Chereads / The Girl With Secret Cry (Tagalog) / Chapter 7 - Chapter 6 - Reunited

Chapter 7 - Chapter 6 - Reunited

One month after.

(Graciella's PoV)

Kinakaya ko dahil pinipilit kong kayanin. Hindi na siguro maibabalik 'yung dati kong saya. Siguro nga, habambuhay ko nang papasanin guilt sa naging desisyon kong ikubli ang katotohanan ngunit hindi pa rin ako handang baguhin ito dahil ayoko pa ring mas maraming tao ang madamay dahil sa 'kin. Napilitan akong magpanggap na walang alam sa nangyari. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ulit nakakausap si Echo. Hindi pa rin ako nakakapagbigay paliwanag sa hindi ko pagtupad sa pangako kong susunod ako para tulungan siya. Hanggang ngayon, nako-konsensiya pa rin ako sa ginawa ko. Nahihirapan pa rin ako pero kailangan kong ipagpatuloy ang buhay. Ipagdarasal ko na lang na gumawa ng ibang paraan ang Diyos upang mailabas ang totoo nang hindi sa pamamagitan ko.

Itiniklop ko ang maliit kong diary at inilagay ito sa aking bag. Naisip kong magsulat ng diary. Lahat kasi ng tao sa paligid ko, hindi ko kayang pagsabihan at pagkatiwalaan ng sikreto dahil lahat sila, pwedeng madamay kaya dito ko na lang isinulat lahat ng alam ko maging mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kahit kanino. Pakiramdam ko kasi, tuluyan na akong nawalan ng kakampi.

Humarap ako sa aking salamin dito sa aking kwarto habang nakasabit ang bag ko sa 'king balikat at tuluyan akong lumabas sa bahay.

Nag-resign na ako sa hotel na pinagta-trabahuan ko para makalimot at maka-recover (hopefully) sa mga nangyari.

Dumiretso ako sa bago kong trabaho. Doon ako sa isang flowershop ngayon nagwo-work. Minsan taga-deliver ng mga bouquet at ilang mga chocolates and cakes, depende sa kung ano ang gusto ng client na ipadala sa mga taong mahal nila.

At least dito, sa pamamagitan ng deliveries, napapaalalahanan ko ang sarili ko na may mga tao pa rin namang totoong nagmamahalan. Malas ko nga lang at sa 'kin napunta 'yung mga taong fake maliban na lang kay AJ. Si Tatay naman kasi totoo naman 'yung pagmamahal niya sa 'kin 'yun nga lang biktima rin siya ng fake evidence.

"Good morning!" sambit ko pagdating ko roon.

"Good morning!" Masayang bati sa 'kin ni Desiree, ang ka-work ko na kahit papaano'y kasundo ko. Medyo ilang na nga lang ako kung totoo nga ba ang pinapakita niya. Matapos kasi lahat ng pinagdaanan ko, mas naging maingat na ako sa pagtitiwala sa mga tao.

"May mga deliveries na ba?"

"Yes girl meron na!"

"Sa isang unit malapit sa address na 'to!"

May ipinakita siya sa 'king address.

"One bouquet of flowers and chocolates. By 10 am daw dapat na-i-deliver na."

"Ah sige."

Napa-tingin ako sa 'king relo. 9:00 am.

"Medyo malapit lang naman 'yun kaya aabot 'to."

"Bilib talaga ako sa enthusiasm mo girl," sambit niya. Nginitian ko lang siya at kinuha ko ang mga ide-deliver.

"Wish me luck!" Sambit ko sa kaniya.

"Good luck!" Sambit naman niya.

Agad akong pumara ng masasakyan. Buti na lang at mayroon agad humintong jeep.

Siksikan at halos hindi na ako makaupo sa sobrang liit na ng space. No choice. Kung hindi ako sasakay ngayon, baka mas lalong hindi na ako makasakay. Kailangan ko lang ingatan ang aking hawak na bulaklak at chocolate dahil kung hindi, mananagot talaga ako. Wala pa man din akong pampalit sa mga 'to.

Thirty minutes akong nangawit sa upuan dahil sa traffic. Grabe! Kailan ba kasi mapupuksa ang traffic dito. Pahirap talaga. Sulyap na rin ako nang sulyap sa aking relo. Baka ma-late ako.

Lampas na ng 30 minutes. Hindi pa rin ako nakakarating. Hindi ako pwedeng ma-late. Malapit nang mag-alas diyes.

Patuloy pa rin ang traffic ngunit buti na lang may iba ring bumababa kaya nakaupo na rin ako nang maayos.

Hay, salamat!

Napahinga ako nang malalim nang makarating ako roon.

Agad akong pumasok sa building para i-deliver ang hawak ko sa room 502.

Agad akong sumakay ng elevator. Mayamaya pa'y biglang nag-ring ang aking cellphone.

Tumatawag si Red.

"Hello, Red!"

"Dumaan ako dito sa flower shop. Nag-deliver ka raw."

"Ah oo!"

"Ano asan ka na niyan? Kailangan mo ba ng tulong?" Pag-aalala niya.

Wagas kasi talaga siya mag-care. Kahit sa maliliit na bagay, chini-check niya ako kung kailangan ko ng tulong.

"Hindi na. Andito na ako," masaya kong sambit.

Kung bibigyan niyo ako ng award, siguro deserve ko ang pagiging Best Actress sa galing kong magpanggap kay Red. Never niya akong tinanong kung may gap between me at sa Tatay niya o kung may dinadala akong mabigat. Ginalingan ko sa pag-ku-kunwari para hindi niya malaman ang mga nangyari one month ago nung wala siya.

"Siguro mas maganda kung may service ka na lang para hindi ka mahirapan. May extra car sa bahay. Pwede mong gamitin 'yun. Tutal marunong ka namang mag-drive---"

"Red," Pagputol ko sa sinasabi niya.

" 'Yan ka na naman eh! Okay lang ako at kaya ko namang mag-commute. Na-e-enjoy ko pa rin naman ang trabaho ko."

"Naisip ko lang kasi na baka mas maganda kung may gagamitin kang--"

"Hindi na kailangan. Gaya ng sabi ko, okay lang ako."

"Kung ganoon, do me a favor!"

"Ano?"

"Use that spare car I am telling---"

"You do me a favor!" Muli kong pagputol sa kaniya. Akala siguro niya maiisahan niya ako.

Siyempre kung mapilit siya, mas mapilit ako.

Lumabas ako ng elevator at naglakad ako patungo sa room.

"Hayaan mo akong mag-commute."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Ok fine! But in case you change your mind, it's always available for you."

"Sige. Got to go Red. Malapit na ako sa room."

"Yes ma'am. Keep your smile!" Paalala niya.

"Salamat."

Napabuntong-hininga ako nang patayin ko ang tawag. Hindi ko na naman maiwasang maging malungkot. I feel guilty knowing that I'm not showing the real me to the person who cares the most. I'm smiling when I'm really sad.

Lumiko ako papunta sa room nang bigla akong may naka-banggang lalaking paliko rin.

"S-sorry!" Sambit niya.

Nabitiwan ko ang bouquet which is hindi dapat dahil masisira ito 'pag bumagsak. Napabitiw ako sa chocolate para saluhin ang bulaklak. Nasalo naman ng kamay ko ngunit hindi ko nasalo ng maayos kaya gumulong ulit to pababa. Sinubukan kong saluhin gamit ang isa ko pang kamay ngunit hindi ito sumakto. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang hinihintay itong bumagsak sa floor.

Nakita kong nasalo ito nung naka-bangga sa 'kin kaya naka-hinga ako nang maluwag.

"I'm really sorry, Miss," pag-uulit niya.

Napa-harap ako sa kaniya. Natigilan ako. Hindi ko 'to napansin kanina pero...

Napa-kurap-kurap ako.

Gusto kong magpasalamat na siya ang naka-bangga sa 'kin. Siguro kahit nasira sana 'yung bulaklak, mapapatawad ko siya.

Napa-lunok ako.

Bakit ang perfect ng itsura niya?

Mayroon siyang maayos na tindig. He has an athletic built. Matangkad siya. Makinis ang kaniyang mukha. Sakto lang ang puti niya na bumabagay sa kaniya. Wavy ang kaniyang buhok at mayroon siyang side bangs. Ang mga mata niya ay kulay abo na tila nang-aakit kung tumingin. Matangos ang kaniyang ilong na bumagay sa hugis ng kaniyang mukha. Oo, malakas ang dating niya as in super duper lakas ng dating niya. Kung di lang ako strong, kanina pa ako na-fall.

"Miss are you still there?"

"H-huh? O-oo naman," tumango-tango pa ako para mas dama.

Napa-lingon ako sa chocolate na nahulog. Yumuko ako para kunin ito nang saktong yumuko rin siya kaya't sabay naming nahawakan ang chocolate. Sabay na rin namin itong napulot hanggang sa nakatayo na ulit kami. Binitiwan niya ang chocolate ngunit bigla niyang iniangat ang aking kamay. Ang parehong kamay na humawak sa chocolate.

Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. Hindi ko nagustuhan ang inasta niya ngunit tila wala akong lakas ng loob na kontrahin siya.

"G-Grasya?"

Naka-pako ang kaniyang mga tingin sa aking singsing.

"T-tinawag mo akong Grasya?"

Hindi pa rin niya binibitiwan ang aking kamay.

Gamit ang isa niyang kamay, inilabas niya ang  kwintas sa ilalim ng  kaniyang damit at nakita ko ang kulay pink na singsing na binigay ko dati sa aking kababata.

"J-Jayjay?"