The Girl With Secret Cry (Tagalog)

🇵🇭XtremeWriter
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 41.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"What is this?"

Hindi natutuwang ipinakita ni Criselda ang plane ticket sa anak niyang si Jaycee.

"Plane ticket!" Malamig na sagot ni Jaycee na parang hindi ito big deal.

"Alam ko! Why do you have this?"

Lumapit si Criselda para harapin ang anak.

"Answer me! Why do you still want to go back to that poor land? Okay na'ng buhay mo dito. Maayos tayo dito. Hindi mo na kailangang bumalik pa sa lugar na 'yan!"

Hindi nagustuhan ni Jaycee ang tinuran ng ina.

"Wala akong nakikitang masama kung babalik ako sa Pilipinas Ma. Bakit ba kung makapagsalita ka, parang tinatalikuran mo na ang bansang pinanggalingan natin?"

"Bakit ba kasi hindi mo maiwan-iwan ang bansang 'yan?"

"Because my heart is there!" Mariing sagot ni Jaycee.

"Hindi ako papayag na bumalik ka sa Pilipinas."

Hinanda ni Criselda ang plane ticket para punitin ito ngunit mabilis itong hinablot ni Jaycee.

"You can't stop me now Ma! I'm old enough to decide for myself. Mula pagkabata ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin lahat ng gusto mo. Even if my friends were mocking me and tagging me as Mama's boy, tiniis ko 'yun kasi Nanay kita. Ilang taon akong nagtiis magpasakal sa 'yo dahil lagi kong iniisip ang salitang respeto. Pero ibang usapan na kung patuloy mo akong ikukulong sa isang lugar na hindi ko naman talaga gusto."

Hindi nakaimik si Criselda sa lalim ng mga sinambit ni Jaycee.

"With or without your approval, I'm going back to the Philippines! Kung ayaw mong bumalik, 'wag kang mandamay!"

Tuluyan siyang naglakad patungo sa kaniyang kwarto.

"Jaycee! Jaycee, come back here. I'm not yet done with you!"

Nagkunwari na lang siyang wala siyang naririnig.

Sampung taon siya nang lumipad sila ng Nanay niya sa London. Mula noon ay hindi na siya nakabalik pa ng Pilipinas. 25 years old na siya ngayon. Labinlimang taon na siyang hindi nakakaapak sa Pinas.

Naalala pa niya kung gaano siya sobrang umiyak nang umalis sila dahil ayaw niyang iwan ang kinalakhan niya.

Napa-hawak siya sa kwintas niya pagpasok niya ng kwarto. Ito ang pinaka-iniingatan niyang kwintas. Ang pendant nito ay isang singsing na yari sa plastik. Bigay ito ng kalaro niyang si Grasya noon.

Dinukot niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at tinawagan si Echo, ang pinakamaaasahan niyang pinsan.

"Oh pinsan! What's up?" Sambit ni Echo.

"Tuloy na tuloy na'ng pag-uwi ko!"

"Pumayag na si Auntie?"

Natahimik si Jaycee at narinig niya ang tunog ng elevator sa kabilang linya. Alam na ni Echo ang ibig sabihin nito.

"Eh di hindi ka pa sure!" Bawi ni Echo.

Ilang beses na rin kasing tinangka ni Jaycee na umuwi noon ngunit laging hindi natutuloy.

"Pero sana matuloy ka na ngayon pinsan!"

"This time hindi na kailangan ang approval niya para makauwi ako diyan."

"Naku baka--"

Naputol ang sinasabi ni Echo at kasunod nun ay nakarinig si Jaycee ng tatlong magkakasunod na putok ng baril sa kabilang linya.

"Putok ng baril ba 'yun?" Rinig ni Jaycee na tanong ng babae.

Hindi narinig ni Jaycee ang sagot ni Echo ngunit hinuha niya'y tumango ito.

"Insan, narinig mo rin ba 'yun?"

"Oo! Ba't asan ka!?" Pagtataka ni Jaycee.

"Naka-duty ako ngayon dito sa hotel kasama 'yung kinukwento ko sa 'yong napaka-sungit, si Graciella!"

"Prangkahan? Andito ako oh! Naririnig ko lahat ng sinasabi mo, wala ka talagang respeto sa mga babae!"

Hindi maiwasan ni Jaycee ang mapangiti sa tinuran ni Graciella.

"Bakit totoo namang masungit ka ah! Menopausal baby ka ba ha?"

"Pinsan, hayaan mo na!" Pagpapakalma ni Jaycee ngunit wala siyang nahintay na sagot.

"Echo, andiyan ka pa ba?"

Nakarinig siya ng mga yapak. Tila ang kausap niya sa kabilang linya'y nagmamadali.

Pinakiramdaman na lang ni Jayvee ang mga nangyayari.

"Papunta siya sa direksyon natin. Hindi niya tayo pwedeng makita baka tayo ang isunod niya!" Rinig niyang sambit ni Echo.

Muli siyang nakarinig ng mga yapak.

"Pinsan, ano'ng nangyayari? Okay lang ba kayo?" Nagsisimula na siyang mag-alala.

Narinig niya ang mabibilis na yapak.

"Hindi tayo pwedeng sumakay diyan. Malalaman niyang may tao 'pag tumunog ang elevator," Muling sambit ni Echo.

"Eh sa'n tayo pupunta?"

Ramdam niya ang pag-aalala sa boses ni Graciella.

"Okay lang ba kayo diyan?" Muling tanong ni Jaycee.

"Wala na tayong choice," sambit ni Graciella.

Muli niyang narinig ang kanilang pagtakbo. Mayamaya pa'y biglang nagkaroon ng katahimikan at namatay ang tawag.