Chereads / Horror Tale / Chapter 4 - LIBRARY

Chapter 4 - LIBRARY

HTG's|Note : this happen back when i was in high school . Yea ! So creepy nga ee !

---

LIBRARY

Lunch time noon ng maisipan ng guro naming papuntahin kami sa library. May pinapahanap kasi sya sa amin which is a full detail ng buhay ng mga presedenti. At makikita daw iyon sa library located at second floor malapit sa faculty room namin.

At dahil wala akong friends ng mga panahon na iyon mag-isa kong tinungo ang library. Hindi ko kasi feel ang mga kaklasi ko minsan kasi, mabuti lang sila sa harap pero, kapag naka talikod ka na ayon pag-uusapan ka nila.

May ka plastikan din kasi sila mabibilang mo lang yong mga mababait. Nang nakarating na ako sa library nakita ko ka agad ang mga kaklasi ko na nag uunahang makahanap ng pinapagawa ni maam.

Nag simula na akong mag hanap ng research namin. Hanap ako ng hanap pero, hindi ko mahanap yong hinahanap ko. Hanggang na punta ako sa pinaka dulo ng library. Patuloy parin akong nag hahanap hanggang sa may na hagilap ang mata ko sa kanang bahagi.

Parang may dumaan na babae na naka P.E uniform namin. Napailing na lang ako baka, mga kaklasi ko lang tinatakot ako. Nag patuloy parin ako sa ginagawa ko. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

" Cassandra? Meldrid? Kayo ba yan? " isa-isang sambit ko sa pangalan ng kakilala ko. Pero, wala namang sumagot sa kanila.

Binalik ko uli ang pag hahanap ko ng may nakita akong libro. Napangiti naman ako dahil ito kasi yong hinahanap ko kanina pa.

" Tsss! Nandito ka lang pala! " naupo ako sa may table at nag simulang mag list down.

" Kathe? ( kate pag pronounce silent H XD ) ka-kanina ka pa dyan? " napaangat naman ang noo ko sa pamilyar na boses.

" Oh! Cassandra at Meldrid. Kanina pa ako dito. Buti na lang nahanap ko yo--- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng napansin kong namumutla sila.

" Hoy! Anyari sa inyo? " naupo sila sa tabi ko at nag simulang mag kwento.

" ganito kasi yon Kathe. Habang nag hahanap kami ng libro about doon sa topic ni maam. Nakita ka namin sa dulo ng library. " nakatulala ako sa sinabi ni Cassandra.

" ah! Oo, nandoon ako kanina. Pero, dalawang oras na ang nakalipas. Tatlong oras na akong nakaupo dito. " paliwanag ko.

" yon na nga eh! " asik ni Meldrid " kasi, hanggang ngayon nandoon ka pa rin. Naka P.E uniform ka. " napa kunot naman ang noo ko sa sinabi nila.

" baliw! Paano nangyari yon eh! Wala nga akong P.E uniform eh! Baka, hindi ako yon. " sagot ko. Totoo naman kasi eh!

Nag ring na ang bell agad kaming tumayo at bumalik sa room namin. Nauna na sila Cass at Mel. Dahil na curious ako sa sinabi nila pinuntahan ko ang dulo ng library.

Nakatayo pa lang ako tanaw ko na ang dulo ng library. Pero, wala namang tao doon. Pinag loloko lang ata ako ng mga iyon. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ng may napansin akong tao sa dulo ng library.

May nakatayo at natatakpan ito ng kahoy na nilalagyan ng mga libro. Nilakihan ko ang mga mata ko at biglang na wala.

" baliw ka na Kathe! " usap ko sa sarili ko at inayos ang dala kong libro. Nang may lumapit sa aking tatlong babae. I think, second year high school sila.

" ate! May nakita ka bang babae dito? " umiling lang ako.

" naka P.E uniform sya tapos mahaba ang buhok? " sabi ng kasama ng babaing naka salamin.

" kanina pa kasi namin sya pinag mamasdan. Akala nga namin ikaw eh! " sabi ng naka pony tail.

" Oo nga ate! Pero, nang napansin naming kanina ka pa pala nakatayo dyan. Kaya, nilapitan ka na namin. " napalunok naman ako ng laway sa sinabi nila.

" Hi-hindi ako yon! Kakarating ko lang nga dito eh! Sige, mauna na ako sa inyo ha? " dali-dali akong nag lakad palabas.

Pinag papawisan na ako sa mga naririnig ko. Sino ba kasi yong babainh naka P.E kuno? Nag simula na ring tumaas ang mga balahibo ko. Hanggang sa ....

" Aaaaaaaah! " nag sigawan at nag takbuhan yong tatlong babae na kausap ko kanina.

" miss? A-anong nangyari? " hila ko sa isa at tinanong.

" yong mga libro! Isa-isang nahulog! " pagka tapos nyang sinabi yon agad itong tumakbo. Tumingin ako sa paligid ko napansin kong, kami nalang pala ng tatlong babae ang tao kanina.

Paalis na sana ako ng biglang dumating yong tagapagngalaga ng library. Nginitian ko na lang sya at umalis na. Hindi pa lang ako nakakahakbang tinawag na ako ng librarian.

" Miss! Bakit ka nag kalat dito? Isa pa bawal kang pumunta dito ah? Sino adviser mo? " tanong nya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang mag ligpit.

" bakit bawal po dito? " natanong ko bigla. Nakita kong sumeryoso ang mukha nya at nakatingin sa akin.

" may nag mumulto dito. Kaya, wala kaming pinapahintulutang pumunta sa dulo ng library. Hindi pa kasi ito napa blessingan. Aware akong hindi ikaw ang may gawa nito. Ayoko lang manakot sa mga kasamahan ko dito. Nakikita mo sila? Wala silang alam sa ganitong kwento. " so? Totoo yong babae kanina? Sya yong nakita nila at hindi ako?

" Hindi nyo ba napansin ang sign? " tanong nya uli.

" sign? Ano pong sign? " taka kong sagot. Kasi, pag pasok ko palang wala na akong nakita or napansing sign na sinasabi nya.

" nag lalagay kami ng sign na BAWAL PUMUNTA DITO naka lagay sa puting board. " paliwanag nya.

" pasensya na po ha? Wala po kasing sign kaya, pumasok na lang kami. " sagot ko. Napa buntong hininga na lang sya at sinabi.

" baka, kinuha na naman nya. Haay! Kailangan na talaga itong mapa blessingan. " pagka tapos naming mag ligpit nay nahagip ang aking mga mata.

Yong babaing naka P.E uniform na sinasabi nilang ako. Nakatayo sya at naka tingin sa amin. Na pansin ko ring may hawak syang white board na may nakasulat na ...

BAWALA PUMASOK DITO ! Nakalagay ang kamay sa mga labi nya. Nabato ako sa kinatatayuan ko dahil unti-unting nagiging klaro ang mukha niya.

Naaagnas na ang kanyang mga balat at maraming uod ang lumalabas sa kanyang parti ng katawan. Napatakbo ako sa nakita ko at pinangakong hindi na pupunta sa library na iyon.