Chapter 9
The Art Of Getting What I Want
"Sandali! Ako na..." Pigil ko kay Colton nang akmang babayaran na niya ang ensaymada at iced coffee ko. Hindi niya ako pinansin at ibinigay niya lang kay ate yung pera niya.
"Hindi mo yata kasama 'yung girlfriend mo ngayon?" Tanong noong nagtitinda kay Colton na mukhang nasa mga nasa 40's na. Parang parating bumili dito si Colton base sa pagkakakilala no'ng babae sa kanya.
"May klase pa siya, ate..." Sagot ni Colton. Balita ko kay Trix, Architecture daw ang kinuhang course nung girlfriend ngayon ni Colton. Four months na nga daw sila. Well, that's new. Looks like Colton wants to take it to the next level.
Mukhang naisipan na niyang magseryoso ngayon. Two months na kasi ang pinaka matagal kapag nagkakaroon ng girlfriend si Colton.
I've seen the girl once, maganda siya (Parati namang maganda ang mga nagiging girlfriend ni Colton) maputi at mahaba ang kanyang buhok, madalas kong makita noon ang mukha niya sa mga tarpulin na naka display sa may boulevard... Parati siyang nakikisali sa mga pageants nitong university.
"Siya nga pala si, Jess... Best friend nung kapatid ko." Pakilala niya sa akin.
Tiningnan niya ako bago niya ibinigay ang sukli kay Colton. I heard Colton muttered at thanks.
"Junior? Hindi ba't may klase sila ngayon?"
I just smiled awkwardly. Bakit naman kasi ipinakilala pa 'ko. Baka isipin ni ate pala cutting ako.
Tumango si Colton. "Opo, isinama ko na lang sa'kin kaysa saan-saan magpunta..." Aniya at mabilis akong sinulyapan.
"Gano'n ba? Mabuti na lang wala yung girlfriend mo. Alam mo naman selosa 'yon..."
Napanganga ako at nagtatanong na tiningnan si ate. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Huh?"
Nginitian niya ako. "Ang ibig kong sabihin ay baka kasi pagselosan ka nung girlfriend niya." Paliwanag niya sa'kin.
Natawa ako. "Wala naman siyang dahilan para magselos, ate. Grade 10 pa lang ako, oh para na 'kong nakababatang kapatid ni Colton. At saka ang pangit-pangit ko para pagselosan niya!" Natatawa kong sabi.
"Lahat pinagseselosan no'n..." Sagot ni Colton.
Natawa iyong si ate. "Oo, may makatapat lang si Colton na babae sa tuwing bumibili sila dito ay naiinis na."
"Nakakairita na nga minsan..."
Pero bakit 'di mo magawang iwan? Kasi mahal mo na?
Maging ako ay nagulat sa aking sariling naisip. Kahit kailan hindi ko pa naimagine na si Colton ay magmamahal. Parang ginawa nga lang niyang libangan ang page-girlfriend.
"Hayaan mo na. Ibig sabihin no'n ay mahal ka niya talaga. At saka ang ganda ng girlfriend mo, ah. H'wag mo na pakawalan..."
Hindi sinagot ni Colton ang sinabi no'ng babae. "Sige na, ate. Balik na kami sa table namin." Paalam niya at tumango naman ito. Nginitian ko siya bago kami tuluyang naglakad ni Colton sa table namin katapat ang isang centralized aircon.
"O, nasaan yung sa'kin?" Kunot noong tanong ni Ciel nang umupo kami sa harapan niya.
"Anong sa'yo?"
"Yung iced coffee ko pati 'yung ensaymada!"
"May binigay kang pera?" Sarcastic na tanong ni Colton dito.
Ngumuso siya. "Bakit si New Girl nilibre mo pero ako hindi?"
"Anong New Girl?"
"'Di mo alam 'yon? Series 'yon! 'Yung Hey girl what ya doin'? Hey girl where ya goin'? who's that girl? Who's that girl? It's Jess!" Kanta niya at hindi ko napigilan ang sarili ko na mapangisi. Ang cute naman nitong si Ciel, nakakatuwa kasama.
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Colton at mukhang hindi siya natutuwa sa mga ginagawa ni Ciel.
"Para kang tanga."
Sumimangot naman si Ciel.
"Heto, we can share..." Sabi ko at akmang pipirasuhin ko na sa dalawa yung ensaymada dahil nasa loob pa ito ng plastic ngunit natigilan ako nang maglapag si Colton ng pera sa mesa.
"Go buy for yourself." Matabang na sabi ni Colton kay Ciel.
Napangisi naman si Ciel at kinuha ang pera. "Hindi ko tatanggihan 'to..." Aniya bago tuluyang tumayo at iniwanan na kami.
"Why are you so nice to Ciel? Crush mo?" Colton said with a deep frown on his face pagkaalis ni Ciel.
My eyes widened. "Hindi! Hindi ko crush si Ciel ano! I just like his personality, he's bright and funny..." Paliwanag ko.
Porket nice ako sa isang tao, crush agad? Siya na nga mismo ang nagsabi sa'kin noon na hindi porket mabait sa'yo ay gusto mo na.
"He's annoying."
I looked at him ridiculously. "You're just grumpy, Colton... Pasalamat ka nga natitiis ka ng girlfriend mo, h'wag mo na ngang pakawalan..." Sabi ko at nginisian siya.
Hindi siya sumagot. Nag-iwas lang siya nang tingin at binuksan ang libro sa kanyang harapan. Physics.
Pagbukas pa lamang niya ng libro ay nahilo na kaagad ako. Puro numbers at iyong mga formula ay nakakasira ng bait.
Pinanood ko siya habang seryosong nagpapalipat-lipat ang tingin niya sa libro at sa yellow pad na kasalukuyan niyang sinusulatan ng sample problem. Colton is very gifted when in comes to numbers and logic. He can even solve a problem mentally. Pero pagdating sa mga babasahing libro ay umaayaw na siya.
Numbers get him excited but letters bore him. Kung ako sumasakit ang ulo ko sa mga numero, siya naman ay sumasakit ang ulo sa mga letra.
Kumunot ang kanyang noo at pumalatak saka niya binura ang sagot niya na mukhang tama na ngunit para sa kanya ay mali pa rin.
"What's wrong, bro?" Ani Ciel pagkadating niya. Tulad namin ay mayroon na rin siyang iced coffee at ensaymada. Ipinatong niya pa ang sukli ni Colton sa mesa.
"Mali 'yung solving na ibinigay sa libro..." Sabi ni Colton.
"Really? Patingin."
Pinanood ko sila habang pinagtutulungan nilang sagutin ang mga nasa libro habang inuubos ko ang inilibre ni Colton. Nang maubos ko na ang mga iyon ay tumunganga na lang ako sa kanila dahil hindi ko naman naiintindihan ang mga pinagsasasabi nila.
Maya-maya pa ay lumipat ang tingin sa akin ni Colton. Muntik pa akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa bigla-bigla na lamang pagtatama ng aming mga mata.
"Tinitingin-tingin mo? Crush mo 'ko 'no?"
My jaw dropped in disbelief. "Kapal mo! I'm not one of those psycho girls!"
Tinawanan niya ako. "You will be... soon." Mayabang niya akong nginisian. I just rolled my eyes at him. As if naman!
Saglit kaming nanahimik. Ciel was busy typing something on his phone.
Biglang sinulyapan ni Colton ang baso ko na wala nang laman at iyong plastic rin na margarine at asukal na lang ang natirang bakas.
"Hindi ka nagugutom? Here, go buy yourself something to eat." Akmang kukunin niya ang wallet niya ngunit pinigilan ko siya na may kasamang pagkunot ng noo.
"No, I'm fine. Tapusin niyo na lang kung ano man ang ginagawa niyo..." I heard my voice soften. Ang bilis namang makisama ng mood ko sa ugali niya. Argh.
Tumingin siya sa wrist watch niya. "Ano bang oras ang susunod mong klase?"
"Nag-uumpisa na..."
"Then what are you still doing here? Bumalik ka na sa classroom mo, maiinip ka lang dito."
Umiling ako. "I still don't want to go back. Gusto ko dito, malamig." Sabi ko at sinipat ang aircon na nakatapat sa'min.
Umigting ang kanyang panga at bahagya akong sinamaan ng tingin.
"Do you realize that you're about to ditch another period again, huh?"
"Ang strict nung Filipino teacher namin! Pagagalitan ako no'n kung papasok pa 'ko e 15 minutes ng nag-umpisa ang klase..." Pangangatwiran ko.
"Tsaka, ang sakit ng ulo ko, Colton..." Pagda-drama ko at minasahe ang sentido ko.
"Nice try, Travieso but that's not gonna work for me. Uutuin mo pa 'ko..." Punong-puno nang pagkasarkastiko niya akong tiningnan.
"Pagbigyan mo na si New Girl. What if she trips on her way back to her class? Kasalanan mo pa." Pangongonsensya ni Ciel. I glanced at him with a delight in my eyes.
"Hanggang dito lang ang usapan, Calderon..." Pagsusungit niya kay Ciel. Ciel just made a face.
Tiningnan ko si Colton. "And you, ito na ang una't huli. I won't tolerate you cutting classes next time." He said firmly.
Tumango ako. "Yes, yes. Ngayon lang 'to..." I sounded grateful.
He bit his bottom lip before clicking his tongue. Tiningnan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala na napilit ko siya sa gusto kong mangyari.
"You really mastered the art of getting what you want, huh? Brat..." Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
Napangisi ako nang mapait sa loob-loob ko. No, not really. If I had just mastered the art of getting what I want then why can't I get the self love that I've always wanted?
"If I want it, then I will damn get it." Sabi ko na lang.
Being confident despite how ugly I am is my defense mechanism. I won't give the people who are trying to bring me down the satisfaction.
He gave me a sarcastic smile. "Just shut up, will you? I can't concentrate when you're here talking nonstop..."
"Edi h'wag mo 'kong pansinin!" I shot back. Ang laki ng problema nito.
He looked at me annoyed. "Just sleep, Travieso. Utang na loob..." Salubong ang kilay niya habang sinasabi niya iyon.
Well, sleep sounds good. Malamig pa naman dito sa basement at hindi ko naman maintindihan ang ginagawa nila Colton kaya matutulog na lang ako.
"Colton, ako din pwede ba akong matulog?" Ani Ciel.
Ngumisi si Colton. "Sige, patutulugin ko rin ang grades mo."
Tinawanan ko ang napasimangot na si Ciel bago ako yumuko sa may table upang umidlip.
--
Naramdaman ko ang isang marahan na pagyugog sa aking balikat na naging dahilan upang magising ako sa pagkaka-idlip ko. Unti-unti kong inangat ang aking ulo at ang best friend ko ang bumungad sa akin.
Napatuwid ako nang upo sabay gusot sa aking mga mata. Tama ba itong nakikita ko? Si Trix nga ba ang katabi ni Ciel ngayon na nasa harapan ko o nanaginip lang ako?
"Gising na ang mahal na prinsesa..." When I heard the sarcastic remark of Colton, it's confirmed, I'm not dreaming because this is the bitter reality.
Nginusuan ako ni Trix. "Nagca-cutting hindi nagsasama..."
"Really, Trix? Imbes na pagsabihan mo 'yang kaibigan mong 'yan nagtatampo ka pa dahil hindi ka isinama..." Iling-iling na sabi ni Colton. Napairap ako. Kakagising ko lang ay nagpapaka-kontrabida na naman siya.
"Nagbibiro lang naman ako..." Nakasimangot na depensa ni Trix saka muling ibinalik ang tingin sa akin. "Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon? Na-receive ko ang text mo." There's a hint of concern in her voice.
I wet my bottom lip before I smiled at her. "Yeah, I'm fine now. Sorry, bigla na lang akong nawala..."
"It's okay, I understand naman."
"Aww, you two are so sweet." Biglang komento ni Ciel.
"I know right!" Proud na proud na sabi ni Trix. Napangisi ako.
Ciel chuckled bago nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. "Parang kailan lang ang liliit niyo lang pero ngayon ay grade 10 na kayo... Wala pa bang nanliligaw sa inyo?"
I couldn't help but to make a ridiculous face. Baka kay Trix pwede pa, pero sa akin? Sino ba naman ang magkakagusto sa'kin? I mean, I'm ugly and mean. Duh.
Tumaas ang isang kilay ni Colton at di kalaunan ay naningkit ang kanyang mga mata.
"Subukan lang nila..." He said with a hint of warning in his tone before placing a palm on the side of his neck and then he began to do that cracking thing again.
It amuses me when Colton is being like that... you know, being protective of his sister. Dahil wala akong kapatid ay gustong-gusto kong maranasan ang ganyan pero napag isip-isip ko, kahit naman pala magkaroon ako ng kuya ay hindi na niya kailangang maging overprotective sa'kin dahil wala namang magkakagusto sa'kin.
Ciel shot Colton a frisky look. "Are you being protective or... possessive?"
"What do you think?" Tinaasan siya ng isang kilay ni Ciel.
Napanganga si Ciel at bahagyang lumawak ang kanyang mga mata. "No fucking way..."
Nangunot ang noo namin ni Beatrix at nagtinginan kami sabay kibit balikat.
"You two are so weird! Walang nanliligaw sa'min, we're too fab for them..." Sabi ni Beatrix.
Napangiwi ako. "I'd rather die single. I'm allergic to assholes."
It's true. With all of those boys who talked shit about me? Kahit kailan ay hindi ko pangangarapin ang magkaroon ng boyfriend. Most of guys nowadays act as if pretty girls are the only ones who deserved to be respected and treated well in this world.
Ang hirap maging pangit, parang lahat ng negativity sa mundo okay lang na masalo mo kasi sanay ka naman, e. Sanay kang malait, sanay kang hindi i-prioritize. Parang wala ka nang karapatan sa mga bagay-bagay kapag pangit ka.
Kapag ang maganda ay choosy, okay lang pero kapag ang pangit wala nang karapatang maging choosy!
See how fucked up our society is? Putangina, magaganda lang ba ang pwedeng maging pihikan?
Inequality doesn't only exist when it comes to gender and status in life, it also exist with people's physical appearance.
Whether we like it or not, the world is only fair for those who are beautiful.
Nobody's gonna love you if you're unattractive. Sa mundo ngayon, looks ang labanan.
Colton just rolled his eyeballs before looking at his wrist watch. "We must go, Calderon tapos na ang vacant natin." Aniya sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan saka niya kinuha ang kanyang backpack at isinabit ang isang strap sa kanyang balikat.
Walang nagawa si Ciel kung hindi tumayo na rin mula sa kanyang kinauupuan.
Nagpalipat-lipat si Colton nang tingin sa amin. "Diretso uwi..." bilin niya bago kami tuluyang tinalikuran.
"Bye, Colton's sister. Bye, New Girl." Paalam ni Ciel at kinuha muna ang libro na nasa table bago kami tinalikuran.
"Boys are so damn weird." Nasabi na lang ni Trix habang nakatingin sa dalawa na kasalukuyang nagmamartsa paalis.
"And what did just Ciel call you?"
"New Girl?" Patanong kong sagot.
"Why New Girl?"
"Because it's Jess!" Ginaya ko si Ciel at natawa ako sa sarili ko. Si Trix no'ng una ay nangunot ang noo ngunit hindi nagtagal ay natawa rin sa akin.
My heart melted when I saw my best friend laughed even though I'm not really funny. I so love this girl kahit hindi ko man parating nasasabi. With all these pretty girls in school, she's the most down to earth.
"Bakit nga pala magkasama kayo ni Colton?" Bigla niyang naitanong.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Paano ko ba sasabihin ito? I don't want Trix to get upset, sigurado makikipag-away siya.
"Nakasalubong ko lang tapos isinama na lang ako sa kanila ni Ciel..." Sabi ko.
Ngumisi siya. "See! Colton's not that bad! He cares for you, too."
I gave her a ridiculous look. "Ang sabihin mo, gusto niya lang nang mapagti-tripan!"
"Gano'n lang talaga si Colton... Hindi ka na nasanay, simula bata pa lang tayo ganyan na siya. Naalala mo nung namatay si Alice? We're both devastated that time pero sinamahan niya tayo at inilibre na naman sa Juice x Brews! Nakipag laro siya ng Jenga at Uno sa'tin hanggang sa makalimutan na natin si Alice..."
Napangisi ako. Yes, I remember that. I remember how Colton stayed with Trix and I. Nanatili kami sa Juice X Brews hanggang sa magsara na ito. I appreciate Colton when he's like that... He's like the kuya that I never had kapag mabait siya sa'kin. That was my favorite side of him.
But when he's back to being Colton again, he'll start to get on my nerves again! Kasi sobra talaga niyang galing kung pikunin ako.
Bukod pa sa lagi niyang panga-alaska sa'kin ay mayroon pa akong isang bagay na kinaiinisan kay Colton.
Iyong pagpapalit-palit niya ng girlfriend. I swear, siya na yata ang ex ng buong bayan! Maybe when Taylor said 'Got a long list of ex lovers' Colton felt that... Kasi naman, kung makapag palit siya ng girlfriend ay sobrang bilis.
I don't like the way he treats girls. Para sa kanya ang mga babae parang putahe na kapag pinagsawaan niya, pupunta na naman siya sa iba. Hindi ko alam kung bakit hindi niya kayang magtagal sa isang relasyon...
He's treating girls like his trophies for the month and I don't like that. Parang porket alam niyang gwapo siya ay entitled na siyang magpapalit-palit ng mga nobya!
Kung si Beatrix ay madaling magsawa sa mga nagiging crush niya, si Colton naman ay sa mga nagiging girlfriend niya.
"I remember..." Tanging nasabi ko na lang. Nanumbalik na naman kasi ang inis ko kay Colton.
Saglit kaming nanahimik ni Trix at napansin kong nakatingin siya sa aking mukha. I suddenly felt uneasy. Is she judging me? Parang gusto kong takpan ang aking mukha.
"Jess, I really like the mole on your right cheek!" Bigla niyang nasabi sa'kin habang nakatingin sa mukha ko.
"Huh?"
Napahawak naman ako sa pisngi ko and I felt disappointed when I felt the rough and edgy texture on my fingertip.
"Para kang sira... Nakikita mo pa ba 'yung nunal ko na 'yun? E natatakpan na nga ng mga pimples." Sabi ko.
She frowned. "Oo kaya! I can see it clearly. That's one of your asset kaya. Alam mo ba pangarap kong magkaroon ng nunal sa mukha? Yung katulad ng sa'yo! Parang yung kay Karlie Kloss kasi!"
That made me smile. Her simple words can sometimes makes me appreciate what I have that's the power that she has and isn't aware of it.
We must all surround ourselves with a lot of Beatrix, they know how to make you appreciate something in yourself even just for a while.
Maya-maya ay may kinuha siya sa kanyang bulsa. Kumunot ang noo ko nang iabot niya sa akin ang isang ballpen na kinuha niya mula sa kanyang bulsa.
"What am I gonna do with that?"
"Draw a mole on my face... the one that looks like yours. Gusto ko parehas tayo."
Bahagya akong natawa bago ko iling-iling na kinuha ang ballpen niya mula sa kanya.
I gestured my index finger to make her lean towards me and so she did.
I removed the cap of the ballpen and then I started drawing a mole on Beatrix's cheek with the same mole that I have on my right cheek.
While doing that, I felt contented. I realized that I don't really need someone who'd appreciate me and make me feel like I belong because my best friend is enough. She's the place in this world where I perfectly fit in.