Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 138 - Who is Lexine?

Chapter 138 - Who is Lexine?

HINDI INAASAHAN ni Ansell na tatlo ang makakasama niya ngayong hapon. Nagpaporma at nagpapogi pa naman siya nang husto para sa coffee date nila ni Sammie.

Pansamantalang katahimikan ang pumailanlang sa kanilang apat. Prenteng nakaupo siya sa couch habang katapat si Sammie na nakangiti nang mahinhin. Si Brusko naman sa kaliwa nito habang nakapalumbaba at nagbi-beautiful eyes sa kanya. Sa kanan naman ni Sammie nakahalukipkip at nakabusangot ang mukha ni Miyu.

"H-hi, guys." Akward na ngiti niya matapos ang nakakabinging katahimikan.

"Hi, Ansell. Salamat sa pagpunta," sagot naman ni Sammie.

Tumikhim si Ansell at sinimulang sipsipin ang inorder na Java Chip. Ang buong akala pa naman niya ay masosolo niya ang dalaga. Gusto talaga niya itong makilala dahil kamukhang kamukha ito ni Lexine. He knows that his bestfriend was already dead pero hindi niya pa rin mapigilan ang sariling alamin kung ano ang totoo sa pagkatao ni Sammie at bakit ito kamukha ni Lexine.

"Honestly…" panimula ni Ansell para putulin ang awkwardness sa hangin. "I was wondering na baka long lost twin sister ka pala ni Lexine."

Nagkatinginan ang tatlo.

Naikwento na ni Sammie kay Brusko at Miyu ang tungkol sa nangyari sa parking lot noong isang gabi at ang tungkol sa lalaking lasing. Halos masabunutan pa nga siya ni Brusko sa sobrang kilig nito matapos malamaman na ahalikan niya si papables of the century. Katulad niya, curious din ang dalawa na malaman ang lahat tungkol kay Lexine at kung bakit iisa sila ng itsura.

"Naisip ko na rin `yan!" komento ni Brusko.

"Talaga bang kamukha-kamukha ko siya?" tanong niya.

Mabilis na sumilay ang pangungulila sa mga mata nito. Nagbuga ito ng mabigat na hangin at tumuwid nang upo si Ansell. Kinuha nito ang iPhone sa bulsa, nag-scroll ng pictures at pinakita ang isang litrato. "This is her. This picture was taken after Lexine's play, Romeo and Juliet."

Sabay-sabay na nilapit ng tatlo ang mukha sa screen ng cellphone at pinagmasdan ang picture. Napakunot ang noo ni Miyu habang malakas na napasinghap naman si Brusko at tila nagba-bounce na bola na nagpabalik-balik ang mata nito sa kanya at sa picture sa screen.

"Homaygulay, mamshie! Para nga kayong pinagbiyak na bunga!" bulalas ni Brusko habang namimilog ang mga mata.

Taimtim lang na nakatingin si Sammie sa picture. Pakiramdam niya nakatingin siya sa salamin. Nakasuot ng leotards at tutu ang babae. Nakapusod ang buhok nito habang malaki ang pagkakangiti at nakatingin sa camera. So it's true. They are really look alike.

"Kailan ka pinanganak?" tanong ni Ansell.

Mula sa screen ay lumipat ang atensyon ni Sammie sa binata. "January 6, 1997. Lumaki ako sa Legazpi City, Albay. Last year lang ako lumipat ng Manila para mag-aral. Pero buong buhay ko sa probinsya ako namulat at nagkamuwang."

Binawi ni Ansell ang cellphone nito at pinatong sa lamesa. Pumalumbaba ito habang prenteng sumandal sa sofa at taimtim na nakatingin sa kanya na tila isang imbestigador. "So you were born a year later, September 12, 1996 pinanganak si Lexine," sagot ni Ansell.

"Oooh, so hindi kayo kambal. Kasi ibang year kayo pinanganak," komento ni Brusko sabay higop ng mocha latte.

"I've known, Lexine since were eight. Wala siyang kakambal. She's the only daughter of her parents," paliwanag ni Ansell.

"Pero paano nga kung kambal nga talaga kayo tapos nagkahiwalay lang kayo nung ipinangak kayo? Di ba ganun naman `yung nangyayari sa mga telenovela?" wika ni Brusko. Nanlaki ang mata nito. "Homaygulay! Ibig sabihin hindi mo tunay na parents ang mamang at papang mo?"

Umiling si Sammie. "Imposible. Totoong anak ako ng mga magulang ko."

But now seeing a person who looks exactly like her, parang gusto nang magdalawang isip ni Sammie. Paano kung may kakambal nga talaga siya? Pero sa movies at libro lang nangyayari ang mga iyon. Talaga bang may kaugnayan siya kay Lexine? At kung totoo man iyon, ibig sabihin ay nagsinungaling sa kanya ang mga magulang niya? Napailing si Sammie. Imposible. Hindi magsisinungaling sa kanya ang Papang at Mamang niya. Coincidence lang ang lahat ng ito.

Saglit na katahimikan ang namutawi sa apat habang nag-iisip ng iba pang maaring dahilan sa misteryong nasa kanilang harapan.

"Nasaan pala si Lexine?" mayamaya ay tanong ni Sammie.

Mabilis na bumagsak ang mukha at balikat ni Ansell. Tumingin ito sa bintana at tumanaw sa malayo. Nagpalitan ng tingin ang tatlo. Naningkit ang mga mata ni Miyu na tumitig kay Ansell habang nagkibit balikat naman si Brusko. Matapos ang tila walang hanggang pananahimik ni Ansell ay sa wakas at sumagot ito.

"She's dead."

Napasinghap si Brusko, nalaglag ang panga ni Miyu at si Sammie naman ay natulala. Kaya naman pala ganoon na lang kalungkot ang lalaking humalik sa kanya noong isang gabi tuwing binabanggit nito si Lexine dahil patay na pala ito.

"May… naiwan bang boyfriend si Lexine?" Hindi niya napigilang itanong.

Bahagyang nalukot ang noo ni Ansell. Hindi nakaligtas sa mata niya ang kirot na mabilis na sumilay sa mga mata nito. "Yeah, she had."

Doon na nakupirma ni Sammie ang lahat ng nasa isip niya. Kung ganoon, pumanaw na si Lexine at hanggang ngayon ay nagdadalamhati ang naiwan nitong nobyo. Kaya naman pala kung titigan siya ng lalaki noong isang gabi sa bar ay parang sinusuri nito ang buong pagkatao niya. Kaya naman pala ganoon na lang ang labis na pangungulila sa mga mata nito sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. Nakikita nito sa kanya ang pumanaw na nobya.

Tila bulang naglaho ang inis na nararamdaman ni Sammie sa lalaki. Imbis ay nakaramdam siya ng matinding awa para rito. Base na rin sa kung paano mangulila ang lalaki kay Lexine, nasisiguro niyang mahal na mahal nito ang nobya at masakit para rito ang pagkamatay ng dalaga. Patatawarin na niya ito sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Naiintindihan na niya ang pinagdadaanan ng binata.

"Pero… bakit nga kaya kayo magkamukha?" mayamaya ay tanong ni Brusko.

"Iyon din ang gusto kong malaman," sagot ni Ansell.

Natahimik lang si Sammie at hindi nakakibo. Sa totoo lang gusto niya din madiskubre ang dahilan. Pero wala siyang kahit na anong sagot na makuha sa malaking katanungan sa kanyang isipan.

Posible nga kaya talaga na meron kang kamukha sa mundong ito na hindi mo kadugo? Totoo nga kayang hindi niya tunay na kadugo ang mga magulang? O baka naman si Lexine ang ampon? Napakadami niyang katanungan sa isipan. Sa susunod na makauwi siya ng Albay ay tatanungin niya ang mga magulang niya. Hindi siya matatahimik hangga't `di niya nalalaman ang totoo.

Taimtim na nagmamasid si Miyu. Hindi niya maalis ang mga mata sa picture ni Lexine. Ilang ulit na nagpabalik-balik ang titig niya roon at sa mukha ni Sammie. Nagkukwentuhan na ang mga ito ng ibang bagay pero nanatili lang siyang tahimik. Naalala niya noong unang araw na nagkakilala sila ni Sammie. Nang nahawakan niya ito sa kamay ay may nakita siyang kakaiba.

Hindi masyadong malinaw ang lahat dahil mabilis lang na-flash sa kanyang isipan. Pero ang naaalala niya, nakita niya ang images ng isang babae na nakatayo sa dulo ng bangin. Sa ilalim ng bangin matatanaw ang dagat ng maiitim na ulap. Umiikot ang gitna niyon na animo ulo ng higanteng ipo-ipo habang maririnig na lumalabas mula roon ang nakakatakot na kulog at kidlat. Mula sa dulo ng bangin na kinatatayuan ay nag-dive ang babae at tumalon sa gitna ng bunganga ng halimaw na ulap.

Pero ngayon habang pinagmamasdan ni Miyu ang picture sa screen ng cellphone ni Ansell. Napaisip siya ng husto. Si Sammie ba ang babaeng nakita niyang tumalon… o si Lexine?