ANO NGA BA ang pakiramdam ng mamatay? Anim na taon na'ng nakalilipas, naranasan ni Lexine kung ano ang ibig sabihin ng kamatayan. Nakakatakot, malamig, mabagal at unti-unti ka nitong hihilain palayo sa mundo. Isang kirot, isang sandali, isang takot. Tapos ay wala na. Patay ka na.
Subalit... ang pinakamasakit sa lahat ay ang manatiling nabubuhay sa mundo habang unti-unti kang pinapatay ng matinding paghihinagpis at pagsisisi. Paulit-ulit na kirot, paulit-ulit na sakit, paulit-ulit na tinutusok ang bawat kalamnan ng `yong katawan. Tila ba dinidikdik ang dibdib mo hanggang sa madurog ang puso mo na parang abo. The pain is so extreme to the extent that you will feel it flowing with your blood and veins as though your entire world is revolving around the ruthless agony.
It kills you in a way more than what death can give.
Sa tuktok ng isang matayog na building sa gitna ng siyudad dinala ni Ithurielle si Lexine. Sa kabila ng matinding ginaw na dulot ng gabi at malakas na ihip ng hangin ay walang ibang nararamdaman si Lexine ng mga sandaling `yon kundi sakit. Seven years ago. She tricked death. Now, it pays back to her. Torturing her to feel all the pain of endless suffering.
"Paumanhin mahal na prinsesa." Iyon ang tanging narinig niya mula sa kanyang anghel.
Hindi siya sumagot, patuloy lang siya sa pag-iyak habang nakatulala sa kawalan. Hinayaan siya ni Ithurielle na mapag-isa at lihim niya iyong ipinagpasalamat. Hindi niya sigurado kung gaano katagal na siyang nakatanaw sa dagat ng mga ilaw ng buong Metro Manila. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha; hindi tumitigil katulad ng sakit na nararamdaman niya ngayon sa kanyang buong pagkatao.
Wala na si Night at dahil iyon sa kanya.
Matinding apoy ang nabuo sa kanyang dibdib. Ni minsan hindi niya naisip na makakaya niyang magalit sa kahit sino. She has always been harmless and gentle. She's the smooth white silk in a thousand rough dark fabrics. She's the candle light in the soundless shadows. Ngunit kahit ang pinakamaputing tela ay madudungisan pa rin ng pinakamaliit na alikabok at hindi lang alikabok ang nagmantsa sa kanya kundi dugo; malansa, mapula at punong-puno ng poot.
Wrath blinds her as though sharp nails were digging her eyes until it bleeds. Blood mixed with her tears, her cries duet with agony. It was all her fault. If only she's not been too reckless, too single-minded. Hindi sana siya nahuli ng mga kalaban. Hindi sana namatay si Ms. Garcia. Hindi sana nawala si Night.
It's all her fault, and she will do everything to avenge them.
Nakarinig si Lexine ng sunud-sunud na mga kaluskos at yabag.
"Lexi?"
Dahan-dahan siyang pumihit sa likod. Sinalubong siya ng namumutlang mukha ni Ansell. Sa tabi nito nakatayo si Cael. Nais sana niyang mamangha sa nakikitang angking kagandahan ni Cael sa totoo nitong anyo at ang nakakasilaw na ganda ng mga pakpak nito na katulad ng kay Ithurielle. Gusto sana niyang masurpresa na magkahiwalay si Ansell at Cael pero wala siyang lakas. Para siyang naging pipi at manhid. Wala siyang ibang maramdaman maliban sa malaking butas sa kanyang dibdib. Isang butas na walang hangganan. Paano niya tatakpan ang butas na `yon? Hindi niya alam. Paano niya bubuuin ang nabasag niyang puso? Hindi niya rin alam.
Nagkatinginan sila Cael at Ithurielle, parehong bumagsak ang mukha ng mga ito. Dahan-dahang lumapit si Ansell sa kanya. Puno nang pag-aalala ang mga mata nito. Agad siya nitong hinagkan nang buong higpit. It feels nice, but it just intensifies the pain. Muling bumuhos ang bagyong luha sa mga mata ni Lexine.
Habang kayakap niya ang bestfriend ay nag-usap ang mga ito tungkol sa nangyari. Nalaman niya mula kay Cael na ilang sandali na lang at bababa mula sa kalangitan ang hukbo ng mga mandirigmang anghel na pinamumunuan ng Arkanghel na si Michael. Masyado ng maraming kaguluhang ginawa si Lilith at kailangan nang kumilos ng mga anghel upang pigilan ito. Dahil alam nila na hindi titigil ang reyna ng kadiliman hangga't hindi tuluyang nakukuha si Lexine.
Ngayong natuklasan na ng lahat ang tungkol sa totoo niyang katauhan at espesyal na kakayahan ay kailangan na siyang mas protektahan ng mga nasa itaas. Nagkakatotoo na'ng lahat sa mga nakitang pangitain ni Madame Winona.
"Ansell, thank you for everything you've done for me. But you don't need to be part of this. Please, Ansell, umalis ka na. `Di ko na kakayanin kung pati ikaw mapapahamak pa."
Panay ang pag-iling nito. "No, Lexi! I won't let you die with those… those monsters out there! I'm here, Cael can use my body. I can help him fight!"
Mariin ang naging pagtutol niya. Hindi na siya papayag na may isang buhay pa ang madamay ngayong gabi. Dalawang buhay na ang nawala. Nasa panganib pa ang kanyang lolo Alejandro at hindi na niya hahayaan pang pati ang matalik na kabigan niya ay mawala na rin sa kanya.
"Ansell, nais kong magpasalamat sa lahat ng naitulong mo. Lalo na sa pagpapahiram sa `kin ng `yong katawan. Subalit masyado nang delikado ang labanang ito. Maari akong makipaglaban sa tunay kong anyo bilang anghel at hindi ko na kakailanganin pa ang `yong katawan," paliwanag ni Cael.
Bumuka ang bibig ni Ansell at may nais pa itong sabihin pero binugahan ito ni Ithurielle ng magic powder sa mukha at mabilis itong nawalan ng malay. Sinalo ng anghel ang ulo nito.
"Ako na'ng bahala sa mortal, Cael. Ihatid mo na'ng prinsesa sa mas ligtas na lugar. Ilang sandali na lamang at bababa na'ng mga kapatid natin para sa labanan," anito.
Tumungo si Cael kay Ithurielle bago lumapit kay Alexine. Ito ang unang pagkakataong mahahawakan niya ang kanyang Tagabantay sa totoo nitong anyo. Tumitig sa kanya ang itim at malalim nitong mga mata.
"Alexine, hindi ko masisiguro kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos ng labanang ito pero isa lamang ang ipapangako ko. Handa akong protektahan ka hanggang sa huli kong hininga."
Tipid siyang ngumiti sa kanyang anghel. Nagpapasalamat siya na lagi nitong inuuna ang kaligtasan niya pero tapos na siya sa yugto kung saan palagi na lang siyang umaasa sa iba. Desidido na siya sa desisyon niya. Marami na ang nagsakripisyo. Hindi niya sasayangin ang mga buhay na nawala. Ipaghihiganti niya ang mga magulang, si Ms. Garcia at higit sa lahat ang kanyang prinsipe mula sa dilim. Sisiguraduhin niyang tatapusin niya si Lilith ngayong gabi at magbabayad ito sa lahat ng kasamaang ginawa nito.
Naputol ang pagtitinginan nila nang biglang umulan ng mga meteorites mula sa kalangitan. The magnificent multiple rain of sparkles in the evening sky was unearthly breathtaking.
Namamanghang tumingala si Lexine. "Isn't that a meteor rain?" aniya sabay turo sa langit.
"Nandito na sila," sagot ni Cael. "Ang buong hukbo ng mandirigmang anghel."