Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 1

Hatid

"Beatrix, bumaba na kayo diyan at handa na ang meryenda!" Dinig kong sigaw ni manang Sally mula sa labas ng kwarto ni Beatrix.

"Okay po, manang!" Sigaw ni Beatrix pabalik at nakangisi akong tinignan at tinaasan ng dalawang kilay.

"Narinig mo 'yon? Sigurado ako na bababa na rin sina Cyprian niyan!" Masigla niyang balita saakin. Impit naman akong napatili.

"Sa tingin mo namumukhaan niya pa ako?" Tanong ko.

Ngumuso siya at tinignan ako. "Oo naman! Isang linggo pa lang ang lumipas." Sagot niya.

Lumawak ang ngiti at ang kilig na nararamdaman ko pero kaagad din namang bumagsak ang balikat ko nang maalala kong hindi nga pala maganda ang dahilan ng pagkakaroon namin ng interaksyon.

"Edi naalala niya pa na ako yung babaeng natamaan ng bola sa ulo at naligo sa chocolate drink?" I whined.

"Tsk! Ano ka ba? Ayos lang 'yon! Maraming nagkakatuluyan sa mga ganyan."

I just shrugged. Sabagay, ganoon naman ang madalas mangyari sa TV di'ba?

Lumabas na kaming dalawa ni Beatrix sa kwarto niya at dinig ko pa rin ang mga halo-halong boses sa loob ng kwarto ni Colton. Mukhang nandito may ginagawa pa sila. Bumaba na kami ni Beatrix at dumiretso sa dining area nila. Nangningning ang mga mata ko nang makita ko ang carbonara sa hapag.

"Oh kayong dalawang dalagita, kumain na kayo bago pa bumaba ang sina Colton at ang mga kaklase niya."

Sabi ni manang Sally at ipinag-serve na kaming dalawa ni Beatrix. Magkatabi kaming umupo at kinain ang carbonara na niluto nila tita Helen at manang Sally.

"Sarap naman nito, manang!" hindi ko mapigilang sabi.

Tumawa siya ng bahagya. "Si Helen halos lahat ang nagluto niyan." Aniya. Napatango-tangoa naman ako. Kahit kailan talaga ay napakasarap magluto ni tita Helen. Habang tahimik kaming kumakain ni Beatrix ay narinig ko ang mga yabang ng mga paa na pababa ng hagdan at pati na rin ang tawanan at kwentuhan galing sa mga iba't-ibang boses.

I stiffened and Beatrix elbowed me. Nagkatinginan kaming dalawa at tinanguan ang isa't-isa. After that we were back in our business at patay malisya lang kaming dalawa. Pero ang pintig ng puso ko ay palakas ng palakas habang papalapit ng papalapit ang mga boses at yabag na naririnig ko.

"Sino niyan ang gagawa ng powerpoint?" Boses iyon ng isang lalaki.

"Nagtanong ka pa, ikaw na Ciel. Baka kay Colton mo pa ipagawa, hindi ka na nahiya!" Sunod ko namang narinig yung boses ng babae kanina. Ciel pala ang pangalan niya.

"H'wag na kayong mag-away diyan, ako na lang ang gagawa." Napatuwid ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Cyprian. Sabay kaming napatingin ni Beatrix sa may doorway nang isa-isa silang pumasok papunta dito sa dining area. Lahat silang apat ay nakatingin saamin. Dalawa lang ang hindi pamilyar saakin. Yung isang babae at yung isang lalaki na Ciel ang pangalan base sa pagkakarinig ko.

"Mga little sisters mo, Colton?" Tanong nung babae. Dumako naman ang tingin ko kay Colton na kasalukuyang may hawak na papel. Tumaas ang kilay niya nang makita ako.

"Hindi. Yung isa lang." Sagot niya habang saakin pa rin nakatingin.

Inirapan ko lang siya at binalingan ng tingin si Cyprian. He was kind of surprised when he saw me but he smiled eventually. I smiled back at him. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa pagkain para maitago ang kilig. Nakatanggap nanaman ako ng palihim na siko galing kay Beatrix.

"Alin diyan?" Tanong pa nung babae habang papalapit sila saamin. Nakaramdam ako ng iritasyon. Bakit ba gusto niyang malaman? She's nagger, for sure.

Isa-isa nilang inokupa ang mga bakanteng upuan sa dining table.

"Yung maganda." sagot ni Colton at umupo sa tapat ko at si Cyprian naman ay umupo sa tabi ni Colton na si Beatrix naman ang katapat. Nag-angat ako ng tingin kay Colton at sinamaan siya ng tingin. Si Beatrix naman ay patuloy lang sa pagkain at walang pakialam sa sinabi ng kanyang kuya. 'Cause she knows that Colton just said that to piss me.

"Are you kidding me? Pareho silang maganda so, alin diyan?" Natatawang sabi nung babae at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Beatrix.Yung Ciel naman ay umupo sa tabi ni Cyprian kaya yung babae yung katapat niya. I rolled my eyes mentally. I think she's just sucking up because she clearly has a crush on Colton.

I mean, she can fancy Colton all she want but Beatrix and I shouldn't be involved. And just a little piece of advice, mas mapapansin pa siya ni Colton kung lalaitin niya rin ako.  Acting nice towards me is a no, no, for Colton.

"Yung katabi mo yung kapatid niya, Mona." Sabad ni Ciel habang nagsasandok ng pasta sa plato niya.

"Ohh..." Mona said in amusement then she faced Beatrix. "Hi, I'm Mona. Ang cute mo naman." Matamis niyang nginitian ito. I waited for Beatrix reaction and my instincts told me right. She rolled her eyes at Mona and after that she continued eating like nothing happened. Natawa naman ako ng bahagya at itunuloy na rin ang pagkain ko.

Kitang-kita ang pagkabigla at pagkadismaya sa mukha ni Mona. Kung bakit kasi kung kausapin niya si Beatrix ay para siyang five year-old.

"Beatrix!" Saway ni Colton sa kapatid.

Nag-angat ng tingin si Beatrix.

"What?" She said lazily.

"Naku, Colton. Okay lang, sanay ako sa mga ganyan." Namumulang sabi ni Mona kay Colton.

"Ang hilig mo kasi sa mga bata kahit alam mo namang ayaw ka nila." Tumatawang sabi ni Ciel habang kumakain. I frowned at his choice of words. Bata? Gosh! Ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami! Napairap ako sa kawalan at di sinasadyang mapadako ang tingin kay Cyprian na kasalukuyan ring nakatingin saakin.

Bigla akong inubo at napainom na lang ako ng isang basong tubig na nasa gilid ko.

"You okay?" Beatrix checked.

I nodded. "Yeah."

"They're so cute." Mona commented.

I can still feel Cyprian's eyes on me so I was forced to act proper and behave. Gustong-gusto ko na talagang umirap sa kawalan dahil sa komento ni Mona pero pinigilan ko lang sang sarili ko.

"Mukhang close na close kayong dalawa ah." Puna niya saamin ni Beatrix. Muntik pa akong maubo nang magsalita siya at kausapin kami. Muli akong palahim na siniko ni Beatrix para ako na ang sumagot.

I smiled shyly. "O-oo... Magkaibigan na kasi kami since grade one." Sagot ko.

Napangiti siya. "Kaya pala hindi kayo mapaghiwalay..." Komento niya. "Ano pala ang gagawin niyong dalawa niyan?" Pahabol niyang tanong.

"Uhm... Mag-aaral kami para sa quiz namin sa math sa lunes." Nag-iwas ako ng tingin sakanya at sa pagkain ko na lang itinuon ang atensyon ko. Nakailang pagsisinungaling na ba ako ngayong araw?

"Math? Naku, kung minsan ay hindi ko rin maintindihan iyan." Natatawa niyang sabi at napakamot pa ng batok.

Lalo akong napangiti. "Parehas lang tayo. Ako nga palagi e." I said matter of factly. Gusto ko itong pag-uusap naman na para bang kami lang ang tao dito at hindi na alintana ang iba.

"Ang bilis mong nakasundo, Cyprian!" Naputol ang pag-uusap namin nang magkomento si Mona. Ugh! Mas lalo tuloy akong naiinis sakanya. Tumawa lang si Cyprian sa sinabi ni Mona at muli akong tinignan.

"Inggit ka nanaman, Mona." Ciel fired at Mona while enjoying his food. Akmang magsasalita pa sana si Cyprian pero biglang kinuha ng katabi niyang si Colton ang atensyon niya.

"Gets ko na kung paano nakuha..." sabi niya rito at ipinakita ang papel na hawak-hawak niya kanina.

"Ang bilis mo pre ah. Paano nakuha?"

Nag-igting ang bagang ko nang tuluyan ng maagaw ni Colton ang atensyon ni Cyprian mula saakin. If I know he just did it on purpose! Alam niya namang crush ko si Cyprian!

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nilang dalawa ay naisip kong gantihan si Colton.

"Cyprian..." tawag ko sa pangalan niya at kaagad ko namang nakuha ang atensyon niya. He smiled at me nicely, waiting for what I'm gonna say. Ramdam ko naman ang proud na proud na tingin ng katabi kong si Beatrix. Mukhang proud siya dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob para kausapin siya.

"Yung jacket mo, ibabalik ko na lang sa lunes." Sabi ko at nginitian ko siya.

"H'wag na, sa'yo na 'yon. Marami naman akong jacket." He said nicely. Kulang na lang ay maghugis puso na ang mga mata ko habang nakatitig saakanya at kulang na lang ay pati tenga ko ay pumalakpak na dahil sa tuwa. He's giving me his jacket!

"Bait naman... Vote Cyprian for grade 12 STEM representative!" Sarcastic na komento ni Ciel habang sa pagkain niya pa rin ang tingin.

"Siraulo ka talaga, Ciel." Natatawang sabi ni Mona. Hindi ko pinansin ang dalawa.

"S-sigurado ka?" Kay Cyprian pa rin ang atensyon ko.

Tumango-tango siya. "Oo naman."

Magsasalita pa sana ulit ako pero biglang tumikhim si Colton.

"Ang daldal mo, Jessica. Mamaya ka na makipag kwentuhan. May ginagawa kami." Suway niya saakin.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya pero wala akong masabi. Lalo na't nakatingin si Cyprian. Ayokong mag mukhang bad girl sakanya kapag sinagot ko si Colton. Akala ng Colton na 'to! Kapag umalis na sila Cyprian aawayin ko talaga siya.

"Hayaan mo lang, Cols... Mamaya mo na lang ituro kung paano nakuha." Pagtatanggol saakin ni Cyprian. Lihim naman akong napangiti pero kaagad itong bumalik sa pagsimangot nang makatanggap ako ng masamang tingin kay Colton. Kaagad din naman niyang ibinaling ang tingin sa katabi niyang si Cyprian.

"Ngayon na, bro. Para h'wag na tayong magahol sa oras... Aalis pa kayo diba?"

I groaned mentally. Kontrabida talaga si Colton sa buhay ko!

"Sige, pre..." Cyprian agreed and looked at me. "We'll talk later..." He smiled at me. His smile is so contagious kaya napangiti rin ako at tumango. OMG! Hindi na ako makapag hintay. Sana matapos na sila sa ginawa nila.

"OMG, Jess! Feeling ko talaga may chance kayo ni Cyprian! Kaya h'wag ka ng sumimangot diyan!" Kinikilig na sabi ni Beatrix habang nanonood kami dito sa sala nila.

I crinkled my nose. "Paano mo nasabi? Baka naman pinapalakas mo lang ang loob ko, Trix ha."

Sunod-sunod ang iling na ginawa niya. "No, Jess! The way he looks at you? Tapos ang bait niya pa sa'yo! Ikaw lang ang kinausap niya kanina! Feeling ko talaga may chance e..." Eksaherada niyang sabi.

"Asa..." awtomatiko kaming nakatingin kay Colton na nakasandal doorway at naka krus ang kanyang mga braso sakanyang dibdib. Parang lahat ng dugo ko ay biglang umakyat sa dugo ko. I hate Colton talaga! Kung sanang hinayaan na lang niya kaming mag-usap ni Cyprian kaninang kumakain sila! Ayan tuloy hindi na kami ulit nakapag-usap dahil nagmamadali siya kanina. Kasalanan niya 'to e.

"Anong 'asa'?! Meron naman talaga silang chance!"

"Wala." Pinagpipilitan niya talaga ang sakanya.

"Paano kapag meron?" Nanghahamon kong sabi. Maangas namang tumango-tango si Beatrix na nandito sa tabi ko at mas suportado ako kaysa sa sarili niyang kapatid.

"Umaasa ka pa. Wala naman talaga." Pambabara niya saakin at umalis mula sa pagkakasandal niya sa doorway saka siya humakbang papalapit saamin. Umupo siya sa one seater sofa at kinuha ang remote saka inilipat ng NASCAR ang pinapanuod namin.

"Ugh! There he goes again!" Beatrix groaned at walang magawa dahil hawak-hawak ni Colton ang remote.

Hindi ko iyon pinansin.

"Paano nga kapag meron?" Ipinagpatuloy ko ang topic namin kanina. He jerked his head to look at me.

Ngumisi siya. "Grow some boobies first." aniya at pinasadahan ng tingin ang dibdib ko. Napayakap naman ako sa sarili ko.

"Ugh you!"

"We're just grade six, Colton! What do you expect?" Nakangiwing sabi ni Beatrix.

"You'll eat your words, Colton. I'll make sure of that!"

He made a face. "Sure." Kampante niyang sabi at muling ibinalik ang atensyon sa panonood.

"Watch me!" Dagdag ko pa. Akala niya huh? Kapag nalaman kong may chance talaga kami ni Cyprian siya naman ang bu-bwisitin ko.

"Cool." Tamad niyang komento.

"Go prove him that he's wrong, Jess!"

"Anong kaguluhan nanaman ito?" Bahagyang natatawang sabi ni tita Helen na kakapasok lamang.

"Si Colton!" Sabay naming sabi ni Beatrix. Nag make face lang si Colton habang nasa TV pa rin ang atensyon.

Gustong-gusto niyang pinapanuod yung racing. Hindi ba siya nahihilo? Ako kasi yung nahihilo sakanya. Wala namang interesting na nangyayari. Unless umusok yung isa sa mga sasakyan.

"Mag 'kuya' nga kayong dalawa... Ikaw naman Colton ang tanda-tanda mo na inaasar mo pa ang kapatid mo pati si Jess."

"Si Jessica lang, Ma." Nakuha niya pang itama ang sinabi ni tita Helen! Napailing na lang si tita sakanya at binalingan kami ng tingin.

"Nag text pala ang Mama mo saakin, Jess. Mamaya ka pa daw masusundo... Umalis kasi sila." Balita niya saakin.

"Mga anong oras daw po, tita?" hindi ko maitago ang pagkadismaya sa boses ko. I love in here but I want to go home already and change into my pajamas.

"Hindi sinabi e. Pero dito ka na muna mag dinner... Magluluto na muna kami ni Manang Sally para makakain na kayo." Aniya. Tipid akong ngumiti at tumango. Umalis na si tita Helen para magpunta ng kusina. Kami nanamang tatlo ang nandito.

I yawned and groaned softly. "Ano kayang oras nila ako masusundo?"

Beatrix shrugged. "Text mo..." Aniya. Umiling ako. Hindi rin naman nila ako marereplyan dahil huli na kapag nabasa nila ang text ko. Siguro magkasama sila ni Daddy tapos si kuya Mon ang inutusang mag drive ni Daddy.

"Gusto ko ng umuwi..." I whined.

Beatrix gave me an 'ouch' look. "Ayaw mo na dito?" Ngumuso siya.

"Gusto ko!" Agap ko. "Pero syempre inaantok na ako... Tapos ang lagkit pa ng pakiramdam ko." Sabi ko at isinandal ang baba ko sa arm rest ng sofa na inuupuan namin ni Beatrix. Kahit gaano pa ako kasaya na kasama ko ang bestfriend ko, hindi ko pa rin talaga maiwasang hanap-hanapin ang saamin. There's really no place like home.

"Sabagay..."

"Sana sandali lang sila 'no?" Sabi ko pa kay Beatrix at pilit na pinapagaan ang loob ko.

"Ihahatid na lang kita sa mansyon mo pagkatapos nating kumain..." Biglang sabi ni Colton na nakatingin ngayon saamin ni Beatrix. Nakikinig pala siya sa usapan namin.

Napaawang ang bibig ko. "Really?" I'm still amused and confused. Ano ang nakain ni Colton at bakit parang ang bait naman ata niya?

"Oo. Ang ingay mo, e. Nakakarindi ka." Walang gana niyang sabi na ikinalaglag ng aking panga. Akala ko naman bumait na siya.

_________________________________