Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 137 - Ansell meets Sammie

Chapter 137 - Ansell meets Sammie

NAGLALAKAD PATUNGONG parking si Ansell nang matanaw niya ang isang matingkad na asul na buhok sa kabilang side ng walkway. Kakatapos niya lang gumimik sa Early Night. May pinuntahan siyang birthday celebration ng isang ka-basketball team. Naningkit ang mga mata niyaa. Kahit nakatalikod ang babae, sa tindig at weird na fashion sense pa lang nito ay malaki na agad ang hinala niya kung sino ito. Mabilis na umakyat ang dugo niya sa ulo. Hinding-hindi niya makalilimutan ang perwisyong binigay ng babaeng toro sa kanya.

"That bitch. Patay ka sa `kin ngayon."

Nagmadali niyang hinakbang ang mga paa patungo sa kinaroonan ng babaeng toro. Malapit na siya at hinanda na niya ang sarili sa gera pero agad natigilan si Ansell nang mapansin ang babaeng katabi nito.

Animo isang malaking bato ang biglang bumara sa lalamunan niya. Nanlamig ang buong katawan ni Ansell at nanigas sa kinatatayuan. Paano nangyari ito? Namamalikmata ba siya?

"Lexine?"

Sabay-sabay na lumingon ang tatlong ulo sa kanyang direksyon.

"You! Shitface!" sigaw ng babaeng toro. Literal na umuusok ang butas ng ilong nito at handa na siyang sunggaban.

Naalerto naman agad ang mga kasama nito. Nagpabalik-balik ang tingin ng mga ito sa kanilang dalawa. Hindi maalis ni Ansell ang mga mata sa babaeng kamukha-kamukha ni Lexine. Daig niya pa ang nakakita ng multo sa pamumutla ng buong mukha niya.

"Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa sa `kin. Hindi ka pa talaga nadala ano? Gusto mo talagang makatikim?" Galit na humakbang ang babaeng toro at susugurin na si Ansell pero agad itong pinigilan ng babeng kasama nito.

Samantalang ang lalaking kasama nito ay panay ang ngiti at pagpapacute sa kanya. "Ay bongga! Otoko (lalaking-lalaki) at mukha pang Rica Peralejo (mayaman) ang papables na ito."

Siniko ng kamukha ni Lexine ang bading at pinandilatan ng mata. "Umayos ka nga riyan at tulungan mo ako rito kay Miyu!"

"Ano? Anung tinutulala mo riyan!" singhal ulit ng babaeng toro.

Tila doon lang natauhan si Ansell at naputol ang pagkakatitig sa babaeng kamukha ni Lexine. Gusto sana niyang mainis sa babaeng toro na nag-hahamon ng away sa kanya pero hindi niya mapigilan ang labis na emosyon. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Hindi binibitawan ni Ansell ang pagkakatitig sa babaeng nakahawak sa nagwawalang toro.

"Lexine? Pa'no nangyari `to?" aniya.

Natigilan sa pag-aangas ang babaeng toro at nagtatakang bumaling sa katabi nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kasama nito at sa kanya. Maging ang bading ay nakakunot noo na rin.

"Ay, papa! Hindi Lexine ang pangalan niya. It's Samantha De Leon, Sammie for short!" komento ng bading na may kasama pang pasimpleng paghampas sa balikat niya.

Mas lalong napakunot noo si Ansell. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon sa kanyang harapan. Dahil hindi maipagkakaila ang lubos na pagkakatulad ng mukha ng babae sa yumao niyang best friend. How is this possible?

***

HINDI NA ALAM ni Sammie kung ano ang dapat maramdaman. Ito na ang pangalawang pagkakataon na pinagkamalan siyang si Lexine. Una ay ang bastos na lalaking humalik sa kanya at ngayon naman ay panibagong binata na naman?

"S-sorry pero nagkakamali ka. I'm not Lexine," aniya rito pagkuwan.

Sino ba talaga ang Lexine na iyon at bakit palaging nadidikit sa kanya?

Tila nahimasmasan na ang lalaki. "I'm s-sorry… you just really looked like her."

Nagkatinginan sila ni Miyu. Nababasa niya sa mata nito na nagtataka rin ito sa nangyayari. Masama pa rin ang titig nito sa lalaki. Samantala, labis na naiilang naman si Sammie sa mga nangyayari.

"Ay, nandyan na ang grab!" ani Brusko.

Nakahinga siya nang maluwag. Sa wakas at nagkaroon na siya ng dahilan para makaalis sa awkward na sitwasyon. "Miyu, tayo na." Hinatak niya ang babae. Nagsimula na silang lumakad patungo sa grab nang biglang siyang pinigilan sa braso ng binata. "Wait!"

Mabilis ang reflexes ni Miyu at agad hinawakan ang kamay ng binata na humawak kay Sammie sabay pinilipit ito. "Aw! Aw! Aw!"

"Don't you dare touch her." Nanlilisik ang mga mata nitong singkit.

"Okay! Okay! I'm sorry, I'm so––aw! Aw!" Namimilipit na ang binata sa sakit.

Muli itong pinanliitan ng mata ni Miyu bago binitiwan. Masama ang tingin nito kay Miyu habang hinihimas ang namumulang pulsuhan na kulang na lang ay mabali na. Ilang saglit pa at mabigat itong bumuntong hininga at hinarap si Miyu. "Listen, I'm not a bad guy, okay. I'm sorry for what happened in the parking lot. It was just a misunderstanding."

Bahagya namang kumalma ang nagdidilim na mukha ni Miyu. Umismid ito. "Marunong ka naman palang mag-sorry."

The guy sighed then he offered his hand to her. "Are we good?"

Tinitigan muna ni Miyu ang palad nitong nakalahad dito. Tinaas nito ang kilay at pinagmasdan ang kaharap na para bang sinusuri itong mabuti. Pasimpleng siniko ni Sammie ang dalaga. Napabaling ito sa kanya. Nginunguso niya ang palad ng binata na nag-aantay rito. Bumalik ang tingin nito sa lalaki. Mayamaya pa at bumuntong hininga si Miyu at inabot ang nag-aabang nitong palad.

Tumikhim ito. "Sorry rin sa pagsipa ko sa bumper mo. Mainitin lang talaga ang ulo ko, especially when I'm hangry," anito.

Tumungo-tungo ang binata. "It's okay, at least we're now cool." Nagliwanag ang mukha nito na tila nabunutan ng tinik. "I'm Ansell by the way." Ngumiti ito.

Hindi napigilan ni Sammie ang sarili na pagmasdan ito. Mas gwapo pala ito kapag nakangiti. Sa tindig at pananalita nito ay halata ng mayaman. `Di nakaligtas sa mata niya ang biglang pamumula ng mukha ni Miyu. Napalunok ito at agad nag-iwas ng tingin nang makitang nakatitig siya rito. Naningkit ang mata niya. Is she blushing?

"Miyu." Pakilala nito sa sarili.

"Sammie," pakilala rin niya. Mas lumapad ang ngiti ni Ansell.

Tumikhim si Brusko at walang pakundangang humarang sa harapan niya sabay nilahad ang kamay nito kay Ansell. "And I'm Barbie, este… Brusko." Panay ang pagbeautiful eyes nito at inipit ang imaginary hair sa likod ng tenga.

Ngumisi si Ansell at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Halos mamilit sa kilig si Brusko. Lumabi pa ito at pasimpleng inamoy ang palad na nakipagshake hands sa binata. Kinurot ni Sammie ang tagiliran ng malanding bakla. "Umayos ka nga," bulong niya.

"Ang bango mamshie. Amoy pa lang ulam na," impit na bulong nito.

Muling binalik ni Ansell ang atensyon kay Sammie. Nagkamot ito sa likod ng ulo habang namumula ang pisngi. "I… uh… I just want to..." Tumikhim ito. "I just want to ask if we can uhm…meet again?"

Napakurap-kurap si Sammie. Is he asking her out? Napasipol si Miyu habang eksaherada namang suminghap si Brusko.

"H-ha?" aniya. She was dumbfounded.

Muling nagkamot ng ulo si Ansell at lalong namula ang mukha nito. "I mean…" Bumuntong hininga ito at nilusot ang isang kamay sa bulsa ng pantalon nito. "You know the thing is, you really looked like someone I know. Although it's imposible for you to be her… but… I just want to, uhm… get to know you I guess? I'm sorry if I sound so weird right now."

Saglit na napaisip si Sammie. May kung ano sa kalooban niya ang nagsasabing tanggapin ang alok nito. Naku-curious na talaga siya kung sino ba talaga ang Lexine na iyon at bakit palagi sila pinagkakamalang iisang tao. Parang may makulit na bubuyog sa kalooban niya ang tumutukso sa kanya na alamin kung ano ang meron sa likod ng pagkatao nito at kung totoo na kamukha niya ito.

Isa pa, hindi niya rin makalimutan ang lalaking nagnakaw ng halik sa kanya. There was something inside her that was urging her to know more about that guy and his mysteries. Kahit pa sinabi na niya sa sarili na dapat niya iyong iwasan ay `di niya rin mapigilan ang kuryosidad.

Hinarap niya si Ansell. Sinabi niya rito ang oras at lugar kung saan sila pwedeng magkita bukas. Nagliwanag nang husto ang mukha nito.

"Okay, it's a date then."