Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 97 - Run Lexine! Run!

Chapter 97 - Run Lexine! Run!

"NABUO KA SA PAGMAMAHALAN na tinutulan ng langit at lupa. Nakarating sa Paraiso ng Eden ang tungkol sa `yong pagsilang kaya pinaghiwalay si Leonna at Daniel. Naparasuhan ang Arkanghel sa pagsuway niya sa batas ng Banal na Kautusan. Hindi na nakababa ng lupa si Daniel at naiwang luhaan ang `yong ina sa sapilitang paghihiwalay nila."

Hindi na napigilan ni Lexine ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Her parents love story was so tragic. Bakit kailangan maranasan ng mga magulang niya ang sakit na `yon kung nagmamahalan lang naman ang mga ito ng totoo? Ganoon ba talaga kalupit ang mundo upang paghiwalayin ang dalawang nilalang dahil lang magkaiba ang pinagmulan ng mga ito? Katulad ba ng mga magulang niya ay ganoon din ang kahahantungan nila ni Night? Nanikip nang husto ang dibdib niya sa naisip.

May kinuha si Winona mula sa bulsa ng suot nitong bestida at inabot ang bagay sa palad ni Lexine. Pagbukas niya ng kamay, nakita niya ang gintong singsing na ang buong disenyo ay isang feather. Ang naalala niya ay iniwan niya ito sa box kasama ang diary ng ina.

"Galing `to kay Daniel. Binigay niya `to noong isinalang ka. Itabi mo `to anak at `wag na `wag mong bibitawan kahit anong mangyari."

Sinarado niya ang palad. Uminit ang singsing sa kanyang balat. Umabot ang init niyon sa kanyang puso. May hawak siyang isang bagay na mula sa kanyang tunay na ama.

"Salamat po," aniya at sinuot ang maliit na alahas sa kaliwang palasingsingan. The metal touched her skin and she felt the warm yet unusual senstation around it. It feels... home.

Nagpatuloy sa pagku-kwento si Madame Winona.

"Magkababata si Andrew at Leonna. Nang malaman ni Alejandro na buntis si Leonna ay sobra `tong nagalit lalo na at `di maipakilala ni Leonna kung sino ang ama. Dahil mahal na mahal ni Andrew ang mommy mo, inako niya ang responsibilidad at pinakasalan si Leonna. Minahal ka niya na parang tunay niyang anak. Naging isa kayong masayang pamilya.

"Hanggang isang hapon habang malakas ang ulan, lumabas ka ng bahay at tumakbo patungong garden. Naglalaro ka sa ilalim ng ulan nang nadulas ka at nasugatan ang tuhod mo. Kahit anung gawin ni Leonna ay hindi ka tumatahan sa pag-iyak. Sumasabay ang iyak mo sa lakas ng ulan hanggang sa nagulat si Leonna nang huminto ang mga patak. Pinatigil mo ang oras, anak. Pinaligiran kayo ng tila libo-libong mga diyamante. Nakakamangha ngunit nakakikilabot rin. Iyon ang unang beses na lumabas ang taglay mong kapangyarihan.

"Labis na nabahala si Leonna dahil alam niyang maaari mong ikapahamak ang kapangyarihan namana mo kay Daniel. Mula noon, binantayan ka nang mabuti ni Leonna sa takot na muling magpakita ang kakayahan mo. Sa tulong ng mahika na ginawad ko sa `yo. Binigyan kita ng proteksyon upang hindi na muli lumabas ang kapangyarihan mo pero kasamang nawasak ang proteksyon na `yon nang makipagkasundo ka sa Tagasundo. Nangyari ang kinatatakot ni Leonna. Nakarating sa mga kalaban ang tungkol sa `yo. Tumakas si Daniel at bumaba ulit ng lupa upang balaan si Leonna sa masasamang plano ng mga kalaban.

"Isa kang natatanging mortal anak. Nanalantay sa dugo mo ang isang pagiging Arkanghel. Nag-iisa ka sa mundong `to kung kaya marami ang mga masasamang nilalang na maghahangad na gamitin ka sa masasama nilang plano. Galit ang mga pinatapon at sinumpang anghel sa mga Arkanghel lalo na sa Ama kaya't gagawin ng mga ito ang lahat upang makapaghasik ng lagim sa buong mundo. Ikaw, ang nakikita nilang susi sa kanilang maitim na mithiin."

Hinawakan ni Winona sa magkabilang balikat si Lexine. Natutulala lang ang dalaga sa lahat ng naririnig niya mula sa manghuhula. Nag-uumapaw na ang mga rebelasyong nalalaman niya. Pakiramdam niya isa siyang bata na pinapakain nang pinapakain at kahit nagsusuka na siya ay hindi pa rin tumitigil ang pagsubo sa kanyang bibig.

"Anak, hindi mo maaaring hayaan na makuha ka ng mga kalaban dahil sa oras na mangyari iyon, hindi lang ang mga tao sa paligid mo ang mapapahamak kundi ang buong sanlibutan."

The revelations slapped her straight to the face. She is the key to the mass destruction! Kung tuluyan niyang isusuko ang sarili sa mga kaaway ay mawawalan ng silbi ang pinaglalaban niya. Hindi lang ang pamilya at mga kaibigan niya ang mapapahamak kundi ang mas marami pang inosenteng buhay. Hindi niya maaatim na mangyari `yon.

Subalit, may isang bagay pa siyang higit na inaalala. "B-but... si Lolo, he's dying, Madame Winona. Pa'no ko siya ililigtas? How can I break the curse?"

Tumuwid ng tayo si Winona at malalim na humugot ng hininga. Pinisil nito ang kamay at pabalik-balik na naglakad sa harapan niya. Ilang sandali pa at nagliwanag ang mukha nito. "May isa pang solusyon."

"Ano po? Gagawin ko lahat maligtas lang si Lolo."

Huminto si Winona sa harapan niya at taimtim na tumitig sa kanya. "Masisira ang sumpa kung mamamatay ang nilalang na nagbigay nito."

Tuluyang bumagsak ang balikat ni Lexine. Paano naman nila papatayin ang kalaban? Hirap nga silang maputol ang sumpa nito. Sa mga kwento pa lang ni Night at Madame Winona, alam na niya kung gaano ito kalakas at kapanganib. Nauubusan na sila ng panahon at anumang sandali ay malalagay sa peligro ang buhay ng lolo niya.

"But how? Hanggang ngayon gabi na lang ang palugid sa `kin. Natatakot akong mapahamak si Lolo. I can't let that happen!"

"Maari kong patagalin ang tuluyang pagkalat ng lason sa katawan ni Alejandro. Habang ginagawa ko `yon, kailangan natin makaisip ng plano kung paano mapapatay ang kalaban. Ang Tagasundo… siya ang may higit na kapangyarihan para labanan ang mga demonyong kauri niya."

Tama! Nabuhayan ng loob si Alexine. Alam niyang mapanganib pero si Night na lang ang pag-asa niya para manalo sa labanang ito. Kailangan niyang makausap si Night sa lalong madaling panahon.

Alam niyang naging selfless siya para magdesisyon na isakripisyo ang sarili at mag-isang harapin ang mga problema niya. But the sorcerres helped her realized na hindi dapat siya nag-iisa sa labang ito. Lalo na at higit pa pala sa inaakala niya kung ano ang plano sa kanya ng mga kalaban. Hindi niya maaatim na maging parte ng paghahasik ng lagim ng mga ito.

No! She won't let that happen! Hindi niya hahayaan na masayang sa wala ang lahat ng sakripisyo ng mga magulang niya. Lalaban siya sa abot ng makakaya niya.

"Sige po, kakausapin ko siya. Maraming salamat Madame Winona sa lahat ng tulong mo. Please, gawin niyo po ang lahat para protektahan ang lolo ko." Hinawakan niya ang kamay ng ginang.

"Nangako `ko kay Leonna na—" Biglang natulala si Winona. Ang mga mata nito ay tumingin sa kawalan.

Nabahala si Lexine sa paninigas ng ginang. "Madame?"

Mabilis na nanlamig ang mga kamay nito at namuo ang pawis sa noo. "Paparating na sila." Kumabog nang malakas ang dibdib ni Lexine. "Kailangan na nating umalis dito."

Nagmadali silang lumabas ni Winona sa restroom. Magkahawak kamay nilang tinakbo ang mahabang hallway ngunit hindi pa man sila nakalalayo nang matanaw nila sa kabilang dulo ng pasilyo ang dalawang lalaking housekeepers. Malayo man ay tanaw nila ang namumuting mga mata at nagkalat na mga ugat sa mukha ng mga ito.

"Ravenium," bulong ni Lexine.

Natataranta silang umatras ni Winona. Bumalik sila sa pinanggalingan at lumiko sa kaliwang hallway ngunit agad din natigilan dahil maging sa kabilang dulo niyon ang may nakatayo rin na dalawang lethium demons. Na-korner na sila ng mga kalaban.

"Ano na po'ng gagawin natin?" namumutlang tanong ni Lexine.

Tinaas ni Winona ang kaliwang kamay nito at pinagalaw ang trolley na nasa gilid ng hallway. Ginamit nito 'yon pangharang sa mga ravenium. Sunud nitong pinasabog ang mga bumbilya sa kisame dahilan upang magdilim ang buong pasilyo.

"Anak tumakas ka na! Ako na'ng bahala rito!"

"P-pero madame, `di ko po kayo pwedeng iwan—"

"Sige na, Alexine. Iligtas mo ang sarili. Tumakas ka na!"

Nagsimula nang lumapit ang dalawang ravenium sa kanilang likuran at dalawang lethium demons mula sa harapan.

"Bilis! Takbo na!"

Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Mabigat man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang unahin ang sarili sa pagkakataong ito. "Mag-iingat po kayo."

Tumalon ang dalawang housekeeper at nagsimula na rin tumakbo ang mga lethium demon patungo sa kanila. Muling pinagalaw ni Winona ang trolley at hinagis sa dalawang housekeeper.

"Bilis, Lexine! Takbo!"

Pinilit ni Lexine na dalhin ang mabibigat na paa at tumakbo sa ibang direksyon. Nilikuan niya lahat ng pwede niyang likuan para makahanap ng daan palabas. Natagpuan niya ang fire exit sa kabilang dulo ng tinatahak na hallway.

"Eskelemis!!!"

Paglingon niya sa likuran ay nakasunod na sa kanya ang isang ravenium na sumanib sa isang matandang waiter. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo at pumasok sa pintuan ng fire-exit. Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan pagtungo sa basement. Nag-echo sa buong lugar ang malakas na hiyaw ng halimaw. Tumindig nang husto ang balahibo niya.

"Eskelemis!!!"

Hingal na hingal na si Lexine nang marating niya ang hangganan ng stairway. Tinulak niya ang metal na pinto at dinala siya niyon sa basement parking. Nakakahilo ang mga sasakyan sa paligid. Nagpatuloy siya sa pagtakbo, panay ang sulyap niya sa kanyang likuran. Nakakita siya ng itim na SUV sa kanan niya. Muli niyang narinig ang hiyaw ng halimaw. Agad siyang nagtago sa likuran ng SUV at bumaluktot na parang bata. Nanginginig na niyakap niya ang sarili. Malinaw sa pandinig niya ang bigat ng mga yabag ng ravenium. Tinakpan niya ang bibig sa takot na makagawa ng ingay.

Ginala niya ang mga mata at tumigil sa side mirror ng sasakyan na nasa kabilang panig ng kinauupuan niya. Nakita niya sa salamin na ilang hakbang na lang at malalpit na'ng ravenium sa kinaroon niya. Shit! Kinapa niya ang kwintas sa leeg pero tila hinugot ang puso niya nang malamang nawawala ito.

"Nasaan si Ithurielle?"

Sigurado siyang suot-suot niya pa si Ithurielle bago siya sumayaw kanina. Paano `yon nawala sa kanyang leeg? Nahulog ba `yon habang tumatakbo siya? Anu na'ng gagawin niya?

"Eskelemis!!!"

"Shit, shit, shit!" Lexine is so frustrated. Paano siya lalaban gayong nawawala ang kanyang kwintas? Saan ba `yon napunta?

Nang bigla siyang may naalala. Kinapa niya agad ang bulsa ng suot niyang maong jacket at agad nabuhayan ng loob nang makapa ang puting balahibo na binigay sa kanya ni Cael. Pinagmasdan niya ang puting balahibo. Ilang beses na niyang nakitang naging espada na gawa sa clear crystals ang balahibo ni Cael pero paano naman niya papalabasin ang espada rito? Paano niya ito gagamitin?

"Eskelemis!!!"

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang lumindol ang pinagtataguang SUV. Pagtingin niya sa itaas ay nakatayo na sa hood ng sasakyan ang waiter.

Tumalon ito patungo sa kanya. Mabilis siyang nakakilos at gumulong palayo. Tumama ang nguso ng waiter sa sahig dahilan upang lalo itong magwala sa galit. Nanlilisik ang mga mata nito na tumitig sa kanya.

Hindi pa siya tuluyang nakatatayo nang mabilis na tumalon ang waiter at nahuli nito ang kanyang paa. Sinipa niya ito sa mukha pero nahuli naman nito ang sapatos niya. Nanigas si Lexine nang harap-harapang nasilayan ang mukha nitong punong-puno ng itim at malalaking ugat habang tumutulo ang itim nitong laway. "Eskelemis yo nari!"

Sinunggaban siya nito. Awtomatiko na umangat ang isa niyang kamay na may hawak sa puting balahibo at tinapat sa mukha nito. Lumabas mula roon ang puting liwanag, nasilaw ang halimaw.

Sinamantala niya ang pagkakataon. Agad siyang kumaripas nang takbo. Kailangan niyang mahanap ang daan palabas. Nahihilo na siya sa nakakalitong pasikot-sikot ng malawak na parking. Natanaw niya ang mga rumorondang security guards. Lumiwanag ang kanyang mukha. Tinaas niya ang mga kamay at kumaway sa mga ito.

"Kuya guards! Help! Help me! Kuya Gua—tangina! Pati ba naman kayo?"

Sabay na pumihit sa kanya ang dalawang pares ng namumuting mga mata. Katulad ng mabagsik na hayop, sabay na bumuka ang bibig ng mga ito at maliksing tumakbo patungo sa kanya. Natatarantang umatras si Lexine at bumalik sa pinanggalingan pero naroon na ulit ang waiter at nag-aabang sa kanya. Wala na siyang kawala.

"Shit! I'm doomed."