Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 4

How Dark?

"Uy, soft day natin ngayon!" Masayang sabi ni Trix. "I can't wait to go home!" Dagdag pa niya.

Natawa ako sa sinabi niya sabay iling.

"Hindi pa nga nag-uumpisa ang klase ay gusto mo na kaagad na umuwi." sabi ko sa kanya. Palagi namang ganito ang mga eksena sa tuwing papasok sa eskwelahan pero hindi ko lang talaga mapigilang hindi matawa kay Beatrix.

"Bakit ikaw? Ayaw mo pa ba na umuwi?" Kunot noo niyang tanong na para bang isang kasalanan kapag sumalungat ako sa sinabi niya kanina.

"Gusto!" Sagot ko at umaliwalas naman ang kanyang mukha. Sa totoo lang ay gusto ko na nga ring umuwi pero kapag paulit-ulit ko kasing inisip iyon ay lalo lang akong tatamarin.

But I was wondering why all students are experiencing this kind of phase in life. Yung tipong ayaw mo naman talagang pumasok pero wala kang magagawa kung hindi pumasok dahil kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral.

"Tara, Jess..." Bigla niya akong inaya. Ako naman ngayon ang napakunot ang noo.

"Anong tara?" Taka kong tanong.

"Sa amin. Mamayang uwian." Aniya at matamis akong nginitian. Natigilan kami pareho sa paglalakad at itinaas baba ang mga kilay niya upang makumbinsi ako pero hindi ako kaagad na nakasagot.

"Sige na, Jess. Nakakainip sa bahay, wala si mama dahil isinama ni papa sa manila. Si manang Sally naman umuwi sa Pangasinan, yung mga ibang katulong lang ang kasama ko mamaya niyan. Si Colton, sigurado naman na gabi pa ang uwi no'n dahil tuwing soft day ay naglalakawatsa siya." mahabang paliwanag ni Beatrix. Hindi ko nga alam kung maawa ba ako sa kanya o ano.

"O sige na nga... Pero sa susunod, sa amin tayo ha?" Sabi ko.

"Ay gusto ko 'yan!"

Nginisian ko siya at tinanguan.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad papunta sa building namin at muli nanamang nagreklamo si Beatrix kung gaano niya kagustong umuwi. Ako rin parang gusto ko nang mag-uwian dahil pupunta nanaman ako sa bahay nila Beatrix at swerte pa dahil wala akong Colton Hale Ponce de Leon na madadatnan.

--

"So, what are we gonna do at your house?" Tanong ko kay Beatrix habang naglalakad na kami palabas doon sa may main gate.

"Eat, watch movies, kahit ano." Kibit balikat niyang sabi. Napanguso ako at tumango na lamang. Bahala na mamaya. Unplanned moments are the best.

"Wait, nagpaalam ka na ba sa parents mo?" Pahabol na tanong sa sakin ni Beatrix. Tumango lang ako. Kanina pa kasi ako nag text kay mommy at pumayag naman siya. Susunduin na lang daw ako ng driver.

Habang naglalakad kami ni Beatrix ay nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pisilin iyon. Kunot nook o siyang tiningnan. Ano ba ang problema nito?

Pasimple niyang itinuro iyong sa bandang likod naming kaya kunot noo akong napatingin doon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agarang ibinalik ang tingin ko kay Beatrix matapos kong makita si Cyprian na nasa likuran namin at mag-isang naglalakad. Mukhang palabas na rin siya.

"Chill, chill..." Beatrix mouthed at me pero siya naman itong mukhang hindi makapag-chill. I breathed in and breathed out before turning my head to glance at him once more but unfortunately, he caught me this time.

He gave me a warm smile. Parang gusto ko ng bawiin iyong 'unfortunately' dahil buti na lang talaga at nahuli niya akong tumitingin sa kanya kung hindi ay hindi niya ako ngingitian.

Nginitian ko siya pabalik bago muling ibinalik ang tingin ko sa dinaraanan ko. Gosh! I want to hyperventilate! Ang gwapo-gwapo ni Cyprian Abrigo!

--

"OH. MY. GOD! OH MY GOD, JESS!" tili ni Beatrix nang tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan na nagsusundo sakanila parati.

"He smiled at me, Trix! He smiled at me!" Masaya kong sabi. I can't believe it! Bakit ganoon si Cyprian? Hindi ba niya alam na malapit na akong umasa?

"I know! Gosh! Crush ka nga yata talaga ni Cyprian!" Gatong niya pa. Pinamulahan naman ako sa sinabi niya at hindi ko napigilang mapangiti ng sobrang lawak. Habang nagba-biyahe kami papunta sa bahay nila ay puro si Cyprian ang pinag-usapan namin. Hindi na nga namin namalayan pareho na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila kung hindi lang sinabi nung driver.

Bumaba na kami ni Beatrix at ang driver na ang nagbukas ng gate para sa amin. Pagpasok namin ay pareho kaming nagulantang nang makita namin pareho si Colton sa may sulok at nakaa-apak siya sa may damuhan habang nagyo-yosi! Hindi ko alam kung saan ako maiirita. Sa presensya niya ba o sa usok ng sigarilyo niya? I mean, malayo naman siya sa amin but still! Paano kung mapunta ang usok banda dito?

"Ugh! Nagsisigarilyo ka nanaman!? Isusumbong na talaga kita kay mama at papa!" Beatrix whined habang tinakpan ang ilong niya gamit ang palad niya saka na siya tumakbo papasok sa loob ng bahay.

"Tss..." he rolled his eyeballs as he continue to hit his cigarette. Napansin niya yata na nakatayo pa ako dito kaya binalingan niya ako ng tingin at tinaasan ng kilay habang nagbubuga ng usok.

"I wonder how dark your lungs are." Hindi ko mapigilang sabi habang nakangiwing nakatingin sa kanya. As I can still recall, nagumpisa siyang magyosi noong grade 10 siya. Nakikita ko sila paminsan-minsan nung pinsan niyang si Ezekiel Ponce de Leon. Magkaklase pa sila noon pero ngayon ay hindi na dahil ang kwento ni Beatrix ay sinadya daw talaga silang paglayuin ng papa ni Colton at ng papa ni Ezekiel dahil puro kalokohan daw ang madalas nilang ginagawa sa tuwing magkasama sila.

Si Ezekiel o kilala sa tawag na 'Kiel' ay mukhang tahimik. Pero sa totoo lang ay may sungay rin ang isang iyon, e. Si Colton naman kung titingnan mo ay mukha na talaga siyang may sungay pero sa totoo lang ay may buntot pa talaga itong kasama.

"Come, check them out..." Panunuya niya pa at inayos ang puting t-shirt na kanyang suot.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hindi ka ba pinagbabawalan ni Lexie na gawin iyan? Hindi ba girlfriend mo iyon?" I frowned at him. Hindi ba ganoon? Kapag nagkakaroon ng girlfriend ang isang lalaki ay mapipilitan silang putulin ang bad habits nila?

Kinunotan niya ako ng noo saka siya muling humithit. "Saan mo nanaman nasagap iyan?" Habang nagsasalita siya ay mas lumalabas na usok kaunting sa bibig niya. Napapangiwi talaga ako sa kanya.

"Sa snapchat, nakita ko yung snap ni Lexie sa'yo, Colton." hindi ko mapigilang hindi mapairap habang inaayos ang pagkakasabit ng backpack ko sa likod ko. Naalala ko nanaman iyong gabing 'yon. Nag-alala pa naman ako ngayon pala nakikipaglandian lang siya doon kay Lexie.

Umigting ang bagang niya. "Bakit ka kasi may snapchat?" inis niyang tanong.

I frowned. "Duh! Lahat yata ng tao ngayon may snapchat na!" Nakakaimbyerna talaga 'tong lalaking 'to. Bakit daw ako may snapchat? E, syempre, bakit naman hindi?

"Tangina, wala kang childhood!" Iling-iling niyang sabi at humithit ng huling beses sa kanyang sigarilyo at itinapon na niya ito sa damuhan.

"May childhood ako! Paano mo nasabing wala?!" Inis kong sabi. Nakakapikon siya!

"Tss... ang bata-bata mo kung ano-anong social media sites ang pinapasok mo— kayong dalawa ni Beatrix. Maglaro nga kayo minsan! Kaya ang ba-brat niyo, e." Reklamo niya habang tinatapakan ang sigarilyo niya sa may damuhan.

Napaawang ang bibig ko. "Excuse me?! Ano naman ngayon kung marami akong social media sites na alam! At—" natigilan ako nang bigla niyang pulutin iyong sigarilyo na tinapak-tapakan niya kanina. H'wag niyang sabihing sisindian niya uli iyon!

"Teka, bakit mo pa pinupulot 'yan?!" Gulat kong tanong.

Tiningnan niya ako saka nginisian. "Baka makita ni mama... Mahirap na." aniya at inilagay ang kamay niyang walang hawak na sigarilyo sa loob ng bulsa ng shorts niya saka naglakad paalis. Napanganga naman ako. See the attitude of that guy? Tita Helen doesn't even know that he's smoking and he has the decency to puff that cigarette in their property? Unbelievable!

"Hey, Jess! What are you doing there?" narinig ko ang sigaw ni Beatrix mula sa itaas. Nag-angat ako nang tingin sa may bandang right side. Nandoon siya sa balkonahe ng kanyang kwarto at nakatingin sa akin. Itinaas ko lang ang kamay ko para sabihing hintayin niya ako at tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay nila.

Pagpasok ko sa kwarto ni Beatrix ay nadatnan ko siya na nakaupo na sa kama niya at nakaharap sa laptop niya. Naisip ko tuloy ang sinabi ni Colton kanina. Wala daw akong childhood—kaming dalawa ni Jess.

"Hey, what do you wanna watch on Netflix today?" tanong ni Beatrix sa'kin habang sa screen pa rin ng laptop niya ang tingin. I pressed my lips together as I walk towards her. Tahimik akong umupo sa tabi niya at sinilip ang ginagawa niya.

"How 'bout this, hmm?" aniya at pinindot ang isang movie. I bit my bottom lip before clearing my throat.

"Trix, how old are we?" Tanong ko sa kanya. Kunot noo niya akong binalingan nang tingin.

"Twelve?" She replied, unsure with furrowed forehead.

"Exactly... Aren't we supposed to be playing dolls at this age?" Naisip ko kasi na may punto si Colton. Instead of engulfing ourselves with these gadgets and everything.

"Ew?" She cringed while looking at me unsure.

Natawa ako nang bahagya. "I agree." sabi ko na lang at piniling ang ulo ko. We used to play dolls when we're on the 1st grade but not anymore because we find ourselves stupid. Talking to a doll and moving its body in a way whatever you want. It's so controlling and sane.

Isinara niya ang laptop niya at tuluyan nang itinuon ang atensyon sa akin.

"So... What do you wanna do?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know... napaisip lang ako sa sinabi ni Colton. Wala daw tayong childhood." pag-amin ko.

Umirap siya sa kawalan. "Tss... Ganyan din sinabi niya sa'kin nung minsan." she paused and she gasped as if a bright idea crossed her mind.

"Siya na lang ang guluhin natin! Tanungin natin siya..." suhestiyon ni Beatrix at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kanyang kama. I wanted to protest and tell her that what she's thing was a bad idea pero wala na akong nagawa nang makalabas na siya ng kwarto niya. Dali-dali naman akong tumayo at sumunod sa kanya.

Paglabas namin ay kinatok ni Beatrix ang kwartong kaharapan ng kanya pero naiinip na kami ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din kami pinagbubuksan kaya si Beatrix na ang nagbukas at tumambad sa amin ang walang katao-taong kwarto ni Colton.

I haven't stepped inside his room ever but I can see from here that it's well orgnaized. For a messy guy like Colton, it's suprising to know that he has a well organized room.

Isinara ni Trix ang pintuan.

"Wala siya dito... Let's separate ways. Kapag ikaw ang nakakita sa kanya ay sabihin mo na ipinatatawag ko siya." Beatrix suggested. I just nodded my head at sinabayan na si Beatrix sa pagbaba. She went to the left side I went to the right side.

Palinga-linga ako habang mabagal na tinahak ang mga hakbang patungo sa may garden ni tita Helen ngunit walang Colton doon. Napakamot ako sa ulo ko. Why am I even looking for that guy? It's ironic how I always hope for Colton's absence every time I go here pero ngayon naman ay todo hanap ako sa kanya. Bahala na nga siya. I'm not gonna waste my precious time for him.

Tinahak ko na ang daan palabas sa garden ni tita Helen ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay napako ang aking mga paa sa damuhan. Bigla akong na curious dahil nakita ko si Mona doon sa spot kung saan naninigarilyo kanina si Colton. She's still in her uniform and she's holding a black flashdrive. Masungit ang kanyang aura habang palinga-linga sa may pintuan. Looks like she's anticipating for Colton.

Sa pagtitig ni Mona doon sa may pintuan ay bigla na lamang lumawak ang kanyang mga mata kaya naintriga ako at luminga rin ako sa may pintuan habang maingat na hindi lumikha ng ingay. Napansin ko kaagad si Colton na palabas ng bahay at umawang ang bibig niya nang makita na niya si Mona sa labas, nagpatuloy siya sa paglalakad para lapitan ito.

"Bakit ayaw mong pumasok?" bungad ni Colton sa kanya.

Umiling lamang siya at inilahad ang flashdrive na hawak niya kay Colton.

Kunot noong napatingin si Colton doon sa flashdrive pati na rin kay Mona.

Colton unconsciously wet his lips. "What's... what's that?" bakas pa rin ang pagkalito nito sa kanyang mukha at hindi alam kung kukunutan ba ng noo si Mona o ngingitian.

I bit the inside of my cheek. Why am I eavesdropping? Ugh.

"Powerpoint... Hindi ka kasi pumasok kanina. Bukas na tayo magde-defend diyan." Walang ganang sabi ni Mona. Nangunot ang aking noo. Why is this woman acting like that now? Parang noong huling kita ko lamang sa kanya ay todo siya kung makangiti kay Colton.

Napailing na ako ng bahagya dahil sa aking naisip. I get it. She's acting like this because she wants Colton to notice that he did something that didn't please her. This whole thing right in front of my eyes is the best example for irony. Mona's acting so cold, at parang napilitan lamang siya na magpunta dito para iabot kay Colton ang flashdrive. She shows no interest when in reality she really wanted to see Colton. At hindi talaga siya napilitan na magpunta dito para ibigay ang flashdrive but she used that flashdrive instead to come up with an excuse.

"Sana sinend mo na lang sa akin sa messenger o kaya naman sa group chat. Nag-abala ka pa..."aniya bago ito tuluyang kinuha mula sa kamay ni Mona. Exactly what I'm thinking, Colton.

God! Gusto kong matawa nang pagak. Why are these girls stooping so low for Colton? I don't see anything special in him bukod sa gwapo siya at malakas ang dating. And mind you, I'm immune to that oh-so-called "charms" of his. Grade one pa lang ako ay exposed na ako diyan kaya ngayon ay umay na umay na ako.

"Couldn't you just be grateful for once?" naningkit ang mga mata ni Mona kay Colton. His eyes widened.

"Woah, easy, Mona. I'm grateful, thanks." Ani Colton habang nagtatakang nakatingin dito. Pumikit ng mariin si Mona at si Colton ay taka lamang itong tiningnan.

"Mona?" untag niya dito.

Mona opened her eyes and my jaw slacked when I saw how gloomy they were.

"Ganyan ka ba talaga ka insensitive ko, Colton?!"

Napanga-nga ako nang singhalan niya si Colton. I saw his jaw clenched and furrowed his brows at Mona.

"I don't know what you're talking about..."

"Damn you! Can't you see?! Can't you fucking see?! I like you, Colton! Gustong-gusto kita noon pa! I thought we're good—"

"We're friends, Mona." Putol ni Colton.

Natawa ng pagak si Mona at tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Oh fudge, this is not good. This is not so good.

"Ha! Friends?! That's what you can offer?! I liked you since I was in 10th grade! Hindi pa man tayo magkaklase noon ay gustong-gusto na kita! Tapos si Lexie na kaka-break lang sa boyfriend niya ay kayo na ngayon?"

Umigting ang bagang ni Colton saka siya napapikit ng sandal ngunit puno ng diin iyon.

"Umuwi ka na, Mona." Nagtitimpi niyang sabi.

Mabilis na umiling si Mona at buong pait na tinitigan si Colton.

"No! Ano ba'ng meron kay Lexie na wala ako? I'm better than that bitch, Colton! Kayang-kaya ko pang lampasan ang mga ibinibigay niya sa'yo... please, Colton... Choose me. Ako na lang..." she was crying hard while saying those things that tasted bitter in her mouth. Nakaramdam ako ng habag kay Mona at lalo lamang akong nainis kay Colton.

As a girl, it pains me to Mona begging for Colton's love. A girl's dignity is as important as her life and it saddened me how Mona chooses to throw that away for a heartless guy like Colton Hale Ponce de Leon. That's a total suicide in her part.

"Mona, just get the fuck out, please!" pakiusap ni Colton at itinuro pa ang kanilang gate.

"Stop dismissing me! I'm so fucking done with you pushing me away! Lexie is no good for you, Colton. She'll just toy you! "

Colton shot her a deadly and sarcastic look. "Exactly, Mona. Lexie just wants to play around and so do I. She'll just toy me? That's fine. We'll toy each other then. Ngayon, umuwi ka na dahil hindi ako pumapatol sa mga babaeng hindi marunong maglaro."

Pareho kaming nagulat ni Mona sa tinuran ni Colton. Biglang umakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa aking ulo.

After hearing that nonsense coming from Colton's sinful mouth? I snapped.

"What a jerk! You are such a jerk Colton Hale Ponce de Leon!!!"

___________________________________________________________________