Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 156 - Heartbreak

Chapter 156 - Heartbreak

KUNG NAIIPON ang buntong-hininga malamang mayaman na si Sammie sa dami ng nagawa niya mula kaninang umaga. Tulala siyang naglalakad sa corridor. Yakap-yakap niya ang mga libro habang mas mabagal pa sa pagong ang ginagawang hakbang. Daig niya pa ang the walking dead sa itim ng eyebags niya. Buong gabi ba naman siyang umiyak at hindi nakatulog.

Hindi maalis sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Night. Parang makulit na sirang plaka na nagri-rewind lahat sa memorya niya. Simula nang mag-krus ang landas nila ng lalaking iyon, hindi na natahimik ang buhay niya. Ngayon naman, pati tuloy puso niya ay nalintikan na rin ata.

Muli siyang nagpakawala ng mabigat na hangin. Ayaw man aminin ni Sammie pero nasasaktan siya. Alam niyang masyadong mabilis ang lahat upang mahulog na lang basta ang loob niya sa binata pero hindi niya rin maintindihan ang sarili. Sa ilalim ng malamig na titig ni Night, sa tuwing nagdidikit ang kanilang mga balat na para siyang humahalik sa apoy, ang pakiramdam ng malambot nitong labi at nakahihilong mga halik. Bakit parang hinahanap-hanap niya lahat?

She has never felt this to anyone before. Noong nasa probinsya pa siya, marami siyang manliligaw pero wala siya ni isang pinapansin dahil pag-aaral lang ang focus niya. Nang makarating ng Maynila ay mas lalo siyang na-expose sa magaganda at agresibong mga lalaki pero never niyang pinatulan. Pero bakit pagdating kay Night, isang titig lang nito ay parang tinapon na sa ibang dimensyon ang katinuan niya.

Ngunit alam ni Sammie na pinapaasa niya lang ang sarili. May ibang mahal si Night––si Lexine. Nagkataon lang na kamukha niya ang yumaong nobya nito kaya ganoon ang mga kilos nito sa kanya. Tama, Sammie! You did the right thing. Hindi ka dapat magpapagamit sa gunggong na iyon! He's a broken man. Masasaktan ka lang kung patuloy mo pang ididikit ang sarili mo sa kanya.

Hay… bakit ba naging kumplikado nang ganito ang buhay niya?

"Sammie! Sammie! Sammie!"

Sa pangatlong sigaw natauhan si Sammie. Paglingon niya sa likuran nakita niya si Miyu na mabilis na naglalakad patungo sa kanya. Kanina pa ba siya nito tinatawag? Masyado kasi siyang occupied. "Miyu."

"Kanina pa `ko sumisigaw pero tulala ka, may problema ka ba?" tanong nito. Hinawakan siya nito sa balikat at hinimas iyon.

Tinitigan ni Sammie ang kaharap. Kahit sa maiksing panahon ay agad na siyang napalapit kay Miyu. Kahit pa nalaman niya ang totoo na isa itong sorcerres, walang nagbago sa samahan nila. Sa katunayan nga ay mas lalo pa siyang nagtiwala sa babae. Sa `di na mabilang na pagkakataon ay muling nagbuntong-hinga si Sammie. Bumagsak ang balikat niya. "Si Night kasi, nag-away kami kagabi."

Nagsalubong ang kilay ni Miyu. "Anung nangyari sa inyo? Samantalang kahapon lang kung `di ko pa kayo pinigilan, eh, mukhang magyayakapan na kayo buong gabi."

Nahiya si Sammie sa sinabi nito. Shit! Sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari sa Black Phantom ay namumula siya na parang kamatis. Sunud-sunud na tumikhim si Elijah upang kunin ang kanilang atensyon. Mukhang wala pa ngang pakielam si Night kahit naka-ilang ubo na ang kaibigan nito dahil hindi pa rin siya nito binibitawan. Dahil nakatingin na ang lahat ng mata sa kanilang dalawa kaya si Sammie na ang nagkusang kumalas sa mga bisig ng binata.

Isa pa sa kinaiinis niya ang bagay na iyon. Kahit sinong babae siguro ang yakapin at pakitaan ng ganoon ay talagang magiging assumera ng taon. Hay naku! Paasa talaga ang mga lalaki. Kaya kapag marupok ka, konting lambing lang nila, wala, talo ka na! Uuwi kang umiiyak ng dugo.

"Iyon na nga ang problema sa kanya, ang gulo-gulo niya. Isang araw masungit, isang araw malambing. Ginagawa niya akong tanga, eh. Alam ko naman na kaya lang siya ganoon sa `kin dahil kamukha ko si… Lexine," tuluyang bumagsak ang mukha niya. Mas mabigat pala `pag lumabas mismo sa dila niya ang nasa saloobin. Nalasahan niya ang pait sa pagbanggit ng pangalang iyon.

Nagpatuloy si Sammie. "Alam mo ba kulang na lang ihulog niya ako sa balcony?"

"What?" napasigaw si Miyu dahilan nang pagpihit ng lahat ng ulo sa mahabang corridor sa kanilang dalawa. Nabahala si Sammie, nakalimutan niyang mangkukulam nga pala ang kaibigan niya at baka mamaya ay bigla na lang ito magbuga ng apoy. Hinatak niya si Miyu sa loob ng bakanteng classroom.

"Kalma ka lang, hindi naman talaga niya ako ihuhulog, ekspresyon ko lang `yun, okay? Pero sobrang nagdilim ang mukha niya sa `kin nung sinabi ko na…." Nakagat niya ang ibabang labi. Tinutusok ang dibdib niya sa tuwing naaalala niya ang galit at matinding kalungkutan sa mga mata ni Night. Posible palang makaramdam ka ng samut-saring emosyon sa isang tao? Naiinis siya rito, naaawa, nananabik at higit sa lahat… nasasaktan.

"Na?" tanong ni Miyu nang hindi na siya nagpatuloy.

Humugot ng hangin sa dibdib si Sammie. "Na huwag niya akong gawing laruan at paikutin na tulad ng mga babae niya, na hindi ako si Lexine. Kaya ayun, galit na galit siya kagabi."

Umusok na parang tambutso ang dalawang butas ng ilong ni Miyu. "Tarantado pala siya, eh! Tama lang ang sinabi mo. Babangasin ko talaga ang mukha ng gagong Night na `yun `pag nakita ko `yan sa Black Phantom!"

Hindi na napigilan ni Sammie ang kumawalang ngiti sa labi. Sobrang natatawa siya sa itsura ng mukha ni Miyu dahil sa tuwing nagagalit ito ay nagta-transform talaga ang babae sa galit na toro. Pero higit sa lahat, sobrang touched siya sa concern na pinapakita nito for her. "Huwag kang mag-alala, hindi rin naman ako pumayag na ma-argabyado `no. Siyempre bago ako umalis, nagbitaw ako ng malupit na farewell message," nangingisi niyang sabi.

Tumaas ang isang kilay nito. "Talaga? Ano naman ang sinabi mo?"

Taas noong tumingala si Sammie at ginaya ang drama niya kagabi sa harapan ni Night. Humarap kay Miyu at nagsimulang umakting. "I'm not her. So don't you ever… fucking… treat me like a toy. Dahil gago ka, hindi ako panakip butas," aniya with overflowing feelings.

Eksaheradang suminghap si Miyu sabay nanlalaki pa ang mga mata na para bang bilib na bilib ito sa acting niya. "Sinabi mo `yon?"

"Oo! In his face! Ha! Edi supalpal ang gago, sabay exit ang lola mo para sa `kin ang huling halakhak!" aniya sabay flip hair.

"That's my girl!" Inakbayan siya ni Miyu. "Dahil diyan, tara, ililibre kita ng milk tea!"

"Wow! Sige, gusto ko brown sugar fifty percent less sugar at less ice. Large ha, with extra pearl."

"Okay ma'am! One large brown sugar fifty percent less sugar and less ice coming up!"

Nagbu-bungisngisan na naglakad palabas ng corridor ang dalawang babae.

Related Books

Popular novel hashtag