NANLAKI pare-pareho ang mata ng apat matapos makita ang pakay. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Night. Ayaw madaan ni Valac sa maayos na usapan, sige, pagbibigyan niya ito.
"Don't dare to interupt us or I'd kill you," aniya sa mga kasama bago mabilis na sinugod si Valac. "Gula!" Night summoned his favorite slave. His inverted triangle tattoo on the right pulse glowed in blue light at mabilis na lumitaw ang espadang umaapoy sa kanyang kamay.
Mabilis niyang inatake si Valac pero maliksi itong nakaiwas. Tinamaan niya ang casino table. Nahati iyon sa gitna. Nagtititili na tumakbo palabas ng silid ang mga babae.
"Are you now that slow, Night?" Lumitaw si Valac sa kabilang panig ng silid. "Tsk, what the hell happened? I did not train you to be lousy like this. `Yan ba ang nagagawa ng kabaliwan mo sa babae mo?"
Nagpantig ang tenga ni Night. Maliksi niyang kinilos ang mga paa at muling sinugod si Valac, this time he moved faster. Tinaas niya ang patalim at tumalon ngunit usok lang ang tinamaan niya. A tingle hit his senses. To the left. Pumihit si Night pakaliwa at mabilis na hinumpas ang espada. A forced bounced back his strike. Valac's left hand was glowing. He blocked him.
Umismid ang dating Tagasundo. "Kabisado ko ang bawat galaw mo, ako ang nagturo sa `yo."
Mas lalong nanggigil si Night. Humigpit ang kapit niya sa espada.
I don't have time for your games, Valac. I need the athame. Give it to me."
At that moment, Valac can see the aparent strong determination mirroring on the brown eyes of his beloved former apprentice. Gusto niya lang pagpawisan ng kaunti kaya sinusubukan niya ito. Noon pa man, kabisado na niya ang ugali ng makisig na prinsipe ng kadiliman. `Pag ginusto nito, walang makapipigil. Binalika niya ang araw kung paano sila nagkakilala ni Night.
"Do you still remember the day when I'd saved you from those werewolves when you are young? You told me that you wanted to become a powerful demon so that you could kill your father."
Nanigas sa kinatatayuan si Night. Nang magbinata ay agad siyang lumayas sa puder ng ama at nagpagala-gala kung saan-saan. Hanggang isang gabi, napadpad siya sa teritoryo ng mga lobo. Muntik na siyang lapain ng mga ito kung hindi dumating si Valac. Simula noon, sumama na si Night sa dating Tagasundo. Hiniling niya na kupkupin siya nito at isanay na maging katulad nito: makapangyarihan at kinanatakutan ng lahat. Sinabi niya kay Valac ang dahilan kung bakit nais niyang maging susunod na Tagasundo. Ito ang nag-iisang nilalang na pinagsabihan niya ng lahat ng mga pinagdaan niya mula pagkabata. Sa katunayan ay mas naging tatay niya pa ito kumpara sa kinamumuhiang ama.
"Paano mo papatayin si Lucas kung sasayangin mo lang ang buhay mo sa isang babae?"
Tumalim ang mata ni Night. He struck again, this time, Valac caught his sword. Valac didn't flinch even the sharp blade dig deep into his palm. "Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kagustuhang kong patayin si Lucas. I'd kill him using my bare hands." Nilapit niya ang mukha sa dating Tagasundo at tinitigan ito nang hindi kumukurap. What he sees in front of him is the face of a man who took care of him. What he sees in front of him is the face of a man who took care of him. He'd been his roof when it rains; his walls when it storms; his blanket when his cold. He was home. If there's someone in this world who could understand his pain, it's him.
Maingat ngunit madiin niyang sinambit ang bawat salita. "Pero si Lexine ang buhay ko, Valac. Mas ikamamatay ko `pag tuluyan siyang mawala sa `kin. So please…" Nanlaki ang mga mata ni Valac. Nanatili itong nakatitig sa kanya. The sting at the back of his eyes harmonized with the pain in his chest. "I love her."
Nakipagtagisan ng titig si Valac sa dating estudyante. Ang gulat sa mata niya ay unti-unting napalitan ng lambot, pagkamangha at tuwa. Sa napakaraming taon na sinanay niya si Night upang maging susunod na Tagasundo ay tinuring na niya itong parang tunay na anak. Sa kabila ng labis na galit sa puso nito dahil sa kagustuhang ipaghiganti ang ina nitong si Eleanor, deep down inside, naniniwala siyang malaki ang puso ni Night upang magmahal. Subalit dahil sa labis na pagkamuhi sa ama, nilamon ito ng kadiliman at poot. Lumaki at nabuhay si Night na nag-iisa at nagtatago sa ilalim ng mundo. Sinara nito ang sarili sa lahat. Namuhay itong nag-iisa, animo isang robot na walang puso at damdamin.
Ngunit hindi man niya ito sinasabi kay Night noon. Nais niya itong makitang masaya at muling mabuhay ng may direksyon. At dumating na nga ang araw na kanyang inaasam. Muling tumibok ang puso ng makisig na prinsipe ng dilim.
Dahan-dahang binitawan ni Valac ang patalim ng espada ni Night. "Alexis," mahina niyang banggit sa tunay nitong pangalan. Binaba na rin ni Night ang armas. "Just promise me one thing." Hindi niya binibitawan ang mata nito. "Make sure that you'd come back no matter what happens. Our dark and twisted world needs a great man like you."
Hinaplos ng mainit na kamay ang puso ni Night. Unti-unti siyang tumungo bilang pasasalamat. Sa kaliwang kamay nito lumitaw ang punyal na matagal nitong iningatan at tinago. Dahan-dahan itong inabot ni Night. Its length akin to his forearm. Its guard made of the finest wood. Ancient words––Baybayin––surrounded its blade as if they're its own skin.
An immense power abruptly engulfed Night's whole existence the moment his palm kissed the wood guard of the athame. As though he was thrown into a boundless abyss. Fear overspread him with no end and no beginning. Its power was beyond words to describe. He could hear its siren; sweet as the fruit. He could see its color; dark as an endless void. He could feel its essence; as black as despair; as red as anger; as painful as repentance. It was made to kill, hunt, and vanished their existence––his life.
Sa kabilang sulok ng silid sumasaklob din kina Elijah, Devorah at Eros ang kakaiba at ubod nang lakas na kapangyarihang pumapaloob sa punyal. Sapat na ang presensya niyon upang manginig silang lahat. Siyang totoo nga. Labis na nakakatakot ang sandatang kayang patayin ang kahit na sinong nilalang sa mundong ito.
***
PANAY ang pagpihit ng ulo ni Sammie sa magkabilaang direskyon habang namumuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. Nangingibabaw sa katahimikan ang paulit-ulit niyang pag-ungol. Sa ilalim ng kabilugan ng buwan sa gitna madilim na silid. Hindi siya matahimik.
"Huwag..." bulong niya.
Nanatili siyang nakapikit subalit ang diwa niya ay naglalakbay sa isang masamang panaginip. Tumatakbo ang isang babae sa isang madilim at masukal na gubat. Naririnig niya ang bigat ng hininga nito, ang mabilis na pintig ng pulso nito at nagmamadaling hakbang ng mga paa sa putikang daan.
"Huwag…"
Mga nilalang na nagtatago sa puting balabal ang patuloy na humahabol at tumutugis sa babae.
"Huwag…"
Kasing bigat ng gabi ang mga yabag ng mga nilalang na tumtugis sa babae.
"Huwag…"
Natisod ang babae sa isang nakakalat at malaking sanga. Sumumsob ang mukha nito sa lupa. Naabutan ito ng mga nilalang na nagtatago sa puting balabal. Pinalilibutan na ang babae. Napakaraming kamay at mukhang nagtatago sa anino at unti-unting lumapit sa babae. Dumagundong sa buong kagubatan ang malakas nitong tili.
"HUWAG!!!"
Hingal na hingal si Sammie nang magising sa isang napakasamang bangungot. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang pilit na hinahabol ang paghinga. Nanunuot sa bawat kalamnan niya ang labis na kaba. Nasapo niya ang pawisang noo.
"Sino ang babaeng napaginipan ko?"
Bakit pakiramdam niya totoo ang lahat? Na hindi lang iyon masamang bangungot? Sa `di maipaliwanag na dahilan ay hindi pinatahimik si Sammie ng masamang bangungot na iyon.