TAHIMIK na nakatingin lang si Sammie kay Mrs. Dimaculangan habang nagdi-discuss ito sa harapan ng klase tungkol sa topic nila ngayon araw para Communication Research niyang subject. Sa totoo lang ay wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. Basta pinagmamasdan niya lang ang bawat pagbuka ng bibig ng kwarenta'y siyeteng ginang habang nasa ibang panig ng mundo ang diwa niya.
Naaalala na naman niya ang lalaking bastos na humalik sa kanya kagabi. She can't forget his seductive brown eyes; they're so beautiful yet it shows a deep sadness and pain. Mayroon pala talagang tao na ganoon kalungkot? Palibhasa kasi nagkamulat siya sa isang simple ngunit masayang bayan sa kanilang probinsya. Hindi man gaanong maunlad ang pamumuhay roon hindi tulad sa siyudad, walang kapantay naman ang init at kasiyahan ng mga taong naninirahan sa munting lugar nila.
Wala sa sariling hinawakan ni Sammie ang sariling labi. Pakiramdam niya nag-marka nang husto ang halik na binigay nito sa kanya. She can't help but blush every time she remembers how the stranger intensely kissed and held her. Lalo na at ito ang kauna-unahang lalaking humalik sa kanya. Pinalaki siya ng papang niya na isang dalagang Pilipina at sa twenty one years niyang nabubuhay sa mundong ito ay never pa siyang nagkanobyo. Kaya naman labis pa rin ang inis sa dibdib ni Sammie dahil ninakaw ng lalaking iyon ang first kiss niya. Kahit pa lasing ito, hindi pa rin `yon excuse upang bastusin siya. Gayunman, may parte sa puso niya ang naaawa sa lalaki lalo na kung paano ito umiyak sa harapan niya habang binabanggit ang pangalang "Lexine."
Sigurado si Sammie na kung sino man ang Lexine na `yon ay ito ang dahilan ng labis na kalungkutan ng lalaki. Sa labis na pagdadalamhati at kalasingan kung kaya nagdeliheryo ito at pinagkamalan pa siyang ibang tao.
Naisip niya tuloy, paano kaya kung gawin niyang heartbroken man ang kanyang next male lead? Perfect candidate ang lalaki kagabi sa description na binubuo niya para magkaroon ng bagong buhay ang character na bagong mamahalin ng kanyang mga loyal readers.
Naputol ang paglalakbay ng diwa ni Sammie nang sabay-sabay na nagtayuan ang mga kaklase niya. Natapos na pala ang class nila nang hindi niya man lang namamalayan. Agad na siyang kumilos at lumabas ng classroom dahil may next two subjects pa siya. Pagkatapos nito ng lahat ng klase niya ay didiretso na siya sa Mighty Bar and Grill kung saan siya namamasukan bilang part time waitress. Mahaba-haba pa ang itatakbo ng araw niya kaya need niya i-reserve ang kanyang energy.
Nakarating na siya ng locker nang biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad siyang napangiti pag-check niya sa screen. Excited niya itong sinagot. Bumungad ang masiglang mukha ng kanyang ina.
"Mamang!" buong siglang bungad ni Sammie.
"Ate! kamusta ka na? Miss na miss ka na namin."
Nag-pout si Sammie. Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng ina ay lalo lang tuloy siyang naho-homesick. Halos buong buhay niya sa Bicol lang siya lumaki at ito ang unang pagkakataon na nahiwalay siya sa pamilya.
"Okay naman po ako, mamang. Miss ko na rin kayo. Nasaan si Papang? Sila Sevi at Sandy?"
Kinuha niya ang dalawang libro na kakailangan para sa next subjects at nilagay ang mga iyon sa loob ng bag. Iniwan naman niya sa locker ang mga tapos nang gamitin.
"Ang papang mo ayun at busy sa restaurant kasi birthday ni Mayor kaya ni-reserve ang buong lugar. Si Sevi may school project, si Sandy… teka tatawagin ko sa kwarto." Binaba nito ang cellphone.
Narinig niya ang malakas na boses nito. "Sandy! Ang ate Sam mo hinahanap ka bumaba ka nga ditong bata ka at tigilan mo muna `yang kakanood mo ng BTS-BTS na `yan. Jusmiyo kang bata ka, imbis na pag-aaral ang inaatupag mo nababaliw ka riyan sa mga lalaking mukhang babae!"
Hindi napigilan ni Sammie na matawa sa mga naririnig mula sa ina. Mas lalo tuloy niyang na-miss ang pamilyang naiwan sa Albay. Ganito ang araw-araw na eksena sa bahay nila. Isang bagay na sobrang hinahanap-hanap niya.
"Sandy! Tinatawag kita `wag kang magbingi-bingian riyan at makukurot kita sa singet!"
"Heto na! Heto na!"
Ilang sandali pa at muling lumabas sa screen ang mukha ng kanyang ina. Sa tabi nito nakabusangot ang dalagita niyang kapatid na si Sandy.
"Sandy! Alam mo ba, may nakita ako sa mall noong isang araw. Iyong VT cosmetics. Sa sahod ko ibibili kita ng lipstick!" aniya nakangiti.
Mula sa pagkakabusangot ay mabilis na nagliwanag ang mukha ni Sandy. "Woah! Seriously ate? You're the best talaga! Aasahan ko `yan, ah. I love you so much much much!" Sa sobrang saya nito halos ay halos halikan na ang screen
"Tignan mo ang bata ito, oh, at kinain ka na ng sistema ng kpop-kpop na `yan. Naku, mag-aral ka ngang mabuti at hindi namin pinupulot ng Papang mo ang pangbayad sa tuition fee mo!"
"Oo nga mamang, `eto naman, nag-aaral naman ako!"
"Hmp! Eh, napupuyat ka nga kakapanood ng BTS-BTS na `yan! Tignan mo nga ang eyebags mo, sampung kilo na sa sobrang bigat."
"Mamang, you're so KJ!" Umikot ang mata ni Sandy.
Piningot naman ito ng Mamang. "English-english ka pa riya. Iyan ba natutunan mo kakanood ng kpop?"
"Duh! Siyempre sa english subject ako natuto mag-english!"
"Sumasagot ka pang bata ka!"
Halos sumakit ang tiyan ni Sammie kakatawa habang pinapanood ang kapatid at ina na magbangayan. Hay… how she badly misses them.
"Sige na, Mamang, Sandy, may klase pa ako. Tatawag na lang ako ulit kapag hindi na `ko busy. Mag-iingat kayo riyan, ha. Pakikumusta na lang ako kay Papang at Sevi."
"O siya, siya. Kawaan ka ng Diyos. Mag-iingat ka rin diyan, ate. Baka nagpapagod ka naman masyado sa pagtatrabaho, aba'y nangangayayat ka na, oh. Huwag mo naman kalimutan alagaan ang sarili mo lalo na at wala ako riyan sa tabi mo para tignan ka."
Ngumiti si Sammie. "Opo. Sige na, I love you Mamang."
Mas matamis na ngumiti ang kanyang ina. "I love you, ate."