Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 128 - Who is she?

Chapter 128 - Who is she?

UMIIKOT ang buong mundo ni Night habang may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang ulo. Tumatama sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw mula sa malaking bintana ng kanyang silid. Unti-unti siyang bumangon. Parang dinidikdik ang ulo niya dahil sa hang-over. Naparami na naman siya ng inom kagabi. Napaungol siya sa kirot na tumutusok sa kanyang sintido.

"Sebastién!" sigaw niya.

Matapos ang ilang minuto, agad pumasok ang matandang butler na may dala-dalang tray ng baso ng tubig at gamot. "Good afternoon, Monsieur Fuerdo."

Walang kibong kinuha ni Night ang gamot at ininom kasabay ng tubig. Isang tungga niya lang iyon sa sobrang pagka-uhaw.

Bumagsak nang husto ang balikat ni Sebastién habang pinagmamasdan ang amo nito. Sa loob ng isang taon ganito lagi ang naging routine niya araw-araw. Gabi-gabing umuuwing lasing si Night, kaya araw-araw rin itong may hang-over. He felt bad for his master.

Bata pa siya nang magsimulang mag-silbi rito. Hindi naman lingid sa kaalamanan niya na isa itong makapangyarihang immortal na demonyo na hindi tumatanda. Sa pisikal na aspeto lang na siya ang pinaglipasan ng panahon pero ang totoo ay wala pa sa one fourth ang buong buhay niya sa tagal nang humihinga ng kanyang amo.

Tapat ang buong pamilya ni Sebastién kay Night. Ang great grandfather niya ang unang naging tagapanglingkod nito hanggang sa pinasa na sa lahat ng sumunod na henerasyon. Serving Monsieur Fuerdo has been a legacy of Blackwood Family. Kapalit ng katapatan ng kanilang angkan ay marami rin nai-tulong si Night sa bawat miyembro ng kanilang pamilya. Higit pa sa material o halagang pera.

Malaki ang utang na loob ng great grandfather niya sa makisig na binata. Niligtas ni Night ang buhay ng kanyang lolo. Kung kaya naman ganoon na lang ang loyalty nito na talagang pinamana pa sa kanilang lahat.

Mulng bumagsak ang balikat ni Sebastién. Naalala niya ang magandang dalagang dinala ni Night sa mansion may isang taon na rin ang nakalilipas. Hindi niya makakalimutan ang nakitang kakaibang sigla sa mukha ng kanyang amo. Sa tagal na panahon na pinaglilingkuran niya ito ay noon niya lang nakita itong ganoon kasaya.

Ang buong akala pa naman ni Sebastién at sa wakas ay magiging makulay na ang buhay ni Night. Lalo na't limang taon nitong palihim na sinusubaybayan ang dalaga. Ngunit isang gabi ay umuwi ito na tila pinagsakluban ng langit at lupa. Buong araw itong nagkulong sa kwarto nito habang nagwawala at sinira ang lahat ng gamit.

Nang hindi makuntento, ang buong mansion naman ang pinagsisira ni Night. Mula sa sala, kusina, library at maging garden. Kung hindi pa ito pinigilan ni Elijah malamang ay natuluyan nang nagiba ang buong property. Nalaman niya kay Elijah na namatay na pala si Alexine. Labis na nadurog ang puso niya para sa kanyang amo. Alam niya kung gaano nito kamahal ang dalaga.

Nang mahimasmasan ay agad naligo si Night ng malamig na tubig. Matapos mag-shower at magpalit ng sweat pants ay tahimik siyang tumayo sa tapat ng bintana habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan. Muling sumagi sa isip niya ang panaginip kagabi. Hindi siya sigurado kung totoo o hindi ang nangyari pero ang naaalala niya ay nakaharap niya si Lexine. Hindi lang nakita kundi nahalikan at nahawakan pa.

"Uulitin ko sir, hindi Lexine ang pangalan ko. My name is Samantha De Leon. Bente uno anyos, dalagang pilipina mula sa probinsya ng Legazpi Albay. Hindi kita kilala at sigurado akong ngayon lang tayo nagkita. Lasing ka lang kaya patatawarin kita sa ginawa mong pambabastos sa `kin ngayon gabi. So, if I may excuse myself, uuwi na `ko at maaga pa ang pasok ko bukas!"

Ilang ulit na nagbuntong-hininga si Night habang inaalala ang mga sinabi sa kanya ng babaeng kamukha-kamukha ni Lexine. Pero paano nangyari iyon? Patay na si Lexine. Nakita mismo ng dalawa niyang mata. Sinundo pa nga ito ni Abitto upang masiguro na hindi na mawawala pa ang kaluluwa nito. Kung ganoon, sino ang babaeng nakita niya kagabi?

Hindi matatahimik si Night hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. Aalamin niya kung ano ang mayroon sa babaeng iyon at bakit hawak nito ang mukha ng pumanaw na nobya.