NAGDADABOG na pumasok si Night sa loob ng private room. Kasabay ng pagdating niya ang pagtalon at hiyaw ni Elijah dahil natalo nito si Eros sa paglalaro ng NBA Live 19 sa Xbox.
"Ha! I win, motherfucker!" taas noong sigaw ni Elijah.
"Tsamba ka lang. Another game at lalampasuhin na kita." `Hindi naman nagpatalo si Eros.
"You'd never win over me on this game, bro. Kahit nakapikit, kayang-kaya kong manalo sa `yo."
"Screw you, fucker! Sa NBA ka lang nakakalamang sa `kin pero mas magandang lalaki pa rin ako sa `yo."
"Sinung nagsabi sa `yo? Nanay mo?"
"Go fuck yourselves both of you! Para kayong bata, magpapatayan pa kayo dahil sa NBA?" reklamo ng kakarating lang na si Devorah. Mula sa dalawang nag-uugaling teenager, dumako ang tingin niya kay Night na nakabusangot na naman sa isang sulok at tumutungga ng bote ng Gold Label.
Napailing siya. Kailan ba titigil ang isang ito sa pagiging alcoholic? Nilapitan niya ito. "Mind to share?" aniya sabay kuha ng isang baso mula sa counter top.
Tumigil sa pagtungga si Night at saglit na tinitigan si Devorah nagdadabog na binitawan ang bote na halos wala ng laman sa ibabaw ng bar counter. Iniwanan niya ang babae at nilapitan ang dalawang isip bata na nagtatalo pa rin dahil sa video games. "I need you to kill me as soon as possible, Eros. Hindi na `ko makakapag-antay pa. Masyado na `kong maraming sinayang na oras. I need to bring her back."
Natigil sa paghaharutan ang dalawa. Nang makita ni Eros na nagliliyab ang mata ng Tagasundo ay agad naglaho ang ngiti nito at agad napatayo. Binitawan nito ang hawak na joystick at humarap sa kanya. "What's the rush?"
Pinanghilamos ni Night ang buong palad sa mukha. Matapos ang mainit nilang pagpapalitan ng salita ni Sammie ay mas lalo siyang nasisiraan ng bait. Nililito ng babaeng iyon ang isip niya. Kaya kailangan na niyang makita at mabawi si Lexine sa lalong madaling panahon dahil gusto niyang patunayan sa sarili na si Lexine lang ang mahal niya at wala ng iba.
Bumuntong hininga siya at muling tumitig kay Eros. "Just fucking do it. How can you kill me so that my soul could go to the Spirit World?"
Mabilis ang pagbigat ng tensyon sa loob ng kwarto. Natigil na rin sa paglalaro si Elijah habang tahimik na nakamasid si Devorah.
Hindi binibitawan ni Night ang mabigat na tingin kay Eros. He's so damn serious. He can see it in his eyes. "Okay," aniya matapos ang ilang sandali. Akala pa naman niya ay makakapag-relax siya ng ilang araw bago ang trabaho ngunit wala pa siyang twenty-four hours sa Manila pero hindi na makapag-antay ang prinsipe ng dilim na magpakamatay. The mighty prince of darkness is more insane than what he has expected. Bumuntog-hininga siya. "First of all, we need few things to compelete the ritual."
Natuon na ang lahat ng atensyon sa makisig na Warlock. Naglakad si Eros patungong sala at tumapat sa lamesang nasa gitna ng silid. Hinumpas niya ang kamay at lumitaw roon ang isang malaki, makapal at ancient na pulang aklat. Sinimulan niyang buklatin ang naninilaw nitong pahina. Lumapit na rin si Night, Elijah at Devorah sa Warlock at pinagmasdan ang ginagawa niya.
"What's that?" tanong ni Elijah.
Patuloy sa pagbubuklat si Eros. "This is the oldest spell book of our family. It's written by our great great great grandfather, Louisse Gibbon. I know it's somewhere here. The spell that I need to kill this fucking mad man beside me."
Matapos ang ilang sandali nahanap na niya ang pahinang pakay. Maraming baybayin ang nakasulat doon na walang nakakaintindi maliban sa warlock. "Here!" Tinuro niya ang isang page na may naka-drawing na punyal. "First, we need to find the athame that can kill an immortal demon like you."
Pinagmasdan nila ang nakahugit. Isa itong simpleng punyal na hindi kahabaan. Gawa sa kahoy ang hawakan nito habang napalilibutan naman ang patalim ng sandamakmak na baybayin.
"What kind of athame is that?" Elijah asked.
Taimtim na tumitig si Eros sa mga kasama bago sinimulang mag-kwento. "A long time ago, hundred of years after the fall of the angels, my great grandfather together with his deciples created a powerful weapon that can kill any immortal being, demons or dark entities in this world. Our family protected that athame because Louisse Gibon given all his power including his life for it.
"It has been the greatest weapon in the history. Kaya marami ang natakot sa punyal. Marami rin ang nagtangkang nakawin at sirain ito pero walang kahit sino'ng nagtagumpay. Until one night, one of the member's of our family got deceived, my auntie Stephanie. She'd fallen inlove with a powerful demon. Ginamit ng demon na `yun si Stephanie para manakaw ang athame. Simula noon, wala ng nakaalam kung saan ito napunta o ano ang nangyari sa punyal."
Nagpalitan ng tingin ang bawat isa matapos magkwento ni Eros. Napalumbaba sa ibabaw ng lamesa si Elijah habang maiging nakatingin sa drawing ng nakakatakot na patalim na siguradong kahit siya ay kayang patayin. Hindi niya napigilang ang pagtaas ng mga balahibo sa katawan. "Fuck, that thing creeps the shit out of me."
"Sino ang demon na nagnakaw?" tanong ni Devorah.
Napakunot ang noo ni Eros habang inaalala kung ano ang pangalan nito. "Hmm… I was too young back then when I heard about that stories. But I think his name is… Valac?"
Nanigas ang bagang ni Night at matalim na sumulyap kay Eros. "Si Valac?"
Napalingon ang lahat sa kanya. "Kilala mo siya?" tanong ni Devorah.
Si Eros ang sumagot. "Ah! Yeah of course you do," anito matapos maalala ang isang baga. "Si Valac ang dating Tagasundo, pinasa niya sa `yo ang kapangyarihan."
Tumungo si Night na bumalik ang titig sa drawing sa spellbook. "He's my mentor. He taught me everything."
"Then we need to find him dahil siya ang makakaturo kung nasaan ang punyal," ani Elijah.
"Yes, I know where he is."
"Good!" tugon ni Eros. Nagpatuloy ito sa pagbuklat at muling may tinuro na isang pahina. "After the athame, we need a very powerful ingredient to complete the potion that you must drink to complete the ritual."
"What kind of ingredient?" Devorah asked.
Natigilan si Eros matapos mabasa kung ano ang tinutukoy sa spell book. Nagtigas ang bagang nito at nag-aalalang nagpalipat-lipat ang tingin sa bawat isa sa kanila. Unti-unting bumigat ang tensyon sa pagitan ng apat. "It's the fruit of sin."
Napasinghap nang malakas si Devorah, napanganga si Elijah, si Night naman ay nanatiling malamig ang mukha.
"What? That's too dangerous, Eros! That fruit was forbidden! Sa oras na gamitin mo ang kapangyarihan ng prutas, makikipagsugal ka sa dragon ng kadiliman," labis na protesta ni Devorah.
Bilang miyembro ng makapangyarihan pamilya ng mga Babaylan. Alam niya ang lahat ng bagay sa mundong ito; including the fruit of sin. That's the most forbidden thing in this world. Lahat ng nagpasailalim sa makasalanang prutas ay habangbuhay nang matatali sa kadiliman. The greatest and most dangerous power which started everything. The same evilness that corrupted Adam and Eve.
Nagbuga ng mabigat na hangin si Eros. "I know… but that's the only ingredient that could complete the spell." Humarap siya sa Tagasundo. "Night are you really sure about this? Masyadong delikado ang gusto mong mangyari. Anybody who used the fruit of sin would be consumed by the darkest power of this world. Hindi basta-basta ang kapangyarihan ng dragon ng kadiliman."
Mula sa pagkakatitig sa pahina ng spell book. Umangat ang tingin ni Night sa mata ni Eros at tinitigan ito. Eros saw a strong will swirling behind those brown eyes. "Wala akong kinakatakutan sa mundong ito. Kahit ano haharapin ko, mabawi ko lang si Lexine. I have the fruit, so let's fucking get that athame and start this ritual immediately." Matapos bitawan ang mga salita, dire-diretso siyang naglakad palabas ng silid.
Naiwan ang tatlo na hindi makapaniwala sa desisyon ni Night. Lalong-lalo na si Elijah. "Fuck! I know that he's a psycho beast pero tangina, mas baliw pa pala siya sa inaakala ko," naiiling niyang sambit. Labis siyang nag-aalala para sa kaibigan. "Masyadong delikado ang gusto niyang gawin. Makikipagsugal talaga siya sa kadiliman dahil lang sa isang babae. Baliw na talaga."
Namumutlang hinarap ni Devorah si Eros. "Wala na ba talagang ibang paraan, Eros? Mapapahamak si Night sa oras na tanggapin niya ang kapangyarihan mula sa dragon ng kadiliman."
Bumagsak ang balikat ni Eros, sa totoo lang. Naiintindihan niya si Night. Marahil kung siya ang nasa sitwasyon nito ay wala rin siyang sasantuhin pagdating sa babaeng minamahal. Gaya ngayon, kaya nga siya pumayag sa kasunduang ito dahil sa babaeng iniibig niya. Hindi lang si Night ang mapapahamak sa oras na simulan ang ritwal. Hindi niya sinasabi sa kanila ang totoo. Dahil sa sandaling gawin ni Eros ang orasyon. Maging ang isang paa niya ay nakabingit din sa bangin.
Pero buo na ang desisyon ng makisig na Warlock. Wagawin niya ang lahat para bumalik sa kanya si Devorah. By hook or by crook. Hinarap niya ang baba. "Too late, Dev. Because he already sold his soul to the dragon of darkness."