Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 108 - Escape

Chapter 108 - Escape

PATULOY NA NAKIKIPAGLABAN si Ira sa anaconda gamit ang walo nitong galamay. Sunud-sunud ang atakeng ginagawa ng ulo ng halimaw. Sa bawat sunggab nito ay tumatalon at umiiwas si Ira. Lahat ng tinatamaan nito ay nasisira. Sumusubsob ang nguso ng anaconda sa sahig.

Nilibot ni Lexine ang tingin sa paligid. Isang makislap na bagay ang nahuli ng kanyang mga mata. Sa labas ng pentagram naroon sa sahig ang gintong kwintas niya. Maaring nabitawan ito ni Lilith habang nakikipaglaban ito. Nabuhayan siya ng loob. She needs to get Ithurielle, but how?

Naalala niya ang nangyari noon sa gubat at kung paano niya napatay si Cruxia. She had a mind connection with the angel inside the necklace. Muli niyang nilingon ang anaconda at si Ira na patuloy sa pakikipaglaban. Sa kabilang panig naman ng bulwagan nanganganib ang buhay ni Cael habang tinatadyakan ito ni Lilith. Nagpagulong-gulong ang katawan nito sa malamig na sahig. Hindi makita ng mata niya si Night. Where is he?

Pilit niyang pinakalma ang sarili. Walang mangyayari kung magpapanic lang siya. She is not sure of what to do but followed the voices inside her head. Naalala niya ang sandali nang nagawa niyang kontrolin ang panahon sa loob ng ritwal ni Lilith. Sa kaloob-looban niya alam niyang may espesyal na lugar kung saan kaya niyang abutin ang sinulid ng kapangyarihang nagtatago sa kanyang pagkatao. She is a Nephilim; a half-angel. No, erase that. Archangel blood flows in her veins.

You are more than what you think you are.

Ordinary is a bland word to describe what she could do.

Lexine closed her eyes and centered her awareness at the core of her consciousness. To the place where all the impossible becomes possible. To the fruit of all the vitality and power. She sees nothing but darkness. The noises in her surroundings slowly melted away. Pakiramdam niya'y lumalangoy siya pababa sa mahaba at malalim na balon. Kailangan niyang maabot ang dulo niyon. She kept on going down until she reached the base of the well and touched its wet soil.

"Ithurielle! Naririnig mo ba `ko? Ithurielle!" tawag niya.

Nothing. Nothing answered her. She focused again.

"Ithurielle? Please, hear me."

Nakalapat ang dalawang palad niya sa lupa. Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ng anghel hanggang sa isang maliit na liwanag ang sumilip sa pagitan ng kanyang mga daliri.

"Aking prinsesa!"

She did it! "Ithurielle!"

"Ano ang iyong hiling aking prinsesa?"

"Patayin mo ang anaconda!"

"Masusunod aking prinsesa!"

Lumutang ang kwintas mula sa sahig, sumabog ito at nagpalit anyo sa isang agila na binabalot ng lumalagablab na apoy. Her size was three times bigger than an ordinary eagle. Her enormous wings with a color of lava have spread widely releasing splinters of fire and sparks. Humiyaw ang agila. It was high-pitched and full of glory. Natulala si Lexine sa angkin nitong kagandahan.

Sumugod ang agila patunga sa Anaconda.

Pinagalaw ni Ira ang mga galamay at nahuli nito ang ulo ng anaconda. Pumainlanglang ang malakas na huni ng agila at lumipad sa itaas ni Ira. Binuka ng agila ang bibig nito at bumuga ng apoy. Tinamaan ang ulo ng anaconda. Humiyaw ang halimaw. Nagwala ito habang mabilis na gumapang ang apoy sa kalahati ng mahaba nitong katawan. Tinamaan nito ang kisame, pader at haligi ng bulwagan. Umulan ng mga debris at nawasak ang lahat ng bagay sa paligid. Bumagsak ito sa sahig dahilan ng malakas na pagyanig ng paligid.

Samantala, lumuwag na'ng kapit ng anaconda kay Lexine at tuluyang bumagsak ang lantang gulay niyang katawan sa sahig. Nasilayan ng mga mata niya ang unti-unting pagkamatay ng anaconda sa ilalim ng apoy.

Dahan-dahang lumapag ang agila sa sahig. Umilaw ang buong katawan nito. Nalusaw ang liwanag at sa ilalim niyon ay isang babaeng nakaluhod at nakayuko. Dahan-dahan itong nag-angat ng ulo. Nahigit ni Lexine ang hininga. Unti-unting tumayo ang babae na may tindig na kasing tayog ng bundok. Katulad ni Cael, kulay mais ang mahaba at maalon nitong buhok na nililipad ng hangin. Ang mga mata nito ay maihahantulad sa asul at payapang karagatan.

Nakasuot ang babae ng color white na body suit na bumabalot sa buong katawan nito habang napapatungan `yon ng ginto at makintab na shoulder at half-body armour. Sa ulo ng anghel nakasuot ang gintong head gear na may disensyong angels feather sa magkabilang gilid. Ang pakpak naman nito ay malaki, makintab at nababalutan ng nakamamanghang puting liwanag. Her wings were so luminous, almost transparent. Naiintindihan na ni Lexine kung bakit nagiging espadang crystals ang balahibo ni Cael dahil ang pakpak ng mga ito ay tila kumikinang na tubig sa sobrang linaw. Lexine was speechless. Nakamamangha ang kagandahan ng totoong anyo ni Ithurielle. She looks like a goddess angel warrior in a video game.

"Aking prinsesa." Naglakad ito papalapit sa kanya at `di niya inaasahan ang biglaang pagluhod nito sa kanyang harapan.

"Ithurielle?" She still can't believe who is in front of her.

Ngumiti ang Tagabantay na Anghel. Maging ang pag-ngiti nito ay nakakamangha rin.

"Ako nga ito aking prinsesa."

"Wow! You're so… beautiful."

Naputol ang kanilang pagtitinginan nang sabay-sabay na pumasok ang napakaraming mga demonyo sa loob ng bulwagan. May nanggaling sa pintuan at meron sa bintana. Napapalilibutan na sila. Alertong humarang si Ira sa kanilang dalawa sabay pinagalaw nito ang mga galamay.

"Tumakas na kayo! Ako na'ng bahala sa kanila," anito.

"Mahal na prinsesa kailangan na kitang ilayo sa lugar na `to," saad ni Ithurielle. Inalalayan siya nitong makatayo.

Ngayon niya lang naalala ang dalawang lalaki. Naabutan ng mata niya ang pagtalon ni Night sa patungo kay Lilith. Sabay na tumalsik ang mag-tiyahin palabas ng bintana.

"Night!" sigaw niya.

"Alexine!" Nanghihina na bumangon si Cael at agad lumapit sa kanila. "Kailangan na natin umalis dito. Napalilibutan na nila tayo."

Umiling si Lexine. "Hindi natin pwedeng iwan si Night!"

Mas dumami pa ang mga sumusugod na demonyo habang patuloy naman ang walong galamay ni Ira sa pagpapatalsik sa lahat nang nagtatangkang lumapit sa kanila.

"Ano pa ang hinihintay ninyo? Tumakas na kayo! Bilis!" sigaw ng anino.

Wala nang nagawa si Lexine nang kinuha ni Ithurielle ang kanyang braso at hinila siya palabas ng bintana. "Wait! si Night, hindi natin siya pwedeng iwan!"

Pinangko siya ni Ithurielle. Pinalabas ni Cael ang malaki at maliwanag nitong pakpak. Sabay-sabay silang lumipad pataas sa himpapawid. Paglabas nila natanaw ni Lexine na nagpagulong-gulong sina Night at Lilith sa balcony. Pinaibabawan ng demonyita ang binata. Tila nag-slow motion ang lahat sa mga mata niya.

Buong lakas na sumigaw si Lilith. Tinaas nito ang matutulis nitong kuko at sinakmal ang dibdib ni Night. Dumagundong ang lakas ng hiyaw ni Night na tila isang kutsilyo na kumikiskis sa kanyang balat diretso sa kanyang dibdib.

"NIGHT!!!"

Sinubukan niyang makawala sa mga bisig ni Ithurielle pero hindi siya nito binibitawan at patuloy lang silang lumilipad palayo. Unti-unting lumiliit ang lahat sa kanyang paningin. Naka-angat ang isa niyang kamay na animo maabot niya ang kanyang prinsipe. Tumingala si Night sa kanya at itinaas nito ang isang palad nito na tila ba kaya siya nitong abutin. Nanlilisik ang mga mata ni Lilith at mas lalong diniinan ang kuko nito sa dibdib ng binata.

"Katapusan mo na!" sigaw ng demonyita.

Lumabas ang dugo mula sa bibig ni Night. Tumigil ang buong mundo ni Lexine. Nalusaw ang tunog ng hangin at pagaspas ng pakpak. Wala siyang ibang naririnig kundi ang tibok ng kanyang dibdib na unti-unting bumabagal… pabagal nang pabagal nang pabagal.

Tug tug tug tug tug tug tug tug tug.

Tug tug tug

Tug tug

Tug

Hanggang sa tuluyan itong huminto sa pagtibok.

"NIGHT!!!"