Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 2

Prinsesa

"Ma, ihahatid ko mamaya si Jess." Paalam bigla ni Colton kay tita Helen na nakaupo pa sa hapag. Nauna na kaming umalis ni Beatrix nang matapos kami at ako naman ay pabalik sana sa dining area para uminom ulit ng tubig. Pero seryoso pala siya sa sinabi niya kanina? Akala ko sinabi niya lang 'yon para patahimikin ako.

"Anong sasakyan niyo?" Dinig kong tanong ni tita Helen. Hindi pa rin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. I know that this is eavesdropping but I heard my name so I have all the rights to eavesdrop.

Hindi kaagad naka-imik si Colton.

"Gamit ng Papa mo ang sasakyan papuntang manila. Yung isa naman ay hiniram ni Philip."

Oo nga pala, nasa manila ang kompanya ni tito Ronan. Mabuti nga at dito pa rin sa Pampanga nakatira sina Beatrix. Ang alam ko si tita Helen ang mas gustong tumira dito kaysa sa manila. Pabor naman saakin 'yon dahil hindi na namin kailangang magkahiwalay ni Beatrix.

"Iniwan naman ni Phil yung motor niya, di'ba?" Dinig kong sabi ni Colton.

"Hindi, Colton! Baka kung mapano pa kayo ni Jess. Kung yung kotse ang gagamitin niyo ay papayag pa ako." Putol ni tita Helen. Kahit gusto ko ng umuwi ay may punto naman si tita. Akmang babalik na ulit ako sa sala pero bigla nanamang nagsalita si Colton kaya natigilan ako.

"Ma, naman... Alam mo namang hindi ko papabayaan si Jess." I flinched at Colton's persuasion.

"Bahala ka, Colton... Sumasakit na ang ulo ko sa'yo." Pagsuko ni tita Helen. Narinig kong nagsalita pa si Colton at naalarma ako mula dito sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga yabag ni Colton. I was about to move away but it's too late. Colton already saw me. I looked at him with stiffened body, wide eyes, and slacked jaw.

Ngumisi siya. "Magpaalam ka na. Iuuwi na kita sa palasyo mo..." His voice is solid but teasing.

"Huh?" Ilang beses akong napakurap.

"Kunwari ka pa. Narinig mo naman." Pang-aalaska niya. My cheeks heated.

I was about to protest but he already turned his back on me. Wala naman akong nagawa kung hindi titigan ng matalim ang kanyang likod. Bumuntong hininga ako bago naglakad papuntang sala. Nadatnan ko siya doon na may hawak-hawak na susi sakanyang daliri at pinaglalaruan iyon.

Inginuso niya si Beatrix na walang ka ide-ideya na nanood ng telebisyon.  Tinanguan ko siya bago ko nilapitan si Beatrix.

"Trix, uuwi na ako..." paalam ko sakanya.

"Nandiyan na ang sundo mo?"

"Ihahatid ko siya." Sabad ni Colton nang hindi ako kaagad na nakasagot. Pinaningkitan siya ng mga mata ni Beatrix.

"Siguraduhin mong maibabalik mo nang ligtas si Jess, Colton!"

"A little bruise won't hurt, right?" ngisi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at parang gusto ko nang umatras.

"Isusumbong talaga kita kay mama..." madilim na pagbabanta ni Beatrix sa kanyang kapatid.

Colton let out a low chuckle. "I was just kidding... Baka mapagutan ako nang ulo kapag nagalusan ang prinsesa." punong-puno nang pagkasarkastiko ang boses ni Colton at tinaasan pa ako nang mga kilay. I crinkled my nose at him.

Inirapan lang siya ni Beatrix at tumayo na siya para yakapin ako at magpaalam.

"Knock it off you two. Magkikita pa kayo bukas!" Palatak ni Colton. Wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang. Kahit kailan talaga ay napaka kontrabida niya sa buhay ko.

"Humawak ka," medyo irita niyang sabi saakin. Hanggang ngayon ay hindi pa din umaandar ang motor na sinasakyan namin dahil kakatapos lang naming magtalo tungkol sa helmet. Pinipilit niya akong magsuot ng ganoon e ang bigat-bigat noon sa ulo at ang laki-laki pa!

"Nakahawak naman ako!" Pabalang kong sagot. Totoo naman dahil nakahawak naman ako doon sa bar sa likod ng motor.

"Ang kulit mo! Kapag nahulog ka, gusto ko walang iiyak ah?" he warned. I crinkled my nose. Bakit ba napaka heartless ng isang 'to? Kapag nahulog ako ay gusto niya na h'wag akong umiyak? Aba! Siya kaya itong ihulog ko sa motor! Hindi na niya ako hinintay na sumagot at pinaandar na niya ang motorsiklo. Banayad at napakaingat niyang mag drive habang palabas kami ng gate nila pero noong nasa daan na kami ay bigla niyang binilisan. Dahilan upang masubsob ako sa likod niya at awtomatiko kong maikapit ang mga kamay ko sa bewang niya.

"Are you planning to kill me?!" My heart is thumping. Kinabahan ako doon sa bigla-bigla niyang pagmamaneho ng mabilis tapos ay babagalan niya rin naman. Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to! Ito ang kauna-unahang beses na nakasakay ako ng motorsiklo tapos ay ganito pa!

"Hahawak ka rin pala e." aniya at hindi pinansin ang tanong ko sakanya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ako sa bewang niya at simamahan pa iyon ng kurot dahil naiinis ako sakanya!

"Sana pala ay hindi mo na lang ako hinatid kung ihuhulog mo lang pala ako!" Inis kong sabi sakanya. Kahit kailan talaga ay wala siyang ibang ginawa kung hindi pagtripan ako! Kahit noon pa! Ang tanda-tanda na niya pero inaasar niya pa rin ako.

"Kaya nga kita pinapayakap sa bewang ko para h'wag kang mahulog! Ikaw itong napaka tigas ng ulo…" singhal niya saakin habang sa daan pa rin ang tingin. Natahimik naman ako sa sinabi niya. Ano ba'ng expect niya? Mas gusto ko ng kumapit sa likod kaysa sa bewang niya ano! Pero wala naman akong magawa kung hindi sumunod sakanya dahil natatakot akong mahulog.

Parehas na kaming hindi umimik sa biyahe. Malamig ang hangin na humahampas saaming dalawa at medyo madilim pa rin sa daan kahit na may mga ilaw na sa mga posteng dinadaanan namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi antukin lalo na't naging banayad na ang pagmamaneho ni Colton. Naghikab ako at mas lalong bumigat ang mga talukap ko.

"Jess…" Tawag niya saakin pero hindi ako nakasagot dahil naging sunod-sunod na ang paghikab ko.

"Anak ng… Jessica!" Mas linakasan niya pa ang pagtawag sa boses ko na naging dahilan para gumising ang diwa ko at makaramdam nang pagka taranta.

"Bakit?!" Iritado kong tanong sakanya.

Mula sa mga braso kong nakayakap sa bewang niya ay naramdaman ko ang pagbaba ng tiyan niya. Siguro ay bumuntong hininga siya.

"Akala ko tulog ka na…"

"Inaantok na nga ako e. Malayo pa ba tayo?" I whined. Maging ako ay hindi ko na makita masyado ang daan dahil sa nagtutubig na ang mga mata ko dahil sa kakahikab ko kanina.

Pumalatak siya. "Medyo. Pigilan mo na muna." walang pakialam niyang sagot.

"E, inaantok na nga ako!" inis kong sabi. Tapos idagdag mo pa ang lagkit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko. Nagmura siya at bigla niyang hininto ang motor niya sa gilid ng kalsada.

"Bakit ka tumigil?" Nagtataka kong tanong sakanya. Bumaba siya ng motorsiklo at hinarap ako.

"Baba," utos niya saakin. Hindi ako kaagad nakakilos at kunot noo ko lang siyang tinignan. Muli nanaman siyang nagmura at napairap sa kawalan bago niya ako hinawakan sa bewang at siya na mismo ang mabilis na nagbaba saakin. Napasinghap ako doon sa ginawa niya! Parang ang gaan-gaan ko lang nang buhatin niya ako!

Sabagay. Ikumpara mo naman ang katawan ng isang grade 12 student sa katawan ng isang grade 6 na katulad ko. Hanggang tigiliran lang yata niya ako e dahil talaga namang matangkad si Colton at maskuladong tao.

Pinunuod ko siya habang inaangat niya ang inuupuan namin kanina. Namangha ako! Pwede pala iyon? May hinahanap siyang kung ano doon at nang makita na niya ay napagtanto kong puting t-shirt iyon. Muli niyang ibinaba ang upuan namin kanina at kinuha yung susi sa gilid. Muli siyang sumakay sa motor at tinignan ako.

"Come on,"

"Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko sakanya.

"Sumakay ka na lang!" Singhal niya. I grit my teeth and glared at him. Sumampa na ako sa motorsiklo habang bumubulong. Umupak ako doon sa may apakan para makasampa ako ng maayos, alam ko naman kasing hindi ako tutulungan makasampa ng lalaking 'to e.

Nang tuluyan na akong makasampa ay kinuha niya ang dalawa kong kamay at ipinulupot sa bewang niya. Bago pa man ako makapag protesta ay naramdaman kong may telang bumalot sa likod ng aking mga pulso.

"W-what are you doing, Colton!?" Nagpapanic kong tanong. Mahigpit ang pagkakatali tela sa mga kamay ko sa may bewang niya. Hindi ako makawala.

"There… Pwede ka ng matulog ng hindi ako nag-aalala na baka mahulog ka." kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. An overwhelming feeling somehow rushed through me. He's not as bad as I thought.

Thank you.

Syempre, sinabi ko lang iyon sa isip ko dahil alam kong kapag totoo kong sinabi iyon ay aalaskahin niya lang ako. Muli nanaman niyang inistart ang motorsiklo ng kanyang pinsan at nagsimulang magmaneho. Biglang bumalik ang antok ko dahil muli nanamang humapas ang malamig na hangin saaking mukha at balat. Our ride home was like a lullaby that sang me to sleep. Unti-unting bumibigat ang talukap ko at hanggang sa dahan-dahang bumagsak ang ulo ko sa kanyang likod.

Nalingat ako nang may maramdaman akong dalawang hinalalaki na marahang humahaplos sa likod ng aking pulso. Mula sa pagkakasandal ng noo ko sa likod ng isang lalaki ay inangat ko iyon. Dahil sa paggalaw kong iyon ay parang napaso ang mga kamay na nakahawak saakin at ang mga hinalalaking humahaplos doon.

"Mabuti at gising ka na. Kanina pa tayo nandito." boses iyon ni Colton. Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng mga braso ko sa bewang niya, wala na pala yung t-shirt na nakatali doon. Nag-angat ng tingin sa paligid. I saw our gigantic gate on our side. Bagamat madilim ay napakaliwanag tignan ng aming mansion.

Maingat akong bumaba mula motor na sinasakyan namin at tinignan siya. The moonlight is reflecting on his face and that made him more look cooler than simply riding that motorcycle of his cousin. Maybe Ponce de Leons just never go out of style.

"Crush mo 'ko 'no?"

Biglang lumawak ang mga mata ko at lahat ng magagandang katangian niya na inipon ko sa utak ko ay naglaho na lamang na parang bula dahil lang sa biglaan niyang pagsasalita.

"Oh my gosh?! Ew!!" nakangiwi kong sabi. Ano nanaman ang pumasok sa marumi niyang utak? Kahit mahulog pa ang araw at magsama-sama ang mga bitwin at buwan ay hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya ano!

"Tangina kasi niyang titig mo, e… Nakakalusaw." nakangisi niyang sabi.

My heat flushed instantly. What the! Masama bang tumingin? Kapag ba tumingin ibig sabihin crush na kaagad?

"Ewan ko sayo! Papasok na ako!" Singhal ko sakanya at narinig ko naman ang pagtawa niya. Nakakairita talaga siya kahit kailan e. Bakit ba nagsalita pa siya? Inirapan ko siya bago mabilis na tumalikod at pumasok sa loob. Pinagbuksan kaagad ako ng gate ng guards at binati nila ako ngunit hindi ko na lang pinansin. Hanggang sa makarating ako sa kwarto ko ay salubong pa rin ang kilay ko. Dumako ang tingin ko sa likod ng aking pulso at napansin kong nagmarka yung tela na ipinantali niya doon at medyo namumula pa. Lalo akong naasar.

Dati akala ko ang talent lang ni Colton ay ang sirain ang araw ko, hindi ko alam na pati pala ang gabi ko ay kayang-kaya niyang sirain.

Nang mapatingin ako sa alarm clock ko na nasa nightstand ko ay bigla akong napabalikwas. Oh my God! It's already late! Kaagad akong tumakbo doon sa may bintana ng kwarto ko at hinawi ang makapal na kurtina. Saktong pagkasilip ko ay nakita ko ang Colton na nagmamaneho na paalis. Bigla akong nakaramdam ng kaba para sakanya. Malayo-layo pa ang biyahe niya pauwi!

Ni hindi ko man lang siya inalok na pumasok at hindi rin ako nagpasalamat.

Bigla akong nakonsensiya. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinext si Beatrix.

Me:

Jgh! I had a great time.

Hindi pa man narereply si Beatrix ay muli nanaman akong nag type ng message.

Me:

Please text me when Colton got home.

Hinintay ko talaga na magreply si Beatrix pero ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin akong natanggap. Hindi ako mapalagay at gising na gising na ang diwa ko.

Naisipan ko na lang na maligo muna saglit habang hinihintay ko ang reply ni Beatrix. At maging sa pagligo ko ay hindi ko pa ring maiwasang hindi mag overthink. Ayaw na ayaw akong pinapasakay ng motorsiklo ng mommy't daddy ko dahil marami silang nababalitaan na namamatay dahil doon. Different people with different reasons but same cause of death.

Ipiniling ko na lamang ang ulo. Why am I overthinking? Colton won't die tonight. Masamang damo 'yon e!

Binilisan ko na lang ang pagligo ko at pati na rin ang pagbibihis ko. I checked my phone and I got texts from Beatrix! Five minutes ago pa ang mga iyon pero nabuhayan ako bigla.

Beatrix:

I had a great time too!

Beatrix:

Wala pa siya e. Nag-aalala na rin si Mama. Akala niya ay hindi ka pa naiuuwi ni Colton.

My spirit has died again! I start typing a reply to Beatrix.

Me:

Paki sabi na lang kay tita na naiuwi akong safe ni Colton at kanina pa siya nakaalis dito. Sorry din sa abala. Basta, itext mo na lang ako kapag nakauwi na siya.

Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa gilid ng kama ko. Halos mapraning na ako dito pero kinalma ko na lang ang sarili ko. Pero paano kung may nangyari kay Colton? Kasalanan ko iyon at kahit na sinalo lahat ni Colton ang kagaguhan sa mundo ay hindi ko pa rin mapapatawad ang sarili ko. I chewed my bottom lip and the negative thoughts that are rushing through my mind were suddenly interrupted because of the tons of notification on my snapchat. They were from Beatrix. Kanina pa niya siguro sinend ang mga ito pero ngayon lang nag notify.

Pinindot ko ito kaagad. Hindi naman ako madalas mag post dito, ginagamit ko lang ito sa tuwing nagse-send ng snaps saakin si Beatrix. Pero kahit ganoon ay mayroon pa rin akong mga schoolmates na naga-add saakin. Imbes na buksan ko yung snap na sinend saakin ni Beatrix ay napansin ko yung update ni Lexie Sevilla.

Bagamat nag-appear lang ito bilang maliit na bilog ay pamilyar parin saakin kung sino ang laman ng snap niya. Pinindot ko iyon at tumambad sa akin ang isang picture nang babae at lalaking nagyayakapan. The guy's lips is pressed on the girl's nose and his large hand looks annoyingly perfect on the girl's back.

The girl in the picture was clinging to the guy like a koala bear and she's even smiling like she's having the time of her life.

Kahit na blurred ang kuha nang litrato ay alam na alam ko kung sino ang mga ito. The koala girl in a black sweater is Lexie and the guy in a red shirt was no other than Colton Ponce de Leon. Ganitong-ganito ang suot niya kanina.

Beatrix and I were best friends since the first grade and since then there's not a day that I don't see Colton. And my point here is, I have memorized Colton's face (even though I didn't want to) and I can pretty much recognize him in every possible angle that could ever think of.

I grit my teeth. The snapchat update was 49 minutes ago. Halos mabaliw na ako dito at handang-handa na akong sisihin ang sarili ko kapag may nangyari sakanya, ngayon pala ay nakikipag harutan lang siya? Tsk!

Muling akong nakatanggap ng text mula kay Beatrix.

Beatrix:

Gurl! Look at Lexie Sevilla's snap! Kaya pala wala pa si Colton sa bahay!

Gigil akong nagtype ng reply.

Me:

Ikr! Nakita ko nga. Gabing-gabi, kung ano-ano ginagawa!

Beatrix:

Ewan ko ba do'n. Makikipag date na lang sa alanganing oras pa! Kanina pa kaya nag-aalala si Mama.

Me:

Sabihin mo na kay tita Helen para h'wag na siyang mag-alala.

Beatrix:

Nasabi ko na at hayun, nagwawala.

Me:

Kasi naman yang kapatid mo ay walang pinipiling oras.

______________________________________