Chereads / Horror Tale / Chapter 7 - MAY KASAMA AKO

Chapter 7 - MAY KASAMA AKO

HTG's|Note : totoong nangyari to sa KAIBIGAN NG PINSAN KO . sobrang tagal na share ko lang . baka , nangyari na din to sa inyo. Enjoy reading ...

---

MAY KASAMA AKO

Kakauwi ko lang galing school noon. Naabutan ko ang ate na nag bibihis. Wala na kasi kaming mama at papa. Kami na lang yong natira sa pamilya namin.

" ate? Saan ang lakad mo? Bihis na bihis ka ah? " tanong ko habang hinuhubad yong sapatos ko.

" nagyayaya kasi yong mga kaibigan ko. Lilibre daw nila ako manuod ng sine. " ngiting-ngiti si ate habang suot nya ang damit nyang bago.

" ganun ba? Okay. " walang gana kong sabi at pumanhik na sa kwarto. Nag liligpit ako ng gamit ko at nilinisan ko ang kwarto ko.

Nag paalam na si ate sa akin. Baka, gabihin daw sya sa pag-uwi kumain na lang daw ako. Sinali ko na rin sa pag lilinis ang kwarto ni ate. 4:40 na nung nakaalis si ate.

Nag simula na din akong ma bored. Lumabas muna ako at pumunta sa bahay ng kaklasi ko. Malapit lang ang bahay nila sa amin. Nag kwentuhan lang kami about sa crush nya. Kaklasi din namin yong crush nya.

Hindi ko alam bakit crush nya yon. Eh! Ang sungit nun, ang maldito nun, ang bully pa. Nako! Love is blind talaga. Nag movie marathon kami, kung ano-ano na lang ang pinapanuod namin.

Nakaramdam ako ng gutom. Nakikain narin ako sa kanila tinatamad kasi akong mag luto. Pass 8:30 na nung maka uwi ako sa bahay namin. Pag dating ko wala pa ang ate.

" grabi! Ang tagal naman ni ate. " inis kong sabi sa sarili. Hinihintay ko kasi ang ate baka, may dala itong pasalubong. Pero, 9:45 na wala pa rin sya.

Hindi kasi ako sanay na late umuwi ang ate ko. Hindi ko namalayang na nakatulog pala ako sa sofa sa kahihintay kay ate. Naalimpungatan ako ng biglang umingay sa kwarto ni ate. Napatingin ako sa orasan alas 11:55 na. Napatayo ako at nag-unat ng sarili.

" ate! Ang tagal mo namang umuwi? May dala ka bang pasalubong? Nakatulog ako kahihintay sayo eh! " asik ko. Ngunit, hindi nya ako sinagot. Pagod siguro si ate.

Wala akong nagawa kundi pumasok sa kwarto ko at doon itutuloy ang pag tulog ko. Hindi ako mapakali sa kama ko. Parang naiinitan ako na nilalamig? Ewan ko? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakirandam.

Lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig. Halos, walong baso ang naubos ko. Napailing na lang ako at umupo sa sofa. Napa buntong hininga ako at nahiga sandali.

Naalimpungatan na naman ako ng may sumagi sa aking paanan. Muli ay napa tingin na naman ako sa orasan. Alas dose na ng madaling araw. May nakita akong anino na naka suot ng damit na suot ni ate kanina at papunta ito sa kwarto niya. Kinusot-kusot ko ang aking mata at nilakihan ito.

" ate? " walang sumagot sa akin. Napahinga na lang ako at humiga ulit. Pinikit ko ang aking mata at pinilit na makatulog. Napag pasyahan kong dito na lang muna matulog. Mas kumportable ako dito keysa sa kwarto ko.

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako. Agad akong naligo at nag bihis hindi na ako kumain baka, malate pa ako. 7:30 na kasi ang tagal ko palang nagising. Nag taka naman ako kasi, hindi ako ginising ng ate. Usually kasi, she's the person who wake me up early. Tapos, naka prepare na ang almusal sa lamesa.

Pinag sa walang bahala ko na lang iyon baka pagod na pagod si ate. Mas nag taka pa ako dahil, naka lock padin yong pinto? Sa pagkakatanda ko, hindi ko ito binuksan kagabi. Paano sya naka pasok? Ipinilig ko ang aking ulo.

" paranoid na siguro ako. " usap ko sa sarili ko. Nanuod kasi kami kagabi ng kaklasi ko ng horror. Baka, ito ang dahilan ng pagka paranoid ko.

Buti na lang hindi ako late sa klasi. Maaga kaming dinismiss ni maam dahil may meeting daw sila. Habang nag lalakad ako nakita ko yong kaklasi ko. Nag kwentuhan na naman kami about sa napabuod namin.

" Oy! Balik ka daw sa bahay namin Niña sabi ni mama. " sabi nya at inakbayan ako.

" oo naman! Sarap nang luto ng mama mo eh! " sagot ko at nag apiran kami.

Masaya akong umuwi ng bahay. Malayo pa lang ako tanaw ko na ang ate ko na nakatayo sa pinto. Patakbo akong pumunta sa kanya.

" ate! Ba't nasa labas ka? " nakangiti kong tanong sa kanya.

" ano ka ba naman Niña! Ba't di mo ni lock yong pinto? Baka, nakawan tayo sa ginagawa mo eh! " umuusok ang ilong ni ate sa galit.

" ate Nana naman eh! Bakit ko pa ilolock eh nandyan ka naman? " sabi ko at pumasok na sa bahay. Tinanggal ko narin ang sapatos ko.

" ano? " takang tanong nya. Nakatingin ako sa ate kong nag tataka. " anong nandyan ka naman? " sabi nya na tila hindi nya naiintindihan ang sinasabi ko.

" ate ganito kasi yon. " huminga muna ako ng malalim at nag paliwanag sa kanya. " umuwi ka kasi kagabi. Hindi ko na nilock kasi andyan ka naman. " naka nganga si ate sa sinabi ko.

" baliw ka ba? Eh! Kakauwi ko nga lang eh! " ako naman ang napa nganga.

" siraulo ka ba ate? Umuwi ka kagabi. Nasagi mo pa nga paa ko eh? Kinusap pa nga kita ate Nana. Tapos, nakita ko ang anino mo pumasok ka sa kwarto mo. " naka pameywang kong sabi sa kanya. Nganga na naman sya with matching luwa ang mata.

" si-sigurado ka Niña? Ak-ko talaga yon? Kasi ... Ano ... Kuan ... " tumango ako sa kanya.

" oo ate! Sigurado akong ikaw yon. Yon din yong damit na suot mo ngayon eh! "

" eh kasi Niña, nag sleep over kami ng friends ko. Tinatawagan kita sa phone mo hindi naman kita ma contact. " paliwanag ni ate sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi nya.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ito. Totoo nga ang sinabi ni ate. Naka 15 miss calls na sya at 9:45 ang oras ng pag tawag nya. Naiwan ko kasi kahapon ang phone ko sa bahay.

" Niña? Okay ka lang. " tumango lang ako kay ate.

Kung ganun hindi si ate yon at hindi ako nag-iisa. May kasama ako.