Chereads / Horror Tale / Chapter 6 - ANG KWARTO PRT.2

Chapter 6 - ANG KWARTO PRT.2

HTG's|Note : kwentong ito ay totoong nangyari sa kaibigan ko noong first year high school sya . Wala lg share ko lg ...

Enjoy reading ....

----

ANG KWARTO PART TWO

Alas dose ng tanghali napag pasyahan ni mama na mag grocery. Wala na kasing stock yong reff namin.

" Elen, hindi ka ba sasama? " tanong ni mama sa akin na nakataas ang kilay.

" si Beth na lang po ang isama nyo ma. May gagawin pa kasi ako eh. " naka kunot ang noo nya sa akin. Hindi ko na iyon pinansin dahil may gagawin pa pala ako.

" oh sha! Aalis na ako. " paalam nya.

" ma, si Beth ba't di nyo sina---- " napahinto ako dahil nakaalis na pala si mama.

Napailing nalang ako at pinag patuloy ang ginagawa. Assignments maraming assignments. Nasa first year high school na kasi ako. 2nd week pa lang ng klasi tambak na ang mga assignments.

Nahinto ako sa pag-aaral ng biglang tumayo si Beth. Kanina pa kasi sya nakaupo sa sofa at parang nag tampo kay mama.

" Beth? Okay ka lang? " hindi nya narinig ang tanong ko at nag derederetso papunta sa kwarto nya.

Napa buntong hininga na lang ako at nag patuloy sa pag-aaral. Kailangan ko na kasi itong matapos dahil sa lunes na ang deadline nito. Sabado kasi ngayon dalawang araw na lang kailangan ko nang matapos ito.

" Ano ba yan! Ang hirap ng equation! " inis kong sambit sa sarili ko. Kanina pa kasi ako solve ng solve eh wala namang nangyayari. Paano to matatapos?

" nalimutan ko pa ang formula. Nimal! " napa sabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. Hindi ko kasi na copy yong formula na sinulat ni maam sa black board.

Tinatamad kasi ako noong oras na yon eh! Habang nag seself talk ako biglang kumalabog yong kwarto ni Beth na kinagulat ko.

Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Malakas kasi ang pag sipa nya sa pinto. I manage to calm myself and talk to Beth.

" Beth! Ano bang nangyayari sayo ha? Kapag yang pinto mo nasira lagot ka kay mama! " galit kong singhal sa kanya habang nakaupo parin sa upuan ko.

Hindi siya tumigil sa kakasipa ng pinto nya. Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng ingay na nagagawa nya.

" Beth! Stop it!! Lumabas ka nga riyan! " biglang tumigil ang kasisipa nya sa pinto. Napa hinga naman ako ng maluwang.

Pinag patuloy ko ang paggawa ng assignments ko. Napa tingin uli ako sa kwarto ni Beth buti na lang at nakinig sya sa akin. Dalawa lang kaming mag kakapatid ako ang ate at si Beth naman ang bunso.

Grade 4 na sya sa paaralan ng elementarya. Bilib din ako dyan sa kapatid ko eh! Ang talino nya lagi syang top 1 sa klasi. Samantalang ako top 5 lang parati.

" nag tampo siguro yon dahil hindi sinama ni mama mag grocery. " asik ko at tinuon ang pansin sa assignments ko.

Ilang oras ding natahimik si Beth sa loob ng kwarto. Alas tres na ng hapon napag pasyahan kong lumabas bibili ng meryenda. Nakakagutom kasi sa dami ba naman ng assignments mo tingnan natin kong hindi ka magutom.

" aling Maria pa bili nga po ng piatos dalawa at dalawang C². " sabi ko habang kinukuha ang pera sa wallet ko.

" napaka takaw mo pa la Elen. Hindi ka naman tumataba. " patawang sabi nya at pinalo pa ako sa braso ko.

" hindi po ako matakaw aling Maria. Sa kapatid ko po yang iba. " nanigas naman sya sa kinatatayuan nya. Nag taka naman ako sa reaksyon nya.

" gaganun ba Elen? Sisige ... " nanginginig sya habang iniabot yong pinamimili ko. Nag paalam na ako kay aling Maria at pumasok sa bahay.

" Beth! Ito oh piatos at C² tara kain tayo. " katok ko sa kwarto nya at pinilit na kumain kami. Pero, wala syang kibo ni hindi nga ako pinag buksan.

" Beth??? Ayaw mo ba nito? Diba favorite mo tong piatos at C²?? " hindi na naman sya umimik. Tulog siguro.

Bumalik na ako sa upuan ko. Tinabi ko na lang itong piatos at C² nya. Nasa kalagitnaan ako ng pag memeryenda ng bigla na namang kumalabog ang pinto nya.

Ano bang problema ng batang ito? Kasalanan to ni mama eh! Kung sinama nya sana si Beth eh hindi sana mag tatampo yong bata. Hinayaan ko na lang syang magsisipa sa pinto nya.

Wala naman akong magawa eh! Ayaw naman nyang lumabas at ayaw nyang kumain. Ma pride talaga tong kapatid ko kahit kailan. Hindi ako makapag fucos dahil sa pinaggagawa ni Beth.

" Beth! Ano ba?? Kanina ka pa ah?? " sigaw ko. Patuloy parin sya sa pag sipa sa pinto. " Beth! Naiinis na ako sayo! Ano ba!!! " hindi parin sya tumitigil sa kasisipa sa pinto.

Sumasakit ang ulo ko sa batang ito! Hindi naman matigas ang ulo nito ah? Mas mabait pa nga sya sa akin eh! Pinigilan kong magalit at nag fucos. Napatayo ako sa upuan ko ng hindi ko kinaya ang ingay sa loob ng bahay.

Agad akong nag tungo sa kwarto nya. Bigla namang natigil ang pag sisipa nya ng binuksan ko na ang kwarto. Napapikit pa ako dahil sa inis ko.

" Beth naman! Ba't ang tig---- " nanigas ako bigla ng makitang walang tao doon. Tanging gamit lang nya at mga unan na nag kalat.

Nag simula ng gumapang ang takot ko sa aking katawan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Naalala ko tuloy ang reaksyon ni mama kanina pati ni aling Maria.

Unti-unti kong naaalala ang lahat na nangyari. Tumulo ang mga luha ko sa aking mukha. Nadatnan ako ni mama na nakatayo sa kwarto ng kapatid ko.

" Elen? Anong nangyari sayo? " tanong nya. Tulala parin ako habang nakatayo at naka hawak sa door nkob. " namiss mo na ba ang kapatid mo? Matagal na rin simula noong mawala sya. " pigil hininga akong lumingon sa kanya at patakbong pumunta sa kanya at niyakap sya.

Ngayon ko lang napag tanto na matagal na palang patay ang kapatid ko. Naaksidente sya. na bunggo ng taxi habang tumatawid ito sa kalsada.

---

A|N : Yeps ! Nag mumulto parin ang kapatid nya sa kanya hanggang ngayon . pero , this time hindi na daw sya natatakot . Kapatid naman daw nya yon ee !

---