Chapter 11
How To Become Beautiful
"Colton, dahan-dahan naman!" Sita ko sa kanya dahil sobrang bilis niya maglakad tapos hawak-hawak niya pa ang braso ko.
Ang laki-laki ng mga paa niya kumpara sa akin at hindi ko siya kayang sabayan sa mga hakbang niya. Sana naisip niya 'yon.
Tumigil siya sa paglalakad at inis akong binalingan nang tingin.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo doon? Tingnan mo tuloy ang nangyari! Nasugatan ka pa!"
Akala ko sisishin niya ako na nagbreak sila nang girlfriend niya, iyon pala sesermonan niya ako dahil nasugatan ako. Tsk. Hindi ko naman kasalanan! Kasalan 'yon ng girlfriend niya!
"It's you girlfriend's fault! Para siyang may saltik sa ulo! Nanunulak na lang basta!" Naiinis kong sabi.
Tumaas ang isa niyang kilay. "I'm single, Jess... I just broke up with my girlfriend and you're aware of that. At pwede ba? Sa susunod h'wag ka nang nagpupunta doon!"
So, he's really serious with that? Break na sila talaga? At bakit ba ako pa ang pinapagalitan niya?
"Ewan ko sa'yo! Pinuntahan lang naman kita doon dahil kay Trix! Nasa clinic siya ngayon dahil kanina pa nilalagnat..."
Lumawak ang kanyang mga mata dahil sa gulat. "What?"
"Yeah, you heard me right, Colton! Iyon pa ang gusto kong sabihin sa'yo simula kanina pero ang epal-epal nung girlfriend mo!" Naiinis kong sabi. Lalo talagang tumindi ang inis ko doon sa jowa niyang hilaw dahil ngayon ramdam ko na ang pagkirot ng sugat sa siko ko.
"Alam na ba 'to nila mama? Hindi pa ba siya sinundo?" Punong-puno nang pag-aalala ang kanyang boses.
Umiling ako. "Ayaw nga niyang ipasabi kina tita, ikaw ang ipinahanap niya sa'kin." I explained.
Napamura siya sabay palatak. "Tara na..." aniya at muli na naman akong kinaladkad paalis. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan ko na lang siya. Masyado ng maraming oras ang nasasayang, sigurado ako na kanina pa naghihintay si Trix.
--
Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa itim na FX ni Colton. This was the graduation gift he received from tito Ron... 18 pa lang no'n si Colton pero hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ito.
"I-It's cold..." Daing ni Trix habang yakap-yakap ang kanyang sarili. Dali-dali namang kinuha ni Colton ang bag niya na siyang nakaupo sa passenger seat at inilabas mula roon ang isang maroon hoodie.
"Here, wear this..." Iniabot niya ito dito sa'min sa likod. I helped Trix to wear Colton's hoodie. Kahit doon sa hoodie niya ay naamoy ko pa rin siya.
Nilingon niya kami at punong-puno nang pag-aalalang ang tingin na kanyang ibinigay sa kapatid.
"I wanna go home..." Naiiyak na sabi ni Trix nang magtama ang mga mata nila ni Colton.
He wet his bottom lip. "Uhm... We'll just drop by at the drugstore tapos ay uuwi na tayo, huh? Is that okay? I swear, bibilisan ko ang pagbili..."
"Okay..." Halos hindi na maibuka ni Trix ang kanyang bibig at pinagpapawisan pa rin siya nang malamig.
Colton sighed. "Alright... Hang in there." aniya at binuhay na ang makina. The car stopped at the nearest drugstore and Colton frantically hopped out of the car.
"Sorry, Trix kung natagalan kami." Sabi ko sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti habang nakapikit. "It's okay... Thank you for finding him." Sagot niya at sumiksik sa akin. Isinandal niya pa ang kanyang ulo sa aking balikat. I sigh and started combing her hair using my fingers.
"You get well soon, okay? I will drop by at your house everyday para wala kang mamiss na mga lessons at activities."
"Thank you, Jessie... Love you."
"Love you, too..."
Saktong bumukas ang pintuan sa may driver's seat at sunod na pumasok si Colton mula doon na may hawak-hawak na brown paper bag. Totoo nga ang sinabi niya, ang bilis nga niyang bumili.
"Jess..." He called me at iniabot sa akin iyong brown na paperbag. Tahimik ko lang kinuha ito mula sa kanya at inilagay sa tabi ko.
Tiningnan niya kami mula sa rearview mirror.
"Tulog na?" Tanong niya sa'kin.
"Nooo... I'm still awake. Umuwi na tayo, Colton!" Trix groaned with her eyes still closed. Parehas kaming nagulat ni Colton at natawa nang bahagya.
"Yes, ma'am. Heto na po... May sakit na nga pero brat pa rin." Bulong niya pa at iling-iling na binuhay ang makina.
Pagdating namin sa kanila ay alalang-alala si tita Helen nang malaman niyang may sakit si Beatrix. Napagalitan pa si Colton.
"Bakit naman hindi mo kaagad sinabi?! You have a phone, Colton! Anong silbi no'n kung hindi mo 'ko babalitaan sa nangyari sa kapatid mo?"
Kahit na pareho kaming nasa loob ng kwarto ni Beatrix ay dinig na dinig ko pa rin ang panenermon ni tita Helen kay Colton.
"I'm sorry, ma..." Si Colton naman ay tinanggap na lamang ang mga sermon ni tita at hindi na nangatwiran pa. Kahit alam naman niyang si Trix ang ayaw ipatawag si tita Helen ay hindi na lang niya sinabi.
"Sa susunod Colton balitaan niyo naman ako sa nangyayari sa inyo sa eskwelahan! Hindi iyong kampante ako dito pero masakit na pala ang pakiramdam ng isa sa inyo!"
"Opo, ma. Sorry. Next time, I will update you immediately."
"Haay! Ewan ko! You two are going to kill me... Kumain ka na ba?" Napangiti ako. Ang bilis rin magbago ng tono ni tita Helen e. From shotgun to soft sounds.
"Busog pa ako, ma. Maliligo na muna ako. Iyong mga gamot ni Trix nabili ko na..."
Tiningnan ko si Beatrix na ngayon ay natutulog na sa kanyang kama. She's already changed into her pajamas and she's still wearing Colton's hoodie.
--
Mag pa-five na nang maisipan ko nang umuwi... Natutulog na naman si Trix at wala na akong ibang alam na panuorin sa laptop niya.
"Bye, Trix..." Mahina kong paalam sa natutulog kong best friend at kinintalan siya ng halik sa noo. Medyo humupa na ang init niya.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa lapag ng kwarto niya at isinuot ang mga straps nito sa magkabila kong balikat. Maingat kong binuksan ang pintuan upang h'wag kong magising si Trix.
Saktong pagbukas ko ng pintuan ay si Colton kaagad ang bumungad sa akin na mukhang kakalabas lang ng kwarto niya. He's bare feet at medyo basa pa ang magulong buhok nito at mula sa kanyang uniporme kanina ay isang simpleng shorts at maluwang na itim na T-shirt na may Johnny Test icon na lamang ang suot niya ngayon.
His shower fresh scent lingered on my nostrils. Parang gusto ko na rin tuloy maligo! I've been in my uniform for so many hours now.
He's still standing in front of me, staring at me. Para bang naghihintayan kami kung sino ang mauunang gumalaw but I didn't move. I just stared at him back.
Colton has a tan skin and his features are more a lot like those hot Latino boys that I always see on instagram. He has this solid and rough features that matches with his skin color. Halos kay tito Ron yata namana lahat ni Colton simula sa buhok at kulay ng balat nito.
He has a lot of differences to his sister pero kung titingnan ay magkamukha pa rin sila.
"Crush mo talaga 'ko 'no?"
But I don't know where he got his asshole attitude. Hindi naman ganito si tito Ron at mas lalong si tita Helen. Both of them are humble and they're sensitive to the people around them.
Napairap ako. "Ang kapal naman talaga..." I retorted with a tired sigh. Hay nako. Feeling niya naman!
"You don't stare at me like that, Travieso kung ayaw mong isipin ko na crush mo talaga ako..."
My face scrunched.
"Bakit? What kind of stare am I giving you ba?"
He shrugged. "Hindi ko alam pero nalulusaw ako..."
"Sana nga malusaw ka na because the solidified Colton is equivalent to an asshole!"
"And the solidified Jess is equivalent to Colton's headache." He fired back before massaging his temples.
Tinaasan ko siya nang kilay. "Why am I your headache?" 'Di ko napigilang itanong.
"Because you make my head ache every damn time..."
Ako pa talaga ang nagpapasakit ng ulo niya? I wasn't doing anything! Siya nga itong napakasakit sa ulo!
Inirapan ko na lang siya at tinalikuran. Kapag sinagot ko pa siya ay sigurado akong hahaba na lang ang usapan and I've had enough for this day. I just want to go home and have a nice bath.
"Aw! Ano ba!" Gigil kong sabi nang bigla akong matigilan sa paglalakad dahil bigla-bigla na lamang hinila ni Colton ang bag ko.
"Where do you think you're going?" He said not letting go of my bag.
"Uuwi na 'ko!" Naiinis kong sabi sa kanya ngunit imbes na pakawalan niya ako ay mas lalo pa niya akong hinila na naging dahilan upang sapilitan akong mapaatras at makatapat siya.
Salubong lamang ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
He leaned forward at bigla niyang kinuha ang siko ko at doon ko napagtanto na iniinspeksyon niya ang maliit kong sugat. Sinubukan kong agawin ang siko ko mula sa kanya ngunit kahit na tumanda na ako ng ilang taon kumpara dati ay mas malakas pa rin talaga siya kumpara sa akin.
"Colton let—"
"Gamutin muna natin ang sugat mo bago ka umuwi, prinsesa ka pa naman..." Sarcastic niyang sabi.
Lalong nalukot ang aking mukha at napapalatak na lamang. The way he addresses me as a princess is so full of sarcasm. Simula noon ay ganyan na siya at pati ba naman hanggang ngayon?
Habang nakatingin siya sa braso ko ay biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Bahagyang lumawak ang kanyang mga mata habang nakatingin sa isang parte ng aking braso. Nang tingan ko iyon ay saka ko nakompirma na isang maliit na pasa pala ang kanyang tinitingnan.
Tumiim ang kanyang bagang. "Akala ko ba wala nang masakit sa'yo? E may pasa ka pa pala!" His onyx eyes met mine and I rolled my eyes just to carefully avoid his gaze.
I can't look into his eyes... They're like a tidal wave that always pulls me in.
"Hindi naman ang girlfriend mong epal ang may gawa niyan, e... Normal lang talaga na magka pasa sa'kin minsan."
Lalong lumalim ang pangungunot ng kanyang noo at tila ba nalilito siya sa sinasabi ko.
Nagbuga ako nang malalim na hininga.
"Colton, gano'n talaga kapag may period ang babae! Hindi lang emosyon ang sensitive sa'min kung hindi pati katawan... ang dami mo nang naging girlfriend pero 'di mo pa rin alam." Ibinulong ko na lang iyong huli.
His jaw tensed and he gulped. "P-Period?"
"Oo, period. Menstruation. Hindi mo alam 'yun?" Iyon lang yata ang narinig niya! Ang dami kong sinabi pero period lang ang tumatak sa utak niya!
"May... May ganun ka na?" Ilang beses siyang kumurap at parang hindi siya makapaniwala.
I looked at him ridiculously. Seryoso ba 'tong lalaking 'to?
"Syempre! I'm already 16, Colton! What do you expect?"
Muli siyang napalunok at binitawan ang aking kamay. Nag-iwas siya nang tingin at pansin ko ang pamumula ng makabila niyang tenga.
He cleared his throat before taking a glance at me. Ilang sandali pa ay napangisi siya sabay iling sa kanyang sarili.
"You're really growing up, huh..."
Umawang ang aking bibig at bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.
"Come on, brat. Let's just clean your wound."
--
"H'wag mong bibigyan ng alcohol!"
Kaagad kong sabi sa kanya nang balikan niya ako dito sa kanilang balkonahe. He's now carrying a first-aid kit with him.
"Hindi naman talaga..."
Ipinatong niya sa mesa ang kit at humila ng upuan para pumwesto sa tapat ko. Naglabas siya ng isang cotton ball at nilagyan iyon ng alcohol.
"Anong hindi? E, ano 'yan? Inuuto mo 'ko!"
Pumalad siya at umiling habang nakatingin sa braso ako. "Hindi kita inuuto... akin na."
Umiling ako. "Maliit lang naman 'yung sugat, Colton. Bakit pa natin ginagamot?"
The truth is I just don't want him to rub a cotton ball with alcohol on my wound. Kanina nga na hinugasan ko ay mahapdi na paano pa kaya kapag alcohol na!
"Jessica Claire..." Instead of answering me he just called my name in a warning tone. Naiinis naman akong nagpaubaya sa kanya. Kapag talaga dinutdot niya ng bulak na may alcohol ang sugat ko sasapakin ko siya.
I was wrong when I thought na inuuto ako ni Colton for the sake of cleaning my wound. Hindi pala niya ako inuuto dahil totoo ang sinabi niya na hindi niya lalagyan ang sugat ko. He just cleaned the side of my small wound.
Ha, small wound. Gusto kong matawa sa sitwayson namin ngayon. It was just a small wound yet here is... overreacting like my mother would kapag nakita niyang may sugat ako.
"Bakit hindi mo nilagyan ng alcohol?" Tanong ko habang pinapanuod siya.
He frowned while busy cleaning the side of my wound. "Tingnan mo 'to, kanina ayaw mong palagyan ng alcohol ngayon naman nagrereklamo ka."
"Hindi ako nagrereklamo! I'm just asking!" Depensa ko na may kasamang irap. I'm just curious kasi 'di ba usually they put alcohol in our wounds to clean it? Mahapdi, oo pero iyon daw ang makakabuti.
Hindi siya sumagpot, binitawan niya ang bulak sa ibabaw ng mesa at kumuha na naman ng panibago.
"Lalagyan mo na ba no'ng bumubula?" I asked. I find it cool kapag nilalagyan ng ganoon ang sugat dahil bumubula ito. Ang sabi nila madali daw makapag pagaling ng sugat iyon, I just forget what they call that thing because I rarely get wounds, I rarely get hurt.
There's an exhale that came out through his nose, when I looked on his face that's when I saw him smiling while getting something inside the kit.
"Hydrogen peroxide..." Aniya at inilabas ang isang betadine sa loob ng kit. "And no, hindi ko lalagyan ang sugat mo ng ganoon. It will just cause your wound to become deeper, same as with alcohol." He said while putting Betadine on the cotton ball.
I was flabbergasted at the new information that I learned from him. "Really? Bakit mo alam 'yon?"
"Yeah, really. It's because I'm paying attention to my class."
"That's awesome... Ahh!" Nagulat ako nang bigla na lang akong may naramdaman na malamig sa aking sugat, that's when I realized that he's already applying the betadine on my wound.
Natigilan siya and his onyx eyes looked up at me. "Masakit?"
Umiling ako. "Nagulat lang ako. Is betadine safe?"
Muli niyang ipinagpatuloy ang paglilinis sa sugat ko. "Yes, this is the advisable antiseptic to use for cleaning wounds."
Napangisi ako. "You sound like a doctor, Colton... Have you considered entering in the field of medicine?" Hindi ko na napigilang maitanong. He knows a lot about science... naalala ko pa noon iyong pseudo-ruminant na sinasabi niya.
And I hate to admit this but Colton looks handsome when he's talking smart.
Umiling siya. "Mas gusto kong maging isang piloto..."
"Kunsabagay, bagay mo naman maging isang piloto kasi babaero ka. Ang sabi nila may mga piloto raw na hindi na inuuwian ang mga asawa nila. Basta piloto, manloloko! Totoo ba 'yun?"
Imbes na ma-offend siya sa sinabi ko ay saglit niya akong tiningnan at nginisian."Why don't you see for yourself, Jess? Try marrying a pilot."
"Ayoko, baka hindi na ako uwian."
A low chuckle rose from his throat. "If your captain really loves you kahit ilang dagat pa ang pagitan niyo, uuwi at uuwi pa rin siya sa'yo..."
Pinanood ko siya habang nilalagyan niya ng band aid ang aking sugat. Napangiti ako dahil airplane ang shape nito. It is pure white but it is cut with a shape of an airplane. Sobra akong na cute-an kaya hindi ko na napansin ang sinabi ni Colton.
"Parang gusto ko nang maging isang doktor..."
"Bakit?" Aniya habang nililigpit ang mga pinaggamitan niya.
"Because I want to clean wounds and I will apply what I learned from you. Hindi ako gagamit ng hydrogen peroxide at hindi ko rin lalagyan ng alcohol ang mismong sugat."
Ngumuso siya at tumango-tango. "If that's what you want but I tell you what, doctors rarely clean minor wounds... ang mga nurses ang madalas gumagawa ng mga ganyan."
"Really? What else do nurses do?"
"They take care of patients, administer medications, they record patients' conditions and they save lives, too." One corner of his lips lifted up.
Napatulala ako habang nakikinig sa kanya, hindi ko namalayan na dahil doon ay unti-unting nabuhay ang pagiging interisado ko na maging nurse balang araw.
"I think I like that, Colton..." Hindi ko napansin na seryoso na pala kaming nag-uusap ni Colton. Iyong walang bangayan at puro matitino lang. I haven't realized until now that talking to Colton about professions can be this fascinating. Sana palagi na lang siyang ganito.
"That's a good choice pero pwede pang magbago iyan, you're just sixteen and at your age almost everything is still unsure. Ano ba talaga ang gusto mo paglaki mo?"
Natigilan ako at napaisip. "I always wanted to be a writer..."
But I never tried writing a book, ni isang draft ay wala pa akong nagawa. I just like the thought of it because I think it's cool when you can create your own world and your own people. It's cool how writers create a book while mixing all the 26 letters together with the combination of 14 punctuation marks.
"I never saw you write..."
"It's because I've never wrote... Naiisip ko kasi baka na baka wala namang magbasa, baka 'di ako sumikat kagaya ng iba."
Bumuntong hininga siya at isinara ang kit na nakalikha ng tunog mula roon. "If that's really your passion then you shouldn't let those doubts hinder you from doing what you love. Kahit hindi ka sikat gawin mo pa din ang best mo. Passion is still putting your one hundred and one percent despite the lack of audience. That's how it is, Jess..."
Napanguso ako. "I-I still don't know... pero ngayon parang gusto ko na talagang maging nurse." Sabi ko. I've never felt this before, dati sinasabi kong gusto kong maging writer pero ayaw ko namang magsulat.
Pero ngayon na gusto kong maging nurse, gusto ko na kaagad mag-alaga ng pasyente. Kung hindi ko nga lang kausap si Colton ay tatakabo ako papunta sa kwarto ni Beatrix at aalagaan ko siya kahit natutulog siya, e.
"It's okay to be uncertain at your age, Jess. Bata ka pa, marami ka pang gusto ngunit hindi pa rin sigurado."
Nagbuga ako nang isang malalim na buntong hininga at tingnan si Colton. "Have you ever felt uncertain of something?"
Tumango siya. "Yeah, I'm actually unsure of almost everything..."
"Like what?"
Ilang saglit bago siya sumagot, akala ko nga ay hindi niya sasagutin.
"Sa mga nagiging girlfriend ko..." Aniya at tumingin sa araw na palubog na. Some part of the sun is being covered with the stems of trees and it's appearing like a silhouette. The light from the setting sun is reflecting on Colton's prominent jaw and the side of his face, it incredibly matches with his onyx eyes.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya na sa araw pa rin ang tingin.
"Bakit kasi jino-jowa mo pa e hindi ka naman pala sigurado?"
Muli niyang ibinaling ang tingin niya sa akin at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang magtama ang mga mata namin at mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Malamlam siyang ngumisi at nagkibit balikat. "It's a desperate move to forget someone I'm desperately head over heels with."
"Huh?"
Ngumisi siya. "Malapit na ang moving up ball niyo, may isusuot ka na?" Pang-iiba niya nang usapan. Hindi ko na rin naman siya kinulit sa sinabi niya dahil hindi naman siya magpapakulit.
"Hindi ako aattend..." I still haven't mentioned this to Trix because I don't want to spoil her fun.
"Why not? That's once in a lifetime. Excited na nga si Beatrix, she's been talking about it since January... She's constantly showing me of the dress that she wants to wear tapos ilang araw lang magbabago na naman..." Iling-iling niyang sabi.
Nagmana lang siya sa'yo. Gusto ko sanang sabihin iyan pero pinigilan ko na lang.
"Ano naman ang gagawin ko do'n? Balls are for beautiful and confident people. Baka magmukha lang akong katawa-tawa do'n... Baka mamaya pag nag slow dance na ako mag-isa ang matira sa table."
Natawa siya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Kaya ba ayaw mo umattend kasi takot ka na baka walang magsayaw sa'yo?"
"Hindi ba gano'n naman ang ball? Pagandahan at paramihan ng makakasayaw?"
"No, moving up ball is about socializing with your batchmates before the school year end and before you all attend senior high."
"Kahit na, pangit pa din ako. Wala ngang nagkaka-crush sa'kin pero okay lang because boys suck anyway."
Muli siyang natawa at binasa ang pang-ibabang labi gamit ang kanyang dila.
"Jess, being beautiful is not about the counts of men who admire you... Being beautiful is about learning to love yourself despite your flaws."
Natigilan ako sa sinabi niya at napatulala sa kanya. His words are really striking through me. If Colton is just not Colton, I might have fallen in love with him from first time he spoke about pseudo-ruminant and up until now that he's speaking about embracing your flaws.
"Alam mo kasi, Jess wala namang ginawang pangit ang Diyos. Kaya nga hindi ko na talaga alam kung sino ba ang gumawa sa'yo..."
Upon hearing that, I began asking God to give me a lot of self-control before I could even jump at this asshole and strangle him on the neck.