang mga kaganapan sa loob ng silid.
Napanganga siya nang makitang gumagawa sila ng isang ritual, magkahawak kamay si Miyu, Sammie at isa pang ginang habang napalilibutan ng sandamakmak na kandila. Isang binata ang nakatayo sa pintuan, hawak ang pusa at nanonood sa tatlo.
Kung ganoon ay tama lang pala ang dating niya, dahil nagsisimula na ang orasyon upang makausap ang kaluluwa ni Lexine.
Sa kabilang banda, patuloy sa pag-chant ng spell ang mag-inang Sorceress. Namumuo na ang butil ng mga pawis sa kanilang noo habang sinusubukang marating ang pakay. Tahimik lang na nagmamasid si Sammie hanggang sa sabay na dumilat ang dalawang babae.
Nahigit niya ang hininga dahil puro puti ang mga mata nila na nakatingin sa kawalan. Napatayo naman ng tuwid si Ansell sa isang tabi, kinakabahan na rin.
"Lexine… naririnig mo ba kami? Anak, magpakita ka. Nais ka namin makausap," pananawagan ni Winona.
"Lexine… Lexine… magpakita ka anak, kung naririnig mo ako sumagot ka."
Patuloy sa pagtawag si Winona sa pangalan ni Lexine, patuloy naman sa pag-chant ng spell si Miyu, nanatiling nakatunganga sa dalawa si Sammie. Lumipas pa ang mas maraming minuto ngunit, wala silang nakukuhang tugon hanggang sa hindi na kinaya ng kapangyarihan ng mag-ina at napabitaw sila sa bilog.
Hinihingal na gumising ang dalawa. Naguguluhan si Sammie sa mga nangyayari, nabigo ba sila mahanap si Lexine?
Nababahalang tumingin si Winona sa anak, "Ilang buwan ko nang ginagawa ang orasyon na ito subalit, nabibigo pa rin akong mahanap ang kaluluwa ni Lexine."
"Kung ganoon… nasaan si Lexine?" Hindi napigilan itanong ni Sammie.
"Iyon din ang pinagtataka ko anak, dapat ay nasa loob lang ng kabilang buhay si Lexine, o kahit pa wala siya sa mundong iyon. Ang ritual na ito ang magiging daan upang makipag konekta sa kanya kahit saan pa siya naroroon," paliwanag ni Winona na may bigong mukha. Tuluyang bumagsak ang balikat nito.
Hanggang ngayon ay nabigo pa rin siya. Kahit pa mayroon nang tulong mula sa kanyang anak at ang singsing na pagmamay-ari ni Lexine.
Tahimik lang si Miyu na may malalim na iniisip, napansin ito ni Sammie.
"Miyu? Okay ka lang ba?"
Nag-angat ng tingin si Miyu at nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa, dahil nabigo sila sa ritwal may naisip tuloy siyang posibleng rason, bumuntonghininga ang dagala.
"Paano kung mali pala tayo ng ritual na ginagawa?"
Napakunot ang noo ni Winona, "Ano ang ibig mong sabihin anak? May iba pa bang orasyon upang makakonekta tayo sa isang patay?"
Napailing si Miyu. Noon pa man may naiisip na siya tungkol sa misteryo ng lahat ng ito, naghahanap lang siya ng mga bagay na mas magpapatibay ng kanyang hula. Pero ngayon, matapos ang palpak na ritual. At sa lahat ng bagay na nangyayari, mas lumalakas ang pakiramdam niya na tama siya.
Taimtim siyang tumingin sa bawat taong nasa loob ng silid.
"Hindi gumagana ang ritual, dahil ang hinahap natin ay hindi patay."
Sabay-sabay na napasinghap si Miyu, Winona, Ansell at maging si Elijah na tahimik na nakikinig at nagtatago sa balcony ay nagulat din.
"Ano'ng ibig mong sabihing hindi patay si Lexine?" hindi na nakapagtimpi si Ansell na hindi kumibo at naglakad palapit sa kanila, "I saw it Miyu, I saw her dead body inside the coffin."
Humugot nang malalim na hangin si Miyu at tumayo upang kunin ang aklat ng spellbook na naiwan sa sala. Sumunod ang lahat sa kanya. Dahan-dahan naman pumasok sa loob ng kwarto si Elijah at nagtago sa likod nang nakauwang na pinto ng silid upang mas marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.
Patuloy sa pagbuklat ng spellbook si Miyu hanggang sa nakita niya ang hinahanap. Tinuro niya ito kay Winona.
"Ito. Ito ang tamang ritual na kailangan natin gawin para lumabas si Lexine."
Binasa ni Winona ang tinutukoy ni Miyu at agad napasinghap, lumilikot ang mata nito na nagbalik-balik mula sa libro, kay Miyu at tumigil sa mukha ni Sammie.
Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga at pinakatitigan itong mabuti na tila ba sinusuri ang bawat himay ng pagkatao nito hanggang sa kailaliman.
Napalunok naman si Sammie at kinabahan sa uri ng titig sa kanya ng mag-ina. Mas lalo siyang nakaramdam ng takot. Bakit ganito sila makatingin sa kanya?
"Maari nga kaya na… hindi patay si Lexine?" bulong ni Winona na hindi inaalis ang titig sa kanya.
Hindi makapaniwala si Ansell sa naririnig, si Sammie na pinagpapawisan ng malalmig at si Elijah na tulala sa likod ng pinto.
"Fucking shit…. Lexine is alive?" bulong niya sa sarili.