Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 98 - Magandang gabi, Alexine

Chapter 98 - Magandang gabi, Alexine

I'LL FIGHT WITH YOU. WE'LL FIGHT THIS TOGETHER.

Naninikip ang dibdib ni Night dahil paulit-ulit niyang naririnig ang mga salitang binitiwan sa kanya ni Lexine. Namumuti na'ng knuckles niya sa kamao sa sobrang panggigigil niyon. Kanina niya pa iniikot ang buong building pero hindi niya makita ang babae.

"Fuck! Where the hell are you, Lexine?"

Paggising niya ay nawawala na si Lexine maging ang mga gamit nito. Sinabi sa kanya ni Sebastién na umalis ang dalaga may anim na oras na'ng nakalilipas. Ibig sabihin ay ganoon na katagal ang nagdaan bago siya naggising. Masyadong naging mahimbing ang pagtulog niya dahil panatag siya na magmumulat siya ng mata na kayakap ang malambot nitong katawan.

Last night was the most peaceful sleep he ever had in hundreds of years. They made love like there's no tomorrow. He was inside the bliss of happiness. Pero agad siyang sinuntok ng masamang bangungot nang magising na mag-isa na lang sa kama. Gusto niyang magalit dahil sa katigasan ng ulo babaeng `yon pero mas magagalit siya sa sarili niya sa oras na may mangyari masama rito.

Halos banggain na niya lahat ng taong nakasasalubong niya sa paghahanap kay Lexine. Ubod ng lakas ng mga kabayong nag-uunahan sa loob ng dibdib niya sa labis na takot at kabang nadarama ng mga sandaling ito. Mababaliw na siya sa pag-aalala. Masama ang loob niya. Nangako si Lexine na magtutulungan silang dalawa pero bakit napakatigas ng ulo nito at kumikilos ito ng mag-isa? Sumasakit talaga ang ulo niya dahil madalas na wala sa ayos ang tapang ng loob ng babaeng `yon.

Nahinto siya nang natanaw niya ang isang pamilyar na buto na mabilis na dumaan sa kabilang panig ng hallway na binabaybay niya.

"Lexine!" Agad niyang hinakbang ang mga paa at sinundan ito. Tumatakbo ang dalaga na tila may tinatakasan. "Lexine!"

Ngunit `di siya nito nililingon at patuloy lang ito sa pagtakbo. Sinundan niya ito hanggang sa pumasok ito ng stairway exit. Pumasok siya roon at natanaw itong tumatakbo pababa. "Lexine, wait!"

Naabutan niya itong nakatayo sa pinakadulo ng hagdanan. Nakatalikod at umiiyak. "Lexine, what the fuck happened to you!? Bakit bigla mo `kong iniwan!?" Napasigaw na siya sa labis na pag-aalala.

"Night."

Nataranta siya at agad itong nilapitan. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at pinihit paharap. Nakatakip ang dalawang palad nito sa mukha nito habang hindi ito tumitigil sa paghagulgol.

Tila yelong mabilis na nalusaw ang galit niya. Bumagsak ang kanyang balikat at mabigat na nagbuga ng hangin. "Hush. I'm sorry, cupcake. Pinag-alala mo kasi ako." Kinulong niya ito sa mga bisig niya at hinimas ang buhok nito. Mamaya na niya `to pagagalitan. Ang mahalaga ay ligtas ito.

"You don't need to be scared. I'm here," aniya habang patuloy na pinapatahan ang dalaga.

Ilang saglit pa at tumigil na ito sa pag-iyak.

"I'm not scared. In fact, I'm happy."

Kumunot ang noo ni Night. Binitiwan niya ang babae at hinarap sa kanya. Nanatili pa rin nakatakip ang mga palad nito sa mukha nito.

"Lexine?"

Nakayuko ang dalaga habang nakasabog ang mahaba nitong buhok. Biglang tumirik ang mga balahibo ni Night sa katawan. Unti-unti nitong tinanggal ang mga palad sa mukha at tumingala sa kanya.

"Hello, my dear son."

Isang makirot na tuklaw ang naramdaman niya sa kanyang batok at mabilis siyang nilamon ng dilim.

***

HINDI ALAM NI LEXINE kung ano ang dapat gawin. Bukod sa lumiliwanag ang balahibo sa kanyang kamay, paano naman niya ito magagamit bilang armas?

Sa kaliwa niya tumatakbo papalapit ang dalawang guards at sa kanan naman ay mabilis na sumusugod ang waiter. Pinagmasdan niya ang hawak na bagay. Matulis ang dulo nito.

"KEEEEEEEHHHHH!!!"

Nag-angat siya ng tingin at tumalon na patungo sa kanya ang waiter. Agad niyang tinaas ang kamay at tinusok sa isang mata ng waiter gamit ang dulo ng balahibo. Umusok ang mata nito at nagsisigaw ito sa sakit. Tinadyakan niya ang lalaki sa pagitan ng mga hita nito. Lalo itong namilipit at tumumba sa sahig.

"Eskelemis por sheke!"

Dalawang guards ang sunud na tumalon sa kanya. Muli niyang nilingon ang namimilipit na waiter. Hinugot niya ang balahibo na naiwan sa mata nito, tinadyakan ito sa mukha at mabilis na hinumpas ang hawak. Diretsong tumusok ang tulis niyon sa leeg ng isang guard na unang nakalapit sa kanya. Umusok din ang parteng tinamaan niya. Nagsisigaw ang halimaw sa sakit. Sinapak ni Lexine ang ilong ng guard pero dahil sa tigas ng mukha nito siya lang ang nasaktan.

"Aw! Fuck!" Nalukot ang mukha niya dahil nabali pa ata ang buto niya sa kamay. Para siyang nanuntok ng pader. Nanghihinang hinawakan niya ang kamao.

"Eskelemis pore pore shelaaaa!"

May natira pang isang guard sa tabi niya pero huli na'ng lahat para umiwas pa siya. Nakatalon na ito at natumba sila sa sahig.

Nakipagtagisan si Lexine ng lakas sa ravenium. Binuka ng guard ang malaki nitong bibig. Lumabas ang gumagalaw nitong dila at handa na siyang sakmalin.

"RAAAAAWWWWRRR!"

Pumikit si Lexine. Ang sakit na inaasahan ay napalitan ng malansa at basang bagay na tumalsik sa kanyang mukha. Kasunod niyon ang pagtumba ng mabigat na katawan ng halimaw sa kanyang balikat. Pagdilat niya ay nakatayo si Ms. Garcia sa harapan niya habang may hawak itong malaking bato na ginamit nito pangpukpok sa bungo ng kalaban.

"Lexine!"

"Ms. Garcia!"

"Let's go! Bilis!" Agad siya nitong inalalayang makatayo. Nagmadali silang tumakbo dahil nagsimula nang bumangon ulit ang dalawang ravenium na tinusok niya ng balahibo.

"This way, Lexine!" sigaw ni Ms. Garcia.

Sumunod siya rito hanggang sa natumbok nila ang pulang honda city na nakarapada sa gilid. Pinatunog ni Ms. Garcia ang lock niyon at mabilis silang pumasok sa loob ng sasakyan. Agad nitong binuhay ang makina. Natatanaw na ni Lexine sa windshield ang dalawang ravenium na papalapit sa kanila. "Shit! Nandyan na sila!" sigaw niya

Natatarantang tinapakan ni Ms. Garcia ang gas, tumunog ang pagkiskis ng gulong sa sahig at mabilis nitong sinagasaan ang dalawang ravenium na humarang sa tapat nila. Napatili si Lexine. Tumilapon ang isa at ang isa naman ay gumulong sa bumper. Agad nitong pinaharurot ang sasakyan palabas.

Saka lang nakahinga nang maluwag si Lexine nang tinatahak na nila ang highway. Nagpakawala siya ng malalim na hangin at nanghihinang sinandal ang ulo sa upuan.

"Oh my God! Thank you so much, Ms. Garcia! Akala ko katapusan ko na!" "Are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong nito na hindi siya nililingon dahil diretso lang ang tingin nito sa daan.

"I'm fine, galos lang," sagot niya. Muli siyang nagbuntong-hininga. Laking pasasalamat niya talaga na dumating ang instructor niya kung hindi ay natuluyan na siya. "Ang dami ko na talagang utang na loob sa inyo Ms. Garcia. Kung `di ka dumating, baka nilapa na `ko ng mga halimaw na `yun!" Nilingon ni Lexine ang katabi.

"I'm glad you're okay," anito habang nanatiling nakatuon ang mga mata sa unahan.

Mula sa maganda nitong mukha ay bumaba ang atensyon ni Lexine sa bulsa ng suot nitong blazer. Dahil sa liwanag mula sa mga poste na nadadaan nila ay may isang bagay na nakasukbit sa bulsa nito na tinatamaan ng reflection. Kumikinang `yon. Nanliit ang mata niya at pinakatitigan `yong mabuti. Kasing bilis ng kidlat na binalot ng lamig ang buo niyang katawan matapos mapagtanto na'ng nakalaylay sa bulsa nito ay ang gintong kwintas niya!

Biglang sumagi sa alaala niya ang sandali na hinagkan siya ni Ms. Garcia bago siya nag-perform sa stage.

"Bakit nasa `yo ang kwintas ko?" pigil hininga niyang tanong.

Sa wakas at lumingon sa kanya ang babae. Namanhid ang lahat ng parte ng katawan ni Lexine dahil ang dating magandang mukha ni Ms. Garcia ay unti-unting nalusaw at lumabas ang isang pares ng dilaw na mga mata na parang sa pusa. Sumilay sa mapulang labi nito ang nakakikilabot na ngiti.

"Magandang gabi, Alexine."

Related Books

Popular novel hashtag