Chereads / Friendly / Chapter 1 - The Prologue

Friendly

gabriel_tan
  • 14
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 87.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - The Prologue

Napaka-friendly niya! Hindi ba niya alam na nasasaktan na ako sa pagiging friendly niya. Nakakapagod na kaya. Napakasakit na kaya. Yun bang in love ka talaga sa kanya, tapos siya? Wala lang para sa kanya. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi pa rin ako marunong mag-move on sa kanya kahit ako na 'yung nagiging tanga kasi nga love ko nga talaga siya sobra.

Dadating ang panahon na makaka-MOVE ON ako sa iyo, pero ang SAKIT na nararamdaman ko ay hindi pa rin MAWAWALA hanggang ngayon lalong lalo na kapag nagkita ulit tayong dalawa.

Feelings can be controlled, but tears never lie. Umiiyak ako kapag nasasaktan ako. Sana naman mapansin mo na ako, na mahal kita. Hindi 'yung sumusobra ka na sa pagiging friendly mo at dahil diyan ay nasasaktan na ako.

Siya nga pala si Ethan Malcolm Kiefler. Gwapo, matangkad, maputi, palangiti, hindi bad boy, at higit sa lahat... crush ko.

Oo, totoo yung narinig niyo, crush ko nga siya. Hindi na nga rin siguro maituturing na crush itong nararamdaman ko para sa kanya. Feeling ko... mahal ko na siya.

Magkaibigan nga pala kami. Yun nga, hindi niya alam na mahal ko siya. Hindi ko kasi kayang sabihin ito sa kanya kasi... nahihiya ako. Atsaka ang panget naman kung ang babae ang unang magtatapat diba. Pero kahit ang panget tignan sa ganoong sitwasyon, in the name of love, gagawin ko para masabi ko lang sa kanya na mahal ko siya.

Pero...

Sumobra pa siguro siya sa pagka-friendly niya. Kasi sinabi niya sa akin na hanggang friends lang kami, wala ng iba.

Nasaktan ako niyon pero hindi ko iyon ipinakita sa kanya. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya sa akin at kung bakit gusto niya na maging friends lang kami. Kasi nga dahil meron siyang ibang mahal bukod sa akin.

Pero kahit ganito siya, sinubukan kong maging martir... kahit alam ko'y nasasaktan na ako ng patago. Alang ala sa kanya, gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya. Gagawin ko ang lahat para ngumiti siya kapag nasasaktan na siya sa relasyong hawak niya. At gagawin ko ang lahat, mapa-tissue man na papahid sa mga luha niya, para lang ma-comfort ko siya... kasi nga... mahal ko siya.

Hanggang dito na lang ba talaga kami? Wala na ba talaga akong pag-asa para sa kanya? Magiging friendly na lang ba talaga ang role ko sa buhay niya? O baka naman kailangan ko na huminto dahil nagsasawa na akong maging friend niya?