Chapter 8
Likewise
"Jess! Si Cyprian, oh!" Mahinang sabi sa akin ni Beatrix at pasimple pa akong sinipa sa ilalim ng puting ilaw— kidding aside, sa ilalim ng table. We're currently eating pork chop here at yellow canteen.
I scrunched my nose. "Hindi mo pa nakakalimutan 'yun? Grade six pa tayo nung naging crush ko siya at grade 10 na tayo ngayon..."
"Iyon na nga, e. Tingnan mo, mas lalo siyang gumwapo ngayon kumpara noong grade six pa lang tayo." She giggled.
"Tsaka balita ko break na daw sila nung girlfriend niya, si Missy." Dagdag niya pa.
Matagal-tagal din ang naging relasyon nina Cyrprian at Missy. No'ng grade six pa lang kami ay sila na tapos ngayong Grade 10 lang sila nagkahiwalay.
Tumingin ako kung nasaan si Cyprian. Kasalukuyan siyang nakapila sa isang booth na nagbebenta ng lunch na di kalayuan kung saan kami nakapwesto ni Beatrix. He's wearing his aeronautical uniform. Kahit naka side lang siya ay hindi ko pa rin makaila ang kagwapuhan niya.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Beatrix at tipid siyang nginisian. "Wala pa rin naman akong chance diyan, e." I said while shaking my head and then I took a sip of my coffee jelly drink.
Naningkit ang mga mata niya. "How can you say so? Hindi mo pa naman sinusubukan."
"And I wouldn't dare..." I replied.
"Why not? Paano malalaman kung hindi mo susubukan?"
I chuckled ridiculously at her while placing my cup back on the table.
"Alam ko na kaya nga wala na akong balak na subukan. Boys like Cyprian will never fall for ugly girls like me. Na-uh."
Pumalatak si Beatrix at pabagsak na isinarado ang paper box saka ako sinamaan nang tingin.
"You are not ugly, Jess. Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo 'yan?" mariin niyang sabi sa akin.
Beatrix doesn't like it when I'm being honest about my physical appearance. Nalulungkot siya kapag dina-down ko ang sarili ko... I don't intend to demote myself, I'm just acting according to what I see in the mirror.
I don't want to sound bitter pero iyong mga ibang babae na ka-edad ko habang nagdadalaga lalong gumaganda, ako nagdadalaga lang.
Just like Beatrix. As she grows up, the more beautiful she gets. Maputi siya, makinis ang mukha, at magaling siyang magdala ng mga damit na isinusuot niya.
And then there's me. The DUWAF. DUWAF as in Designated Ugly Walking Acne Friend.
"Naririnig mo ba 'ko, Jess? Acne doesn't make you ugly!"
"When you're already ugly..." Segunda ko na may kasamang ngisi.
Her forehead ceased as she shakes her head slightly. "Hindi ka nga pangit sabi. Walang pangit sa'ting dalawa! Natatandaan mo, palagi nilang sinasabi na magkamukha tayo?"
The inner me is begging to disagree. Parang lugi pa ang best friend ko kapag sinabi nila na magmukha kami e ang ganda-ganda kaya niya. A beauty that will make everyone's head turn. Artistahin kumbaga. Bagay na bagay nga ang kulot niyang buhok sa kanya.
She could attend a ball without a make up on and getting her hair done and she'd still look perfect.
I don't envy my best friend, in fact I'm always happy for everything that she achieves in life. Just seeing her shine is enough for me kahit na sa tuwing nadidikit ako sa kanya ay lalong naghuhumiyaw ang kapangitan kong taglay.
I've started to become the DUWAF when we were in eight grade. I don't know how that happened, it started with just a single damn pimple and et voila, humayo sila at nagpakarami.
"So, nagreview ka na ba sa TLE?" Pang-iiba ko na lang ng topic. I badly want to cut our previous topic because I know that if it'll go on, it will just lead Beatrix to say stuff like 'You're beautiful, Jess.' and I don't want that. I don't want to hear compliments out of pity.
Isa pa, wala naman talaga akong pakialam sa opinyon ng iba sa pagkatao ko. Their opinion won't define the real me, their opinion will remain as opinion only.
I'm ugly and happy and that's the only thing that matters to me.
Umawang ang bibig niya at ang kanyang mga mata ay parang may gustong sabihin, nahalata niya kaagad ang pang-iiba ko ng topic and thank God dahil hindi na pinush ni Beatrix ang topic namin kanina. Sinagot niya na lang ang tanong ko.
Nang matapos naming mag lunch ay bumalik na kami sa building namin. We rode the elevator since third floor kami. Marami kaming mga kaklase at ka batch na nakasalubong sa elevator at hanggang sa corridor dahil kakatapos lang namin halos mag lunch.
There are two girls from the section next to our room who are walking in front of us. Mahinang napapalatak si Beatrix at inirapan ang dalawang babaeng nakatalikod dahil sa bagal nilang maglakad.
Hinawakan ko ang braso niya at mahinang tinawanan. "Chill..." I whispered.
"Tsk. Kasi naman..." Reklamo niya. Inilingan ko na lamang siya.
Nang makarating na kami sa room namin ay kaagad nahagip ng mga mata ko ang mga tingin ni Anthony sa best friend ko. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may bintana kasama ang mga kaibigan niya. Anthony is one of the good looking guys in our section pero unang tingin pa lang ay alam kong wala na siyang chance kay Beatrix.
Beatrix likes discreet guys and Anthony is the opposite. He's just too obvious.
"Argh! I swear I'm going to jab this Anthony's eyes with my fingers kapag hindi niya pa tinigilan ang kakatitig niyang 'yan." Naiiritang bulong ni Trix sa akin habang papalapit kami sa place namin sa may bandang harapan.
"H'wag mo na lang pansinin. Tinitingnan ka lang naman, e..." Pagkakalma ko sa kanya.
"Iyon na nga, e. Ang creepy kaya! Why does he have to look at me all the damn time? Feeling CCTV? Nakakaimbyerna!" Mahina ngunit mariin niyang bulong. Natawa na lang ako at napailing.
Hay, I don't know what to do with this girl anymore. She's complaining that she's single pero kapag may nagkakagusto sa kanya diring-diri naman siya.
"Punta muna 'kong CR saglit... Naiihi na 'ko." Paalam ko.
"Ayaw mong samahan kita?"
"H'wag na... Start mo na magreview tapos i-review mo din ako pagbalik ko."
Tumango siya. "Okay..."
Paglabas ko ng room ay saktong may tatlong lalaking naglalakad sa may unahan ko. Mukhang katulad ko ay kakalabas lang nila sa room nila na katabi ng room namin.
I sighed in relief. Mabuti na lang at mas nauna sila at hindi ako ang nasa unahan nila. I mean, I know all girls out there get what I'm trying to say. Ang awkward lang kasi kapag mag-isa ka tapos mapapadaan ka sa grupo ng mga lalaki.
I made my every step slower than the usual pero ang nakakairita pa ay mas mabagal silang maglakad dahil nagkukwentuhan pa sila. I clenched my teeth. Gusto kong kumanta ng Ave Maria dahil parang may prosisyon sa bagal nilang maglakad!
"Bobo naman yung grupo ni Anthony, e. Lalo na siya. Matatalo natin 'yon." Dinig kong sabi noong nasa may gitna.
"Ulol! Ang galing no'n, e! Nakalaro namin siya minsan 5 V 5 talo kami, bro."
"Bitter lang 'yan kasi karibal niya kay Beatrix Ponce de Leon si Anthony." Sabi no'ng isa pa.
Hindi na 'ko nagulat nang malaman kong gusto nung nasa gitna ang best friend ko. Ang ganda-ganda kaya niya. Ang daming nagkakandarapa sa kanya pero wala naman siyang gusto, okay na rin 'yon. Kaysa naman sa umiyak lang siya dahil nakapili siya ng maling lalaki.
Humalakhak iyong isa. "Sinabi ko naman sa'yo, pare negats si Beatrix! Paasahin ka no'n pero 'di ka jojowain." Sinamahan niya pa ito nang pag-iling.
"Oo nga, having feelings for Beatrix is a suicide, bro. Marami nang pinaasa iyon... One second she's into to you and then next thing you know wala na siyang pake sa existence mo."
Napairap ako at bigla akong nakaramdam ng inis. How dare them talk shit about my best friend? Kasalanan naman nila kung bakit inaayawan sila ni Beatrix. They're too clingy, too demanding, too cocky, lahat na nang 'too' nasa kanila na!
"Bakit hindi na lang 'yung best friend niya 'yung ligawan mo?" Sabi nung isa. Muntik akong matigilan sa paglalakad.
"Sino?"
"Si Jess Travieso! Bakit hindi mo kilala e halos hindi na nga mapaghiwalay ang dalawang iyon!" Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang pangalan ko.
Ramdam ko rin ang biglaang mabilis na pagpintig ng puso ko. The hell! Hindi ko ata gusto kung saan patungo ito. Shit!
"Maganda rin ba?"
"Mayaman, pare!" Tumatawang sabi noong isa.
"Maganda nga?" Ulit pa no'ng may crush kay Beatrix. Umigting ang aking bagang.
Please stop. Please. Bakit ba ang bagal nila maglakad? I don't want to hear another word from them! Gusto ko nang mag CR!
"Medyo matangkad..." Tumawa rin iyong isa na para bang isa akong katawa-tawa.
"Tangina, tinatanong ko kung maganda, kung ano-ano naman sinasabi niyo!"
"Oo, maganda... 'yung buhok." Humalakhak iyong dalawa at napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang binubukas sara ko ang palad ko.
"Gago!" Mura no'ng lalaking nasa may gitna at nakisama na rin siya sa pagtawa. Doon ako napuno. Umakyat baba ang aking dibdib dahil sa iritasyon na aking nararamdaman sa tatlong ito.
I cleared my throat, loud enough for this three assholes to hear. Sabay-sabay silang napalingon sa akin at iyong dalawa na nasa magkabilang side noong lalaking nasa may gitna ay halos takasan na ng kulay nang makita ko.
"Wow, happiness? Sayang-saya sa buhay? At ang bagal nating maglakad. May prosisyon?" Sarcastic kong sabi.
"J-Jess..." Nauutal na banggit noong isa sa pangalan ko. Nagulat ang lalaking nasa gitna at nagkatinginan sila nung dalawa.
"Yes, it's me. The one and only." Sagot ko at tinaasan sila ng kilay.
Natawa ako nang bahagya sa hitsura nila. "Guys, you look like you've seen a ghost... It's just me, Jess. Pangit lang ako pero hindi ako multo."
Hindi pa rin sila makasagot. They were like thieves caught red handed. Gusto ko na lang matawa dahil kanina ang dami nilang alam na banat habang pinagtatawanan nila ako ngayon namang nasa harapan nila ako ay hindi sila makatawa.
You see the problem with people nowadays? Malakas ang loob nilang pagtawanan ang isang tao kapag nakatalikod ito pero kapag nakaharap na siya ay hindi na nila magawa.
I don't see anything in them but a fool trying so hard to be cool.
I took a step forward. "Minsan dapat marunong din kayong makiramdam sa paligid niyo, hindi 'yung puro kuda lang... If you're going to talk shit behind someone's back, make sure that she's not behind your back..."
"H-Hindi naman ikaw ang pinag-uusapan namin. Ikaw lang ba ang Jess sa eskwelahang ito?" The stupid one tried to defend their stupidity.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, sinabi ko bang ako ang pinag-uusapan niyo?"
Hindi siya nakasagot ngunit bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.
"You know, my dad once told me that bullying is a crime and punishable by the law. Ang sabi pa nga niya kapag daw may nang-away sa akin, sabihin ko lang and he will bring the best lawyer with him on his way to this university. Only child kasi ako, kaya lahat nang gusto ko ibinibigay sa akin. Sa mansyon ka lang namin makakakita ng pangit na prinsesa kung ituring... anyway, share ko lang naman." I grinned with a dark and warning aura before crossing my arms on my chest.
Mas lalo silang natakot at halos manginig na ang kanilang mga tuhod. Embarrassment is written on their faces, hiyang-hiya sila sa sarili nila and I'm loving it.
The most embarrassing thing that could happen to you is not when you slip in front of a crowded people, it's when you get embarrass by yourself. Because we all think that we are always right but when yourself starts to disagree with what you think of yourself, that's humiliating and ego degrading.
Tinawanan ko sila at itinuro daan papunta sa CR. "Ayun ang papunta sa CR, it looks like you three are about to pee in your pants... By the way, it was nice talking to you three. Have a fantastic life!" Nakangisi akong sabi at nilampasan na sila.
"J-Jess..." nauutal na tawag noong isa sakin. Mas lalo akong napangisi ngunit hindi ko na sila hinarap.
"Jess!" I heard desperation in his voice and I was too kind to show mercy on him. My dad taught me to be kind to animals, so...
"Yes?" I looked at them over my shoulder.
"M-Magsusumbong ka ba? S-Sorry na. Hindi na mauulit. I know your family is rich and it's easy for you to get us expelled in this university but please, Jess. Maawa ka naman sa'min..."
I sneered. "Akala ko ba hindi ako ang pinag-uusapan niyo? Hindi lang naman ako ang Jess dito sa eskwelahang ito, 'di ba?"
"Sorry, Jess... Please, maawa ka na sa'min. We don't want to get expelled." He said instead.
"I've been merciful enough to stop and listen to you when you called my name. I just want to pee and there you are, bugging me. Hindi ba abusado na kayo masyado? But regarding to your plea... pag-iisipan ko."
And with that, I turned my back at them at dumiretso na nang baba sa stairs para makapag CR.
I was alone inside the girl's comfort room at nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay saka ako nakaramdam nang kaunting kabigatan sa aking dibdib.
I felt a little down. I have pimples all over my face, para na akong pimple na tinubuan ng mukha. Hindi naman ako ganito dati. I used to be pretty, too but then this happened. My mother has already spent a lot of money just to get rid of these pimples pero wala, e. Mahal talaga ako ng mga pimples ko.
In life, you can't really have it all. Nakukuha ko nga ang gusto ko at mayroon akong dalawang loving parents pero ganito naman ang hitsura ko.
Madalas, tinatawanan ko na lang pero minsan talaga hindi ko maiwasang makaramdam ng pagka-down and I hated moments like this. I trained myself to always act nonchalant, I have to always show people that even though I'm ugly they still don't have the free pass to fuck me up.
Imbes na pumasok ako ay naisipan ko na lang magpunta sa basement sa PGN building. Hindi naman ako pwedeng manatili sa canteen ng building namin dahil baka may kaklase ako na makakita sa akin at isumbong pa ako sa TLE teacher namin.
I just don't have the strength to take the quiz right now. Iyong mga nireview ko nakalimutan ko na dahil halo-halo na ang mga pumapasok sa isipan ko.
After a few tiring walk, natanaw ko na ang building na pupuntahan ko. For me, PGN is the fanciest building here in HAU. Sa malayuan kasi ay kulay asul ito dahil sa mga bintana niya at its design and structure is nice.
Bago ako bumaba sa may basement ay kinuha ko muna ang phone ko. I've received multiple texts from Trix.
Beatrix:
Nasaan ka na? Nandito na si ma'am!
Beatrix:
Bigyan niya daw tayo ng 15 minutes to review.
Beatrix:
Jess, we're about to start. Where the hell are you?
Beatrix:
Tsk. Hinahanap ka niya, sinabi ko na lang na nasa clinic ka dahil sa dysmenorrhea. I'll take the quiz at tatandaan ko na lang ang mga questions para sa'yo.
Napangiti ako. I love the bond between Trix and I. I know it's cheating but the fact that she shows her concern to me is everything.
I composed a reply.
Me:
Pasok na lang ako sa susunod na subject. Sumama kasi ang pakiramdam ko, sorry. Good luck sa quiz and thank you for covering me up. You the best! PS. Nasa basement ako.
Ilang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin kami mapaghiwalay and we care for each other like a sister cares for her sister. Gano'n kami ni Trix kaya nga kahit palagi kaming nagca-clash ni Colton sa tuwing nagpupunta ako sa kanila ay patuloy pa rin ako sa pagpunta dahil kay Beatrix.
"Jess?" Mula sa screen ng aking phone ay biglang nag-angat ang aking tingin sa boses kung saan galing ang tumawag sa pangalan ko.
Napamura ako sa aking isip nang makita ko kung sino ang bumanggit sa pangalan ko. Kung minamalas ka nga naman talaga.
Kinunotan niya ako ng noo at malalaking hakbang ang kanyang tinahak papunta sa akin kaya napag-iwanan ang kasama niya.
"What are you doing here? This is not your building. Hindi ba't may klase ka pa? This is considered as cutting classes!" Salubong ang kilay niyang sabi sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba't magpi-piloto ka? Bakit dinaig mo pa yata ang pulis kung makapag-usisa ka sa'kin."
Pang aero ang suot niyang uniform at hindi naman pang crim!
His jaw tensed. "Nagtatanong ako nang matino sa'yo, Travieso. H'wag mo 'kong daanin sa mga ganyan mo. Anong ginagawa mo dito?" Mariin niyang ulit.
"Hoy, Colton. Ako si Jess at hindi si Beatrix, meaning, hindi ako ang kapatid mo kaya h'wag mo 'kong inaano." Bwisit kong sabi.
"Yeah, I can pretty much tell... You and my sister have a lot of differences. Now, answer me, Travieso. What the fuck are you doing here?"
I felt my chest clenched. I know what he mean with 'differences'. I grit my teeth and clenched my fist. Hindi pa man ako nakaka-recover doon sa kanina meron na namang panibago? Ang hirap namang maging pangit, walang pahinga sa pagtanggap ng mga kutya.
"Uy, ikaw pala. Ikaw yung best friend ng kapatid ni Colton, 'di ba? Grabe, ang laki mo na kumpara dati. Anong grade mo na?"
Mabuti na lang at nakalapit na ang kasama niya na si Ciel. Oo, natatandaan ko pa ang hitsura at pangalan niya.
"Grade 10..." I replied in an 'obviously' tone while pointing at my round patch.
Napaawang ang kanyang bibig at natawa sa sarili.
"Oh, yeah. Sorry. Nasanay na kasi akong hindi tumitingin sa patch ng mga babae. Last time I did it way back in senior high, sampal ang inabot ko. Akala niya yata sa dibdib niya ako nakatingin... 'di ko nga napansin na flat siya." Depensa niya.
"At hindi mo pa tiningnan sa lagay na iyon?" A laugh lingered on my voice. This Ciel is cute and his personality is bright. Parang ang dali niyang makasundo hindi katulad ng iba diyan.
"Napansin ko lang na di naka-angat 'yung patch that's why I assumed that she's flat— teka ano nga pala ang ginagawa mo dito bata ka?"
Napangisi ako. "Gusto ko lang uminom ng iced coffee at magpalamig saglit." Sagot ko sa kanya. Centralized kasi ang aircon sa basement unlike sa other canteens na open at natural na hangin ang nilalasap mo.
Natawa siya "Ayos ah, grade 10 ka pa lang kuma-cutting ka na..."
Nginitian ko lang siya sabay kibit balikat bago ko sila tinalikuran. Akmang bababa na ako sa may hagdanan ngunit may isang kamay na humigit sa braso ko. I rolled my eyes in annoyance before snapping my head towards the dickhead's direction.
"Bakit no'ng si Ciel ang nagtanong sinagot mo? Pero ako, kanina pa 'ko nagtatanong sa'yo ni hindi mo man lang magawang sumagot nang maayos." Bakas iritasyon sa kanyang mukha.
"Pwede ba, Colton! H'wag mo nga 'kong hawakan 'di tayo close!" Inis kong sabi sa kanya at hindi pinansin ang sinabi niya.
Narinig ko ang pigil na pagtawa ni Ciel sa gilid ni Colton.
Si Colton naman ay mas lalong dumilim ang mukha at mas lalo pa talagang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Kahit kailan talaga hindi siya mapagbawalan!
"Will you stop being childish? Bumalik ka na sa classroom mo!"
"Will you stop acting like my brother? Hindi kita kapatid at hindi kita gugustuhing maging kapatid!"
"Likewise, Jessica! I would never want to be your brother either!" He hissed.
"Then let me go!" Utos ko sa kanya. Imbes na bitawan niya ako ay ikiniling niya lamang ang ulo niya kay Ciel.
"Mauna ka na sa basement at susunod na lang ako sa'yo. I'll cover the solving basta ikaw na ang bahala sa mga terminologies."
"But I'm still enjoying seeing you two fight." He groaned.
Tinapunan siya nang masamang tingin ni Colton. "Bababa ka o sosolohin mo lahat ng gagawin?"
"You know what, Jess? Iced coffee sounds good! Bababa na 'ko." Aniya at sumaludo pa bago tuluyang bumaba. Sinundan ko siya nang tingin, I want to go down, too pero dahil dito sa kontrabida ng buhay ko ay 'di ko magawa!
Tinapunan ko siya nang masamang tingin. Hindi naman siya nagpatalo at nakipagsukatan pa nang mga titig sa akin.
"Saan mo 'ko dadalhin?" I asked, alarmed when he started dragging me out of the building.
Ayaw ko mang bumaba ay napababa na rin ako dahil kinakaladlad niya ako. I don't want to get injured. Ano 'yon, pangit na nga pilay pa?
"Colton, ano ba? Don't you have any important things to do than sticking your nose in my life?" Hindi niya ako pinakinggan. Patuloy lang siya siya sa pagkaladkad sa akin.
Mabuti na lang at walang gaanong tao dahil class hours na. Iyong mga college na may vacant na lang ang nakikita ko at pati itong aero student na kung makakaladkad sa akin ay parang wala nang bukas!
Nang matanaw ko na ang kulay beredeng gazebo ay na-alarma na ako lalo. Katapat kasi no'ng mga gazebo ang building namin at ang faculty.
"Colton, sandali..." Pakiusap ko. Mukhang nagulat siya dahil sa paglumanay nang boses ko kaya natigilan siya at hinarap ako.
Umaangat baba ang kanyang dibdib habang tiim bagang na nakatingin sa akin.
"Bakit ka ba kasi nagca-cutting? You think that's cool? And don't try to blame the fucking iced coffee, Jess kakatapos lang ng lunch niyo. Sana bumili ka na kanina."
I glared at him. "I'm not trying to be cool kaya ako nagca-cutting! At gusto ko talaga ng iced coffee!" Pangangatwiran ko.
"Bakit hindi ka na lang sa canteen ng building niyo bumili tapos bumalik ka na sa classroom niyo?" Sinulyapan niya ang canteen sa may di kalayuan bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Kasi natatakot ako dahil posibleng may makakilala sa'kin diyan!"
He wet his bottom lip before shaking his head. "Tapos ang lakas ng loob mong mag-cutting e takot ka namang maisumbong?" Panunuya niya.
Marahas kong inagaw ang braso ko sa kanya at matalim siyang tinitigan.
"Hindi naman iyon ang ikinatatakot 'ko.... I'm scared of what I might hear again when a bunch of guys in there happened to see me alone while taking a sip of my coffee. Oh, is that Jess Travieso? She looks ugly just sipping her coffee. Why don't she use her money to see a dermatologist? A derma won't work on her, plastic surgery na ang kailangan."
I harshly wiped the tears forming on the side of my eyes while imitating some of the insults that I've heard about me. Sinikap ko talagang h'wag tumulo ang mga iyon sa pisngi ko because I hate this. I hate showing my weakness to people.
Kahit kailan ay hindi ko pa iniyak kay Beatrix ang ganito. Hindi ko rin sinasabi sa kanya sa tuwing may naririnig akong umiinsulto sa akin dahil alam kong makikipag-away siya.
Natawa ako nang pagak. "Hindi mo naman ako maiintindihan kasi gwapo ka. Everybody loves the mighty Colton Hale Ponce de Leon! Some girls out there are even willing to break up with their boyfriends just because they know that you're single again!"
"You will never understand where I'm coming from, Colton because everyone is treating you like a god while they're treating me like a piece of trash."
He's just looking at me, listening attentively to my rants. Nang akala ko'y wala na siyang sasabihin ay akmang aalis na sana ako pero natigilan ako ulit nang magsalita siya.
"Let's go grab some iced coffee at the basement. It's on me."